Prologue
Maliit, mabilis kumilos subalit mahina ang mga bravus kaya sa panaginip sila umaatake. Ginagamit nila ang kanilang bilis para hindi mapansin. Tanging ang Arneb, pinuno ng mga bampira at bravus, ang nakakakita sa kanila.
Ang bravus ay may paningin pero animo'y bulag sila dahil bawal silang tumingin. Sila ay mga bingi kahit may pandinig. Sila ay mga pipi kahit kaya nilang magsalita. Wala silang emosyon kahit nakakaramdam sila. Ang pwede lang nilang gawin ay sundin ang nakaatas na trabaho sa kanila. Ang magnakaw ng emosyon.
"Bampira!" Nagtatakbo ang isang lalaki matapos ang pagsulpot ng bampira. "Tulong!"
"Bwahahaha!" Nagtawa ang bampira. Nasukol niya ang biktima sa isang eskinita.
"Lagot ka ngayon!" Mula sa likuran may matulis na bagay ang tumama sa bampira. "Nahulog ka din sa aming patibong!!!" Ilang saglit lang ay naging abo ang bampira.
"Salamat punong babaylan," wika ng isang lalaki.
"Walang anuman. Hanga ako sa lakas ng loob mong isugal ang iyong buhay para gawing pain sa bampira."
"Handa po akong gawin lahat para maubos ang lahi ng bampira."
"Punong babaylan, paano naman po ang anak kong nabaliw?" singit ng isang humahangos na matandang babae.
"Mga bravus ang may pakana ng pagkabaliw ng iyong anak."
"Kung kailangan kong maging pain, payag ako. Magamot lang ang aking anak."
Umiling ang babaylan. "Wala pang nakakakita sa bravus kundi ang biktima. Kaya ang biktima din ang may kakayahang labanan ang kanyang pagkabaliw."
"May paraan ba para maubos ang bravus? Marami na silang nabibiktima!"
"May paraan pero mahirap. Kailangang mamatay ang nag-uutos sa mga bravus."
"Ang Arneb?"
"Oo ang Arneb. Pero ang Arneb ay nanahan sa bawat isa sa atin. Para mamatay ang Arneb kailangang maalis ang poot, inggit, pagnanasa, galit at paghihiganti sa puso ng bawat tao," wika ng babaylan.
"Mahirap nga at nakapaimposible."
"Sa ngayon, nalipol na natin ang lahi ng bampira magiging bihira na lang ang pagkilos ng mga bravus."
Noong una bago umatake ang mga bampira, sumusugod muna ang mga bravus para maging mahina ang napiling biktima. Nagsisilbing tagapaglikod ng bampira ang mga bravus. Dahil sa pagkaubos ng mga bampira, naging minimal na ang kanilang pagkilos. Saka lang sila umaatake kapag nauubos na ang inimbak nilang emosyon ng tao na pinagkukunan ng lakas nila.
May matalim na mga pangil ang mga bravus na ginagamit nila upang kagatin ang leeg at makapasok sa panaginip ng tao. Inilalagay nila ang mga alaala ng tao sa isang sidsidlan upang tuluyan mawala ang emosyon. Pinapalitan nila ng takot ang isip ng tao para lumakas ang Arneb at upang mabaliw o mamatay ang biktima.
Inutusan ng Arneb ang mga bravus na palaganapin ang takot sa bawat tao. Bawat tao ay may kanya-kanyang panaginip na nakalaan. Walang karapatan ang bravus na sumuway sa utos dahil iyon ang kanilang trabaho.
Isang gabi, nagluwal ng isang sanggol ang isang pasyente sa ospital. Masaya ang mag-asawa dahil mahabang panahon ang kanilang ipinaghintay bago magkaanak. Isang malusog na batang lalaki ang ipinakita sa kanila ng doktor. Subalit nakatakdang mamatay ang sanggol. Pumasok na sa bata ang bravus. Hindi nakaramdam ng awa ang bravus dahil maaring makaapekto sa kanilang trabaho kung magpapakita sila ng emosyon.
"Doc, bumababa ang vital signs ng sanggol," wika ng isang nurse.
"Ano? Malusog na iniluwal ang sanggol! Normal ang lahat kanina." gulat na pagtataka ng doktor sa biglang panghihina ng sanggol. "Dali kunin mo ang mga gamit!"
Subalit bago pa makakilos ang nurse. Pumanaw na ang sanggol.
itutuloy.....
-------
salamat kay brian rafael sa drawing..
you may visit his drawings here.