Skinpress Rss

HU U? (8)






chapters 1|2|3|4|5|6|7|




Isang barangay lang ang layo ng apartment ni Sofia sa aming bahay. Naisipan kong maglakad para marinig ang usapan ng mga tambay. Lumalaki ang tenga ko sa tuwing pakikinggan ko ang usapan nila tungkol sa akin at kay Jane. Napangiti ako kasi maraming nagsasabi na jackpot ako kay Jane. Tinitingala nila ako ngayon. May mga sumasaludo pa nga tanda ng paghanga. Pati mga chicks di mapigilang kumaway sa akin. Syet ang gwapo ko. Napatunayan ko na ngayon na bf material ako.

Si Sofia ang nagsuggest na doon na lang kami magkita sa apartment niya kesa sa ibang lugar pa. Pumayag naman ako para tipid. Makapag-usap kami ng maayos at sapat ang privacy doon dahil hindi ako kilala sa lugar nila. Panigurado, yari ako kapag nakarating kina ermats na hindi si Jane ang kasama ko kaya mas ok na hindi na kami gagala. Birthday niya last week at gusto nya daw ng post celebration kasama ako. Nagluto na din daw siya ng pagkain para pagsaluhan namin. Sabi pa nya, gusto nya daw bumawi sa mga pagkukulang niya kaya ginagawa niyang lahat iyon. Palagay ko naman maganda ang intensyon niya na magkaayos kami.

Noong una simpleng katext ko lang siya para maalis ang inip ko sa pagbabantay ng tindahan. Minsan siyang nagpaload at naisipan kong padalhan ng ilang quotations para mapansin naman ako. Hindi naman ako nabigo. Katulad ko, naiinip din siya kaya pumayag siyang katext ko. Nag-iisa lang kasi siya sa apartment kaya malaking bagay ang may makausap na gaya ko. Nagreply siya at ientertain ang mga tanong ko. Kulang na lang pati cups size usisain ko para hindi ako maubusan ng sasabihin.

Dahil madalas ko siyang kausap, inatake na naman ako ng sakit kong super-mega-over-easy-to-fall-inlove syndrome. Madalas akong wala sa sarili dahil sa sakit ko. Nahulog ang loob ko sa kanya hindi dahil malaki ang hinaharap niya kundi dahil sa sayang hatid niya sa akin kahit hindi kami nagkikita. She's really sweet. Sa kanya ko naramdaman ang pagpapahalagang hinahanap ng isang lalaki. Minahal ko siya higit pa sa kayang ibigay ni Popoy kay Basha. Naniwala naman si Sofia sa mga sinasabi ko kaya nagkasundo kaming magkita para sabihin niya ang nararamdam niya sa akin. Sobrang saya ko, mas masaya pa sa batang estudyanteng nakatanggap ng star mula braso hanggang noo. I'm too excited to see her but after that day, hindi na siya nagparamdam. Sumama ang loob ko. Gusto kong magalit pero tinatamad ako.

Ngayon nagbalik si Sofia para bumawi at pag-aaralan kung worth it kung magsimula ulit kami. Technically, statistically at lahat pa ng cally, single ako kaya walang masama. May feelings pa ako sa kanya kaya walang masamang sumubok. Tulad ng dati,lalaki ako, walang mawawala. I just want to love and be loved back in return at alam kong maibibigay iyon ni Sofia. Makikiusap na lang ako kay Jane na tapusin ang aming kasunduan kung magkakasundo ulit kami Sofia.

"Tuloy ka Loi," Nakangiting salubong sa akin ni Sofia. Ginabayan niya papasok sa apartment compound. Nasa dulong bahagi ng compound ang unit Sofia. Pagkapasok ko pa lang, naenganyo na ako. Napakasinop. Parang masarap magkalat.

"Okay ang unit mo ah. Sobrang organized!" Ngayon pa lang ako nakarating sa lugar niya. Dati kasi sa isang mall kami nagkita.

"Thanks! Wala kasi ako masyadong ginagawa kaya inaayos ko palagi. Maiba ako, baka magalit ang girlfriend mo dahil dumalaw ka dito."

"Don't worry, nagpaalam ako," wika ko. Gusto ko na sanang sabihin ang totoo kay Sofia. I want her back (pati front). "Pinayagan naman ako."

"What? Pinayagan ka? Hindi siya takot na lokohin mo s'ya. That's weird!"

"Well, sabi niya kung siya talaga ang mahal ko, babalik ako sa kanya. Kung lolokohin ko naman sya that means na naging panakip butas ko lang daw siya. Gusto niya akong bigyan ng chance para pag-aralan ang feelings ko." Pambira! Hanggang kailan pa ako mabubuhay sa kasinungalingan dati ang kasalanan ko lang ay pagloload ng cellphone ko ng hindi ko binabayaran sa tindahan ngayon nadagdagan pa.

"Hmm.. Anyway, handa na nga pala ang pagkain. Doon na lang tayo magkwentuhan sa dining area." Inilalayan ako ni Sofia patungo sa mesa. Simple ang nakahanda pagkain pero maayos ang pagkakaprepare. Inasikaso niya ako bago siya umupo sa tabi ko. I like her. She's too sweet, sayang kung langgam lang ang makikinabang.

"Mukhang masarap ah. At mabango pa!" Tumitig ako kay Sofia at ngumiti.

"Loko ka! Pagkain ba ang inaamoy mo o ako?" She pinched me. "Masarap ka dyan! Sorry I'm not edible!"

"Siyempre itong food ang inaamoy ko! Tumingin lang ako sa'yo para icompliment ka." Tinapik ko siya sa balikat.

"Congaratulations! Nakuha mo ang gusto ng panlasa ko."

"Congratulations lang? Walang prize?" She's such a tease.

Pinuno ko ng mantika ng adobo ang labi ko. "Sige bigyan kita ng kiss sa cheek!"

"Loko ka talaga! Kumain na nga tayo. Hindi maganda maglaro ng food."

"Sofia?"

"Yes?"

"Malapit lang pala bahay nyo, bakit hindi ka dumaan sa bahay noong nawala ang phone mo?" Gusto kong mag-usisa. Matagal siyang hindi nagparamdam at ngayong alam na niyang may gf ako saka siya sumulpot. Gusto kong alamin ang bawat detalye.

"Pauwi ako ng Puerto noong nawala ang phone ko. Nahulog yata sa bus or nadukot. Hindi ko naman memorize ang number mo kaya di kita nainform agad."

"Ah. Paano mo nalaman na may girlfriend na ako?"

"Sa mga bulungan sa tapat ng tindahan nyo. Noong bumalik ako dito, ipinakikilala mo yata sa magulang mo ang girlfriend mo."Nasagot ni Sofia ang mga pagdududa ko. Hindi ko dapat agad siya hinusgahan.

Nag-uunahan kami sa pagsasalita. Marami kaming gustong ikwento sa isa't isa. Palibhasa pareho kaming loner kaya nagkakasundo kami sa madaming bagay. I'm looking forward na maging maayos kami.

"Loi, paano tayo? I mean anong set-up natin?"

"Ano bang gusto mo?"

"Bakit akong ang tinatanong mo ikaw ang may sabit? Ayoko ko ng may kahati!"

"Alam mo naman siguro dahilan kung bakit ako nandito. Kakausapin ko si Jane about this."

"So you mean, what?" Nangusap ang kanyang mga mata. Grabe, mapanukso ang kanyang mga mata. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko,

parang gustong lumabas. Paano ba ako makakatanggi sa alok niya kung ipinagsisiksikan na niya?

"Kung papayag ka, gusto ko maging tayo." Excited akong madinig ang sagot niya.

"Uhmm. Sasagutin ko yan kapag nasabi mo na sa Jane mo! Tara, balik na tayo sa sala." Kumapit s'ya sa braso ko at humilig sa balikat ko.

"Sandali! May dumi ka sa pisngi." Inalis ko ang maliit na dahon lettuce sa kanyang pisngi. Hinaplos ko ang kanyang mukha.

Gusto ko siyang halikan. Inilapit ko ang aking mukha. Pumikit siya at ipinaubaya ang kanyang mga labi. Ikinawit niya ang dalawang kamay sa batok ko. Nanginig ang mga tuhod ko daig pa ang may nakabiting isang toneladang bato.


itutuloy....