chapters 1 |2|3|4|5|
Namuo ang laway sa aking lalamunan. Hindi agad ako nakapagsalita. Binalot ako ng takot parang gusto kong umuwi at manood na lang ng doraemon. Kung mabubuking kami sa kalokohan namin, malamang isang suntok lang niya burado agad ang mukha ko.
"O-opo." Alerto akong tumayo ng tuwid kahit halatang may mga dagang nagdadaos ng intramurals sa aking dibdib.
"Matatagalan pa siguro si Jane. Alam mo naman ang mga babae, mabagal kumilos at inuubos ang oras sa harap ng salamin."
Hindi ko alam ang isasagot. Sa totoo lang, first time kong dumalaw sa bahay ng babae kaya hindi ko alam ang katanggap-tanggap na kilos. "Oo nga po. Dami kasi nilang rituals bago lumabas ng bahay."
"Naglalaro ka ba ng chess?" Ituro niya ang mesang yari sa marmol sa may garden. Nakaset-up na ang chess pieces sa ibabaw ng mesa. "Chess muna tayo habang di pa bumababa ang hinihintay mo."
Ngumiti ako ng bahagya kahit medyo pilit. Pakiramdam ko inilaglag ako ni Jane. Malamang pinagtatawanan niya ang itsura ko ngayon. Daig ko pa ang manok na di makaitlog sa kaba. "Naglalaro po hindi nga lang magaling," sagot ko.
Ipinatong niya ang kanyang kanan kamay sa aking balikat at inalalayan ako patungo sa garden. Wala akong balak maging sundalo dahil mabigat ang baril pero parang mas mabigat pa ang kanyang braso. Feeling close na agad siya sa akin. Kung hindi lang siya daddy ni Jane malamang binigwasan ko na.
"Paborito kong laro ang chess sa katunayan kahit nag-iisa ako naglalaro ako nito." Siya ang unang tumira gamit ang English opening. Iniangat ko naman ang isang pawn para pigilan ang balak niya.
"Pansin ko nga din po sa mga sundalo mahilig talaga sa board games. Bukod po sa nakakatanggal ng stress parang sinasalamin ng larong ito ang profession n'yo."
"Tama ka Hijo. Pero serbisyo ang ginagawa namin hindi propesyon," pagtutuwid niya sa sinabi ko. "Bukod dun, inihahambing ko sa larong ito ang isang pamilya."
Naunawaan ko naman ang gusto niyang sabihin. Itinuturing niyang siya ang mga pawns sa larong chess, ang queen ang mahal niya sa buhay at ang king ang kanilang tahanan. Bilang isang pawn, kailangan protektahan ang lahat at maiwasan ang pagkasira ng tahanan. Seryoso ang aming pag-uusap. Ramdam ko kung gaano niya pinahahalagahan ang kanyang pamilya.
"Nauunawaan ko po," sagot ko sa kanya kahit hindi naman ako masyadong interesado sa kwento at drama ng buhay n'ya.
"Loi?"
"Po?"
"Gaano mo kamahal ang anak ko?"
Natigilan ako. Inaamin ko maganda si Jane pero wala akong pagtingin sa kanya. Si Sofia pa rin ang laman ng puso ko. "Kung sa chess po, ako ang knight." Binuhat ko ang pyesang hugis kabayo at inalis ang kanyang rook. "Handa ako pasukin ang buong kaharian ng kalaban para maiwasan ang pagkasira ng sarili kong kaharian. Handa din po akong magsakripisyo para hindi mapahamak ang aking reyna."
Napalitan ng ngiti ang seryoso niyang mukha. "I like you, Hijo. Sana maging madalas ka dito. Huwag mong sasaktan ang anak ko." Siguro dapat anak niya ang sinasabihan niya dahil lagi akong gustong balian ng buto.
"Makakaasa po kayo." Ayos nakuha ko ang loob niya. Kung kakampi ni Jane ang Mommy ko, ang Daddy naman niya ang alas ko. Ang pagkakataon nga naman hindi mo alam kung kailan naglalaro.
"Sa itsura mo naman alam kong hindi ka gagawa ng masama." Hindi ba katanggap-tanggap ang itsura ko? Siguro mukha lang talaga akong anghel kaya niya nasasabi yon. Kinamayan niya ako biglang pagtanggap sa kanyang pagkatalo. "Salamat sa laro, rematch tayo sa muli nating pagkikita." Daldal kasi ng daldal kaya natalo.
Tumayo kami at bumalik sa sala. Bumaba si Jane ng hagdanan tulad ng napapanood ko sa pelikula na may kabagal ang paglakad. Parang gusto kong batukan sa bagal ng kanyang kilos. Humarap siya sa amin. Lumaki ang mata ko sa nagsusumigaw niyang dibdib pero inalis ko din agad. She's extremely gorgeous. Hindi ako makapaniwala na makakadate ko ang ganitong nilalang.
Kinurot ko si Jane para alam kong hindi ako nanaginip. "Aray!" sigaw niya. Hindi nga panaginip kasi nasaktan siya, akala ko kailangan pang tadyakan. "Para san yon?"
"Wala lang. Trip ko lang."
"Sus. Lalo ka lang nainlove sa akin." Kayumanggi ang kulay ko pero namula ang mukha ko sa sinabi niya. Hindi ko namamalayan na matagal na akong nakatitig sa mukha niya. She looked innocently beautiful. Nangungusap ang mata niya sa bawat buka ng bibig niya.
"Ehem. Hindi pa ba kayo aalis baka kayo na lang ang hinihintay sa party."
"Si Loi po kasi. Sobrang aga dumating."
"May kabagalan ka lang talaga kumilos Jane. Hindi ka na nahiya sa bisita mo." Yehey! May kakampi na ako. Akala ko, ako lang ang laging talo.
Hinawakan ni Jane ang aking braso at naglakad kami palabas ng bahay. May kakaibang pakiramdam ang gumuhit sa aking pagkatao. Ganito pala ang pakiramdam ng may girlfriend. Hindi ko maiwasang kiligin ako lalo na kapag dumidikit sa akin ang kanyang balahibo. "Aalis na po kami. Salamat din po sa laro." Sasabihin ko pa sana na magpraktis sya.
Nag-uumpisa na ang party noong dumating kami. May mga nagsasayaw na. Naalala ko tuloy noong JS Prom, hindi ako nagsayaw buong gabi dahil gusto kong first at last dance ko ang crush ko. Tumayo agad ako noong nadinig ko ang akmang kanta para sa aming dalawa. Perpekto na ang timing ko. Hindi nga ako kinakabahan kaso bigla akong sinabotahe ng Meralco.
Unang hinanap ni Jane si Dexter at girlfriend nito. Noong makasigurado na nandoon ang dalawa, hinila niya ako para imbandera sa mga kaibigan niya. Ipinakilala sa mga babaeng kita na ang kaluluwa at mukhang kagalang-galang na nilalang. Gusto niyang ipamukha sa lahat ng may boyfriend na siya. Para tuloy showtype pitbull na ilalaban sa dogshow.
Pero sa kabila ng effort niya tila walang epekto kay Dexter. Hindi nga naman ako ang tipo ng lalaki na dapat pagselosan. Wala akong panama.
Nagpaalam sa akin si Jane para pumunta ng ladies room. Palagay ko naman hindi siya nagbabawas pero mahigit kalahating oras na hindi pa siya bumabalik. Nag-ikot-ikot ako sa venue para mawala ang aking pagkainip. Alam ko kailangan ng space ni Jane at ang ladies room ang napili nyang venue. Dahil sa sakit ng nararamdaman niya.
Binusog ko ang tiyan pati ang aking mata. Hinanap ko naman agad si Jane noong nagsawa na ako. Nakita ko siyang nakaupo sa may damuhan malapit sa kalsada. Bahagya niyang niyakap ang sarili para bawasan ang lamig na dala ng hangin. Lumabas ako para samahan siya at sa takot din na iwan ako.
Nagulat siya nang maramdamang may humawi sa kanyang buhok na tumatabing sa kanyang mukha. "Umiiyak ka?" tanong ko kahit obvious naman.
"Hindi!" tanggi nya kahit panay ang kanyang hikbi. "Napuwing lang."
"Okay ka lang? Hindi ka na kasi bumalik sa loob."
"Masyadong masikip para sa akin ang lugar."
"Alam ko nasasaktan ka. Kaya mo pa ba? Uwi na kaya tayo?"
"Mamaya na lang. Dito na lang muna tayo."
"Sayang naman ang suot mo kung ako lang ang audience mo." Nakuha niya ang ibig kong sabihin.
Ngumiti siya. "Pinangiti mo na naman ako. Dami ko na tuloy utang sayo."
"Kailan mo balak magbayad?" biro ko. Tumitig siya sa akin. Matagal nagtama ang aming mga mata. Napalunok ako dahil wala yata siyang balak alisin ang tingin sa akin. Naobvious pa siguro na nagblush ako.
"Loi, kiss me. Now!" Biglang bumilis ang drum roll sa dibdib ko. "Please." Kusa siyang pumikit. We shared a kiss which was not intent to be more intimate. Smack lang pero nakapikit pa din siya kaya humirit pa ako ng isa. Nagdulot iyon ng nakakapanghinang pakiramdam. Hindi ko maexplain ang aking nararamdam. Kinikilig yata ako.
itutuloy....
------
next week na ang kasunod... basa na lang muna ng lumang entries. thanks!