lamok
maikling kwentong pambatang at matanda
Si Janji ay isang lamok na nangangarap maging bubuyog. Namangha kasi siya sa kakaibang kasanayan ng mga ito ng mag-cross pollinate ng mga bulaklak. Dahil iba ang anyo ng mga bubuyog minabuti na lang niyang pag-aralan ang mga kakahayan ng mga ito.
Kinutya siya ng sangkalamukan dahil imposible ang kanyang pangarap. Tinuran siyang baliw. Naging sentro siya ng tawanan. Ngunit hindi siya nagpadaig. Itinuloy niya ang kanyang mga pangarap bitbit ang lakas ng loob, tiwala sa sarili at sipag.
"Aanhin pa ang salitang pagbabago kung hindi gagamitin," nasabi niya sa sarili habang pinag-aaralan ang istraktura ng talulot at pollen. "Takot ang lahat sa pagbabago. Gusto lang nilang mabuhay sa nakasanayan".
Hindi nagtagal nagtagumpay si Janji. Nagawa niyang berde ang blue rose, gawing hugis tala ang yellow bell at pabungahin ng niyog ang kamatis. Noon, akala ng lahat ay imposible pero may katunayan na sa lahat ng pangarap ni Janji. Dahil dito maraming humanga sa nagawa ni Janji. Umikot ang kaisipang liberal. Lumaganap ang ideyolohiyang pinaniniwalaan ni Janji. May mga lumantad na gustong sundin ang tapak niya. May mga lamok na lumapit sa kanya. Gusto nilang magaya ang kakayanan ng surot, putakte, hanep, ibon, kalabaw, kuto, bulate, Archaeopteryx at dinosaur.
Dahil sa pagkalat ng kaisipang liberal, natakot ang gobyerno na mawala ang kanilang kultura. Ang mag-iwan ng kiss mark sa kasingit-singitan ng katawan ng tao. Itinuring nilang rebelde si Janji. Ipinagkalat na siya ay may kapangyarihang itim at alagad ng diablong green. Ipinahunting nila si Janji sa lahat ng lugar. Ipinasara ang lahat ng paliparan, estero, bao, lata ng nido, sardinas, arinola, kaserola at bunganga. Subalit likas na matalino si Janji kaya hindi siya nahuli.
Nakaisip ng plano ang hukbong kalamukan, nagawa nilang ibrain-wash ang mga bubuyog at paru-paro na sa bilis magkangkangan ng mga lamok ay madaling mawawalan sila ng career kapag lahat ng lamok ay sumunod sa yapak ni Janji. Dahil dito, umatake ang mga bubuyog sa pamumuno ni General Jollibee. Nadakip si Janji habang pinag-aaralan kung paano mapapadami ang chicharong bulaklak.
Dinala si Janji sa Katol Chamber para katukin at isuko ang kanyang ipinaglalaban. Subalit nagmatigas si Janji. Hindi siya sumuko hanggang sa huling usok ng katol.
Bago tuluyang nalagutan ng hiningi tinura nya ang mga katagang “Nothing can stop the mosquito with the right mental attitude from achieving his goal; nothing on earth can help the mosquito with the wrong mental attitude.”
Pagkatapos ng kanyang kamatayan, ilang politiko ang nagmukahi na siya ay mapabilang sa pet society.
---------------
Ambition requires action...... make sense??