Matagal ko na din palang hindi nakakasakay sa jeep si Kim Manimtim. Hindi kami magkakilala. Nabasa ko lang yung name niya sa nameplate niya. Madalas kasi kapag papasok ako nakakatapat ko siya ng upuan. Napapatingin ako sa kanya kasi maganda yung mata, ewan ko ba kung baket attracted ako sa mga chinita. Nursing student sa Lyceum halos kasakay ko siya araw-araw kapag papasok ako sa opisina. Ngayon hindi ko na siya nakikita. Siguro natakot na sa akin. Napansin siguro na tumitingin ako sa dibdib niya pero tiningnan ko lang naman yun para malaman yung nakasulat sa nameplate niya. Medyo maliit ang mga letters pero malinaw pa sa mata ng pusa ang mata ko kaya nabasa ko na Kim Manitim nursing batch 2011 ang nasa nameplate niya. Sa bilis ng imagination ko kung pwedeng palitan ng surname ko yung Manimtim. Bagay naman e tsaka baka sawa na siya na sa apelyido niya eh willing akong idikit yung saken. Aba teka bakit ako ba sinasabi to e hindi naman ito ang topic ko.
Siguro in connection na din sa pagpapalit ng apelyido. Kaninang umaga may isang babae ang lumapit sa akin habang naghihintay ako ng pamapasaherong jeep. Nagtanong siya kung saan ang bahay nina panjo. Since mabait ako sa mga taong madalas maligaw at magtanong ng nawawalang tao ay buong gilas kong itinuro ang bahay namin. Maliksi naman siyang tinungo ang bahay namin. Siguro nakalimang beses siyang tumatawag sa bahay pero walang nalabas na tao. Natural! Kasi ako lang ang nag-iisang nakatira doon. Nilapitan niya yung tiyahan ko kung nasaan yung nakatira doon. Siyempre itinuro ako ng chubby kong tiyahin.
Bumalik sa akin ang babae ng medyo padabog.
"Eh naman kuya ikaw pala si Panjo!!" sabi niya akmang pang sisipain ako na feeling close na kami.
"Hindi ba bahay ang hinahanap mo? Kaya itinuro ko ang bahay namin," sagot ko naman.
"e-Ehe naman yun na rin yun. Kasi naman nautusan lang ako ni kuya. Hindi naman kita kilala."
"Anu bang atin? May utang din ba ako sa kanya?" Iniaabot niya ang isang wedding invitation. May nahulog pang maliit na papel. May note.
"HOY PANJO! KELAN KA MAG-AASAWA? =p"
langyang invitation may pang-aasar pa. Wala ngang mapakasalan. Kahit nga kalandian e wala din. Hinanap ko ang pangalan ko. Aba tagasindi ng kandila. Sino naman kaya ang kawawang pakner ko. Wah kasama na naman si Michael sa kasalan ito kagulo na naman. Can't wait na sa kalokohan ito. =p
Sumakay na ako ng jeep. Hindi ko nakasakay si Kim.