Skinpress Rss

LRT (Love and Relation Transit) part 6


love and relation transit part 1
love and relation transit part 2
love and relation transit part 3
love and relation transit part 4

love and relation transit part 5



"Si P-paul. Si Paul ay nanliligaw din kasi sa akin. Advantage na niya ang tagal naming magkakilala at magkasama kaya ayaw kong aasa ka ng positibong sagot" mahinang usal ni Realiza habang tumitingin sa mga nagsasayaw sa venue ng debut.

Tama ang hinuha ko. Isang karibal ang mokong na yon. Malaki ang advantage kasi magkasama sila sa student council. Siguro sweet din si Realiza kay Paul tulad ng ipinapadama sa akin.

"Bakit hindi siya ang kasama mo dito?" usisa ko agad para malaman kung espesyal ako sa kanya. Pero hindi iyon ang aking narinig.

"Kapatid ni Paul ang debutant. Nasa kusina lang siya kasi gustong personal recipe ang ihahanda."

Inusisa ko ang detalye sa katauhan ni Paul kay Realiza. Para pala akong sumugod sa isang digmaan na ang dala ay espadang kawayan. Ano mang oras ay pwedeng tamaan ng palaso sa buong katawan. Mayaman, mabait, matalino, maabilidad at lahat na siguro ng maganda ugali samantalang ako eh kaguwapuhan lang ang asset ko. Ano laban ko?

"Don't worry Realiza, hindi naghihintay ng anumang kapalit ang pag-ibig ko. Kung siya man ang piliin mo I can be your confidant."

"Salamat Louie, kung maaga lang kita nakilala siguro walang problema."

"Alam ko naman na tayo ang magkakatuluyan sa huli. Iyon na ang tadhana," pagmamalaki ko para mabasag ang seryosong usapan.

"Talaga lang ha! Optimistic ka palagi ah," ani ni Realiza habang sinisipat ang sarili sa salamin ng hawak na face powder saka nag-alok ng pag-uwi.

Matapos ang mahabang paalaman sa buong pamilya, natanaw ko agad si Paul na panatag ang loob. Parang wala man lang selos na nararamdaman sa katawan. Bilang pasasalamat sa masarap na pagkain tinapunan ko siya ng ngiti pero this time hindi na peke. Kahit ako humanga sa anumang meron si Paul.

Minasdan ko buwan mula sa bintana ng LRT. Naisipan kong humiling sa buwan katulad ng nakagawian ni Realiza. Hindi naman siguro masama makigaya. Hindi ako hihiling na ako ang mahalin ni Realiza bagkus ang piliin niya sana ay kung saan siya liligaya. Iyon hindi siya luluha, hindi sasaktan at hindi magmamaliw kailanman.

"Bakit tahimik ka? Iniisip mo ba yung sinabi ko kanina?" usisa ni niya ng mapansin na malayo ang tingin ko.

"Hindi!" depensa ko agad. "Iniisip ko lang kung may drive test din ang driver ng LRT bago makapag-apply dito."

"Puro ka kalokohan. Dati lisensiya lang ngayon drive test na samantalang ako ang pinagtataka ko lang ay mas pinipili nila tumayo," inginuso ang grupo ng mga estudyante na mas piniling tumayo samantalang marami namang bakanteng upuan. Oo nga naman. Bakit nga ba mas gusto ng mga tao na tumayo samantalang kapag nasa bus mas gusto ang nakaupo.

Hinaplos ko ang buhok ni Realiza. Sandali siyang tumitig sa akin. Hinayaan namin na ang aming mga mata ang mangusap saka tuluyang sumandal sa dibdib ko si Realiza. Idinampi ko ang aking kamay sa kanyang bewang. Ilang sandali pa ay yakap ko na siya. Kung hindi lang mauubos ang bus pauwi mas gugustuhin kong ma-stranded kami sa loob ng LRT dahil ayaw kong mawala siya aking tabi.

Kinabukasan, date na namin siyempre. Isinama ko si Realiza sa isang flower farm sa Tagaytay. Hindi na siguro sa mabilang sa daliri ko kung ilang beses na akong nakarating sa flower farm. Kasi doon ginanap ang aming field trip, recollection at retreat nung nag-aaral pa lang ako. Based kasi sa research ko sa google kagabi, isa sa kiliti ng babae ang mga flowers. Isang flower pa nga lang kinikilig na sila ano pa kaya kung farm na?

Sobrang higpit ng hawak ni Realiza sa kamay ko. Anumang oras ay pwedeng pumutok. Parang akong tourist guide sa isang bata, ipinaliwanag ko ang bawat detalye ng lugar. Dinagdagan ko na rin ng konteng yabang para maimpress naman siya sa akin. Napahanga ko siya sa dami ng alam ko about sa farm.

Nabuo ang isang maliit na ipu-ipo. Sumagitsit sa himpapawid ang mga talulot ng bulaklak. Ibinuhos sa aming daraanan ang maliliit na bulaklak. Parang panahon ng taglagas ng cherry blossoms bansa ng mga Hapon. Nakakamangha. Nakakaaliw.

"Dati malungkot ang lugar na to," mahinang wika ko.

"Baket? Maganda naman ang lugar ah. Konte lang dati ang mga flowers?" nalilitong taong ni Realiza.

"Maganda ang lugar. Dati ng maraming bulaklak. Malungkot ang lugar na ito dati kasi you are not here Realiza," seryosong sagot ko.

"Kung seryoso ka sa sinabi mo that would be the sweetest thing I heard from you," wika niya habang parang bata na tinatapakan ang aming mga anino.

"Kung may salitang higit pa sa seryoso yun ang para sa'yo," bilang banat ko agad.

Parang hindi sumang-ayon ang kalangitan sa mga binitawan kong salita. Alam sigurong gasgas na ang linya ko. Isang matalim na kidlat ang gumuhit sa kalangitan kasunod ang isang malakas na kulog.

"Ayyyyy!!!" bulalas ni Realiza. Bigla siyang napayakap sa akin kaya niyakap ko na rin bilang proteksiyon sa kanyang takot. "S-Sorry natakot lang ako," kumalas siya pagkakayakap sa akin at humakbang palayo.

"Ok lang naenjoy ko naman," natatawang sabi ko.

"Sinamantala mo naman!" hinambalos niya ako ng hawak niyang bag.

"HA!HA! bango mo pala," kantiyaw ko.

"Talagang inamoy pa ha. Mabango naman talaga ako,"

"Amoy ng paborito kong ulam. Amoy adobo!!!" tumakbo akong palayo ng akma niya ulit akong hahambalusin.

"Adobo ha. Ikaw amoy bagoong!" ganti n'ya.

"Bagoong nga naeenjoy mo naman!"

Umihip muli ang hangin. Lumipad sa paligid ang mga nahuhulog na bulaklak. Sumayaw ang mga dahon ng puno at halaman. Umaawit ang mga ibon. Unti-unti bumagsak ang ulan.

"Tara dun tayo sa Villa!" hinagilap ko ang kamay ni Realiza para hindi kami tuluyang mabasa.

"Bakit dun? Anong gagawin natin dun?"

"Mag-iinquire tayo ng kasal." natatawang sabi ko.

"What!!! Hindi naman tayo ikakasal!" tutol niya.

"Trip trip lang. Magpapanggap lang tayo. Para may magagawa tayo habang umuulan."

"Sige na nga. Kesa Mabasa tayo dito."

Maabilis naming tinungo ang Villa para hindi tuluyang mabasa at para na rin maenjoy ang lugar marami kasing portrait ng mga past weddings.

"Good morning Sir and Ms. I'm Dina how can help you?" wika ng cute na receptionist.

"Maganda yung place na-iconsider namin siya para sa wedding namin. Gusto sana namin malaman yung packages." Natatawa ako pero kelangan maging best actor ako today para hindi mabuking buti na lang mukhang tao ako ngayon.

"Have a sit sir and madam. Ano pong name nila?"

"I'm Realiza and his Luoie. Miss Dina pwede ba ang garden wedding dito," sabat ni Realiza.

"Ms. Realiza, ano po bang religion niyo?"

"Roman Catholic."

"I am sorry Ma'am, pero hindi na po inaallow ng mga Katoliko ang garden wedding pero may chapel po kami dito then mag-invite na lang po kayo ng priest," paliwanag ni Dina habang may inilalabas na albums at ilan pang bagay. "Before we continue may konti lang po tayong activity para may spice po ang usapan natin."

"Activity? Anong klase?" nagtatakang tanong ko.

"Sir pick lang po kayo ng ng puso sa loob ng fish bowl na ito then iaabot n'yo ulit sa akin para ako ang bumasa ng laman sa loob. Kayo rin po ma'am kailangan bumunot." Iniabot n'ya sa akin ang bowl halos ibinabad ko ang kamay ko sa loob para makuha ang pinakamagandang item. Gayundin naman si Realiza na pikit mata pang kumuha ng puso sa loob ng bowl. Matapos iaabot ang napili namin heart ay lumakas ang tibok ng puso ko.

"Sir ang laman po ng pusong napili n'yo ay "Congratulations! You are entitled for a kiss from you're wife to be."

Halos lumukso ako sa aking kinatatayuan. Tingnan mo nga naman hindi talaga alam kung kelan babaha ng swerte.

"Ma'am sa inyo naman po ay "Utter your sweetest words for your husband to be."

"Paano Realiza, pikit na!" kantiyaw ko.

"Louie! Kailangan ba talaga?" Kinurot niya ang tagiliran ko.

"Miss Dina, ayaw niya. Mahiyain kasi siya," sumbong ko.

"Ma'am huwag na po mahiya, smack lang naman po,"

"Sige na nga. Walanghiya ka Luisito!" Natawa na lang ang receptionist nung pumikit si Realiza.

I kissed her. Smack lang pero sa magkabilang pisngi para kung ma-iritate man eh pantay. Halos dumugo ang tagaliran ko sa tindi ng kurot niya.

"How sweet naman, How I wish ikakasal ako. Ma'am its your turn." wika ni Dina.

"Hindi pa siya makamove-on Ms. Dina." banat ko.

" Palagay ko nga Sir, kasi kiss lang yung usapan ginawa niyong kisses." Nabalot ng tawanan ang Villa habang si Realiza naman ay naiwang namumula.

"Ok! Its my turn. ehem!"






itutuloy muna ulet..