Skinpress Rss

LRT (Love and Relation Transit) part 9


love and relation transit  part 1
love and relation transit part 2
love and relation transit part 3
love and relation transit part 4
love and relation transit part 5
love and relation transit part 6
love and relation transit part 7
 love and relation transit part 8


Natiglan ako. Alam ko naman na si Nhovelle ang kausap ko pero pangalan ni Realiza ang nabanggit ko. Noong mga sandaling naglapat ang aming mga labi, mukha din ni Realiza ang nakita ko gayung matagal na kaming hindi nagkikita o nag-usap ni Realiza. Hindi ko maintindihan ang nangyayari.

Binasag niya ang katahimikan ko. "Sino si Realiza? Louie?" patuloy na usisa ni Nhovelle.

"Siya yung babaeng nagpatibok ng aking puso noong nasa Pilipinas pa ako," depensa ko agad.

"Akala ko ba wala kang girlfriend?"

"Wala nga." mabilis na sagot ko. "Hindi naman naging kami. Naudlot dahil sa pag-alis ko patungo dito sa Singapore." Nagsimula akong magkwento. Nasabi ko kung ano, saan at paano nabuo ang pagmamahalan namin ni Realiza na naudlot dahil sa aking pangarap. May mga bagay na hindi ko kayang sabihin dahil alam kong susugat yun sa damadamin ni Nhovelle. 

"Kamukha ko ba siya? Kapareho ng kilos? Kaugali? Kaboses siguro?" iritadong boses ni Nhovelle.

"Hindi." mababang sagot ko. "Patawarin mo ako. Nabigla lang ako."

"Louie, tatlong taon ka na sa Singapore. Siya pa rin ba ang laman ng puso mo? Siya rin ba ang iiniisip mo? All this time kala ko ko masaya tayo. Yun pala ikaw lang." Humakbang palayo si Nhovelle halatang nabigla sa mga nangyari. "Hindi ko ba siya kayang pantayan? Hindi mo ba ako nagustuhan?"

"Gusto kita Nhovelle!" mabilis na sagot ko. "M-mahal.."

"Mahal? Wala kang alam sa pagmamahal Louie. Lagi kang tumatakas. Iniiwan ang taong nagpapahalaga sa'yo." Bumagsak ang luha ni Nhovelle. "Posibleng maulit sa akin yun dahil hindi ka naman mananatili dito sa Singapore." Huminga siya ng malalim saka muling nagsalita. "Alam mo kung ano ang masakit para sa aming mga babae? Yung oras na kailangan umalis ng minamahal pero wala kaming magawa dahil wala namang nabuong relasyon. Walang pinanghahawakan, walang karapatan at higit sa lahat ang pinakamasakit ay umasa na babalikan."


Wala akong maidahalan. Tama lahat ng sinasabi niya. "Patawarin mo ako. Hindi ko maitatanggi na nasa puso ko pa si Realiza. Binuhay mo ang lahat ng alaala. Hindi ko yun sinasadya kahit ako man ay naguguluhan."

Itinaas ni Nhovelle ang dalawang kamay tanda ng pagsuko. "Umalis ka na Louie." utos niya. Unti-unti ng gumagawa ng marka sa pisngi ang luha ni Nhovelle. "Hindi ako galit sa'yo Louie. Gusto ko lang hanapin mo ang puso mo. Bumalik ka ng Pilipinas. Marami pang trabaho ang naghihintay sa'yo pero ang puso ay sa isa lang nakalaan."

"Wala na akong babalikan. May boyfriend na si Realiza. Gusto ko kasama ka. Hayaan mo akong magsimula kasama mo."

"Hindi! Huwag kang duwag!" bulyaw niya. "Ayusin mo kung anuman ang meron sa inyo, alam ko hinihintay ka niya. Humaguhol si Nhovelle. "Kung hindi ka na niya tanggapin..... pwede bang bumalik ka sa akin Loiue? Maghihintay ako. Maghihintay....."

Tumakbo palayo si Nhovelle. Wala siyang pakialam sa sinumang nakakarinig ng malakas niyang hagulhol. Umihip ang hangin. Ramdam ko ang pagtama ng luha niya sa aking braso.. Nagtatalo ang isip at puso ko kung susundin ko ang mga sinabi niya. Sa Sandaling panahon ay nagkaroon siya ng puwang sa aking puso. Napakabait niya para basta na lang iwan. Para saktan. Bakit ko ba hinayaan mahulog ang loob ng isang babae na alam kong may ibang laman pa ang aking puso?


Bumalik ako ng Woodlands at nag-isip kung sasakay na ba ako ng eroplano bukas o mananatili na lang ako dito sa Singapore. Dahil nahihirapan ako magdecide at hindi pa rin naman ako handa matulog, gamit ang elevator bumaba ako papunta sa cocktail lounge ng tinitirahan ko. Maingay ang lugar, umupo ako sa may bar at umorder ng scotch. Nanonood ako ng news sa local channel kahit hindi ako interesado sa balita at hindi rin makakatulong sa problema ko ang pagtaas at pagbaba ng stock exchange.

Sa aking kanan ay dalawang lalaking nag-uusap kung paano ang gagawing proposal. Bagamat makaluma ang style nila sigurado naman hindi na siya tatanggihan ng sinumang babae dahil mahal din yata yung singsing na hawak niya. Sayang kung tatanggihan lang. Dalawang upuan mula naman sa aking kaliwa ay isang babaeng nakayakap sa kanyang minamahal. Hindi ko alam kung ano relasyon nila basta naririnig ko lang nagsasalita siya ng sweet words of love. Parang sobra  ang coincidence ng lahat. Tinutulangan siguro ako ng mga singkit na to na magdecide o iniingit lang nila ako.


"Have a nice day!" bati ng flight steward matapos makalanding sa NAIA.

"I guess we made it," sagot ko. Kumunot ang noo ng babae tanda na hindi niya naintindihan ang ibig kong sabihin. Kanina ko pa kasi iniisip na bumagsak na lang ang eroplano para hindi ako padalos dalos sa mga desisyon. Kung nagcrash, I would be dead-so there tapos ang problema.Baon ang salita ni Nhovelle bumalik ako ng Pilipinas. Nagfile muna ako ng indefinite leave. Hindi ko alam kung tama ang ginawa ko. Nagpunta ako ng Pinas para malaman kung mahal pa ako ni Realiza. Kung hindi na, babalik ako ng Singapore para kay Nhovelle. Rebound? Pambihirang babae. Napakaswerte ko naman. Kung sakaling hindi na nga ako mahal ni Realiza mas gugustuhin ko na lang manatili sa Pilipinas. Wala na akong mukhang ihaharap pa kay Nhovelle.

"Tao po. Tita Chit? Nasa loob po ba kayo?" sigaw ko mula sa labas nga gate.

"Sino yan?" Pilit akong tinatanaw ni Tita Chit mula sa bintanang yari sa kulay asul na salamin bago tuluyang lumabas ng pintuan.

"Sino po sila?" pagtataka ni Tita Chit habang binubuksan ang gate.


"Si Louie tita."

"Louie? Ah si Loiue. Ay hindi kita nakilala. Pasok! Pasok!. Pumasok ako ng bahay, naupo sa sofa at nagtungo ng kusina si tita Chit para kumuha ng maiinom. "Sobrang bumilog ka. Akala ko 5 years ka pa?"


"Nakabakasyon po ako. Namiss ko po kasi ang usok ng LRT." 

"Kahit kelan palabiro ka. Bakit ka nga pala naparito?" wika niya habang iniaabot ang juice sa akin.

"Ah eh. Si Realiza po?"

"Naku lumipat na siya ng Manila simula nung nagkawork siya dun. Teka i-text ko."

"Kamusta naman po siya?"

"Siya o sila?" Tinapik ang balikat ko. "Alam ko umaasa ka pa rin pero sana this time kaya mo ng pangatawanan ang pagmamahal mo. Ayaw kong umiyak muli siya. Si Paul naman eh malayo ang loob sa akin pero his a good guy."

"Kung may pag-asa at pagkakataon pa po handa na akong isugal lahat para sa kanya. Yun nga lang ang problema malaki ang naitulong sa kanya ni Paul mula sa simula pa."

"Gaano mo ba kamahal si Realiza?" tanong ni tita Chit.


"Hindi ko alam Tita. Kulang ang salita. Kulang ang mga paliwanag. Walang sukatan. Kung may salitang hihigit sa pagmamahal yun siguro ang para kay Realiza."

"Kumukulot ang bangs ko. Kung may salitang hahaba pa sa hair niya yun ang para sa kanya." natatawang kabig ni tita Chit habang ibinibigay ang papel na may address ni Realiza.

"Salamat tita. This time hindi ko na siya hayaan mawala."

"Goodluck! Ang tanong hayaan ka kaya ni Paul. Nasa bahay daw si Realiza nagtext na." Ngumiti na lang ako saka tuluyang umalis.


Natagalan ako makapasok ng LRT hindi dahil sa lakas ng busina ng tren kundi dahil sa alinlangan o pagdududa na tatanggapin pa ako ni Realiza. Habang yakap ko ang posteng bakal sa loob ng LRT ay unti -unti ko ng nakikinita ang maaring mangyari. Ilan kayang sampal ang dadapo sa aking adorable na mukha o ilang paliwanag ang dapat kung sabihin para ako ay kanyang tanggapin.

Ilang kanto mula sa Carriedo Station nakatira si Realiza. Baon ang kaba at excitement tinungo ko agad ang address ni Realiza. Gugulatin ko siya. Nasabi ko kay Tita Chit na huwag babanggitin na pupunta ako  para hindi naman ako pagsarahan ng pintuan.

Ready na ako. Nasa gilid na ako ng bahay ng matanaw ko si Realiza. Ngunit hindi ko inaasahan na ako ang magugulat. Bumaba ng kotse si Paul. Sinalubong siya ni Realiza ng matamis na halik na sa akin dati. Napahawak ako sa aking labi. Para akong pakong pinukpok sa pader. Nagtago ako labas ang ulo. Nakita kong pumasok sila sa loob ng bahay. Sari-saring kademonyohan ang pumasok sa aking ulo. Hindi ito maari. Ang princesa ko ay may prinsipe na at ako ay nanatiling kawal na puno ng palaso sa katawan galing sa pana ng kaaway.

Bago pa ako pagkamalang  magnanakaw nagtungo ako sa tindihan para bumili ng dyaryo hindi para basahin kundi para gawin panakip sa mukha. Gusto kong mag-espiya. Kahit ilang oras pa ang ipaghintay ko ay handa akong gawin. Nandito na ako kaya dapat hindi na ako panghinaan ng loob.  Halos magpicnic na ako sa harap ng tindahan sa katunayan nangalay na ang panga ko sa kakanguya ng boy bawang. Mokong na yun ayaw talaga lumabas. 

Kumuha ako ng bato. Sinugurado ko muna na walang nakatingin. Pasimple kong inihagis sa ere. Ayos! Sapol ang hood ng auto ni Paul. Tumunog ang sirena ng kotse. Tingnan ko na lang kung hindi ka pa lumabas dyan kapalit yan ng pagkapurga ko sa mais at softdrinks. Tulad ng aking inaasahan tagumpay ang aking plano. Lumabas si Paul kasama si Realiza. Minasdan ko sila. Hindi naman gulo ang buhok at damit nila. Madumi lang siguro ang isip ko noong mga sandaling yun. Napailing si Paul dahil malaki ang gasgas ng sasakyan. Napalakas yata ang hagis ko. Sa inis siguro ay pilit niyang hinanap kung saan nanggaling ang bato. Ilang saglit pa ay nagpaalam na si Paul.

Pinalipas ko muna ang ilang minuto para hindi ako obvious sa krimen na ginawa ko. Gamit ang salamin ng nakahimpil na trak ng basura ay sinipat ko muna kung presentable pa rin ako. Walang pinagbago. Natural na gwapo. Handa na akong magdahilan este magpaliwanag kay Realiza. 

"Tao po? May dalaga po ba sa loob?" natatawang wika ko. Tinakpan ko ang aking mukha para may excitement.

"Sino yan?" pagtataka ni Realiza.

"Isang binatang mataas tumalon."

Hindi nagsalita si Realiza sa halip ay matinding yakap ang ibinigay niya sa akin. Hindi ko na pala kailangan magpaliwanag. Mabait talaga siya.

"Louie! Salamat bumalik ka na. Wala kang pinagbago mayabang ka pa rin." naiiyak pang wika ni Realiza.

"Kaw din chubby ka pa rin." Hindi ko maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng mga yakap na yun. Tanda ba yun na namiss niya lang ako, pagmamahal o pinagnanasahan lang niya  ako. " Hindi mo ba ako papasukin? Kapag pinasok mo ako may sasabihin ako sa'yo."

"Ayaw mo sa dito sa sala?"

"Private. Para enjoy."

"Maganda?"

"The best Realiza."

"Matatawa ba ako?"

"Gugulong ka sa saya."

"Ano pang hinihintay mo pasok na tayo Louie." Pinauna na niya akong pumasok ng pinto. Bago pa kaming tuluyang makapasok niyakap niya ako mula sa likuran. Nagsimula siya umiyak. Halatang hindi dahil sa kasiyahan na nakita ako. Hindi ko maintindihan.

"Sasabihin mo  ba o huhulaan ko na lang?" Patuloy ang kanyang paghagulhol.

"Si Paul.."