Skinpress Rss

Si jun


Kolektor ng mga painting si Jun. Madalas siya dumalo sa mga lokal at international na exhibit. Bilang kolektor dapat maselan, mapanuri at malalim ang pag-iisip para makuha ang ipinapahatid na mensahe ng bawat detalye ng painting. Sa ganoon paraan, sulit o labis pa ang perang ipinambili dito at tatanghalin pang pinakamagaling na kolektor at interpreter.

Subalit para kay Jun, ang bawat sining ay may itatagong lihim. Tulad ng ngiti ni Monalisa, ang sunflower ni Vincent at ibang likha na may itinatagong kalungkutan. Matapos makabili ng isang payak na larawan isinabit niya ito malapit sa study table. Iniisip kung ano ang ipinapahiwatig ng mga pulang tuldok sa palayan. Pinatay nya ang ilaw sa study room. Tanging ang ilaw mula sa maliit na study lamp ang magbibigay liwanag.Lalabas na sana si Jun ng mapansin may liwanag na nagmumula sa painting. Ang mga tuldok. Pinatay niya ang ilaw mula sa lamp. Naging maliwag ang mga pulang marka. Tumingkad pa habang siya ay lumalayo.
"Luminous yata ang pintang ginamit.", bulong nya sa sarili.
Pinunusan niya ang painting. Basa. Kumalat ang pulang pinta.

Sa pag-aakalang peke ang painting dahil basa pa ang pinta ay inihagis niya ito sa sahig. Lumakad palayo. Paglingon nya at pagharap muli sa painting ay may nabubuong mukha sa painting. Malungkot na mukha ng lalaki. Waring humihingi ng tulong. Napaupo sa kaba si Jun. Nawala siya sa sarili. Nang mahimasmasan nagising siya sa isang palayan na puno ng dugo.

Nagsimulang tumaas ang balahibo ni Jun. Nanindig ang kayang balahibo. Tumakbo siya palayo. Patuloy siyang hinahabol ng dugo. Ilang hakbang pa nahulog sa bangin si Jun.


Patay na ng madatnan ng kamag-anak si Jun. Hinihinalang nalaglag ito sa hagdanan.