Skinpress Rss

Bravus - Chapter Five



Prologue | chapter one | two | three | four |





Labis ang pagtataka ng ibang nilalang sa tinuran ng bravus. Malubha na ang sakit ng babae kaya imposible na ang pagliligtas dito.

"Paano?" pagtataka ng duwende.  "Anong naiisip mong paraan?"

"Lahat ng paraan gagawin ko!" matigas na sagot ng bravus. "Gusto kong maging masaya. Gusto mapabilang sa inyo."

Lumapit sa bravus ang nymph. "Hinahanap ng babae ang kanyang asawa," wika ng maliit na diwata. "Siguro makakatulong kung igawa mo siya ng magandang panaginip para lumakas ang loob niya at lumaban sa kanyang sakit."

"Magandang ideya! Susubukan kong kunin ang sisidlan ng alaala ng kanyang asawa."

Tumingin ang nymph sa kabuuan ng bravus. "Pero..."  Naintindihan ng bravus ang kahalugan ng mga tingin na iyon.

"Pero ano?" tanong ng dwende. Hindi niya mahagilap sa kanyang isipan ang gustong ipahiwatig ng mga tingin ng diwata sa bravus.

"Wala na akong kakayahan itago muli ang aking anyo," bulgar ng bravus. "Kapag inilantad ko ang aking anyo, mawawala na ang aking kakayahang di makita ng kahit anong nilalang.."

"Pero nakikita ka naman talaga ng bata?" may pagkalitong usisa ng dwende.

Mapaglarong umikot ang diwata sa dwende. Dumapo sa balikat nito. "Alam naman nating may kakayahan talaga ang bata na makita ang lahat."

"Gagamitin ko na lang ang aking bilis para makabalik sa aming lugar!" Tumayo ang bravus para kumilos. Buo na sa loob niyang mapabilang sa kaibigan ng bata.

"Mag-iingat ka!"

"Oo. Babalik ako para makasama din ang bata." Lumapit siya sa bata at nagpaalam. "Makikipaglaro ako sa'yo pagbalik ko.."

Sa isang iglap ay nawala sa paningin ng lahat ang bravus. Kumilos ito gamit ang pambihirang bilis para hindi makita ng iba pang nilalang. Maingat siya sa kanyang mga kilos.

Subalit bigla siyang napahinto dala ng pagkamangha sa paligid. Tinitigan niya ang mga ulap sa kalangitan na noon ay hindi niya nakita. Naaliw siya sa huni ng mga ibon na noon ay hindi niya naririnig. Dumampi ang hangin sa kanyang balat na  noon ay hindi niya nararamdaman. Nakita niya ang kanyang itsura sa tubig at gumuhit ang ngiti na noon ay hindi niya napapagmasdan. 

"Gusto kong manatili sa lugar na ito pagbalik ko," pangako niya sa kanyang sarili at nagpatuloy muli sa kanyang paglalakbay.

Tinungo agad niya ang imbakan ng pangarap, alaala at emosyon para hanapin ang sisidlan na kanyang pakay. Naging palatandaan niya ang itsura ng babae kaya madali niyang natukoy ang sisidlan. Humakbang siya palabas nang biglang nasukol siya ng mga bantay. Nabitawan niya sa sahig ang sisidlan.

Ipinaliwag niya sa mga gwardiya na siya ay isang bravus. Subalit nabigo siyang mapaniwala ang mga ito dahil hindi alam ng mga gwardiya ang itsura ng bravus. Itinuring siya kriminal kaya dinala siya sa pinunong Arneb para litisin.

Nagtipon-tipon ang mga nilalang sa upang litisin ang lumabag sa batas na bravus. Hindi pa man nagsisimula ay may hatol na ang mga manonood.

Nagsimulang magtanong ang Arneb, "Malaya kang sabihin ang panig mo nilalang. Anong nilalang ka at napadpad ka dito?"

"Isa po akong bravus pinunong Arneb."

Laking gulat ng Arneb sa tinuran ng nasasakdal. "Bakit ka sumagot?"

"Tinanong nyo po ako kaya sumagot ako. Isa akong bravus."

"Hindi ka bravus. Bakit may kakayahan kang magsalita?"

"Pinuno, alam n'yo naman na kaya naming magsalita! Pinagkaitan nyo lang kami ng karapatan," katwiran ng bravus.

"Magaling!" sigaw ng Arneb. "Mga nilalang dito, nakikita n'yo ba ang nasaksakdal?"

"Opo!!!" Malakas na sigaw ng mga manonood. "Sinungaling siya!"

"Kung isa kang bravus, walang makakakita sa'yo. Hindi ka mahuhuli ng mga bantay," sabat ng pinuno ng mga bantay.

"Sinuway ko po ang batas. Nagawa ko pong ilantad ang aking sarili sa mundo ng mga tao."
 


Umugong ang sigawan sa bulwagan. Hindi sila makapaniwala na may susuway sa utos.

"Nilalang bakit nagawa mo sa akin ito? Wala pang sumusuway sa batas na itinakda!" galit na wika ng Arneb.

"Naawa po ako sa bata. Gusto kong iligtas ang kanyang ina!"

Bahagyang napamaang ang Arneb. "Hindi mo naiintindihan! " Isa kang bravus, hindi ka tao. Nakatakda siyang mamatay kaya hindi mo dapat sinuway ang aking utos."

"Maaring hindi ko nga po naiintindihan. Pero bakit hindi n'yo kami bigyan ng karapatan tulad ng ibang nilalang. Pambirang pagkakataon na makita ang paligid, madama ang hangin, madinig ang huni ng mga ibon," mababa ang boses ng bravus dahil alam niyang imposible nang makabalik siya  at ituloy ang planong tulungan ang ina ng bata.

"Lahat ay may tungkulin. At ang tungkulin mo lang ay sumunod kaya di mo kailangan ng anumang karapatan!" Tumayo ang Arneb at ibinigay ang desisyon sa pinuno ng mga bantay.

Nagsimulang ilahad sa lahat ang hatol. "Hahatulan ka ng kamatayan sa pamamagitan ng latigo. Gusto mong makakita? Tingnan mo ang pagdaloy ng dugo s iyong katawan. Gusto mong makadinig? Pakingnan mo ang tunog ng hampas ng latigo sa iyong katawan. Gusto mong makapagsalita? Isigaw mo ang bawat salitang lalabas sa iyong bibig dahil sa sakit. Gusto mong makadama? Damhin mo ang unti-unti mong kamatayan!"


itutuloy...

one chapter to go..

The Fall of Adam - Three


Preview | Chapter One | Chapter Two |



Sinindihan niya ang hawak na sigarilyo matapos maghiwalay ang aming mga katawan. Kinagat niya ang kanyang labi at may kapilyahang ibinuga sa aking mukha ang usok mula sa sigarilyo. Kumuha ako ng tubig para makabawi agad ng lakas at mabilis na bumalik sa tabi n'ya.

Tanging ang maliit at malamlam na ilaw mula sa lamp shade ng aking kwarto ang saksi sa mainit na tagpong pinagsaluhan namin ni Cristine. Ramdam ko pa ang kirot dulot ng pagbaon ng kanyang matutulis na kuko sa aking likuran. Aminado akong marami ng babae ang dumaan sa akin pero kakaiba ang dating ni Cristine. Bukod sa libido, sigurado akong may kakaibang paghanga akong nararamdaman para sa kanya. May nagtutulak sa akin na dapat kong  alamin ang kanyang pagkatao. 

"God, you're awesome!" wika niya habang tinatakpan ng kumot ang  hubad na katawan. "Ano nga palang pangalan mo?"

Bahagya akong napangiti. Tiningnan ko ang orasan sa gilid ng dashboard. Higit apat na oras na kaming magkasama pero hindi pa pala niya alam ang aking pangalan. "Ricardo. Pero mas prefer ko ang RJ."

"RJ. Hmmm. " Hinaplos niya ang aking mukha pababa sa aking dibdib na nagdulot muli ng kakaibang sensasyon. "Nice to meet you. Badtrip! Wala ako maisigaw kanina e.."

"Hindi ka kasi nagtatanong," natatawang sagot ko. "Buti ako alam ko na name mo."

"Maiisip ko pa ba? Nalibugan na e."

"Sabagay." Hinalikan ko siya ng bahagya. Gumanti din naman siya at paminsan at kinakagat ang ibabang labi ko. Kinapa ko ang aking wallet sa malapit na drawer. "Ito nga pala ang lisensya mo," patuloy ko habang isinisingit iyon sa pagitan ng kanyang dibdib.

"Naughty!" Hinampas niya ang  aking kamay.  "Napatunayan kong di ka nga bakla." 

"Sabi ko sa'yo masama akong hinahamon e! Ako pa!"

Nagtawa siya. "Sus! Lahat kayong mga lalaki laging ipinagmamalaki ang sarili pagdating sa sex." Ipinatong niya sa ash tray ang sigarilyo na halos nangalahati na agad. "Pero 50% ng mga babaeng may karanasan ay nabibitin sa kanilang partner."

"May statistics ka pa talaga ah. Nagsurvey ka?"

"Open ako sa sex topic sa mga friends ko. Most of them, nakaranas maging pampatulog lang. Sa una lang kayo magaling!"

"Nakakaramdam din naman ng pagod siyempre. Pero kapag nakabawi siguradong mababaliw sa pag-ungol ang babae."

"Hindi lahat ng umuungol, nasasarapan. We moan paminsan para magdagdag lang ng spice. Scripted ang ibang ungol para ganahan kayo at makaramdam kami ng hinahanap naming sarap."

"Well, pwede namang pag-usapan 'yon e," pagtatanggol ko sa lahi ni adan. "Pwede din naman kayo magrequest para masasarapan kayo."

"Hindi lahat ng babae vocal sa sex. May alinlangan din dahil baka maturn-off ang guy kapag ang  babae ang mag-initiate."

"Mas gaganahan kaya ang guy!"

"No! A big no! Makasarili ang lalaki at kadalasan tamad." Halos mabali ang leeg niya tanda ng di pagsang-ayon. "Alam n'yo naman na multiple orgasm ang babae pero may mga lalaking konting  foreplay pa lang gusto na agad pumasok. Hindi man lang makaramdam... kaya ang resulta.... solved na kayo bitin pa ang babae."

"Teka, may galit ka ba sa lalaki?"

"Wala no! Kung may galit ako di mo ako katabi ngayon. Mahina lang kayo sa akala n'yong magaling kayo!"

May katotohanan ang mga sinabi niya. Sa mga nagdaan kong relationship may mga pagkakataong gusto ko lang makascore para makatulog agad. Mas matindi pa kasi ang tama noon sa pinakamabisang sleeping pills. Gusto ko pa sanang makipagdebate pero mas minabuti kong sulitin ang gabi.

KINAUMAGAHAN, hindi ko na inabutan si Cristine sa aking tabi. Wala na din ang kanyang van sa harap ng bahay. Lumabas ako ng kwarto at hinagilap ang phone directory sa may sala. Sinimulan kong hanapin ang mga Santillan sa Sikatuna Village. Sablay ako hanggang sa pangatlo kong tinawagan.

"Hello, good morning! Andyan pa po ba si Cristine?"

"Pumasok na po sir. Sino po sila?"

"Robert," pagsisinungaling ko para hindi malaman ni Cristine na hinahanap ko siya kung sakaling magkwento ang kausap ko sa telepono.  "Sa Corpus bldg ba ang office niya? Doon ko na lang tatawagan."

"Sa L-AIG Towers po."

Wala akong inaksayang panahon pagkatapos ng aking duty. Pagkabihis, mabilis akong sumugod sa L-AIG Towers para subaybayan si Cristine. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin para manmanan ang kilos niya.

Lumabas siya kasama ang isang babaeng halos kaedad niya. Sumakay sila ng van at sumunod agad ako na parang may binabantayang kriminal. Maingat ang kilos ko para hindi niya mahalata ang aking motorsiklo. Pumasok sila sa isang resto bar at ako naman ay naupo malapit sa kanila, sa direksyon nakatalikod si Cristine. Umorder ako ng salad para hindi halata na may sinusubaybayan ako. Kahit medyo malayo ay malinaw kong naririnig ang ilang bahagi ng kanilang usapan.

"Grabe ka! Hindi ka na naman pala umuwi kagabi," wika ng babae matapos hampasin sa braso si Cristine.  "Buti na lang di ako nadulas kay Tita."

"Hindi ko din alam na makakatulog ako sa kama ng iba."

"What?!" Gulat na gulat ang reaksyon ng babae. Ako naman ay bahagyang napapangiti. "You mean?"

"Yes."

"Sang bar mo naman nakilala?"

"Napulot ko lang sa kalsada."

"Oh girl? ano ka bakla namimick-up?"

"He's a cop," she narrated. "Nagtalo kami then tinulungan niya akong magpalit ng tires hanggang nauwi sa kama."  Hindi ko alam na kiss and tell din pala ang mga babae.

"God. Is he cute?"

"Of course! He's cute, tall and very athletic tingnan," tukoy niya sa akin. "Papatol ba naman ako sa pangit. Paano kung mabuntis ako, e di lugi ako?"

"Kung makapanget ka dyan ah," natatawang puna ng kausap ni Cristine habang lumalaki ang tenga ko sa mga naririnig kong papapuri.

"Hello? One night stand na 'yon. Wala ng time para alamin kung mabait ang tao kaya ang basis na lang ay ang itsura."

"Sabagay. Natatawa naman ako. Pati pulis tinalo mo na."

"Ngayon, di na ako magtataka kung bakit madaming pumapatol sa pulis. Bukod sa matulis, laging handa ang sandata." Nagtawanan ang dalawang babae. "Gusto ko tuloy siyang maging constant date."

"Inlove? Kakaiba."

"No. Walang love. Date lang habang wala pa akong napipisil na tatapat sa akin."

"Wait! Speaking of date, anytime parating na yata ang date mo!" Napamaang ako. Medyo nadismaya ako noong madinig kong may ka-date si Cristine. "Goodluck!" Tumayo ang babae at naglakad palabas.

"Take care. Ako na ang bahala sa Boyfriend mo!"

Ilang minuto pa ay dumating ang isang lalaki. Disente ang pananamit at halatang nakaluluwag sa buhay. Lumapit siya pwesto ni Cristine. Mahina ang kanilang usapan kaya hindi ko masyadong nadinig.

Hinawakan niya ang kamay ni Cristine at nagpasyang lumabas ng resto bar. Sa dinig ko boyfriend ng babae kanina ang lalaki pero nakita ko silang pumasok sa isang hotel.

itutuloy...
 

The Fall of Adam - Two


The Fall of Adam 
posted by : panjo

Preview |Chapter One|


"Oh pare, bakit mas malaki pa sa bibig ni cookie monster ang ngiti mo?" kantiyaw ni Rommel sa akin.

"Natatawa lang ako dito sa horoscope." Inihagis ko sa kanya ang dyaryo para tigilan ang pangangantyaw sa akin. "Ganda sana kung magkakatotoo 'to."

"Mas maganda kung pagtama ko sa lotto ang magkatotoo. Kalokohan ang horoscope."

May punto naman talaga si Rommel kaya lang sa tuwing naalala ko ang nangyari kanina, di ko mapigilang hawakan ang labi ko. 'Til now di pa din ako makapaniwala na gagawin ng babaeng iyon na pambribe ang halik.

"Sige, uwi na ako p're."

"Teka wala ka bang ipapadala sa station? Walang huli?"

"Wala. Wala!" Ako na lang ang madala ng lisensya ng babae bukas baka sakaling magkita ulit kami. May bumubulong sa isang bahagi ng isip ko na kilalanin ko ang babae. Kung hindi lang ako duty kanina di ko talaga palalampasin ang pagkakataon. "Una na ako."

Lumabas ako ng police block at sumakay na ako ng motorsiklo. Bago ako umalis sinilip ko muna ang lisensya ni Cristine. Taga Sikatuna siya. Medyo maliit lang ang subdivision na 'yon kaya madali ko siyang mahahanap. Ang magiging problema ko lang ay kung paano ko siya kakausapin kasi malaki ang naging galit niya sa akin kanina. Kung hindi siguro ako nakauniporme malamang sinampal na ko noon.

Nag-aagaw na ang liwanag at dilim nang nagdesisyon akong umalis. Nakipagsiksikan ako sa buhol-buhol na trapiko para makauwi agad at makapagpahinga. Nang makarating ako sa unahan, nakita ko ang isang sasakyan na nagiging dahilan ng pagbagal ng daloy ng trapiko. Malambot ang goma pero patuloy niyang pinatatakbo ang sasakayan, di inalintana ang pwedeng panganib na idulot nito.

Iniharang ko ang motor sa harap ng sasakyan. Napangiti ako. Mukhang solve ang problema ko kanina. Tumigil ang van at tinapik ko ang unahan ng sasakyan para itabi niya sa gilid ng kalsada.

Mabilis siyang bumaba ng sasakyan at tinalakan agad ako. "Ikaw na naman?! Please huwag mo ng dagdagan ang kamalasan ko!"

"Wait! Please shut up, okay?"

"Anong okay? Nang-aasar ka ba talaga?" Namewang siya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "Kita mo naman flat sasabihin mong okay?"

"Concern lang ako!" depensa ko agad. "Hindi mo dapat pinaandar ang sasakyan kapag flat dahil baka mabasag ang mags mo. Maaksidente ka pa."

"Thank you!" sakrastikong sagot niya. "Naghahanap ako ng vulcanizing pero wala akong makita. Tapos haharangin mo ako, paano pa ako makakahanap nyan."

"Enough!" Lumakad ako sa apektadong gulong. "Tutulungan nga kita kaya kita hinarang. Ako na ang magpapalit."

"Oh bakit nakatayo ka pa dyan? Ano pang hinihintay mo?!"


Alam kong di ako mahihirapang makipagpalagayan ng loob sa kay Cristine. Sa ginawa niyang paghalik sa akin, lumakas ang loob kong ilapit ang sarili ko sa kanya. Pero pananatilihin ko ang image kong tigasin para hindi niya mahalatang gusto kong makipagflirt sa kanya. Sa ngayon, gentleman muna ako para lumabas akong mabait.

"Mabait ka naman pala e." Umupo siya sa tabi ko. Kinagat ko ang labi ko dahil may pagkakataong dumidikit ang balahibo niya sa akin. Nakakagigil. Nalalanghap ko pa ang bango niya kaya lalong tumaas ang pagnanasa ko sa kanya. "Kanina suplado mo e."

"Ginagampanan ko lang ang trabaho ko kanina," sagot ko sa kanya pero hindi ako nagbibigay ng tingin. "Kung pagbibigyan ko lahat, wala ng susunod sa batas."

"Sabagay."

"Oh, ayos na!"

"Wow! Salamat!"

"Sige ingat ka!" Lumakad ako pabalik sa motor para malaman ko kung interesado siya sa akin. Ilang beses ko ng ginawa ang diskarteng ito at wala pang sumasablay.

"Wait! Baka nagugutom ka na," pahabol niya. "Treat na kita para man lang makabawi."

"Naku! Nakabili na ako ng pagkain e." Kunyari ayaw kong pumayag pero sa totoo lang gusto ko ng samantalahin ang pagkakataon. "Next time na lang siguro."

"Bakla ka ba?" Uminit ang tenga ko sa narinig. "Sayang ang laki ng katawan mo."

"Ano? Hindi ko ako bakla!"

"Bakla ka!"

"Hindi mo ako kilala Miss. Baka magulat ka kapag pinatunayan kong lalaki ako."

"Napatunayan ko na. Kanina lang. Wala ka man lang reaction sa kiss ko."

"Sabihin na nating seryoso ako sa oras ng trabaho."

Lumapit siya sa akin. Bumulong. "Ngayon, wala ka na sa trabaho." Idinikit niya ang labi niya sa aking tenga. May kuryenteng gumapang sa buong katawan ko. Binuhay ang lahat ng natutulog kong ugat.

Kinabig ko siya palapit sa akin. Parang gutom na leon kong inangkin ang mga labi niya habang pumapasok kami ng van. Mapusok. Agresibo. Nagpalitan kami ng mga halik. Gamit ang isang kamay isinara ko ang pintuan ng van. Nilunod ko ng halik si Cristine. Napaliyad siya sa laro ng aking labi. May bahagyang pag-ungol. Malayang naglaro ang aking mga kamay sa kanyang dibdib. Marahan. Paikot. Nagpaubaya siya. Siniil ko ng halik ang kanyang leeg. I trace the folds of her ears, nibble her lobes, and gently stroke her behind. I started to drive her crazy.

"Sa bahay tayo," bulong ko.

"Baka mahuli tayo ng asawa mo."

"Wala akong asawa." Nagpatuloy ako.

"Sige, ahhh. Pero tapusin muna natin ang nasimulan dito." Inihiga ko siya sa upuan ng van.

itutuloy...

Bravus - Chapter Four



Prologue | chapter one |two|three|





"Punong babaylan, marami na pong nabibiktima ang mga bravus!" samo ng isa sa grupong nag-organisa para puksain ang lahi ng bravus.

 "Wala ba tayong gagawin? Hahayaan na ba natin sila?"

"Kamaikalan lang po bigla na lang tumalon ang kasamahan ko sa trabaho sa ginagawa naming  building," lahad ng isa sa grupo. "Akala namin nagpatiwakal siya pero may kagat siya sa leeg!"

"Pati nga school guard hindi pinatawad. Napaidlip lang hindi na tuluyang nagising!"

"Dumadami na din po ang bilang ng palaboy sa daan. Akala natin mga simpleng taong grasa lang sila pero may kagat sila sa leeg!"

"Punong babaylan ano pong gagawin natin?" tanong ni Roberto.

"Huminahon kayo!" sigaw ng babaylan. "Ako man ay gustong kumilos pero walang nakakakita sa bravus. Paano natin lalabanan ang may katangiang tulad ng sa hangin?"

"Mga kasama kahit ang babaylan ay walang magawang tulong? Tayo na lang ang kumilos!" sigaw ni Leando.

"Leando, paano ka kikilos? Saan ba nagmumula ang bravus para mapigilan mo sila?"

"Punong babaylan, kung pakikinggan natin ang mga baliw, madalas nilang banggitin ang bravus. Siguro makakatulong sila."

"Oo tama ka!" Umakyat sa mataas ng bahagi ng bahay ang babaylan para makita ang lahat ng taong nag-ipon-ipon sa harap ng bahay niya.  "Pero sa panaginip umaatake ang bravus. Wala tayong kakayahang lumaban sa panaginip. Pinakamahina ang tao sa kanyang pagtulog."

"Kung gayon, wala tayong magagawa kundi hintayin ang kamatayan," nalulumong pahayag ni Roberto.

Lumapit ang babaylan kay Roberto. "Nagkakamali ka. Kung iiwasan natin ang depresyon, hindi tayo aatakihin ng bravus. Ang mahina lang ang puso at isipan ang nagiging biktima!"

"Mukhang mahirap yata ang sinasabi n'yo?" tutol ng isang babae. "Lahat dumadaan sa kalungkutan."

"Kung iisipin mo mahirap pero iyon ang nararapat kung ayaw n'yong maging biktima." Tumalikod na ang babaylan matapos makipagtalastasan sa grupo.

Sa isang ospital, may isang babae ang inaapoy ng lagnat. Pinagpapawisan na dahil sa matinding pag-ubo. Sa kanyang pagtulog makailang ulit niyang binanggit ang pangalan ng yumaong sa asawa. Matindi ang kanyang karamdaman at halos bawian na ng buhay sa tuwing aatakihin ng sakit. Tanging ang alaala ng kanyang asawa at anak ang nagtutulak sa kanya para lumaban. Para mabuhay.

Kumilos ang bravus palapit sa kama ng kanyang sunod na biktima. Maingat siyang naupo sa gilid ng higaan para hindi magising ang babae. Inilapit ng bravus ang kanyang mukha sa leeg nito.

"Anong ginagawa mo sa Mama ko?" Bahagyang napahinto ang bravus pero hindi siya dapat magpaapekto dahil alam ng nilalang na walang nakakakita sa isang bravus. May kakayahan siyang makadinig pero dapat maging bingi siya para di maapektuhan ang kanyang misyon. Kumilos muli siya para isakatuparan ang pagpataw ng kamatayan sa babae. "Halika ka dito. Hayaan mo munang matulog si Mama."

Hinila ng bata ang bravus palayo sa kama. Dahil likas na mahina ang bravus hindi niya nagawang manlaban. May halong pagtataka ang bravus dahil nagawang hadlangan ng tao ang kanyang plano bukod pa dito nakikita siya ng isang tao.

"Huwag kang mag-alala di ako natatakot sa'yo. Anong klaseng nilalang ka?" tanong ng bata pero hindi tumugon ang bravus dahil wala siyang karapatan magsalita. "Malaki ka kumpara sa nuno sa puso at may pangil ka pa."

"Sinong kausap mo o anong kausap?" tanong ng isang dwende sa bata. "Wala akong nakikita."

"Hindi ko din alam kung ano siya," tugon ng bata.  "Bakit ayaw mong magsalita?" patukoy ng bata sa bravus.

Umugong ang bulungan ng mga lamang lupa sa loob ng ospital. May mga tawanan din at awitan. May kakaibang pakiramdam na bumalot sa bravus. Hindi niya alam ang pakiramdam dahil ngayon pa lang niya naranasan. Nagdesisyon ang bravus na buksan ang kanyang mata na noon ay nakalaan lang sa mga biktima. Nagulat siya sa dami ng lamang lupa. May dwende, sigbin, nuno sa puso, at sa may binata ng ospital ay may nakasilip na tikbalang. Iginawi niya ang kanyang mata sa kanan at nandoon ang isang puting unicorn.

"Isa akong bravus," nausal niya. Maging siya ang gulat sa paglabas ng salita sa kanyang bibig. Nilabag niya ang batas ng kanilang lahi. Unti-unti lumitaw sa karamihan ang kanyang itsura.

"Bravus? Ano iyon?" tanong ng bata.

"Nilalang na may kakayahang maglaro sa utak," sabat ng isang nymph. "Naparito siya para patayin ang iyong ina!"

"Ano?! Bakit mo gagawin iyon? Mabait ang Mama ko!" Gumuhit ang luha sa mata ng bata.  "Siya na nga lang ang nag-aalaga sa akin simula ng mamatay si Papa."
 
Tumakbo ang bata sa piling ng ina. Niyakap niya ito at binantayan sakaling umatake ang bravus. "Nakikiusap kami sa'yo bravus na huwag mong patayin ang ina ang aming kaibigan. Siya lang ang taong nagpapahalaga sa amin."

"Pero..." Umiling ang bravus. "Wala akong kakahayang sumuway sa utos. Malalagay ako sa panganib pagbalik ko."

"Dito ka na lang. Huwag ka ng bumalik." Malambing na umaaalid-alid ang nymph sa kanya. "Masaya dito. Magkakaiba man kaming nilalang dito, iisa ang pakikisama ng bata sa amin."




"Masaya? Anong masaya?"pagtataka ng bravus.



"Isang pakiramdam na nagpapagaan sa kalooban," wika ng nymph. Kita mo ba ang mga sigbin na iyon? Dati mga utusan lang sila katulad mo, ngayon may karapatan  na silang maglibang. Maglaro at makikita mong masaya sila sa kanilang ginagawa."


Patuloy ang pakikiusap ng ibang nilalang sa bravus para hindi nito ituloy ang planong pagpatay sa ina ng bata.  Bawat nilalang may kwento. Naguluhan ang bravus. Gusto niyang subukan ang sinasabi ng ibang nilalang. Ang salitang saya.  Ang kahulugan ng ngiti. At  higit sa lahat ang pagmamahal. 

Unti-unti niyang nauunawaan ang salitang pakiramdam at kung paano maging hindi iba sa karamihan.

"Ililigatas ko ang ina ng bata."  matigas na salita ng bravus.



itutuloy.....


----
doon sa nagtatatanong tungkol sa bravus, huwag nyo na pong igoogle, dahil wala po talagang bravus. gawa gawa ko lang ang character na 'to.
 

The Fall of Adam - One



Preview |


"Letseng horoscope! Dapat inaalis na lang sa dyaryo di naman nagkakatotoo!" anas ni Rommel. Ginusot niya ang hawak na dyaryo dahil sa asar. Kahihiwalay lang kasi ni Rommel kaya isinuma niya ang nabasa.

"Ano ba naman pare? Pati horoscope pinag-iinitan mo!" natatawang puna ko sa kanya. "Patingin nga!"

"Oh! Sayo na lang!" Iniaabot niya sa akin ang kawawang dyaryong pinagbuntunan ng galit ni Rommel sa mundo. "Alis na ko p're!" Out of curiousity, sinilip ko na din ang horoscope ko. Kalokohan nga. Ako? Si Ricardo Jacobo papasok sa isang relasyon? Tama si Rommel dapat inaalis na ang horoscope sa dyaryo.

Sumakay ako ng motorsiklo at umibis papunta sa aking assigned duty. Highway Patrol ang assignment ko buong buwan, hinigpitan kasi ang kampanya laban sa mga abusadong driver na nagpapasikip sa daan. Hindi nga nakakapagod pero nakakaasar makipagtalo sa mga driver na matigas ang ulo.

"Sir, pasensya na. Isa lang naman ang isinakay ko e."

"Ilang taon na kayong driver dito?" usisa ko.

"Mag-aanim na sir," kakamut-kamot sa ulong sagot ng driver.

"Three years ng bawal magsakay dyan! Lisensya!"

Sari-saring palusot ang madalas na dialog ng mga driver sa buong maghapon. Kahit ilang beses na silang nahuli, inuulit pa din ang kasalanan. Kung di kaya sa pakiusapan, hahanap ng padrino.

"Tarantado!" Mabilis akong sumakay ng motorsiklo para harangan ang parating na van. Muntik pagmulan ng aksidente ang ginawa niyang pagmaneobra. "Pakitabi lang po!" Kinatok ko ang pintuan ng van malapit sa driver seat. "Lisensya!" Mataas na ang boses ko dala ng paulit-ulit na violation ng mga naunang driver.

Dahan-dahang ibinaba ng driver ang salamin ng van. Parang papanawanan ako ng ulirat nang iluwa ang isang babaeng lutang na lutang ang sex appeal sa suot na tube. Iniangat niya ng bahagya ang kanyang shades at saka ipinatong sa ulo. Binigyan niya ako ng matamis na ngiti sa pag-aakalang palulusutin ko siya sa kanyang violation. Pero hindi dapat ako bumigay. Kailangan panatilihin ko ang tapang na ipakita ko kanina.  "Kuya, anong violation ko?" malambing na tanong niya na animo'y inosente sa ginawa.

"Ma'am, bawal po ang mag-U-turn." Itinuro ko ang road sign.  P"wede makita ang lisensya?"  

"Sir, di ko naman po alam na bawal. Natatakpan ng dahon ang road sign."

"Kasalanan ng dahon? Ma'am, buto pa lang ang halaman na 'yon, bawal na ang U-Turn." Minsan kailangan talagang maging pilosopo para barahin ang mga alibi.

"Baka naman pwedeng pag-usapan na lang."

Nairita ako sa gusto niyang mangyari. Mas desidido akong manghuli kapag gustong manuhol ng violator. "Nag-uusap na tayo, Ma'am."

"Suplado," bulong niya. "Nagmamadali kasi ako. Hapon na, di ko na matutubos yan ngayon. May pasok pa ako bukas."

"Dapat inisip mo na 'yan kanina. Pwede po bang makita ang lisensya? Nakakaabala na po kasi tayo sa trapiko."

"Sandali lang. Kukunin ko lang ang wallet ko," padabog na wika niya. Binuksan niya ng pinto ng van at marahang bumaba. Napalunok ako ng laway. Nagsusumigaw ang kanyang bilugan hita sa suot niyang shorts na sa palagay ko ay wala pang isang dangkal. Makinis. Maputi.

Halos ipagmalaki niya sa akin ang hubog ng kanyang katawan noong buksan niya ang pintuan ng passenger seat. Nakatalikod siya sa akin at napahanga din ako sa kanyang likuran.  Sa palagay ko sa porma nya, ay nasa twenty five to twenty seven lang ang age nya.

Inisa-isa niya ang bulsa ng kanyang bag pero sa palagay ko ay pinatatagal lang niya para pagbibigay ng lisensya para palampasin ko ang atraso niya. Inaamin ko, naeenjoy ko ang aking nakikita pero paninindigan ko na ang pagiging maton ko kanina.

"Ano na? Matagal pa ba?" naiiritang tanong ko.

"Sandali lang! Kung tinutulungan ko kaya ako? Hindi lang ikaw ang naabala!"

"So kasalanan ko pa?"

"Ito na nga!" Lumapit ako sa kanya para kunin ang lisensya. Ilalabas ko na sana ang tiket nang bigla niya akong kabigin palapit. "Ummmmmmmm..." Nagulat ako. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong reaction. Hinawakan niya ang aking braso. Bumaon ng bahagya ang kanyang kuko pero kumawala agad ako bago pa madala sa tindi ng kanyang halik.

Inagaw ko sa kanyang kamay ang lisensya. Hindi ko alam kung anong klaseng demonyo ang sumapi sa babaeng ito para halikan ako. Bago pa niya ako maisahan nakaisip na ako ng dahilan para pakinabangan ko siya. Sa isip ko, kung kukunin ko ang kanyang lisensya ay makikita ko siyang muli sa oras na tubusin nya ito.

"Obstruction of traffic. Tubusin mo na lang bukas. Hapon na kasi."

"Damn!" inis na inis niyang sigaw.  "Hindi pa ba sapat ang halik para huwag mo akong hulihin?!"

"Kung may batas ngang ang halik ay part ng bribery, isinulat ko na sa ticket mo, Mrs. Cristine Santillan," katwiran ko sa kanya. May kakaibang bagay na nagtulak sa akin para alamin ang pagkatao niya. Isa na dito ay ang malaman kung single siya o may asawa.

"Antipatiko! Mukha ba akong may-asawa?"

Single. Gotcha! Isinuot ko ang aking helmet at pasekretong ngumiti. Iniwan ko ang babae at bumalik na ako sa aking pwesto. Pabagsak niyang isinara ang pinto habang nakapako ang  tingin sa akin.  Maya-maya pa, ay binasa ko muli ang dyaryo.
     

itutuloy....

The fall of Adam


This is not just a story.
This my life.
My life is not ordinary.
You may call me shit.
Or you may praise me.


This is not just a 
love story.
This about my extraordinary love story.
A relationship where third party is allowed.
..... a little room for jealousy.


This is about a girl.
A girl hated by many.
..... the one I love.
An inborn flirt.
A woman,
.... with unacceptable beliefs,

.... who loves casual sex.

I can still hear our conversation...

"Papayag akong maging tayo, in one condition... Hindi mo ako pagbabawalan makipagflirt.. Hindi lang kayong mga lalaki ang may karapatan na magmalaki na naikama nyo si ano o magaling sa kama si ano. "

"Paano kung mabuntis ka?"

"Dalawang bagay lang.. Kung mahal mo ako tanggapin mo ang anak ko. Or iwanan mo ako. Now Decide!"


This about Adam and his fear.

..... his defense mechanism

This about Eve.
..... proving that girls are guys' weakness


This is about sex.

This is about lust.

This is about love.


This is about US..



This story is to be continued....



Bravus - Chapter Three


Prologue | chapter one |two|





"Nasan ang magaling mong anak!" bungad ni Alfred pagbaba ng kotse. "Iharap mo siya sa akin?"

"Sino?" tanong agad ni Nelma kahit alam niyang si Salve ang tinutukoy nito. "Gabi na malamang nagpapahinga na ang mga bata sa taas."

"Sino bang suwail dito? Si Salve!" Galit na galit si Alfred dahil nakarating sa kaalaman nito na wala sa honor roll ang anak.

"Anong na naman problema kay Salve?"

"Alam mo ang problema! Lagi mo kasi siyang pinagtatakpan kaya lumalaki ang ulo." Ibinagsak niya sa sofa ang dalang brief case. "Hindi ako nagpapakahirap sa trabaho para maglandi lang ang anak mo! Sa simula pa lang tutol na ako sa pagboboyfriend ng anak mo."

"Alfred, ito na naman ba ang issue?" Napailing si Nelma. "Mabait na tao si Randel."

"Walang problema kung mabait siya! " Tumaas ang boses niya sa asawa. Malaki kasi ang pagtutol niya sa pakikipagrelasyon ni Salve dahil ayaw nitong magkaroon ng ibang aasikasuhin ang anak bukod sa pag-aaral. "Ang problema napabayaan niya ang pag-aaral niya! Imagine tatlong taong dean's lister ang anak mo! Candidate for Magna. Tapos ngayon kahit cum laude di nya makukuha!"

"Hindi ka pa ba masayang matatapos niya ang kursong ipinilit mo sa kanya?!"

"Alam ko ang makabubuti sa kanya! Ano ang gusto mo, maging teacher siya?"

"Anong masama sa pagiging teacher? Dapat matuto ka ding makinig sa anak mo Alfred."

"Hindi pagiging teacher ang pangarap ko sa kanya, na binabastos lang ng mga estudyante," matigas na katwiran niya. "Gusto ko siyang maging doktor. Siya ang magpapatuloy ng sinimulan ko."

"Oh, tinutupad na niya ang pangarap mo! Ano pang ipinagpuputok ng butse mo?"

"Dahil sa pagiging istupida niya at pagtatakip mo palagi, nawala ang medalya dapat ay para sa kanya!"

"Medalyang nakasabit sa kanyang leeg o ang anak mo? Lumayo na ang loob nya sayo. Sobrang kitid ng utak mo Alfred!"

"Kasi lahi ng bobo ang pamilya mo kaya ayos lang sayo! Dala niya ang apelyidong Montalbo kaya malaking kahihiyan kung ordinaryong estudyanteng lang siya."

"Kasalanan mo! Nagpakasal ka sa bobong gaya ko." Lumakad palayo si Nelma dala ang matinding sama ng loob.

Karaniwang senaryo ang pagtatalo sa bahay ng mga Montalbo. Takot at matinding depresyon ang nagtulak kay Salve para mapariwara siya. Nakita niya ang pagtanggap kay Randel kaya madali siyang umibig dito.

"Ate anong gagawin ko? Galit na galit si Papa," samo ni Salve kay Katrin.

"Hindi ko alam. Kinakabahan nga din ako e." Niyakap niya ang kapatid bilang pagdamay. "Magpahinga ka na. Lalamig din ang ulo ni Papa."

Bumagsak ang luha ni Salve. "A-ate?" garalgal na tinig ni Salve. "May isa pang problema."

"Magpahinga ka na muna. Maayos din ang lahat."

"Hindi iyon ate." Bumuntong hininga siya para kumuha ng lakas ng loob. "B-buntis ako ate."

Napabalikwas si Katrin. "What?!" Gulat na gulat siya sa tinuran ng kapatid. "Ano bang pinasok mo Salve? Lalo mong pinahirap ang sitwasyon. Hayaan mo kakausapin ko si Randel bukas tungkol dito."

"Wala na siya." Lumakas ang hagulhol ng ni Salve. "Iniwan na niya ako noong malamang buntis ako."

Walang naging sagot si Katrin. Niyakap niya ang kapatid.

Kakaibang hangin ang pumasok sa kwarto ng magkapatid. May ilang piraso ng dahon ang nagpaikot-ikot bago bumagsak sa sahig. Isinara ni Katrin ang bintana sa pag-aakalang may parating na bagyo. Lingid sa kanyang kaalaman, parang butwiring nag-aabang sa kanilang pagtulog ang bravus.

"Matulog ka na Salve. Maayos din ang lahat." Unti-unti, humina hanggang tuluyan nawala ang paghikbi ni Salve.

Kumilos ang bravus. Wala siyang inaksayang sandali. Si Salve ang may mahinang kalooban kaya siya ang magiging biktima. Bumaon sa leeg ng babae ang kanyang mga pangil at sinimulang lasunin ang isip ng biktima. Tinipon niya lahat ng alaala at emosyon ng babae at inilagay sa mahiwagang sisidlan. Lumikha siya ng panaginip. Iniwan niya ang takot ni Salve sa kanyang ama.

Makalipas ang ilang oras, bumangon sa kanyang pagkakatulog si Salve. Hinayaan lang siya ni Katrin sa pag-aakalang normal pa ang lahat. Kinuha ni Salve ang kanyang bag at pumasok sa banyo.

"Magiging doktor ako Papa," mahinang tinig ni Salve. Napangiti naman si Katrin dahil sa kabila ng mga problema ay tutupadin ng kapatid ang pangarap ng ama. Ang hindi niya alam, iyon na ang huling salita ng kapatid.

Mula sa bag, kinuha niya ang scalpel na ginagamit sa kurso niyang Pathology. Gumawa siya ng sugat na pabilog sa mga daliri sa paa. Hinayaan niyang dumaloy ang dugo mula dito. Kinulayan niya ng pula ang kanyang kuko bago niya inalis isa-isa.

Gamit pa din ang scalpel, isinulat niya ang pangalan ni Randel sa kanyang hita. Malaki at malalim ang bawat letra. Inihiwalay niya balat sa laman hanggang sa lumabas kanyang buto. Wala siyang nararamdamang sakit kahit patuloy ang pagdurugo.

Hinawakan niya ang kanyang sinapupunan. Inikot niya ang kanyang mga palad dito. Ikinilos niya ang kanyang mga paa at niyakap ang kanyang tuhod. Pinanood niya ang dugong dumadaloy mula sa kanyang hita. Ilang saglit pa ay hiniwa n'ya ang kanyang tiyan hanggang sa kumawala ang kanyang bituka.

"Salve!!!!" Sigaw ni Katrin kinaumagahan.


itutuloy.....
-----

you can view Design a Shirt Contest entries here. Pwede pa humabol til July 18.