Alas-singko pa lang ng umaga ay gising na si Rodney. Ngayon kasi ang kanyang interview matapos makatanggap ng invitation sa kanyang e-mail. Palibhasa ay fresh graduate, excited siya sa kanyang unang interview. Naligo agad siya, kumain, nagbihis, nagpabango at nakailang ulit na bumalik sa salamin para maging presentable sa kompanyang pupuntahan. Pusturang-pustura si Rodney. Tatlong beses niyang pinalantsa ang kanyang long-sleeves at dark-gray na slacks pants na suot din niya noong nakaraaang graduation.
Nag-abang siya ng tricycle sa may kanto malapit sa kanila. Palibhasa ay maaga pa, hinayaan muna niyang makasakay ang mga estudyante. Ilang minuto pa ay nakasakay na siya ng tricycle at nagpahatid sa terminal ng bus.
Madami ng tao ang naghihintay sa pagsapit ng bus. Ilang ordinary bus ang dumaan ngunit mas pinili niyang hindi sumakay dahil siksikan at ayaw masira ang kanyang porma. Hinayaan niyang maubos ang mga tao. Handa na niyang parahin ang parating na air-conditioned bus subalit biglang may humintong jeep sa harap niya kahit hindi naman niya pinapara. Lumampas ang bus. hindi siya napansin. Napamura si Rodney. Gigil na gigil sa driver ng jeep. Dumilim ang langit. Animo'y uulan. Puro ordinary bus na ang dumadaan. Dahil unti-unti ng pumapatak ang ulan. Napilitan siyang sumakay sa siksikan at maiinit na ordinary bus.
Trapik. Hindi gumagalaw ang mga saksakyan. Baha na sa kalasada.
Makalipas ang trenta minuto, tumigil ang ulan, nagsilbing race track ang edsa. Ayaw magpatalo ang kanyang sinaksakyan sa ibang bus. Sayang nga naman ang pasahero. Halos dumikit ang kanyang mukha sa wind shield kapag humihinto ang bus. Nagusot na ang suot niyang long-sleves dahil sa siksikan at mga nagbabaang pasaherong may dalang bagahe. Asar na asar na si Rodney. Ayaw niyang bumagsak sa interview ng dahil lang sa hindi siya presentable.
"Ma, para po!!" sambit ni Rodney sa driver.
Hindi narinig si Rodney.
"Para po!!" sigaw ni Rodney.
"Sir sa babaan lang po. Bawal po kasi dito." tugon ng kaskaserong driver.
"Inilampas niyo ako sa tamang babaan kanina e."
"Pasensiya pa po." paumanhin ng konduktor.
Humahangos si Rodney pabalik sa kanto na dapat niyang babaan. Pumara siya ng taxi dahil mahuhuli na siya sa scheduled interview. Napapatapik siya sa kanyang binti sa tuwing hihinto ang taxi dahil sa red light. Kinakabahan. Tumigin siya sa kanyang relos. Dalawampung minuto na lang alas-nuebe na.
Nakarating siya sa building. Limang minuto na lang. Nasa 19th floor pa ang elevator. Minabuti na lang niyang gamitin ang hagdan dahil 3rd floor lang naman ang kanyang pakay na opisina. Tinakbo niya ang hagdan. May dalawang minuto pa siya. Kinuha ang panyo sa kanang bulsa. Pinahid ang pawis sa leeg, braso. Matapos ay ipinahid ang hawak na panyo sa mukha. Inayos ang buhok, pananamit saka nagbuntong hininga. Handa na siya. Taas noong pumasok sa lobby.
"Excuse me miss, I am looking for Mr. Reynoso."
"Applicant sir?"
"Yes." magilas niyang sagot.
"Sir, Mr Reynoso is on leave today. I will forward your resume and be here tomorrow."
Iniwan na lang niya ang kanyang resume at tahimik na lumabas ng building. Naglalakad na si Rodney sa bangketa ng biglang bumuhos ang malakas na ulan.