Skinpress Rss

LRT (Love and Relation Transit) part 5


love and relation transit part 1
love and relation transit part 2
love and relation transit part 3
love and relation transit part 4



Hindi ko alam kung anong brand ng gayuma ang ginamit ni Realiza para mapapayag ako sa pagiging chaperon. Kadalasan kasi tinatanggihan ko ang mga imbitasyon kasi gusto ko ng matapos panoorin ang hiniram kong kopya ng ‘Heroes’ series na mahigit dalawang buwan ng nasa akin. Hindi din kasi maalis sa isip ko na ma-out of place kasi wala naman talaga akong kakilala. Pinagbigyan ko lang ang hiling n'ya. Iniisip ko pa din dapat talaga hindi na ako sumama kasi kutob ko may hindi magandang mangyayari.


Matapos makapagkape para hindi kabahan (weird no?) at humarap sa salamin sa loob ng isang oras para magmukhang normal na tao ay nakatanggap ako ng text message galing kaya Realiza. Sinundo na daw siya ng event planner para sa dry run ng sayaw sa debut. Hanapin ko na lang daw ang event planner kapag nandoon na ako para mapuntahan n'ya ako. Ibig sabihin magcommute ako mag-isa. Wala naman problema kung magbyahe ako mag-isa dahil wala naman talaga akong kotse at hindi rin naman problema kung mag-isa lang ako dahil sanay naman akong kasama ang multiple personalities ko. Ang hindi ko lang kinasanayan ay ang magbyahe ng naka-long sleeves para kasi akong ahente ng ataol o kaya preacher sa loob ng bus.

Matapos makikipagsiksikan sa LRT, sumakay agad ako sa terminal ng bus patungo sa venue. Halos kilos pagong ang lahat ng sasakyan. Walang gusto magbigay sa bawat linya. Sinundan pa ng malakas na ulan.

Napaisip ako. "Anak ng asul na baka senyales siguro ang trapik at ulan na dapat hindi ako sumama." Ilang pang kasumpa sumpang salita ang binitawan ko. Huli na ng malaman ko bumubulong pala ako at naririnig ng katabi ko sa bus na halos katakutan ako. Nabalik ako sa pagiging tao matapos lukubin ng labing limang demonyo. Gusto kong iparamdam sa katabi ko na hindi na ako kumakain ng tao. Kung may malilipatan siguro ang babaeng ito kanina pa siguro umalis ng pwesto.

Nakarating naman ako ng matiwasay sa venue. Halatang marangya ang okasyon. Sa entrance pa lang may namimigay na ng mga give-aways na sana ay convertible sa cash. Nakabandera din ang malaking tarpulin ng debudante na hindi naman kagandahan. Huwag sana ako lasunin ng caterer sa binitawan kong salita.
Hinanap ko agad ang event planner bago ko pa mapuna lahat ng nasa paligid ko. Gusto ko ng makita si Realiza. Isang malagkit na ngiti ang ibinato sa akin ng napagtanungan kong baklang receptionist. Itinuro n'ya sa akin ang event planner at inihatid pa rin ako ng malagkit niyang titig kaya medyo ibinaba ko ang pantalon ko. Medyo fit pala ang naisuot ko.

Pinaupo muna ako ng event planner, in few minutes na daw kasi sasayaw na ang mga sponsors ng debut. "Makikita ko si Realiza sout ang evening gown," bulong ko. Umandar agad ang imahinasyon ko,kasayaw ko si Realiza. Pumailanlang sa ere ang musika. Lumipad sa ulap ang isip ko. We're intimately dancing and whispering words of love. Tinamaan talaga ako.

Bumalik lang ako sa mundo ng may sumira ng imagination ko. May isang babae kasi na gusto gumawa ng conversation. Naiinip din siguro kaya bigla na lang gusto akong kausapin. Since hindi ako makarelate sa mga sinasabi n'ya about sa debut tumatango na lang ako sa mga sinasabi n'ya. Nakahalata rin siguro ang mokong na hindi ako interesado sa mga sinabi kaya mas pinili na lang n'yang kumanta. Siguro hard core kasi wala akong maintindihan sa mga lyrics na sinabi niya. Tsaka naghehead bang siya tulad ng mga mga nakikita ko sa MTV. Since medyo mahina ang utak ko late ko na nalaman na hindi pala siya naghehead bang. Inaayos niya lang ang buhok niyang nalilipad ng hangin para maiwasan ang bad hair day.
Kabaligtaran pala ng mga nangyayari sa mga alinlangan ko bago pumunta dito. Bukod sa masarap ang pagkain, naenjoy ko naman ang pagcriticize este pagmamasid pala sa debut bago dumating si Realiza. She's extremely gorgeous. Laglag ang panga ko habang papalapit sa akin. Hindi na siya ang babaeng may malalaking hakbang. Naging sexy ang dating niya kahit chubby naman talaga siya. Make-over yata ang tawag dun.

"Louie! Huwag ka muna magnasa sa alindog ko! Kumain ka muna."

"Excuse me! Nagtataka lang ako kung paano mo inipit ang mga taba mo."

"Salbahe! Louie, after mo kumain punta tayo dun sa may gilid ng man-made falls pwede raw magwish dun."

"Ah sige. Alam ko namang wish mo maging sexy pero tanggap naman kita na ganyan ka," natatawang banat ko agad.

"Bumabanat ka na naman ha!"

"Hindi naman. Bakit pa ako babanat eh alam ko naman na tayo ang magkakatuluyan."

"Sus yabang!" Tinapik ako mahina sa braso. "Sure ka ba dyan?"

"Hindi pa. Optimistic lang. Tara na sa falls magwish ka na taba!"

This time ako na ang humawak sa kanyang kamay. Walang pagtutol bagkus idinikit pa niya ang kanyang katawan sa akin at idinampi ang kanyang ulo sa balikat ko. Para kaming namamasyal sa paraiso na kami lang ang tao.

"A-eh, Realiza masaya ka ba na kasama ako?" nadadalawang isip na tanong ko. Hindi ko alam kung bakit lumabas ang mga salitang yun sa aking bibig.

"Oo naman. Pakiramdam ko simula pa lang na iisa ang likaw ng bituka natin. Bakit mo natanong?"

"Iniisip ko lang na sakaling mahulog ang loob ko sa iyo… ayaw kong masira ang masayang samahan natin." Dumukot ako ng barya sa bulsa para magwish ng magandang sagot galing sa kanya. "Ayaw ko mangyari yun…"

"Wala namang masama kung mahulog ang loob mo." Tumingala si Realiza hinanap ang direksiyon ng sinag ng buwan saka inuhulg ang hawak na barya. " I know your a good person Loiue."

Halos ihulog ko ang lahat ng baryang hawak ko sa ganda ng narinig ko. Niyaya ko siya umupo sa malapit na kubo malapit sa falls. Pakiramdam ko ay girlfriend ko ng matagal si Realiza kahit hindi pa ako formal na nanliligaw. Ngayon na siguro ang tamang panahon para magtapat kahit medyo maaga pa maganda na din yung may emotional investment.

"Ganda ng buwan no?"

"Oo nga. Buwan ba ako? Sa akin ka nakatingin e?"

"I mean kanina nung nagwiwish ka."

"Ah. Nung bata kasi ako madalas ako magwish kaso laging maulap kaya buwan lang ang palaging natatanaw ko. Kaya ‘yun nakasanayan ko na."

"Ako hindi nagwiwish kasi nandito ka na. Wala na akong mahihiling pa."

"Lasing ka na yata Louie. Nacorny ka na eh"

"Oo nga eh. May alak siguro yung juice. Pero may gusto talaga akong sabihin e"

"Wow! Serious na ang usapan natin ah. Sige ano yun?"

"Alam ko hindi pa tayo magkakilala ng magtagal gusto..." Pinanghihinaang ako ng loob. Hindi ko alam kung tama ba akong magtapat. Hindi ko alam kung tama ang timing.

"Anong gusto mo? Binibitin mo naman ako Louie e."

"Can I ask you out tomorrow kung free ka?"

"Nabigla naman ako dun. Date ba yan Louie?" parang kiniliting pusa si Realiza hindi ko alam kung kinilig siya kasi nature na niya ang ganung ugali. Mahirap mag-assume.

"Kung date nga ang tawag dun e. Pwede ba?"

"Sige payag ako. Wala naman akong gagawin basta uwi tayo ng maaga." Halos matunaw ako sa mga tingin ni Realiza matapos kung marinig ang mga salitang yun.

"Ok, isa pa nga pala."

"Aba may isa pa ha. Nagugulat na ako sa mga revelation mo e"

"Pwede ba akong manligaw? Siguro hindi pa natin kilala ang isa't isa at maaga pa para sa ligawan pero ayaw kong masayang bawat araw. I am starting to like you at gusto ko pa ng mas malalim dun."

"Dami mo pa sinabi sige payag ako."

"Talaga?"

"Duda ka pa. Gusto mo bawiin ko?"
"Huwag! Huwag, Thanks for giving me a chance."

"Payag ako. Basta wag ka aasa na positive na sagot. Sa ligawan your in a win-loss situation. Tsaka"

"Tsaka?"


itutuloy.......