Skinpress Rss

LRT (Love and Relation Transit) part 8


love and relation transit part 1
love and relation transit part 2
love and relation transit part 3
love and relation transit part 4

love and relation transit part 5

love and relation transit part 6

love and relation transit part 7


Kasabay ng pagbasak ng mga dahon ay ang paglipas ng panahon pero singkit pa rin ang mata ng mga tao sa Singapore. Sa isang bahay na pag-aari ng kompanya sa Woodlands ako nakatira. Kakikitaan ng karangyaan ang lugar. Hindi yata uso dito ang mahirap. Kahit ang askal yata nila ay sosyal. Ang mga tao naman ay nakakatwang pagmasdan kasi nagagawa nilang magbasa ng dyaryo habang naglalakad. Ayaw nila maaksaya ang oras hindi uso ang salitang tambay. Para silang robot na kumikilos ayon sa trabaho. Halos wala silang sosyal life.

Hindi ko akalain ng dahil sa trabaho ko ay makakarating ako ng ibang lugar at hindi rin akalain ng mga officemate ko na hindi ako marunong magmaneho ng kotse. Hindi ko lang siguro naging interes ang magmaneho dahil wala naman akong auto.

Tanging si tito Rey lang nakakusap kong pinoy dito. Siya ang asawa ni tita Chit. Kaming dalawa lang ang nagyayabangan, nag-iinuman, nag-aasaran at higit sa lahat ang aking mentor kung paano hindi maging malungkot or home sick. Sa kanya rin ako nakakuha ng balita tungkol kay Realiza. Naputol na kasi ang aming communication. Kwento pa ni Tito Rey ay ilang araw umiiyak si Realiza mula noong umalis ako. Umaasang magbabalik agad ako. Kaya noong huli kaming nagkausap sa telepono nagkasundo muna kaming hindi mag-usap para walang masaktan.

Isang sabado ng umaga, minabuti kong sumakay ng MRT papunta sa Jurong. Sa tinitirahan ni Tito Rey. Hahamunin ko ng siya ng inuman. Napapangiti ako sa byahe dahil nagbabalik ang mga araw na magkasama kami ni Realiza sa loob ng tren. Naging sariwa sa aking alaala ang samyo ng kanyang buhok, ang matatamis niyang ngiti, ang malakas niyang yabag at ang nakakairitang niyang boses. Malaki talaga ang epekto sa pagkatao kapag may bagay na magpaalaala ng isang tao lalo na kung madalas itong nakikita.

"Maaga pa naman para mag-inuman," bulong ko sa sarili. Nilibot ko muna ang Jurong. Hindi naman ako mahilig mamasyal sa mga parke pero nakita ko na lang matipuno kong pangagatawan sa Jurong BirdPark. Siyempre ibon ang laman ng park wala nga lang uwak at tagak. Sabi ni Tito Rey marami daw pinoy dito pero wala pa akong napapansin. Inilipat na siguro sila ng kulungan.

Tumunganga na lang ako sa harap ng talented na parrot. Hindi ko man naiiintindihan ang kanyang sinasabi alam kong kinakausap niya ako. Habang abala ako sa pakikipagharutan sa ibon isang babae ang lumapit sa aking pwesto. Naagaw niya ang aking atensiyon hindi dahil sa mukha siyang parrot sa kanyang suot kundi alam kong pinay siya. Una, hindi siya chinita, pangalawa ang kutis niya ay katulad ng sa mga pinay at pangatlo malaki ang tiwala ko sa instinct ko.

Likas akong mahiyaan kaya hindi ko maitanong kung pinay nga siya. Wala rin akong naiisip na paraan para kausapin niya ako.

"Natatandaan mo pa ba, Nang tayong dalwa'y ang unang nagkita ,Panahon ng kamusmusan" Bakit pa ako magtatanong kung pwede siya ang magtanong sa akin. Naiisip ko kung kakanta ako ng tagalog malalaman niyang pinoy ako kung hindi siya magreact mali ang hinuha ko. "Sa piling ng mga bulaklak at halaman."

"Excuse me! Pinoy ka pala." Putol niya sa kagila-gilalas kong performance.

"Ah. Na-obvious pala. Tinuturuan ko kasing kumanta ang ibon."

"Hindi ka niyang maiintindihan intsik yan. So, anong ginagawa mo dito?" usisa niya.

"Watching the birds. I think?" sabay ngiti para mapansin niya ang pamatay kong ngiti ay ang ipinagmamalaki kong dimples.

"Funny. Ibig kong sabihin anong ginawa mo dito sa Singapore. Tourist ka ba?"

"May project kasi ang company namin dito, ako ang ipinadalang representative." Humarap muli ako sa parrot ng magpakita siya ng stunt. "Anong name mo?"

"Nhovelle," wika niya.

" Nhovelle. Napakagandang pangalan ng parrot di ba?"

"Hoy lalaki! Ako si Nhovelle hindi ang parrot!" maktol niya.

"Ay sus! Yung parrot kasi ang kausap ko." Napangiti ako. Umiral na naman kasi ang diskarte kong niluma na ng panahon. "I'm Louie. Sorry for being rude. Nagbibiro lang ako. Care for a snack para makabawi naman ako Nhovelle?"

"Sure. Wala naman akong gagawin."

Naging maganda ang aming kuwentuhan habang papunta sa kainan. Ituro pa niya ang ilang lugar na ipinagmamalaki ng Jurong. As usual hindi ako interesando sa sinasabi niya. Ang gusto ko lang ay magkaroon ng kakwentuhan.

"Nhovelle, are you working?"

"School teacher. English teacher."

"Wow! Noble profession. Napakanoble ni Nhovelle!" biro ko.

"Loko. San ka nakatira dito sa Jurong?"

"Hindi ako dito sa Jurong sa Woodlands ako. Bakit sasama ka?"

"No! Puro ka kalokohan. Siguro dami mo ng nabola?"

"Tanong ba yan kung may girlfriend ako? Wala e." Napansin kong namula ang pisngi niya. Hindi ko nga lang alam kung dahil sa maanghang namin kinain o dahil sa sinabi ko. "Sa totoo lang ikaw ang unang pinay na nakausap ko dito sa Singapore at nasurprise ako dahil akala ko diyosa ka." patuloy ko.

"Mambobola talaga. Bakit ilang taon ka na ba dito?"

"Three years. Sarap sana kung may sinigang dito."

"Naghanap pa sinigang eh halos mapuno na yang bibig mo." ituro ng hawak na stick ang bibig ko.

"Namiss ko lang kasi," ipinagpatuloy ko muna ang pagnguya bago tuluyang nagsalita. "Mahirap kasi kalimutan ang paborito."

"Sabagay. Sige ipagluluto kita kung sakaling magkita ulit tayo." lumiwanag ang aking anyo matapos marinig ang kanyang sinabi. Hindi dahil sa sinigang kundi may chance pa na magkita ulit kami.

"Sige! sige! Marunong ka palang magluto. Siguro paborito rin ng asawa mo?"

"Louie, mukha na ba akong may asawa?"

"Nakikita ba sa mukha kung may asawa?"

"Sagutin ba naman ang tanong ng tanong din. Bakit mo inisip na may asawa ako?"

"Hindi ko yun inisip. Sinabi ko lang para alam ko kung hanggang saan ang limitation ko kung madevelop ako dahil sa sinigang mo." Hindi ko napigilang tumawa hanggang Singapore ba naman wala akong pagbabago.

"How deep. Ilan na ba ang nabiktima mo sa diskarte mong yan?"

"Wala pa nga eh. Laging nauudlot."

"Nauudlot? Bakit?" Sandali akong natahimik. Uminom muna ako ng tubig.

"Mahabang kwento e."

"I-summarize mo." hirit niya.

"Alam mo kapag nabubusog ako nagkakaroon ako ng short-term memory loss," pag-iiba ko sa usapan. Ayaw kong ikwento ang tungkol kay Realiza. Hindi pa ako handa.

"Ows! Sige na ikwento mo na!."

"Ang alin? Sino ka? Bakit ako nandito?"

"HAHAHA. Ayaw talagang ikwento."

Napangiti ako. "Saka na kapag may dala ka ng sinigang."

"Address mo?" inaabot ko ang aking calling card.

"Eto oh. Paano kung magustuhan ko ang luto mo at hindi na kita pauwiin? Papayag ka ba?"

"Hindi ako papayag!"

"Bakit? Hindi ka ba naawa sa akin matapos mong patakamin sa luto mo?" pangongonsensya ko.

"Hindi ako papayag dahil wala akong dalang damit."

Napuno ng tawanan ang lugar. Hindi ko namalayang maggagabi na sa haba ng aming kwentuhan. Hindi ko na nagawa pang dumalaw kay Tito Rey. Inihatid ko na lang si Nhovelle bago tuluyan akong bumalik ng Woodlands.

Katulad ng naipangako ni Nhovelle dinalhan niya ako ng sinigang sa bahay. Naging madalas ang pagdalaw niya at paghahatid ko sa kanya pauwi. Hindi ko na rin nadadalaw si Tito Rey sa Jurong. Naging masaya ako kasama si Nhovelle. Ngayon ko na lang ulit naramdaman ang ganitong kasiyahan mula ng makarating ako ng Singapore. Lulan kami ng tren papuntang Jurong, mula sa bintana ng tren ay nakita ako ang buwan. Nagbalik sa aking alaala ang pangako ko kay Realiza. Pumikit akong sandali dala ng pagkalito. Si Nhovelle ang kasama ko pero si Realiza ang laman ng isip ko. Mula sa aking likuran ay niyakap ako ni Nhovelle hanggang sa magtagpo ang kanyang palad.

"May iniisip ka Louie?" Umiling lang ako bilang tugon. Unti-unting dumikit ang kanyang ulo sa aking balikat. Humigpit ang kanyang yakap. Hindi ko alam. Napapalitan na ba ni Nhovelle si Realiza sa puso ko o ipinaaalala ng kilos ni Nhovelle si Realiza? Katanungan na gumulo sa aking isipan. Nagtataksil ba ako?

"Louie salamat sa paghahatid." Ngumiti siya. Natunaw ako sa aking kinatatayuan. Lumapit ako sa kanya.

"Salamat din sa sinigang. Sa mga oras na kailangan ko ng kasama."

Hinawakan ko ang kanyang pisngi. Gusto kong malaman kung ano ang aking nararamdaman. Handa na ba akong magmahal ng iba? Hinalikan ko si Nhovelle sa labi. Walang pagtutol na nagmula sa kanya. Nangibabaw ang aming emosyon sa isa't isa. Tumagal ng ilang sandali ang paglapat ng aming labi. Nagulat siya sa ginawa ko. Natigilan ako bahagya bago tuluyang nagpaalam.

Umalis akong may ngiti siya sa kanyang labi. Ako naman ay lalong nalito sa aking nararamdaman. Masaya ako kasama siya pero noong mga sandaling naglapat ang aming mga labi ay unti-unting napalitan ng mukha ni Realiza ang kanyang kaanyuan. Napaka-unfair ko para sa kanya.

Sumagi sa isip ko na dumaan kay Tito Rey. Siya ang kailangan ko sa ganitong pagkakataon.

"Oh Louie ngayon ka na lang ulit napadaan dito ah."

"Masyado kasi akong naaliw nitong nakaraang araw," wika ko.

"So ibig sabihin kaya ka andito ngayon dahil may problema? Si Realiza pa rin ba?"

"Oo eh. Medyo nalilito kasi ako ngayon." nilaklak ko agad ang hawak kong beer.

"Hanga talaga ako sa'yo. May hindi ako nasabi sa'yo nitong nakaraan buwan tagal mo kasing nawala," patuloy niya.

"Ano naman yun?" usisa ko.

"Boyfriend na ni Realiza si Paul. Ayaw kong sabihin sayo kasi ayaw kong masaktan ka," Lumagok siya ng hawak na beer para kumuha ng lakas ng loob bago itinuloy ang kwento. "Pero hindi mo masisisi ang pamangkin ko dahil si Paul ang nagbangon sa kanya noong nawala ka."

Para akong kawal na sumalo ng lahat ng palaso at sibat. Lahat sa puso ang tama.

"Dahan dahan ang inom Louie. Baka malasing ka!"

"Natural! Nag-iinom tayo ng alak kaya malalasing tayo. Kung gatas yan titibay ang ating buto."

"Dapat pala hindi ko na sinabi sa'yo. Ano nga palang problema mo at napunta ka dito?"

"Tito, noong bang napunta ka dito sa Singapore hindi man lang sumagi sa isip mo na mangaliwa? Usapang lalaki hindi makakarating kay tita."

"Aamin ko sa'yo muntik na akong na-inlove noon mga panahon bago ako dito. Siya kasi halos ang kasama ko lagi. Nagmember kasi ako sa samahan ng mga pinoy dito na ang interest ay snapshooting. Marami kasing magandang lugar dito sa Singapore kaya naisipan ko bumili ng camera."

"Nasaan na siya ngayon?"

"Hindi ko na alam. Minabuti kong umiwas. Alam kong hindi pagmamahal ang naramdaman ko. Hinanap ko lang yung mga bagay na namimiss ko kay Chit. Noong time kasi na gusto kong matuto sa photography. Naging mentor ko si Syel. Madalas kami magkita. Hanggang sa magkapalagayan kami ng loob. Pero pinutol ko bago pa ako maging taksil." Patuloy ni Tito Rey. Nagpatuloy pa siya sa mga kwento hanggang makatulugan ko na siya ang alam ko lang may natutunan ako sa mga sinabi niya.

Makalipas ang isang Linggo muli kaming nagkita ni Nhovelle. Mahigit isang oras na akong naghihintay sa may Jurong Lake Park bago siya dumating. Bitbit ang isang kumpol ng regalo nagpanggap akong hindi siya nakita para hindi masayang ang effort sa pagsorpresa sa akin. Anniversary daw kasi ng aming pagkakilala. Tumalikod ako.

Mula sa aking likuran ipiniring niya ang kanyang kamay sa aking mga mata. "Hulaan mo kung sino ako?" Napatawa ako.

"Teka medyo mahirap eh. Parang ikaw ang nasa panaginip ko kagabi. Hindi ko lang matandaan kung ikaw yung camel o si Realiza," biro ko sa kanya.

"Sino si Realiza?" Naging madilim ang kanyang anyo. Naku! "Louie kailan pa naging N-H-O-V-E-L-L-E ang ang spelling ng Realiza?"


itutuloy.....