"Wag ngayon, Ron. Pagod ako." Bumaling sa kabilang dako ng kama si Angeli bilang pagtanggi sa gustong gawin ni Ron.
"I'm sorry." Niyakap na lang ni Ron si Angeli. Nauunawaan naman niya ang dahilan ng pagtanggi ng kanyang kabiyak. Madalas pagod itong umuuwi galing sa trabaho. Bagamat ilang buwan na ding nanabik si Ron sa kanyang asawa hindi naman nila mapagsaluhan ang gabi dahil lantang gulay na itong umuuwi ng bahay.
Walang trabaho si Ron kaya si Angeli ang nagsisilbing haligi ng tahanan. Nasa edad trenta na kasi kaya nahihirapan siyang maghanap ng trabaho. Kaya siya na lang ang nagsisilbing tagapag-alaga ng mga bata at gumagawa ng mga gawaing bahay.
Ilang buwan na ang nakalilipas noong magpadesisyunang magresign ni Ron sa kanyang tarabaho sa pag-aasang makakarating ng Italy. Bagamat tutol ang kanyang asawa ay nagmatigas pa din siya dahil kapakanan ng pamilya ang kanyang nasa isip.
"Bakit ka pa aalis? Maayos naman ang trabaho mo?" usisa ni Angeli.
"Italy, Angeli. Italy. Kapag nandoon na ako mas magiging maganda ang buhay natin," katwiran niya.
"Mas kailangan ka ng mga anak mo dito. Masyado pa silang bata para mangailangan agad ng mga ipinapangako mo."
"Sa ngayon, Angeli. Ang iniisip ko ay ang kinabukasan nila."
Nanatiling matigas si Ron at umalis siya sa kompanyang pinapasukan. Umalis siya ng bansa na punong-puno ng pag-asa at pangarap. Subalit hindi pa man siya nakarating ng Italy ay nasakote na siya ng border police. Ilang araw matapos ang pangyayari, itinapon siya pabalik ng bansa.
"Ron, ikaw na muna ang bahala sa mga bata. May sales conference kami sa Naga," bilin ni Angeli.
"Magtatagal ka dun?" tanong ni Ron sa asawa habang ipinapake ang mga gamit nito.
"Five working days."
"Huwag ka naman masyadong magpagod. Baka naman magkasakit ka." Inalalayan niya ang asawa palabas ng bahay hanggang makasakay ng taxi.
"Don't worry. I'll be fine. Huwag mong kalimutang tumawag kapag may emergency," paalala ni Angeli bago tuluyang umalis ang taxi.
Naging regular kay Ron ang mga lumipas na araw. Pagkakahatid niya sa mga anak sa school, naghanap siya ng posibleng mapapasukan o pwedeng maging sideline.
"Arnel, baka may alam kang trabaho o kaya sideline?" tanong niya sa dating kasamahan sa trabaho.
"Trabaho wala, pero sideline meron,"
"Talaga? Baka pwede ako dyan." Naging positibo ang anyo ni Ron sa posibleng pagkakakitaan.
"Alam mo bang yung multi-level marketing?"
"Pyramiding? Ganun?"
"Multi-level pre, di pyramyding. Herbal products ang hawak namin," lahad ni Arnel.
"Paano ba ang kalakaran dyan?"
"Daan na lang ako sa bahay nyo sa Sunday para madiscuss ng maayos."
Pagkarating ni Angeli, masayang ibinalita ni Ron ang pagkikita nila ni Arnel at ang posibleng pagkakakitaan. Ngumiti naman si Angeli dahil pursigido ang kanyang asawa na makatulong.
"Multi-level marketing daw e. Hindi pa nga din malinaw sa akin ang kalakaran kaya pupunta daw siya dito."
"Ok naman kayang pagkakitaan?" usisa ni Angeli.
"Hindi ko pa din alam. Malalaman mamaya."
"Anong oras ng dating ni Arnel?" Pumasok si Angeli ng banyo.
"Teka, tatawagan ko muna kung anong oras." Dinampot ni Ron ang kanyang cellphone para tawagan si Arnel. Dahil hindi pala sapat ang kanyang load naisipan niyang gamitin ang cellphone ni Angeli. Hinanap niya ang phone sa bag ng asawa.
"Huwag!" sigaw ni Angeli matapos makitang hawak ng kanyang asawa ang cellphone.
Napasandal na lang sa dingding si Ron matapos mabasa ang message ng manager ni Angeli. "Hon, kailan mo iiwan ang asawa mo?"
-end-