Prologue | chapter one | two | three | four |
Labis ang pagtataka ng ibang nilalang sa tinuran ng bravus. Malubha na ang sakit ng babae kaya imposible na ang pagliligtas dito.
"Paano?" pagtataka ng duwende. "Anong naiisip mong paraan?"
"Lahat ng paraan gagawin ko!" matigas na sagot ng bravus. "Gusto kong maging masaya. Gusto mapabilang sa inyo."
Lumapit sa bravus ang nymph. "Hinahanap ng babae ang kanyang asawa," wika ng maliit na diwata. "Siguro makakatulong kung igawa mo siya ng magandang panaginip para lumakas ang loob niya at lumaban sa kanyang sakit."
"Magandang ideya! Susubukan kong kunin ang sisidlan ng alaala ng kanyang asawa."
Tumingin ang nymph sa kabuuan ng bravus. "Pero..." Naintindihan ng bravus ang kahalugan ng mga tingin na iyon.
"Pero ano?" tanong ng dwende. Hindi niya mahagilap sa kanyang isipan ang gustong ipahiwatig ng mga tingin ng diwata sa bravus.
"Wala na akong kakayahan itago muli ang aking anyo," bulgar ng bravus. "Kapag inilantad ko ang aking anyo, mawawala na ang aking kakayahang di makita ng kahit anong nilalang.."
"Pero nakikita ka naman talaga ng bata?" may pagkalitong usisa ng dwende.
Mapaglarong umikot ang diwata sa dwende. Dumapo sa balikat nito. "Alam naman nating may kakayahan talaga ang bata na makita ang lahat."
"Gagamitin ko na lang ang aking bilis para makabalik sa aming lugar!" Tumayo ang bravus para kumilos. Buo na sa loob niyang mapabilang sa kaibigan ng bata.
"Mag-iingat ka!"
"Oo. Babalik ako para makasama din ang bata." Lumapit siya sa bata at nagpaalam. "Makikipaglaro ako sa'yo pagbalik ko.."
Sa isang iglap ay nawala sa paningin ng lahat ang bravus. Kumilos ito gamit ang pambihirang bilis para hindi makita ng iba pang nilalang. Maingat siya sa kanyang mga kilos.
Subalit bigla siyang napahinto dala ng pagkamangha sa paligid. Tinitigan niya ang mga ulap sa kalangitan na noon ay hindi niya nakita. Naaliw siya sa huni ng mga ibon na noon ay hindi niya naririnig. Dumampi ang hangin sa kanyang balat na noon ay hindi niya nararamdaman. Nakita niya ang kanyang itsura sa tubig at gumuhit ang ngiti na noon ay hindi niya napapagmasdan.
"Gusto kong manatili sa lugar na ito pagbalik ko," pangako niya sa kanyang sarili at nagpatuloy muli sa kanyang paglalakbay.
Tinungo agad niya ang imbakan ng pangarap, alaala at emosyon para hanapin ang sisidlan na kanyang pakay. Naging palatandaan niya ang itsura ng babae kaya madali niyang natukoy ang sisidlan. Humakbang siya palabas nang biglang nasukol siya ng mga bantay. Nabitawan niya sa sahig ang sisidlan.
Ipinaliwag niya sa mga gwardiya na siya ay isang bravus. Subalit nabigo siyang mapaniwala ang mga ito dahil hindi alam ng mga gwardiya ang itsura ng bravus. Itinuring siya kriminal kaya dinala siya sa pinunong Arneb para litisin.
Nagtipon-tipon ang mga nilalang sa upang litisin ang lumabag sa batas na bravus. Hindi pa man nagsisimula ay may hatol na ang mga manonood.
Nagsimulang magtanong ang Arneb, "Malaya kang sabihin ang panig mo nilalang. Anong nilalang ka at napadpad ka dito?"
"Isa po akong bravus pinunong Arneb."
Laking gulat ng Arneb sa tinuran ng nasasakdal. "Bakit ka sumagot?"
"Tinanong nyo po ako kaya sumagot ako. Isa akong bravus."
"Hindi ka bravus. Bakit may kakayahan kang magsalita?"
"Pinuno, alam n'yo naman na kaya naming magsalita! Pinagkaitan nyo lang kami ng karapatan," katwiran ng bravus.
"Magaling!" sigaw ng Arneb. "Mga nilalang dito, nakikita n'yo ba ang nasaksakdal?"
"Opo!!!" Malakas na sigaw ng mga manonood. "Sinungaling siya!"
"Kung isa kang bravus, walang makakakita sa'yo. Hindi ka mahuhuli ng mga bantay," sabat ng pinuno ng mga bantay.
"Sinuway ko po ang batas. Nagawa ko pong ilantad ang aking sarili sa mundo ng mga tao."
Umugong ang sigawan sa bulwagan. Hindi sila makapaniwala na may susuway sa utos.
"Nilalang bakit nagawa mo sa akin ito? Wala pang sumusuway sa batas na itinakda!" galit na wika ng Arneb.
"Naawa po ako sa bata. Gusto kong iligtas ang kanyang ina!"
Bahagyang napamaang ang Arneb. "Hindi mo naiintindihan! " Isa kang bravus, hindi ka tao. Nakatakda siyang mamatay kaya hindi mo dapat sinuway ang aking utos."
"Maaring hindi ko nga po naiintindihan. Pero bakit hindi n'yo kami bigyan ng karapatan tulad ng ibang nilalang. Pambirang pagkakataon na makita ang paligid, madama ang hangin, madinig ang huni ng mga ibon," mababa ang boses ng bravus dahil alam niyang imposible nang makabalik siya at ituloy ang planong tulungan ang ina ng bata.
"Lahat ay may tungkulin. At ang tungkulin mo lang ay sumunod kaya di mo kailangan ng anumang karapatan!" Tumayo ang Arneb at ibinigay ang desisyon sa pinuno ng mga bantay.
Nagsimulang ilahad sa lahat ang hatol. "Hahatulan ka ng kamatayan sa pamamagitan ng latigo. Gusto mong makakita? Tingnan mo ang pagdaloy ng dugo s iyong katawan. Gusto mong makadinig? Pakingnan mo ang tunog ng hampas ng latigo sa iyong katawan. Gusto mong makapagsalita? Isigaw mo ang bawat salitang lalabas sa iyong bibig dahil sa sakit. Gusto mong makadama? Damhin mo ang unti-unti mong kamatayan!"
itutuloy...
one chapter to go..