SAKSI sina Argil at Gelene sa muling paglubog ng araw sa may talampas. Matagal na din noong huli silang nagkita dahil sa paglilingkod ni Argil sa bayan. Isa siyang sundalo. Kinalaban niya ang pamahalaan kaya namalagi siya sa kabundukan. Ginamit ng nakaupong pangulo ang mga GenMa para lumikha ng hukbong sandatahan para sakupin ang ibang bansa. Namayani ang takot sa mga tao dahil sa batas militar na pinairal. Nakakuha si Argil ng simpatiya sa ibang sundalo at tuluyan nilang napabagsak ang diktador.
"Argil?" malambing na wika ni Gelene.
"Bakit?" listong tugon ni Argil. Ikinulong niya ang minamahal sa kanyang bisig.
"Masaya ako kasi nandito ka na ulit sa tabi ko." Hinawakan niya ang mga kamay ni Argil. Idikit sa kanyang sinapupunan.
"Ipinangako ko sa'yo na babalik ako. Sa magiging anak natin."
"Hindi mo maalis sa akin ang takot. Akala ko hindi na matatapos ang kaguluhan."
"Buti na lang nahikayat namin na tumulong ang L-AIG Robotics para tuluyang paralisahin ang mga GenMa."
Katahimikan.
"Maggagabi na. Tara na umuwi."
Naglaban ang liwanag at dilim sa kalangitan hanggang sa tuluyang namayani ang kadiliman. Naglalaho ang tanawing nilikha ng araw sa ilog. Sumilip sa kalangitan ang bilog na buwan. Nangusap ang kislap ng mga bituin sa kalawakan.
"Pasok ka na sa bahay. Ibaba ko lang ang mga gamit sa sasakyan."
"Sige. Bilisan mo ha."
Lingid sa kaalaman ni Gelene may binuong plano si Argil. Bumalik siya sa talampas. Inihanda niya ang lugar. Pinuno niya ng bulaklak at kandila ang paligid, sa gitna nito ay inilagay niya ang maliit na mesa. Inilabas niya ang red wine at pagkaing pagsasaluhan. Sinigurado niyang nasa bulsa ang pinakamahalagang bagay -- ang singsing. Handa na ang lahat para sa kanyang wedding proposal.
Bumalik siya ng bahay na may ngiti sa labi at puno ng pananabik. Matagal niyang pinaghadaan ang gagawin kaya sinigurado niyang magiging maayos ang lahat. Sa wakas, matutupad na ang matagal niyang pangarap, ang pakasalan ang babaeng pinakamamahal.
Subalit naiba ang ihip ng hangin nang sumapit siya sa pintuan ng bahay. Bumagsak ang kanyang luha. Tadtad ng bala ang bahay. Bulagta sa sahig si Gelene. Naliligo sa sariling dugo. Gumuho ang kanyang mundo. Puno ng poot ang dibdib ni Argil.
"Isa kang obra. Perpektong obra," wika ng isang lalaki habang nakamasid si Argil sa puntod ng kanyang babaeng minahal.
Pinahid ni Argil ang luhang gumuhit sa kanyang pisngi. "Anong ibig mong sabihin?" Tinitigan niya ang lalaking sa palagay niyang nasa edad sitenta, nakasalamin at may kapayatan. "Sino ka?"
"Ako ang lumikha sa'yo."
"Ano? Hindi kita maintindihan."
"Isa kang GenMa."
--------
GenMa. Genitically-Engineered Machine. Nilikha ang mga GenMa dahil sa hindi maubos na pangangailangan ng tao. Panahon kung kailan mas marami ang kagustuhan kaysa sa pangangailangan at panahon kung kailan wala ng mahirap. Inilunsad ng L-AIG Robotics ang kanilang obra para punan ang kakulangan sa empleyado at taga-paglingkod. Binuo ang GenMa hawig sa itsura at base sa kilos ng tao. Hindi ginamitan ng cable, bakal, chips o turnilyo ang GenMa. Lahat produkto ng genetics. Dadaan sa isang makina bago mabuo ang isang GenMa at tatagal ito ng tatlumpong araw. Malaking halaga ang kapalit ng proseso. Sa sinumang nagnanais magkaroon ng produkto ng L-AIG robotics, kailangan genes ng magpapagawa ang gagamitin.
"Nagkakamali ka! Hindi ako GenMa." Nagbigay si Argil ng sarkastikong ngiti sa kausap. "Pinapatawa mo ako. Alam nating dalawa na walang damdamin ang mga GenMa. Kita mo naman ako ngayon? Lumuluha at nasasaktan."
"Tulad ng sinabi ko, isa kang perpektong obra. Nilikha kita na may damdamin."
Maituturing na tao ang mga GenMa maliban sa hindi sila marunong mapagod at walang kakayahang malungkot, sumaya, magalit, matakot, magulat o anumang uri ng pakiramdam. Lahat ng kilos nila ay base sa utos ng tao. Bagamat nagbayad ang nagpagawa, nanatiling may karapatan ang L-AIG Robotics para sirain o kumpiskahin ang GenMa kung hindi ito nagamit sa tamang paraan. Naging matagumpay ang teknolohiyang dala ng kompanya. Sumigla ang ekonomiya. Tumaas ang antas ng pamumuhay ng bawat isa. Kinalaunan, ipinagkaloob ng kompanya sa gobyerno ang karapatan para kontrolin ang paggawa ng mga GenMa para maalis ang agam-agam na sakupin ng mga nasa likod ng teknolohiya ang bansa. Subalit, ang mismong gobyerno ang umabuso sa teknolohiyang at ginamit sa sariling interes. Ang madomina ang buong mundo. Gamit ang genes ng mga sundalo, pinalitan ang buong sandatahang lakas ng mga GenMang Pandigma.
-------
Iba si Argil, kwento ng matanda sa kanya. Hindi siya dumaan sa isang makina. May magulang si Argil. Sa kagustuhang magkaanak, inako ng mga magulang ni Argil ang resposibilidad sa sanggol na iniwan sa kanilang bakuran. Lingid sa kanilang kaalaman ang sanggol ang pinakamodernong bersyon ng GenMa. Lumaking normal na bata si Argil. Nakikipaglaro, nanghihingi ng papel sa klase, naniniwala sa Diyos, nagkakacrush at nanonood ng porn. Masigla ang kanyang naging pagkatao. Nabuhay siya sa karangyaan. Naranasan niya ang hindi nakakamit ng isang GenMa. Ang kalayaan.
"Pinapatawa mo ako tanda. Wala ng GenMa."
"Meron pa. At ikaw 'yon."
"Pinasabog ng L-AIG Robitics ang kanilang utak. Kung GenMa ako malamang hindi mo ako kaharap ngayon."
Humakbang palapit ang matanda. Tinungo niya ang puntod ni Gelene."Ako ang lumikha sa'yo kaya ako lang ang may kakayahang tapusin ka."
"Bakit mo ba ipinagpipilitang isa akong GenMa? Tao ako! Galit na galit si Argil. "Anong pakay mo sa akin?!"
"Hindi ka tao. Ako ang nasa likod ng lahat ng teknolohiya ng L-AIG Robotics. Pakay? Wala naman. Sinisigurado ko lang na patay na si Gelene."
"Ano?! Tarantado!"
"Ako ang bumaril sa kanya!" diin ng matanda.
"Walanghiya ka! Isa kang baliw! Pati si Gelene idinamay mo pa!"
"Hindi ka dapat magkaanak. Ang paglikha ko sa'yo ay isang perpektong obra pero ang magiging anak mo ay isang bangungot."
"Tanda, ano bang pinagsasabi mo! Baliw!"
"Siguro matatapos na ang kabaliwang ito ngayon." Itinapat ng matanda ang isang patalim sa tapat ng kanyang puso. "Iisa ang puso natin Argil. Ang pagtigil ng pagtibok nito ay pagtigil din ng puso mo."
"Kalokohan!"
Ngumiti lang ang matanda. Tuluyang ibinaon ng matanda ang kutsilyo sa kanyang dibdib. Bagsak ang matanda.
Bumigat ang mga mata ni Argil. Pilit niyang iminulat pero lubhang mabigat ang kanyang mga talukap na tila dinalaw siya ng matinding antok. Niyakap niya ang puntod ni Gelene. Nakabibingi ang katahimikan. Namanhid ang kanyang katawan.
Naglaban ang liwanag at dilim sa kalangitan hanggang sa tuluyang namayani ang kadiliman. Kasabay ng paglubog ng araw ang pagpanaw ni Argil.
Isang perpektong obra si Argil.
Isang produkto ng teknolohiya.
Imbensyong na hawig sa kilos at damdamin ng tao.
At ang magiging anak niya ay magbibigay daan sa isang imortal
dahil walang paraan para kontrolin ang puso at isipan.
-end-