Skinpress Rss

HU U? (10)






chapters 1|2|3|4|5|6|7|8|9|





What she gets she wants. Jane has the most charming smile lalo na kapag nag-aasal bata siya. Tinatakpan ko na nga ang mukha ko para hindi siya makita kapag may hinihiling kaso lalo siyang dumidikit sakin para pilitin ako. Kapag ibinigay na ang gusto bigla na lang nag-eevolve at laging gustong praktisin ang taekwondo sa akin. Sa mga albums nga namin sa bahay marami sa mga picture namin ay nakapulupot ang kanyang braso sa aking leeg pero nakangiti naman para hindi obvious na sinasakal.

She's a certified brat kahit ayaw niyang maniwala. Noong nakaraan, tinawagan n'ya ako para yayain magmall dahil naiinip siya sa bahay nila.Tumanggi naman ako dahil puyat pa ako sa pakikipag-usap kay Sofia. Nakumbinsi ko naman siya na hindi ko siya masasamahan. Pero wala pang sampung minuto, nasa harap na siya ng bahay at aalis na daw kami. Pinagalitan pa ako ni Mommy dahil umaandar daw ang metro ng taxi. Wala naman ako nagawa dahil nasa plano na ang lahat bago pa man niya ako tawagan. Pumunta kami ng mall kahit wala naman kaming gagawin. Gala. Upo. Nood ng dumadaan. Inom. Nguya. Napanood na namin ang mga sine kaya nagpadesisyunan namin mag-arcade na lang para di magkasawaan sa aming mga mukha. Pinili niya ang mga laro na kaya niya akong talunin tapos saka ako sisigawan.

"Mahina ka pala Loi! Weak!" Kapag naman hinahamon ko siya na iba ang laruin para makabawi ako, tatawanan lang niya ako. "Huwag ka na! Baka lalong bumaba ang self-esteem mo Loi kapag natalo ka na naman." Malakas siya mang-aalaska pero hindi naman aabot sa puntong nakakaasar. I like her attitude kahit may pagkabratinela at pagkamaldita.

Lagi siyang may bitbit na mga pasalubong para kay ermat. Kadalasan mga girly stuff kaya pakiramdam ni Mommy magkasing-edad lang sila. Dinig ko sa usapan nila may plano pa silang magkaroon ng regular gym session. Hindi ko alam kung pinaplastik nya lang ang nanay ko dahil sa pagpapanggap namin o likas na talaga sa kanya ang pagiging sweet. Nahihirapan tuloy akong mag-isip kung paano ko isisingit si Sofia kung sakaling ipagtapat na namin ang lahat. Sobrang hirap ng sitwasyon ko ngayon. Hindi ko alam na aabot sa ganito. Kailangan ko talagang bitiwan ang isa. Pero sino? Si Jane na masayang kasama at gustong gusto nina Mommy o si Sofia na mahal ko at mas tipid kasi pwedeng lakarin ang tirahan.

"Gusto kong makita ang Sofia mo," wika ni Jane.

Napailing ako. "Huwag na. Maiinsecure ka lang."

"Hindi! Gusto ko lang makita ang babaeng pumatol sa'yo." Sinusundot pa niya ang aking tagiliran para pumayag ako.

"Pangit na ba talaga ako at wala ng papatol sa akin?"

"Malaki na ang improvement mo mula noong binago mo ang hair style mo at inalis mo na ang salamin."

"So pangit ako dati?"

"Hmmmm. Hindi naman. Jologs ka lang dati. J-O-L-O-G-S." baybay niya sa mga letra. "Jologs!"

Napangiti ako. Ngiting pwede ilaban ng Mr. Photogenic. "Do you find me attrative?"

"Oo naman. Lalo kapag nakangiti ka. Mas gumagwapo ka."

"Talaga? Baka naiinlove ka na ha? Sabihin mo lang."

"Kapal mo naman! Lumaki na agad ang ulo pinuri lang kita."

"Aminin mo na! Huwag magdeny!" Ako naman ang humahalakhak ngayon at siya naman ang umiiwas sa asaran. "May namumulang kamatis. Malapit ng mahinog."

"Gusto mong tumagos sa dibdib mo ang kamao ko? Ano?!" Tumayo siya at ipinakita ang kamaong hindi naman dapat katakutan sa sobrang kakinisan.

"Sus! Gusto mo lang mapasayo ang puso ko kaya dibdib ko punterya mo. Haha!"

"Tumigil ka nga!" Lumakad
siya palayo at iniwan ako sa kubo.

"Pikon!" pahabol ko pa. Mga babae talaga kapag naiipit basta na lang nagwo-walk-out. "Pisngi mo namumula pa!"

"Ulol!" sigaw niya. "Blush-on yan."

Tumakbo ako palapit kay Jane at tinatawag na din kami ni Mommy dahil handa na daw ang pananghalian. "Ganda mo pala kapag nagbablush," bulong ko. "Nakablush-on pala."

"Ano kayang itsura mo kapag nasa kabaong ka na?" umismid si Jane.

"Ano naman kaya itsura mo habang umiiyak at hawak ang picture ko?"

"Umalis ka nga sa tabi ko!"

"Bakit ba pikon ka?"

"Hindi ah. Huwag mo lang pakialaman ang itsura ko."

"Namumula ka e. Pikon o nagblush?" Hindi ko alam kung bakit nag-asal ng ganoon si Jane. First time ko siyang nakitang naiirita sa akin na daig pa ang asong bagong anak. "Bakit ka nagkakaganyan? Masyado ka yatang seryoso ngayon."

"Ewan! Basta. Lumayo ka nga!"

"Siguro pikon ka kasi nagbablush ka," kantiyaw ko pa.

"Ano bang pinagtatalunan nyong dalawa dyan? Pumasok na nga kayo at kumain," sabat ni Mommy.

"Tinatanong lang po ako ni Jane kung gaano ko siya kamahal. Eh ayaw ko sumagot."

"Oh bakit di mo sagutin kesa nagtatalo kayo dyan?" usisa pa.

"Baka po kapag sumagot ako kung gaano ko siya kamahal, eh kiligin siya."

"Kapal mo talaga!"

Halos ngayon ko lang napagtuunan ng pansin ang itsura ni Jane. Matagal ko na siyang kasama pero ngayon ko pa lang natitigan ang itsura niya. Simple lang a ng suot niyang damit pero lutang na lutang pa rin ang natural niyang ganda. Makinis ang kanyang kutis at maamo ang kanyang mukha. Bumagay sa bilugan niyang mukha ang nunal malapit sa kanang mata. Nakakaakit ang samyo ng kanyang buhok sa tuwing tatamaan ng hangin. Alam kong malambot ang kanyang labi dahil minsan ko ng natesting pero mas okay kung pwedeng ulitin.


"Jane, anak. Babalitaan nyo naman ako kung kailan nyo balak magpakasal," bungad ni Daddy sa hapag kainan. "Para maimbitihan ko naman ang malayo ko kung kamag-anak."

"Naku wala pa po sa plano namin. Masyado pa pong maaga," mabilis na sagot ni Jane.

"Oo nga! Huwag mo naman madaliin. Baka ilayo siya sa atin ni Loi kapag mag-asawa na sila," singit ni Mommy. Bigla akong napaisip. Kung mag-aasawa ako, saan ko ititira at paano ko bubuhayin. Hindi naman pwede sa ilalim ng tulay dahil okupado na. Buong buhay ko ay nakaasa ako sa magulang ko. Lahat nakaschedule. Baka pati schedule ng honeymooon sila pa ang magbigay.

"May gagawin ka ba next sunday?" tanong muli ni Daddy habang sumusubo ng cholesterol-rich crispy pata.

"Hmmm.. Wala naman po siguro. May gagawin po ba tayo?"

"Family swimming sa Nasugbu. Gusto ka naming isama." Kumindat pa si Daddy sa akin. Kapag may swimming kasi laging nakabuntot si Mommy sa kanya. Kung isasama nga naman si Jane malaya niyang makikilatis ang mga naglipanang nakabikini.

"Sige po! Matagal na akong di nakakarating ng beach." Kumislap ang mata ni Daddy sa nadinig. Parang gusto na agad niyang magteleport sa beach. Kung wala lang si Mommy sa harap niya malamang tumakbo na siya papasok ng kwarto at nag-impake.

Planado na naman ang lahat pati ang pagpaparadahan ng kotse kahit wala naman kaming sasakyan. Hindi man lang kinuha ang opinyon ko. Sabagay, kahit atakihin ako ng diarrhea sa daan hihilahin pa din nila ako. Hindi nga naman family outing kung di kasama ang anak.

Matapos kumain nagkaroon pa ng konting kwentuhan. Nanood muna kami ng movie na ilang beses na naming napanood. Kung tutuusin memoryado na ni Mommy ang linya ni Basha kay Popoy.

Humilig sa akin si Jane habang nanonood. Sumandal siya sa aking balikat. "Loi, pwede bang huwag ka ng umalis bukas? Samahan mo na lang ako sa bahay?"

Hinawi ko ang mga hibla ng kanyang buhok na tumatabing sa mukha. Sinigurado kong hindi siya si Sadako. "Hindi pwede e. May usapan na kami ni Sofia."

"Please!" pakiusap niya gamit ang pamatay niyang boses na ilang beses ng nakakumbinsi sa akin. Pinisil niya ang tuhod ko. "Loi?"

Oh my! Bakit mahirap tumanggi? Dahil naenjoy ko ang pagpisil niya? "Okay. Sa hapon pupuntahan kita."

"Promise?" Inalog nya ang ulo ko.

Tumango ako kahit labag sa loob ko. "Oo."

"Thank you." Niyakap niya ako ng mahigpit. Mahigpit pa sa yakap ng tarsier. Hindi ko alam kung bakit ako pumayag. Ang alam ko lang masaya ako.

itutuloy...

-----------
sa friday ang kasunod..
sa mga naiinip pasensya na po. may work po ako..
basa na lang ng lumang entries.. salamat..


Pangarap Ko


Pangarap kong maging piloto
Exclusive sa mga adik
Para maabot nila ang langit
At di na sila gagamit.

Pangarap kong maging tindero
Magbebenta ako ng halo-halo
Sa mga manyak at rapist na nag-iinit
Pampalamig.

Pangarap kong maging sastre
Gagawa ako ng gwantes
Yung extra large
Para sa mga kapus-palad.

Pangarap kong maging Values Education Teacher
Sa senado at kongreso ako magtuturo
Para bawal magmura at sumigaw
Patatayuin ko ang madalas absent at walang assignment.

Pangarap ko maging karpintero
Gagawa ako ng simbahan
Marami, yung malaki
Kesa sa mga motel at apartel.

Pangarap kong maging ahente
Ng dvd at TV
doon sa bilibid
Para araw-araw may palabas.

Pangarap kong tuparin lahat yan
Ako ang bahala sa lahat
Para magretiro na si batman
Gusto ko gawin lahat.

Pangarap ko nga din ang isilang.
Para matupad ko ang aking pangarap
Kaso ipinalaglag na ako ni inay
Akala ko pa naman ako na ang pag-asa ng bayan.


HU U? (9)






chapters 1|2|3|4|5|6|7|8|




Nasundan pa ang pagkikita namin Sofia. Lihim ang bawat pagkikita kaya kahit ang aso naming si gibo bawal sumunod. Bawat araw ginagawa kong espesyal para matupad ang pangarap kong maging kami. At kapag nangyari yun, ako na ang pinakamasaya sa lahat ng wirdo. Imagine, bukod sa busog ang mata, busog pa sa pagmamahal at busog din ang tyan.

Pero may problema pa din, mas matindi pa sa problemang kinaharap ng Comelec sa PCOS machine. Kailangang maghiwalay muna kami ni Jane. Hanggang ngayon, wala pa din akong lakas ng loob para ihinto na ang kasunduan namin ni Jane dahil mawawalan na ako ng dahilan kina ermat para lumabas ng bahay. Malaki din kasi ang naitulong sa akin ni Jane para makakilos ako ng hindi nalalaman ng magulang ko. That brat?! Hindi ko alam kung sakit ng ulo o nakakatulong.

Paalis na sana ako ng bahay nang harangin ako ni ermat sa pintuan. Hindi naman bago ang T-shirt nya para magpapansin pa sa akin. Wala namang pinagbago sa itsura maliban sa bagong bunot na buhok sa kili-kili.

"You're gorgeous Mom," pambobola ko habang pinipisil ang bagong sibol na pimple sa aking baba.

"I know. Anak kita e kaya naniniwala ako sayo." Sumakay naman sa biro ang nanay kong suki ng gym pero di naman nabawasan bigat. "Saan ka pupunta Zoilo?"

"Mommy naman, tinatanong pa ba? Siyempre kay Jane." May usapan kami ni Sofia ngayon. Excited nga ako kasi may sasabihin daw siya sa akin. Dapat daw sa personal kaya nagmamadali agad akong kumilos. Siguro papayag na siya sa suggestion kong maging kami dahil igigive-up ko na si Jane.

"Miss ko na ang batang iyon. Hindi kasi siya pumunta ulit dito."

"Hayaan nyo Mommy, sasabihin kong dumalaw siya dito bukas."

"Huwag na anak. Papunta na siya dito. Kaya nga hindi kita pinalabas kasi tinawagan ko na siya." Hindi ko alam ang dapat na reaksyon sa nadinig ko. Paano ko sasabihin kay Sofia na hindi ako makakarating? Anong idadahilan ko? Ang gulo. Bakit pumayag si Jane sa gusto ni Mommy? Bakit hindi man lang ako kinukonsulta? At bakit tanong ako ng tanong wala naman sasagot?

"Talaga po? Susunduin ko na po siya sa labasan." Uunahan ko na si Jane. Haharangan ko na siya sa daan para hindi na tumuloy sa bahay. Sasabihin ko na lang na magpanggap siyang masama ang pakiramdam. Ayokong sumira sa usapan namin ni Sofia.

"Hindi na kailangan. Ipinasundo ko na sya sa tatay mo." What?! Ano bang nagustuhan ng magulang ko sa brat na yon at laging excited silang makita siya? Sayang naman ang paliligo ko kung tutuusin bath holiday ko sa araw na ito.

Dumating si Jane. Piyesta ulit ang buong eskinita. Parang artista namam ang pakiramdam ni Daddy dahil maraming umaagaw sa kanyang atensyon, proud na proud siyang kasama si Jane. Lahat ng makasalubong kinakamayan, kinikindatan o nginingitian. Umiral ulit ang Jane invasion sa lugar namin. Palibhasa madudungis ang tao sa amin kahit bagong paligo kaya kapag may dumaang maputi siguradong pagtitinginan ng lahat. Pagkapasok pa lang ng pinto, sinalubong na agad siya ni Mommy at niyakap ng mahigpit. Halos lamunin si Jane ng mga taba ni Mommy.

Na-out place ako sa sariling pamamahay. Hindi man lang ako isinama sa usapan. Bonding moment daw kasi iyon nila mudra at pudra. Buti na lang naisipan munang magluto ni Mommy ng pananghalian kaya nagkaroon ako ng chance para kausapin ng masinsinan si Jane. Lumapit ako kay Jane at niyayang pumunta sa kubo sa may likod-bahay para magkausap kami ng maayos.

"Loi, I have good news!" Pinisil pisil ni Jane ang braso ko. "Listen, hindi na ako affected noong makita kong magkasama si Dexter and his whore."

Natawa naman ako. Hindi apektado pero whore ang tawag sa babae. "I'm glad you have moved on!"

"Salamat sa tulong Loi. Kung wala ka hindi ko agad magagawa ito."

"Dahil sa kiss ko?"

"Tarantado!" Hinampas niya ako ng hawak na bag.

"Maiba ako, bakit di mo sinabi na pupunta ka dito? May lakad kasi kami ni Sofia ngayon."

"Naku! Sorry!" Hinawakan niya ang kamay ko at kita ko sa mata nya ang sincerity. "Excited din kasi akong i-inform ka kaya gusto kitang i-surprise."

Nadala nga lang siguro ng excitement si Jane kaya hindi agad niya nasabi sa akin na dadalaw siya ng bahay. Sa kwento niya, nagkita muli sila ni Dexter sa isang common friend get together. Wala na daw kahit konting sakit sa tuwing makikita niya ang pagmumukha ni Dexter. Masaya ako para sa kanya. Sa wakas wala ng dahilan para magpanggap.

"Maganda yan. Wala ka naman mamapala kung magiging bitter ka pa e."

"Hindi ko nga alam kung paano ako nagmove-on e. Bigla na lang nawala."

"Sa kiss nga siguro. Matatamis kasi ang halik ko."

"Kasi inupakan mo ang mga matatamis na pagkain doon sa party." Namumula si Jane sa tuwing uungkatin ko ang halik kaya di ko inungkat pa ulit.

Katahimikan.


"Hanggang anong oras ka dito? Gusto ko sanang pumunta kay Sofia e."

"Hindi ba pwedeng dito muna ako? Wala akong gagawin sa bahay e."

"Hmmm. Hindi naman pwedeng iwan kita dito. Masesermonan ako dito."

"Ah ganun ba? Sige aalis na ako." Tumayo si Jane at naglakad papunta sa may pintuan papasok sa kusina. Kinuha niya ang atensyon ni Mommy. "Excuse po. Aalis na po ako."

"Ano?! Mamaya na. Nagluto ako ng pagkain natin. Mag-usap muna kayo ni Zoilo." Lumapit si Mommy sa may pintuan at sinigawan ako. "Hoy! Zoilo! Asikasuhin mo ang bisita!"

Patay! Ginamait na ni Jane ang kanyang sandata. Ang kanyang charm. Tinext ko na lang si Sofia na hindi ako makakarating dahil sasamahan ko si Mommy sa pamimili. Buti na lang pumayag siya na bukas na lang kami magkita. Nabura tuloy ang excitement ko.


"See? Dito daw muna ako." Binigyan ako ni Jane ng pinakasweet at peke niyang ngiti.

"Brat!"

"I'm not a brat! Hindi ko hiniling na magustahan nila ako."

"Sinasamantala mo naman!"

"Ipagpapalit mo na ba talaga ako sa Sofia na iyon?" panunukso niya. Inilabas pa niya ang kanyang balikat na parang nang-aakit saka bigyan ako ng mapanuksong kindat. Umikot-ikot sa loob ng kubo at dumikit sa akin. "Lover boy?"

"Itigil mo nga yan. Natatawa ako sa'yo!"


Tumawa ng tumawa si Jane matapos itigil ang pinaggagawa niya. "Sus! Nanlaki nga ang mata mo e!"

Napalunok ako ng laway.


itutuloy....


quotable quote


thanks akane sa effort. natuwan naman ako. :)

save the best for last


Dear Seatmate,


Hindi naman talaga ako natutulog sa klase kahapon. Nakasubsob lang ang mukha ko sa armchair. Kunyari tulog ako pero pasimple kitang tinitingnan. Ayaw mo kasi ng tinititigan kita kasi nako-conscious ka. Muntik mo pa nga akong mabuking noong hinaplos mo ang likod ko kasi nakiliti ako. Ewan ko ba, masyadong akong inlab sa mga mata mo kahit may kalakihan. Naaaliw nga pala ako kapag nakikita kong kumukunot ang noo mo lalo na kapag hindi mo naiintindihan ang algebra. Reklamo mo pa, hindi naman convertible sa cash ang x at y.


Alam mo hanggang ngayon natatawa pa din ako. Hindi ko kasi akalain na magiging tayo. Dati kasi nakukulitan ako sa'yo lalo na kapag nagpapaturo ka ng assignment. Ayaw na nga kita tulungan kasi napapansin ko parang ako na ang gumagawa. Tatanggi na sana ako kaso dinadaan mo ako sa kindat o kaya susuhulan mo ako ng slurpee. Hanggang sa nasanay na akong kasama ka at hinahanap-hanap ko na palagi ang presence mo.

Kanina nga pala noong uwian nasermonan ako ng professor natin sa Elective. Nakita nya daw kasi akong nagtetext sa klase nya. Hindi naman ako nagtetext e, tiningnan ko lang nag picture mo sa cellphone ko. Pasensya na kasi stolen shot yon. Tinulugan mo kasi ako noong nagrereview tayo sa bahay. Hindi ko nga alam kung review ang ginawa natin kasi kain ka lang naman ng kain tapos noong nabusog ka tinulugan mo lang ako. Hindi naman kita ninakawan ng halik sa labi kanina may ibinulong lang ako sa bibig mo. Sanay ka naman di ba na bumubulong ako sa buhok mo? Parang ganun din lang yun. Hindi ko naman alam na ikaw si sleeping beauty, isang halik lang gising na.

Alam mo, mahal na mahal kita. Sa katunayan, kahit wala ka sa tabi ko, napapangiti na ako sa tuwing naiisip kita. Kapag nga nagtetext ako sayo, isang letter pa lang ang natatype ko, kinilig na ako. I love you, Anne. You might not be my first love pero pangako, you will be the last. My heart is only meant for you. I want us to share the same feeling. Share the same joy. And end up together.



The greatest journey in my life is When our souls have finally found each other. :)


------
request lang ito..


HU U? (8)






chapters 1|2|3|4|5|6|7|




Isang barangay lang ang layo ng apartment ni Sofia sa aming bahay. Naisipan kong maglakad para marinig ang usapan ng mga tambay. Lumalaki ang tenga ko sa tuwing pakikinggan ko ang usapan nila tungkol sa akin at kay Jane. Napangiti ako kasi maraming nagsasabi na jackpot ako kay Jane. Tinitingala nila ako ngayon. May mga sumasaludo pa nga tanda ng paghanga. Pati mga chicks di mapigilang kumaway sa akin. Syet ang gwapo ko. Napatunayan ko na ngayon na bf material ako.

Si Sofia ang nagsuggest na doon na lang kami magkita sa apartment niya kesa sa ibang lugar pa. Pumayag naman ako para tipid. Makapag-usap kami ng maayos at sapat ang privacy doon dahil hindi ako kilala sa lugar nila. Panigurado, yari ako kapag nakarating kina ermats na hindi si Jane ang kasama ko kaya mas ok na hindi na kami gagala. Birthday niya last week at gusto nya daw ng post celebration kasama ako. Nagluto na din daw siya ng pagkain para pagsaluhan namin. Sabi pa nya, gusto nya daw bumawi sa mga pagkukulang niya kaya ginagawa niyang lahat iyon. Palagay ko naman maganda ang intensyon niya na magkaayos kami.

Noong una simpleng katext ko lang siya para maalis ang inip ko sa pagbabantay ng tindahan. Minsan siyang nagpaload at naisipan kong padalhan ng ilang quotations para mapansin naman ako. Hindi naman ako nabigo. Katulad ko, naiinip din siya kaya pumayag siyang katext ko. Nag-iisa lang kasi siya sa apartment kaya malaking bagay ang may makausap na gaya ko. Nagreply siya at ientertain ang mga tanong ko. Kulang na lang pati cups size usisain ko para hindi ako maubusan ng sasabihin.

Dahil madalas ko siyang kausap, inatake na naman ako ng sakit kong super-mega-over-easy-to-fall-inlove syndrome. Madalas akong wala sa sarili dahil sa sakit ko. Nahulog ang loob ko sa kanya hindi dahil malaki ang hinaharap niya kundi dahil sa sayang hatid niya sa akin kahit hindi kami nagkikita. She's really sweet. Sa kanya ko naramdaman ang pagpapahalagang hinahanap ng isang lalaki. Minahal ko siya higit pa sa kayang ibigay ni Popoy kay Basha. Naniwala naman si Sofia sa mga sinasabi ko kaya nagkasundo kaming magkita para sabihin niya ang nararamdam niya sa akin. Sobrang saya ko, mas masaya pa sa batang estudyanteng nakatanggap ng star mula braso hanggang noo. I'm too excited to see her but after that day, hindi na siya nagparamdam. Sumama ang loob ko. Gusto kong magalit pero tinatamad ako.

Ngayon nagbalik si Sofia para bumawi at pag-aaralan kung worth it kung magsimula ulit kami. Technically, statistically at lahat pa ng cally, single ako kaya walang masama. May feelings pa ako sa kanya kaya walang masamang sumubok. Tulad ng dati,lalaki ako, walang mawawala. I just want to love and be loved back in return at alam kong maibibigay iyon ni Sofia. Makikiusap na lang ako kay Jane na tapusin ang aming kasunduan kung magkakasundo ulit kami Sofia.

"Tuloy ka Loi," Nakangiting salubong sa akin ni Sofia. Ginabayan niya papasok sa apartment compound. Nasa dulong bahagi ng compound ang unit Sofia. Pagkapasok ko pa lang, naenganyo na ako. Napakasinop. Parang masarap magkalat.

"Okay ang unit mo ah. Sobrang organized!" Ngayon pa lang ako nakarating sa lugar niya. Dati kasi sa isang mall kami nagkita.

"Thanks! Wala kasi ako masyadong ginagawa kaya inaayos ko palagi. Maiba ako, baka magalit ang girlfriend mo dahil dumalaw ka dito."

"Don't worry, nagpaalam ako," wika ko. Gusto ko na sanang sabihin ang totoo kay Sofia. I want her back (pati front). "Pinayagan naman ako."

"What? Pinayagan ka? Hindi siya takot na lokohin mo s'ya. That's weird!"

"Well, sabi niya kung siya talaga ang mahal ko, babalik ako sa kanya. Kung lolokohin ko naman sya that means na naging panakip butas ko lang daw siya. Gusto niya akong bigyan ng chance para pag-aralan ang feelings ko." Pambira! Hanggang kailan pa ako mabubuhay sa kasinungalingan dati ang kasalanan ko lang ay pagloload ng cellphone ko ng hindi ko binabayaran sa tindahan ngayon nadagdagan pa.

"Hmm.. Anyway, handa na nga pala ang pagkain. Doon na lang tayo magkwentuhan sa dining area." Inilalayan ako ni Sofia patungo sa mesa. Simple ang nakahanda pagkain pero maayos ang pagkakaprepare. Inasikaso niya ako bago siya umupo sa tabi ko. I like her. She's too sweet, sayang kung langgam lang ang makikinabang.

"Mukhang masarap ah. At mabango pa!" Tumitig ako kay Sofia at ngumiti.

"Loko ka! Pagkain ba ang inaamoy mo o ako?" She pinched me. "Masarap ka dyan! Sorry I'm not edible!"

"Siyempre itong food ang inaamoy ko! Tumingin lang ako sa'yo para icompliment ka." Tinapik ko siya sa balikat.

"Congaratulations! Nakuha mo ang gusto ng panlasa ko."

"Congratulations lang? Walang prize?" She's such a tease.

Pinuno ko ng mantika ng adobo ang labi ko. "Sige bigyan kita ng kiss sa cheek!"

"Loko ka talaga! Kumain na nga tayo. Hindi maganda maglaro ng food."

"Sofia?"

"Yes?"

"Malapit lang pala bahay nyo, bakit hindi ka dumaan sa bahay noong nawala ang phone mo?" Gusto kong mag-usisa. Matagal siyang hindi nagparamdam at ngayong alam na niyang may gf ako saka siya sumulpot. Gusto kong alamin ang bawat detalye.

"Pauwi ako ng Puerto noong nawala ang phone ko. Nahulog yata sa bus or nadukot. Hindi ko naman memorize ang number mo kaya di kita nainform agad."

"Ah. Paano mo nalaman na may girlfriend na ako?"

"Sa mga bulungan sa tapat ng tindahan nyo. Noong bumalik ako dito, ipinakikilala mo yata sa magulang mo ang girlfriend mo."Nasagot ni Sofia ang mga pagdududa ko. Hindi ko dapat agad siya hinusgahan.

Nag-uunahan kami sa pagsasalita. Marami kaming gustong ikwento sa isa't isa. Palibhasa pareho kaming loner kaya nagkakasundo kami sa madaming bagay. I'm looking forward na maging maayos kami.

"Loi, paano tayo? I mean anong set-up natin?"

"Ano bang gusto mo?"

"Bakit akong ang tinatanong mo ikaw ang may sabit? Ayoko ko ng may kahati!"

"Alam mo naman siguro dahilan kung bakit ako nandito. Kakausapin ko si Jane about this."

"So you mean, what?" Nangusap ang kanyang mga mata. Grabe, mapanukso ang kanyang mga mata. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko,

parang gustong lumabas. Paano ba ako makakatanggi sa alok niya kung ipinagsisiksikan na niya?

"Kung papayag ka, gusto ko maging tayo." Excited akong madinig ang sagot niya.

"Uhmm. Sasagutin ko yan kapag nasabi mo na sa Jane mo! Tara, balik na tayo sa sala." Kumapit s'ya sa braso ko at humilig sa balikat ko.

"Sandali! May dumi ka sa pisngi." Inalis ko ang maliit na dahon lettuce sa kanyang pisngi. Hinaplos ko ang kanyang mukha.

Gusto ko siyang halikan. Inilapit ko ang aking mukha. Pumikit siya at ipinaubaya ang kanyang mga labi. Ikinawit niya ang dalawang kamay sa batok ko. Nanginig ang mga tuhod ko daig pa ang may nakabiting isang toneladang bato.


itutuloy....




Bagito


WARNING : Contains mature content




"Mahal na mahal kita Andrew." Hinalikan ako ni Ellen sa batok habang itinataas ang zipper ng aking pantalon. "Hindi ako nagkamaling mahalin ka. I'am the happiest bitch on earth."

"You're not a bitch, Ellen." Humarap ako sa kanya. Tinitigan ko ang kanyang mga mata at hinalikan ng bahagya sa labi. "You're my girl."

Buong gabi kaming magkasama ni Ellen. Pinagsaluhan namin ang isang gabi na puno ng kaligayahan. Bawat halik may kahulugan. Bawat halos may hatid na kakaibang pakiramdam.

Hindi na mabaling sa aking daliri kung ilang beses kaming nagtalik. Magaling siya. Game sa lahat. May kusa. Una ko siyang natikman sa isang resort sa Laguna, sumunod sa mga motel sa Pasay at Cubao. At kung wala naman tao sa bahay, siguradong walang humpay ang bakbakan kahit saang sulok ng bahay.

Nasaktan ako sa sinabi ni Ellen. Pero hindi ko siya masisi. Nasaktan ko siya dati. Handa akong magtiis para mapatunayan na hindi katawan lang ang habol ko.

Nagsimula ang lahat sa udyok ng isang tropa. Si Otep. Kababata ko siya at madalas kasama sa panonood ng iba't ibang klase ng porn movies. Lahat ng experience niya at lahat ng babaeng natikman ay ikinukwento niya sa akin. Isa si Ellen sa dumaan sa palad niya. Siya ang naglahad ng kakaibang performance ni Ellen. Isang linggo na nga daw ang nakakaraan hinahanap niya pa din ang alindog. Naeexcite ako sa mga kwento niya kaya dumami ang kalyo sa kamay ko.

"Andrew, ligawan mo kaya si Ellen," pabirong wika ni Otep.

"Ano? Naloloko ka na ba? Pinagsawaan n'yo na iyon e," tanggi ko agad.

"Iiskor ka lang naman at para naman makapagpahinga ang palad mo. Hindi naman yun magpapadali kung hindi ka niya boypren."

"Magkasakit pa ko."

"Hindi ka magkakasakit tol. Ako nakauna sa kanya. Tapos sina Ricky, Daryll at Cris lahat first timer noong sumabak sa kanya. Parang gagayahin mo lang sila para may experience ka na!" Madami pang mapanuyong salitang sinabi sa akin si Otep para pumayag ako sa gusto niya.

"Sige. Pero paano kapag nabuntis ko? Lugi naman ako."

"Matagal ng uso ang goma, Andrew!"

"Hindi daw masarap kapag ganun e."

"Hayaan mo lang na mabawasan ang sarap kesa naman habang buhay kang maghihirap!"

Nabuo ang plano. Binigyan ako ng idea ni Otep para makuha ang loob ni Ellen. At noong naging kami, si Otep mismo ang nagplano ng swimming. Bago sumikat ang araw ninamnam ko ang lahat ng parte ng katawan ni Ellen. Tama si Otep. Nakakabaliw ang performance niya. Kakaibang sarap.

Hindi ko mahal si Ellen pero ramdam ko ang pagpapahalaga niya sa akin. Hindi siya katulad ng iniisip ni Otep. Madali lang mahulog ang loob ni Ellen at handa niyang ibigay lahat para sa lalaking minamahal. Hindi siya pokpok tulad ng iniisip ko.

Naging madalas ang aming pagkikita at pag-uusap. Sa di ko maipaliwanag na dahilan, nahulog ang loob ko sa kanya. Minahal ko siya. Alam ko walang halong libog o tawag ng laman. Tinagap ko ang tawanan ng tropa sa tuwing pagkukuwentuhan namin si Ellen.

"Andrew! Kamusta pare?" Tinapik ako sa balikat ni Otep.

"Alam mo na." Ngumiti ako. "Pasok ka pare."

"Ganda ng ngiti mo ah. Enjoy na enjoy mo ang pagkantot kay Ellen ah!"

"Pare hindi ganun!" Naasar ako sa sinabi ni Otep.

"Chill lang! Samantalang ikaw mismo ang nagkukuwento sa akin ng mga ginagawa nyo. Sarap na sarap ka nga sa chupa nya e."

"Huwag mong bastusin ang girlfriend ko! Iba na ngayon!" Gigil na gigil ako. Kinuwelyuhan ko si Otep.

Dumistansya lang ako nang makita ko ang gulat na mukha ni Ellen. Hindi ko namalayan ang kanyang pagdating. "Andrew? Totoo ba ang narinig ko?" Tumakbo palayo si Ellen.

Hinabol ko si Ellen. Patutunayan ko ang pagmamahal ko sa kanya. Hindi ako umalis sa harap ng bahay nila hangga't hindi niya ako kinakusap. Nagmakaawa akong lumabas siya ng bahay at pakinggan ang panig ko.

"Matatanggap mo ba ang isang parausan? Minahal mo ba talaga ako Andrew?" sumbat niya sa akin.

"Tanggap ko ang lahat sa'yo. Mahal na mahal kita."

"Hindi ka ba nahihiya na puta ang girlfriend mo?"

"Hindi ka puta, at lalong hindi kita ikahihiya!"

"Hindi tayo bagay Andrew! Pagtatawanan ka lang ng barkada mo." Patuloy ang agos ng luha ni Ellen.

"Kung yun lang ang gumugulo sa isip mo, lumayo tayo dito. Magsimula tayo sa ibang lugar." Pinahid ko ang kanyang luha. Hindi ko na siya hinayaan pang magsalita, siniil ko ng halik ang kanyang mga labi.

Ngayon, magkasama kami. Magkasalong muli sa ligaya. Pero sa pagkakataon ito, pinatunayan kong hindi tawag ng laman ang mahalaga. Ang gabing ito ang aming honeymoon ng asawa kong si Ellen.

"Sana hindi ka magsising pakasalan ako."

"Wala akong pagsisihin. Masaya akong magkasama tayo."

"I'm the happiest bitch." Ngumiti siya akin.

"You're not a bitch. Huwag kang makulit. You're my girl." Gusto kong maramdaman niyang isa siyang babae hindi isang puta. At dapat niyang matanggap ang pagmamahal na handa kong ialay para sa kanya.

-end-

HU U? (7)






chapters 1 |2|3|4|
5|6|


Ilang beses kong kinagat ang labi ko para namnamin ang sarap ng halik ni Jane. Masarap pala talaga ang kiss daig pa ang lasa ng paborito kong pampanga's best tocino. First kiss kaya nasabik ako. Kung dati, poster lang ni Basha ang hinalikan ko ngayon tao na talaga.

"Jane? Bakit wala kayo sa loob?" Nagulat ako nang may biglang nagsalita sa aking likuran. Palagay ko nakita niya ang aming ginawa. Nasira ang pagmomoment ko. Ibinaling ko ang aking paningin sa nagsalita. Si Dexter.

"Having our quality time. I think?" Nagtaas pa ng kilay si Jane. Buti na lang ibinaba nya ulit mukha kasi siyang character sa sesame street. Ngayon malinaw na sa akin kung bakit humiling ng kiss sa akin si Jane. Akala ko pa naman bukal sa loob niya parte pa din pala ng palabas. Pero okay lang naenjoy ko naman.


"Dito sa labas?" Natatawang wika ni Dexter na tila nangungutya.

"Romantic nga dito tsaka ano bang pakialam mo?"

"Bakit parang galit ka? Naipakilala ko na sa lahat ang girlfriend ko. Sayo na lang hindi kaya pinuntahan kita dito." Tumalikod si Dexter at humakbang palayo. "Take your time, pasensya na sa abala."


Hindi na ako sumingit sa usapan ng dalawa. Alam kong may plano si Jane. Alam ko parte lang ako ng mga gimik nya para ipamukha kay Dexter na nakamove-on na siya. Hindi ko alam kung dapat pa akong sumunod sa kanya pero kung palagi naman niya akong hahalikan hindi na siguro ako lugi. Natakot ako sa paghaharap nila. Akala ko magkakagulo pa. Mataas na kasi ang boses ng dalawa. Buti na lang kontrolado ni Dexter ang sarili nya, takot siguro mataekwondo. Halos pagpawisan ang kili-kili ko sa sobrang kaba.

Matapang na hinarap ni Jane si Dexter pero ngayon muli siyang lumuluha. Nasasaktan. Gusot na gusot ang kanyang mukha.

"Ano pa bang kulang sa akin?"

"Wala Jane. Wala."

"Bakit mabilis siyang nakamove-on? Tapos napalitan na agad ako."

"Jane. Hindi naman karera ni pagong at kuneho pagmomove-on. Ano ba ang dapat? Sabay ba o mauuna dapat ang babae?"

"Hindi ko alam. Hindi naman ako pagong e." Hay naku. Pilosopo. Humikbi siya. "Siguro dapat ko na talaga siyang kalimutan." Pinahid ko ang luhang unti-unti bumubura sa make-up niyan ilang oras ding pinagpaguran. Kung alam ko lang na iiyak siya dito hindi na sana kami umattend. Nag-stay na lang sana kami sa bahay at nanood ng bala sa bala.

"You don't need to forget him. Just accept na wala na kayo. Na hindi na siya parte ng buhay mo."

"Zoilo, dati bookworm ka tapos salesman ngayon love doctor ka na."

"Tama na ang iyak! Zoilo na tawag mo sa akin e. Sige ka baka mainlab ka pa sa akin."

"Yuck!"

"Uwi na tayo! Bago pa lumalim ang gabi at magnasa ka pa!" Tumayo ako at hinila ang kamay ni Jane.

Pumunta siya sa likuran ko. Iniikot ang dalawang kamay sa leeg ko. "Loi, kargahin mo 'ko."

"Bigat mo kaya!" sumbat ko pero ngiti lang ang iginanti niya sakin. Lumaki ang mata nya at halatang nagpapacute.Nagpakipot muna ako pero pumayag din naman akong kargahin siya bago pa lumuwa ang mata nya. "Sagwa natin, nakapormal tayo tapos ganito ang itsura natin."

"Hanggang bahay tayong ganito huwag kang mag-alala." Sumimangot ako. Tumawa si Jane. Parang nagiging hobby nya ang asarin ako. May pagkakataong bumibitaw pa siya sa pagkakayap sa leeg ko kaya ramdam ko ang bigat.

"Bumaba ka na bago pa kita ihulog sa estero."

"Kapag may dumaang taxi pauwi bababa na ako."

"Niloloko mo ba ako?"

"Hindi ah. Kapag may dumaang taxi bababa na talaga ako!"

"One way to e!"

"So? Maglakad ka pa hanggang hindi na one way."

Pinagbigyan ko na lang gusto ni Jane kahit pagod na ako kesa naman manatili kaming doon sa party at nasasaktan siya. Tsaka pangit naman kasi ang may kasamang umiiyak lalo pa't wala naman akong kasalanan. At least ngayon nakangiti na si Jane. Narealize ko, mas nakakaliw siyang kasama kapag nagtataray siya. Pero bakit ba ako concern sa kanya? Ewan.

Tulag ng dati, nakaupo ulit kami sa bangketa habang naghihintay ng taxi. Kahit pinagtitinginan kami ng mga tao hindi na namin pinapansin. Dumampot ako ng bato at gumuhit ng kung anu-ano sa kalsada para maalis ang pagkainip. Kumuha din ng bato si Jane, naiinggit siguro. Ayaw talaga padaig kahit mukhang baboy ang drawing niyang pusa, nakipagtalo pa na mas magaling siya magdrawing.

Kinuskos ni Jane ang magkabilang palad para maibsan ang lamig na nararamdaman. Hinubad ko ang aking coat at ibinalabal sa mga balikat niya. Ngumiti siya matapos kong gawin iyon.

Sa taxi, hindi ko na masyadong kinausap si Jane dahil ramdam ko ang pagod niya. Nakatulog na siya sa aking balikat. May ilang beses kong siyang sinulyapan. Hinawi ko ang hibla ng buhok na humaharang sa kanyang mukha. Ilang buwan na din pala kaming magkasama ngayon ko lang napansin na maamo ang kanyang mukha. Sana lagi na lang siyang tulog.

"Jane, bukas huwag ka munang pumunta sa bahay," bilin ko Jane matapos naming bumaba ng taxi. "Magkikita kasi kami ni Sofia."

"Wow! Goodluck lover boy. So paano dito na lang ako. Ingat pauwi."

"Sige!" Hinintay ko siyang makapasok ng gate. Tumalikod ako matapos namaalam.

"Loi!"

"Bakit?" Lumakad ako palapit kay Jane.

"Salamat. Sige alis ka na."

"Ah wala iyon. Good night."

"Loi!"

"Bakit na naman!" Hinalikan ako ni Jane sa pisngi at pumasok na siya ng bahay. Hindi agad ako nakagalaw. Nanginig ang tuhod ko. Tumingin ako sa paligid kung nandoon si Dexter. Wala naman. Alam kong halik ng pasasalamat lang iyon pero may kakaibang pakiramdam na naidulot sa akin.


Derecho agad ako ng kwarto pagkauwi. Hindi ko na pinansin ang mga magulang kong gusto pang makichika. Napapangiti ako sa tuwing naalala ko ang buong gabi. Hindi ko maintindihan. Madaming gumugulo sa aking isip. Makatulog na nga excited na ako sa pagkikita namin ni Sofia. Sa wakas lovelife ko naman ang mabibigyan ko ng kulay. Pero hanggang pagtulog ko hawak ko pa ang labi at pisngi ko.

itutuloy....

----
before the weekends na ang kasunod..