Skinpress Rss

HU U? (10)






chapters 1|2|3|4|5|6|7|8|9|





What she gets she wants. Jane has the most charming smile lalo na kapag nag-aasal bata siya. Tinatakpan ko na nga ang mukha ko para hindi siya makita kapag may hinihiling kaso lalo siyang dumidikit sakin para pilitin ako. Kapag ibinigay na ang gusto bigla na lang nag-eevolve at laging gustong praktisin ang taekwondo sa akin. Sa mga albums nga namin sa bahay marami sa mga picture namin ay nakapulupot ang kanyang braso sa aking leeg pero nakangiti naman para hindi obvious na sinasakal.

She's a certified brat kahit ayaw niyang maniwala. Noong nakaraan, tinawagan n'ya ako para yayain magmall dahil naiinip siya sa bahay nila.Tumanggi naman ako dahil puyat pa ako sa pakikipag-usap kay Sofia. Nakumbinsi ko naman siya na hindi ko siya masasamahan. Pero wala pang sampung minuto, nasa harap na siya ng bahay at aalis na daw kami. Pinagalitan pa ako ni Mommy dahil umaandar daw ang metro ng taxi. Wala naman ako nagawa dahil nasa plano na ang lahat bago pa man niya ako tawagan. Pumunta kami ng mall kahit wala naman kaming gagawin. Gala. Upo. Nood ng dumadaan. Inom. Nguya. Napanood na namin ang mga sine kaya nagpadesisyunan namin mag-arcade na lang para di magkasawaan sa aming mga mukha. Pinili niya ang mga laro na kaya niya akong talunin tapos saka ako sisigawan.

"Mahina ka pala Loi! Weak!" Kapag naman hinahamon ko siya na iba ang laruin para makabawi ako, tatawanan lang niya ako. "Huwag ka na! Baka lalong bumaba ang self-esteem mo Loi kapag natalo ka na naman." Malakas siya mang-aalaska pero hindi naman aabot sa puntong nakakaasar. I like her attitude kahit may pagkabratinela at pagkamaldita.

Lagi siyang may bitbit na mga pasalubong para kay ermat. Kadalasan mga girly stuff kaya pakiramdam ni Mommy magkasing-edad lang sila. Dinig ko sa usapan nila may plano pa silang magkaroon ng regular gym session. Hindi ko alam kung pinaplastik nya lang ang nanay ko dahil sa pagpapanggap namin o likas na talaga sa kanya ang pagiging sweet. Nahihirapan tuloy akong mag-isip kung paano ko isisingit si Sofia kung sakaling ipagtapat na namin ang lahat. Sobrang hirap ng sitwasyon ko ngayon. Hindi ko alam na aabot sa ganito. Kailangan ko talagang bitiwan ang isa. Pero sino? Si Jane na masayang kasama at gustong gusto nina Mommy o si Sofia na mahal ko at mas tipid kasi pwedeng lakarin ang tirahan.

"Gusto kong makita ang Sofia mo," wika ni Jane.

Napailing ako. "Huwag na. Maiinsecure ka lang."

"Hindi! Gusto ko lang makita ang babaeng pumatol sa'yo." Sinusundot pa niya ang aking tagiliran para pumayag ako.

"Pangit na ba talaga ako at wala ng papatol sa akin?"

"Malaki na ang improvement mo mula noong binago mo ang hair style mo at inalis mo na ang salamin."

"So pangit ako dati?"

"Hmmmm. Hindi naman. Jologs ka lang dati. J-O-L-O-G-S." baybay niya sa mga letra. "Jologs!"

Napangiti ako. Ngiting pwede ilaban ng Mr. Photogenic. "Do you find me attrative?"

"Oo naman. Lalo kapag nakangiti ka. Mas gumagwapo ka."

"Talaga? Baka naiinlove ka na ha? Sabihin mo lang."

"Kapal mo naman! Lumaki na agad ang ulo pinuri lang kita."

"Aminin mo na! Huwag magdeny!" Ako naman ang humahalakhak ngayon at siya naman ang umiiwas sa asaran. "May namumulang kamatis. Malapit ng mahinog."

"Gusto mong tumagos sa dibdib mo ang kamao ko? Ano?!" Tumayo siya at ipinakita ang kamaong hindi naman dapat katakutan sa sobrang kakinisan.

"Sus! Gusto mo lang mapasayo ang puso ko kaya dibdib ko punterya mo. Haha!"

"Tumigil ka nga!" Lumakad
siya palayo at iniwan ako sa kubo.

"Pikon!" pahabol ko pa. Mga babae talaga kapag naiipit basta na lang nagwo-walk-out. "Pisngi mo namumula pa!"

"Ulol!" sigaw niya. "Blush-on yan."

Tumakbo ako palapit kay Jane at tinatawag na din kami ni Mommy dahil handa na daw ang pananghalian. "Ganda mo pala kapag nagbablush," bulong ko. "Nakablush-on pala."

"Ano kayang itsura mo kapag nasa kabaong ka na?" umismid si Jane.

"Ano naman kaya itsura mo habang umiiyak at hawak ang picture ko?"

"Umalis ka nga sa tabi ko!"

"Bakit ba pikon ka?"

"Hindi ah. Huwag mo lang pakialaman ang itsura ko."

"Namumula ka e. Pikon o nagblush?" Hindi ko alam kung bakit nag-asal ng ganoon si Jane. First time ko siyang nakitang naiirita sa akin na daig pa ang asong bagong anak. "Bakit ka nagkakaganyan? Masyado ka yatang seryoso ngayon."

"Ewan! Basta. Lumayo ka nga!"

"Siguro pikon ka kasi nagbablush ka," kantiyaw ko pa.

"Ano bang pinagtatalunan nyong dalawa dyan? Pumasok na nga kayo at kumain," sabat ni Mommy.

"Tinatanong lang po ako ni Jane kung gaano ko siya kamahal. Eh ayaw ko sumagot."

"Oh bakit di mo sagutin kesa nagtatalo kayo dyan?" usisa pa.

"Baka po kapag sumagot ako kung gaano ko siya kamahal, eh kiligin siya."

"Kapal mo talaga!"

Halos ngayon ko lang napagtuunan ng pansin ang itsura ni Jane. Matagal ko na siyang kasama pero ngayon ko pa lang natitigan ang itsura niya. Simple lang a ng suot niyang damit pero lutang na lutang pa rin ang natural niyang ganda. Makinis ang kanyang kutis at maamo ang kanyang mukha. Bumagay sa bilugan niyang mukha ang nunal malapit sa kanang mata. Nakakaakit ang samyo ng kanyang buhok sa tuwing tatamaan ng hangin. Alam kong malambot ang kanyang labi dahil minsan ko ng natesting pero mas okay kung pwedeng ulitin.


"Jane, anak. Babalitaan nyo naman ako kung kailan nyo balak magpakasal," bungad ni Daddy sa hapag kainan. "Para maimbitihan ko naman ang malayo ko kung kamag-anak."

"Naku wala pa po sa plano namin. Masyado pa pong maaga," mabilis na sagot ni Jane.

"Oo nga! Huwag mo naman madaliin. Baka ilayo siya sa atin ni Loi kapag mag-asawa na sila," singit ni Mommy. Bigla akong napaisip. Kung mag-aasawa ako, saan ko ititira at paano ko bubuhayin. Hindi naman pwede sa ilalim ng tulay dahil okupado na. Buong buhay ko ay nakaasa ako sa magulang ko. Lahat nakaschedule. Baka pati schedule ng honeymooon sila pa ang magbigay.

"May gagawin ka ba next sunday?" tanong muli ni Daddy habang sumusubo ng cholesterol-rich crispy pata.

"Hmmm.. Wala naman po siguro. May gagawin po ba tayo?"

"Family swimming sa Nasugbu. Gusto ka naming isama." Kumindat pa si Daddy sa akin. Kapag may swimming kasi laging nakabuntot si Mommy sa kanya. Kung isasama nga naman si Jane malaya niyang makikilatis ang mga naglipanang nakabikini.

"Sige po! Matagal na akong di nakakarating ng beach." Kumislap ang mata ni Daddy sa nadinig. Parang gusto na agad niyang magteleport sa beach. Kung wala lang si Mommy sa harap niya malamang tumakbo na siya papasok ng kwarto at nag-impake.

Planado na naman ang lahat pati ang pagpaparadahan ng kotse kahit wala naman kaming sasakyan. Hindi man lang kinuha ang opinyon ko. Sabagay, kahit atakihin ako ng diarrhea sa daan hihilahin pa din nila ako. Hindi nga naman family outing kung di kasama ang anak.

Matapos kumain nagkaroon pa ng konting kwentuhan. Nanood muna kami ng movie na ilang beses na naming napanood. Kung tutuusin memoryado na ni Mommy ang linya ni Basha kay Popoy.

Humilig sa akin si Jane habang nanonood. Sumandal siya sa aking balikat. "Loi, pwede bang huwag ka ng umalis bukas? Samahan mo na lang ako sa bahay?"

Hinawi ko ang mga hibla ng kanyang buhok na tumatabing sa mukha. Sinigurado kong hindi siya si Sadako. "Hindi pwede e. May usapan na kami ni Sofia."

"Please!" pakiusap niya gamit ang pamatay niyang boses na ilang beses ng nakakumbinsi sa akin. Pinisil niya ang tuhod ko. "Loi?"

Oh my! Bakit mahirap tumanggi? Dahil naenjoy ko ang pagpisil niya? "Okay. Sa hapon pupuntahan kita."

"Promise?" Inalog nya ang ulo ko.

Tumango ako kahit labag sa loob ko. "Oo."

"Thank you." Niyakap niya ako ng mahigpit. Mahigpit pa sa yakap ng tarsier. Hindi ko alam kung bakit ako pumayag. Ang alam ko lang masaya ako.

itutuloy...

-----------
sa friday ang kasunod..
sa mga naiinip pasensya na po. may work po ako..
basa na lang ng lumang entries.. salamat..