love and relation transit part 1 love and relation transit part 2 love and relation transit part 3 love and relation transit part 4 love and relation transit part 5 love and relation transit part 6 Handa na ako para marinig ang sasabihin ni Realiza. Kung pwede lang palakihin ang tenga, ginawa ko na.
"Galing sa favorite movie ko na When Harry Met Sally. Ehem! To be mature you have to be an adult.. but to be in love you have to be nothing but a human being with a heart...i have found that out by being with you."
Natahimik ang lahat. Wala yatang nakagets. Nagningning ang aking mata matapos maabsorb ang meaning. Napangiti ako na parang model ng close-up. Wala akong ipinakitang reaksyon para hindi mahalatang nakiliti ang bumbunan ko.
"Nakakaiyak naman! Sana tagalog para naintindihan," biro ko. Napuno ng tawanan ang buong lugar. Wala nga yatang nakagets. Nakatawag din ng pansin sa ibang guest ang aming usapan. Maraming natawa sa iba pang pinag-usapan. Na-flattered ako sa mga nagsabing bagay kami at very lucky couple. Matapos ang discussion, inilibot kami ni Ms. Dina sa buong Villa. Wala ang atensiyon ko sa mga ipinapaliwanag niya. Ang gusto ko lang malaman ay kung ano ang ibig sabihin ng mga salitang binitawan ni Realiza. Dapat ko ba itong bigyan ng kahulugan o ipaubaya na lang kay batman.
Tumigil na ang ulan. Nag-umpisa ng maging itim ang kaninang bughaw na langit. Unti-unti ng nabubuhay ang mga ilaw sa mga poste sa daan. Nagtago na ang haring araw. Maggagabi na. Masyado kaming nalibang sa pamamasyal namin. Uwian na.
Nasa bus pa lang kami ng may magtext sa akin. Palihim kong binasa noong nakita ko kung kanino nagmula.
"Ayos ba? Pasalamat ka ako ang duty ngayon. Pasensiya na nga pala sa english ko." sabi ng nagtext.
Nagreply agad ako ng mabilis dahil nakikita ako ni Realiza na napapangiti.
"Salamat ate Dina sa bahay na lang tayo mag-usap." Hindi ko napigilan ngumiti matapos ipadala ang message. Malaking tulong sa aking ang pagiging empleyado ni ate Dina sa farm.
"Louie, kanina ka pa nakangiti diyan ah baka naengkanto ka na." biro ni Realiza.
"Naalala ko lang yung mga nangyari kanina. Ang kulog, yung activity parang lahat pumabor sa'yo."
"Aba! aba! Hoy mister kung alam ko lang na ganun e."
"Kung alam mo eh ano?" sabat ko agad. Hindi ko na siya hinayaan pang magsalita. "Nagsisisi ka ba?"
"Hindi Louie, masaya ako. Ngayon na lang ulit ako nakaranas ng ganoong excitement kung pwede nga lagi akong bumalik sa lugar na yun," emosyonal na pahayag niya.
"Ah. ako masaya rin." Hinawakan ko kamay ni Realiza. "Sana laging may kulog."
"Puro ka naman kalokohan kung kelan seryoso na ang usapan!" tumalikod siya sa akin. Tumahimik.
"Galit ka ba?" Nanatili siyang tahimik. "Realiza?"
Ilang saglit pa ay narinig ko na siyang naghihilik. Natawa na lang ako. Ilang berdeng demonyo ang tumukso sa akin na halikan ko siya. Pero napigilan ko. Ayaw tumigil. Nagtatalo ang isip at puso ko. Pinilit ako ng mga berdeng demonyo kaya pinagbigyan ko na sila. Hinalikan ko ng bahagya sa pisngi si Realiza. Minasdan ko muli ang mula sa bintana ng sasakyan ang buwan. Humiling ako sa maliwanag na bagay sa langit na sana ay hindi matapos ang kasiyahan.
Lumipas ang oras, araw at buwan. Naging madalas ang pagkikita namin ni Realiza. Ayaw ko magtanong kung mahal na n'ya rin ako dahil hindi ako handa kung rejection ang maririnig ko. Masaya naman kung anumang tawag sa status namin kahit alam kong umaaligid pa rin si Paul. Hindi na din ako interesado malaman dahil ayaw kong magselos ng wala sa lugar. Masaya ako iyon ang mahalaga.
Sa opisina, tinatamad na naman akong magtrabaho. Binubura ko ang tinatype ko para i-type ulit. Tubig na lang ang kulang pwede ng umandar ang mga memo na ginawa ko ng bangkang papel. Boredom! Si Realiza lang palagi ang laman ng utak ko. Gusto ko ng mag-uwian.
"Loiue, punta ka raw sa office ni Sir. Congrats nga pala!" si Jane. Ang taong laging may dalang kamalasan sa buhay ko. Madalas sermon o kaya major revision nga mga trabaho ko.
Napakamot ako sa ulo. Wala ng mabisang dahilan para lumusot kahit pa siguro humingi ako ng tulong sa sangkatutak na pokemon o kaya sa powers ni doraemon. Ako na naman ang masama at ako na naman ang amo ni Lucifer. Kung pwede lang mag-time space warp kasama ni Fuuma Lear ginawa ko na para makatakas papunta sa ibang lugar. Saan naman ako pupunta? Siyempre sa puso ni Realiza. Tatlo lang naman ang role ko sa buhay ang magpagalitan, mapagtawanan at magmahal. Aysus! mawawalan ng career ang bubuyog sa kasweetan ko.
Bago pa ako tuluyang pumasok sa opisina ni bossing, nakikinita ko na ang mala-dragon na mukha ni bossing tapos ako naman ang emisaryo mula sa "Planet of the Apes".
"S-sir, pinapatawag n'yo daw ako e." maamong tinig ko. Medyo may pagkaplastic pero pwede ng pagtiyagaan ang maala-anghel na boses ko.
"Grab a chair and have a sit Louie." Kinuha ko agad ang pinakamakulay upuan para kung sakaling lumiit sa sermon ay madali akong mare-recognized. "Well Louie, our client prefer to stay with as long as we can support their upcoming projects at ang napili nilang design and concept ay sa'yo. At ayaw kong mawala sila kaya ikaw ang in-charge sa project na to coz you know the idea."
"Sige sir. I will do my best."
"I'll mark your word and one more thing sa Singapore ang project. In two days aalis ka na." Nabigla ako. Dati lang lagi niya akong pinapagalitan dahil sa pamali-mali kong project. Palagay ko lang ayaw na niya ako makita kaya ako ang itinapon niya. Pero matagal ko na rin pangarap na makasama sa Singapore project.
"You can count on me sir!" mayabang na sagot ko. "Sir ilang days nga pala para makapagpaaalam ako sa parents ko?"
"Louie... Louie... Louie." Halos tumatak ang pangalan ko sa buong wall ng opisa nahihilo na rin ako sa kakaikot niya. Kung alam ko lang na tatayo siya hindi na ako kumuha ng upuan. Umarkela na lang dapat kami ng tsubibo. "Not days, five years. five years."
"Five years!" tumaas ang eyeballs ko. Asset na ako ng company. Naalis lahat ng sakit ng kasu-kasuan ko.
Dumiretso na agad ako sa bahay nina Realiza para makausap siya ng masinsinan. Ayaw kong mawala siya sa akin at ayaw ko rin i-turn down ang offer. Nagtatalo ang puso at isip ko pero sa simula pa lang may desisyon na ako. Wala pang status ang lovelife namin kaya wala pa akong pinanghahawakan sa kanya. Mahal ko siya. Gusto ko lang makapagpaalam ng maayos. Hindi ko alam kung may babalikan pa ako.
"So, aalis ka pala. Swerte mo naman!" Excited na wika ni Realiza.
"Sobrang mamimiss kita. Yung mga pinagsamahan natin."
"Aw ang seryoso parang hindi na babalik ah."
"Realiza. Five years." mahinang wika ko.
"What! five years! tagal nga." naglakad palayo si Realiza.
"Ayaw kong mawalay sa'yo pero ito na ang chance para may mapatunayan sa sarili ko. Mahal kita Realiza alam mo yan."
"Paano ko panghahawakan ang pag-ibig mo na walang kasiguraduhan? Sinanay mo ako ng nandiyan ka. Ngayon bigla ka naman aalis." Hindi pa man lubos na bumabagsak ang luha ay agad na itong pinahid ni Realiza.
"Mahal mo ba ako Realiza?"
"Para ano pa kung malaman mo? Mapipigilan ba kita? Maiiwan ba ang puso mo dito?"
Tumungo lang ako. Ayaw kong kakitaan ako ng anumang kahinaan. Nagbalik sa aking mga alaala ang mga bagay na nagtulay sa aming pagsasama. Ang LRT, ang bus, ang farm at and ID.
"Pagbalik ko Realiza itatanong ko ulit sa'yo ang mga salitang yan. Pagbalik ko sana may sagot na."
Tuluyang bumagsak ang luha ni Realiza.
"Madaya ka talaga Louie!" Itinulak niya ako. "Akala mo ba hindi ko alam na hinahalikan mo ako kapag tulog ako sa byahe. Akala mo ba hindi ko alam yakap mo ako nun. Bakit hindi mo gawin ngayong gising ako. Bakit?"
Naglapat ang aming mga labi. Kasunod ang walang katapusang pamamaaalam.
itutuloy....