Skinpress Rss

Bravus - Chapter Two


Prologue | chapter one |





Walang pinipiling biktima ang bravus. Anumang kasarian, edad, lahi, estado sa buhay ay pwedeng maging biktima. Kung kailan? Walang nakakaalam.


"Anak anong ginagawa mo dyan?" tanong ng babaeng nasa edad na hindi hihigit sa trenta. "Pumasok ka na, maggagabi na."


"Hinihintay ko po ang dating ng tatay," sagot ng bata. "Baka po uuwi na siya ngayon."

Natigilan ang babae. Gabi-gabing umaasa ang kanyang anak na babalik pa ang ama nito pero matagal ng silang iniwan. Pinabayaan. Bumagsak ng luha niya ng hindi niya namamalayan.

Lumapit siya sa bata. Hinawakan niya ang balikat ng anak at inakay papasok. "Hindi na babalik ang tatay anak." Pinahid niya ng luhang gumuhit sa pisngi.

"Bakit po? Sana po bumalik siya."

"Sana na nga anak." Nagkulong siya sa kwarto pagkatapos pumasok. Ibinuhos niya ang luhang kanina pa pinipigilang bumagsak. Pagod na ang kanyang puso sa paghihintay ng pagbalik ng asawa. Napaidlip ang babae.


Natakpan ng maitim na ulap ang liwanag ng buwan. Lumakas ang alulong ng mga aso. Nilukob ng malamig na hangin ang paligid. Lumikha ng ingay ang mga chimes na nakasabit sa may pintuan dahil sa hangin. May kumikilos na bravus. Lumitaw ang nilalang dahil sa depresyon naghahari sa puso at isip ng babae. Depresyong nagpapahina sa katauhan.

"May tao? Tatay?" Tumakbo ang bata patungo sa may pintuan sa pag-aakalang dumating ang ama. "Tatay?"

Mabilis na kumilos ang bravus. Sinamantala niya ang mahimbing na pagtulog ng tumatangis na ina. Inilabas niya ang matalim na pangil. Kinagat sa leeg ang napiling biktima. Pumasok siya sa panaginip. Binura niya ang masayang alaala ng babae at pinalitan ng matinding kalungkutan.

"Inay, nagugutom na po ako. Gising na po," wika na bata.

Kinusot ng ina ang kanyang mata. Tiningnan ang anak. "Halika, hindi ka na magugutom."

"Ihahanda ko na po ang mga plato." Tumakbo ang bata papunta sa kusina at masiglang inihanda ang mga plato. Isa para sa kanya, sa ina at sa ama kahit hindi naman ito makakasabay kumain.

"Hindi na magugutom ang anak ko. Uuwi na si Rogelio," matamlay na wika ng babae. Kakaiba ang ikinikilos ng babae. Nawala na sa tamang pag-iisip. Kinuha niya ang kutsilyo sa likod ng lumang water jug. Inihasa ng ilang ulit. "Hindi na magugutom ang anak ko. Uuwi na si Rogelio."

"Matagala kayo inay? Tutulungan ko po kayo."

Tatayo na sana ang bata pero pinigilan siya ng ina. Humakbang ang babae. Marahan. Bilang na bilang.

"Hindi na magugutom ang anak ko."

"Inay? May sakit po ba kayo?" Hindi nagsalita ang babae. Niyakap niya ang anak. Isa. Dalawa. Tatlo. Inaaaaaaaaay!!!!"

Nagmamakaawa ang bata pero bingi ang ina. Makailang ulit na tinanggap ng murang katawan ng bata ang talim ng kutsilyo. Umagos sa sahig ang pulang likido. Nagmarka sa patalim ilang bahagi ng laman ng bata. Halos lumuwa ang bituka ng bata sa dami ng natamong saksak.

"Hindi ka na magugutom ang anak ko. Uuwi na si Rogelio."


"Mare?! Mare? Bakit sumigaw ang inaanak ko?" pag-alaala ng kabitbahay.

"Umuwi na ba si Rogelio? Hindi na magugutom ang anak ko."

"Diyos ko! Bakit puno ka ng dugo?" Pumasok siya ng bahay. Sumambulat sa kanya ang duguang bata. Inaabot pa niya ang huling pagkilos ng bata at pagbula ng dugo sa bibig ng paslit. "Diyos ko po!!!"

"Hindi na siya magugutom."



itutuloy.....