Skinpress Rss

LRT (Love and Relation Transit) part 9


love and relation transit  part 1
love and relation transit part 2
love and relation transit part 3
love and relation transit part 4
love and relation transit part 5
love and relation transit part 6
love and relation transit part 7
 love and relation transit part 8


Natiglan ako. Alam ko naman na si Nhovelle ang kausap ko pero pangalan ni Realiza ang nabanggit ko. Noong mga sandaling naglapat ang aming mga labi, mukha din ni Realiza ang nakita ko gayung matagal na kaming hindi nagkikita o nag-usap ni Realiza. Hindi ko maintindihan ang nangyayari.

Binasag niya ang katahimikan ko. "Sino si Realiza? Louie?" patuloy na usisa ni Nhovelle.

"Siya yung babaeng nagpatibok ng aking puso noong nasa Pilipinas pa ako," depensa ko agad.

"Akala ko ba wala kang girlfriend?"

"Wala nga." mabilis na sagot ko. "Hindi naman naging kami. Naudlot dahil sa pag-alis ko patungo dito sa Singapore." Nagsimula akong magkwento. Nasabi ko kung ano, saan at paano nabuo ang pagmamahalan namin ni Realiza na naudlot dahil sa aking pangarap. May mga bagay na hindi ko kayang sabihin dahil alam kong susugat yun sa damadamin ni Nhovelle. 

"Kamukha ko ba siya? Kapareho ng kilos? Kaugali? Kaboses siguro?" iritadong boses ni Nhovelle.

"Hindi." mababang sagot ko. "Patawarin mo ako. Nabigla lang ako."

"Louie, tatlong taon ka na sa Singapore. Siya pa rin ba ang laman ng puso mo? Siya rin ba ang iiniisip mo? All this time kala ko ko masaya tayo. Yun pala ikaw lang." Humakbang palayo si Nhovelle halatang nabigla sa mga nangyari. "Hindi ko ba siya kayang pantayan? Hindi mo ba ako nagustuhan?"

"Gusto kita Nhovelle!" mabilis na sagot ko. "M-mahal.."

"Mahal? Wala kang alam sa pagmamahal Louie. Lagi kang tumatakas. Iniiwan ang taong nagpapahalaga sa'yo." Bumagsak ang luha ni Nhovelle. "Posibleng maulit sa akin yun dahil hindi ka naman mananatili dito sa Singapore." Huminga siya ng malalim saka muling nagsalita. "Alam mo kung ano ang masakit para sa aming mga babae? Yung oras na kailangan umalis ng minamahal pero wala kaming magawa dahil wala namang nabuong relasyon. Walang pinanghahawakan, walang karapatan at higit sa lahat ang pinakamasakit ay umasa na babalikan."


Wala akong maidahalan. Tama lahat ng sinasabi niya. "Patawarin mo ako. Hindi ko maitatanggi na nasa puso ko pa si Realiza. Binuhay mo ang lahat ng alaala. Hindi ko yun sinasadya kahit ako man ay naguguluhan."

Itinaas ni Nhovelle ang dalawang kamay tanda ng pagsuko. "Umalis ka na Louie." utos niya. Unti-unti ng gumagawa ng marka sa pisngi ang luha ni Nhovelle. "Hindi ako galit sa'yo Louie. Gusto ko lang hanapin mo ang puso mo. Bumalik ka ng Pilipinas. Marami pang trabaho ang naghihintay sa'yo pero ang puso ay sa isa lang nakalaan."

"Wala na akong babalikan. May boyfriend na si Realiza. Gusto ko kasama ka. Hayaan mo akong magsimula kasama mo."

"Hindi! Huwag kang duwag!" bulyaw niya. "Ayusin mo kung anuman ang meron sa inyo, alam ko hinihintay ka niya. Humaguhol si Nhovelle. "Kung hindi ka na niya tanggapin..... pwede bang bumalik ka sa akin Loiue? Maghihintay ako. Maghihintay....."

Tumakbo palayo si Nhovelle. Wala siyang pakialam sa sinumang nakakarinig ng malakas niyang hagulhol. Umihip ang hangin. Ramdam ko ang pagtama ng luha niya sa aking braso.. Nagtatalo ang isip at puso ko kung susundin ko ang mga sinabi niya. Sa Sandaling panahon ay nagkaroon siya ng puwang sa aking puso. Napakabait niya para basta na lang iwan. Para saktan. Bakit ko ba hinayaan mahulog ang loob ng isang babae na alam kong may ibang laman pa ang aking puso?


Bumalik ako ng Woodlands at nag-isip kung sasakay na ba ako ng eroplano bukas o mananatili na lang ako dito sa Singapore. Dahil nahihirapan ako magdecide at hindi pa rin naman ako handa matulog, gamit ang elevator bumaba ako papunta sa cocktail lounge ng tinitirahan ko. Maingay ang lugar, umupo ako sa may bar at umorder ng scotch. Nanonood ako ng news sa local channel kahit hindi ako interesado sa balita at hindi rin makakatulong sa problema ko ang pagtaas at pagbaba ng stock exchange.

Sa aking kanan ay dalawang lalaking nag-uusap kung paano ang gagawing proposal. Bagamat makaluma ang style nila sigurado naman hindi na siya tatanggihan ng sinumang babae dahil mahal din yata yung singsing na hawak niya. Sayang kung tatanggihan lang. Dalawang upuan mula naman sa aking kaliwa ay isang babaeng nakayakap sa kanyang minamahal. Hindi ko alam kung ano relasyon nila basta naririnig ko lang nagsasalita siya ng sweet words of love. Parang sobra  ang coincidence ng lahat. Tinutulangan siguro ako ng mga singkit na to na magdecide o iniingit lang nila ako.


"Have a nice day!" bati ng flight steward matapos makalanding sa NAIA.

"I guess we made it," sagot ko. Kumunot ang noo ng babae tanda na hindi niya naintindihan ang ibig kong sabihin. Kanina ko pa kasi iniisip na bumagsak na lang ang eroplano para hindi ako padalos dalos sa mga desisyon. Kung nagcrash, I would be dead-so there tapos ang problema.Baon ang salita ni Nhovelle bumalik ako ng Pilipinas. Nagfile muna ako ng indefinite leave. Hindi ko alam kung tama ang ginawa ko. Nagpunta ako ng Pinas para malaman kung mahal pa ako ni Realiza. Kung hindi na, babalik ako ng Singapore para kay Nhovelle. Rebound? Pambihirang babae. Napakaswerte ko naman. Kung sakaling hindi na nga ako mahal ni Realiza mas gugustuhin ko na lang manatili sa Pilipinas. Wala na akong mukhang ihaharap pa kay Nhovelle.

"Tao po. Tita Chit? Nasa loob po ba kayo?" sigaw ko mula sa labas nga gate.

"Sino yan?" Pilit akong tinatanaw ni Tita Chit mula sa bintanang yari sa kulay asul na salamin bago tuluyang lumabas ng pintuan.

"Sino po sila?" pagtataka ni Tita Chit habang binubuksan ang gate.


"Si Louie tita."

"Louie? Ah si Loiue. Ay hindi kita nakilala. Pasok! Pasok!. Pumasok ako ng bahay, naupo sa sofa at nagtungo ng kusina si tita Chit para kumuha ng maiinom. "Sobrang bumilog ka. Akala ko 5 years ka pa?"


"Nakabakasyon po ako. Namiss ko po kasi ang usok ng LRT." 

"Kahit kelan palabiro ka. Bakit ka nga pala naparito?" wika niya habang iniaabot ang juice sa akin.

"Ah eh. Si Realiza po?"

"Naku lumipat na siya ng Manila simula nung nagkawork siya dun. Teka i-text ko."

"Kamusta naman po siya?"

"Siya o sila?" Tinapik ang balikat ko. "Alam ko umaasa ka pa rin pero sana this time kaya mo ng pangatawanan ang pagmamahal mo. Ayaw kong umiyak muli siya. Si Paul naman eh malayo ang loob sa akin pero his a good guy."

"Kung may pag-asa at pagkakataon pa po handa na akong isugal lahat para sa kanya. Yun nga lang ang problema malaki ang naitulong sa kanya ni Paul mula sa simula pa."

"Gaano mo ba kamahal si Realiza?" tanong ni tita Chit.


"Hindi ko alam Tita. Kulang ang salita. Kulang ang mga paliwanag. Walang sukatan. Kung may salitang hihigit sa pagmamahal yun siguro ang para kay Realiza."

"Kumukulot ang bangs ko. Kung may salitang hahaba pa sa hair niya yun ang para sa kanya." natatawang kabig ni tita Chit habang ibinibigay ang papel na may address ni Realiza.

"Salamat tita. This time hindi ko na siya hayaan mawala."

"Goodluck! Ang tanong hayaan ka kaya ni Paul. Nasa bahay daw si Realiza nagtext na." Ngumiti na lang ako saka tuluyang umalis.


Natagalan ako makapasok ng LRT hindi dahil sa lakas ng busina ng tren kundi dahil sa alinlangan o pagdududa na tatanggapin pa ako ni Realiza. Habang yakap ko ang posteng bakal sa loob ng LRT ay unti -unti ko ng nakikinita ang maaring mangyari. Ilan kayang sampal ang dadapo sa aking adorable na mukha o ilang paliwanag ang dapat kung sabihin para ako ay kanyang tanggapin.

Ilang kanto mula sa Carriedo Station nakatira si Realiza. Baon ang kaba at excitement tinungo ko agad ang address ni Realiza. Gugulatin ko siya. Nasabi ko kay Tita Chit na huwag babanggitin na pupunta ako  para hindi naman ako pagsarahan ng pintuan.

Ready na ako. Nasa gilid na ako ng bahay ng matanaw ko si Realiza. Ngunit hindi ko inaasahan na ako ang magugulat. Bumaba ng kotse si Paul. Sinalubong siya ni Realiza ng matamis na halik na sa akin dati. Napahawak ako sa aking labi. Para akong pakong pinukpok sa pader. Nagtago ako labas ang ulo. Nakita kong pumasok sila sa loob ng bahay. Sari-saring kademonyohan ang pumasok sa aking ulo. Hindi ito maari. Ang princesa ko ay may prinsipe na at ako ay nanatiling kawal na puno ng palaso sa katawan galing sa pana ng kaaway.

Bago pa ako pagkamalang  magnanakaw nagtungo ako sa tindihan para bumili ng dyaryo hindi para basahin kundi para gawin panakip sa mukha. Gusto kong mag-espiya. Kahit ilang oras pa ang ipaghintay ko ay handa akong gawin. Nandito na ako kaya dapat hindi na ako panghinaan ng loob.  Halos magpicnic na ako sa harap ng tindahan sa katunayan nangalay na ang panga ko sa kakanguya ng boy bawang. Mokong na yun ayaw talaga lumabas. 

Kumuha ako ng bato. Sinugurado ko muna na walang nakatingin. Pasimple kong inihagis sa ere. Ayos! Sapol ang hood ng auto ni Paul. Tumunog ang sirena ng kotse. Tingnan ko na lang kung hindi ka pa lumabas dyan kapalit yan ng pagkapurga ko sa mais at softdrinks. Tulad ng aking inaasahan tagumpay ang aking plano. Lumabas si Paul kasama si Realiza. Minasdan ko sila. Hindi naman gulo ang buhok at damit nila. Madumi lang siguro ang isip ko noong mga sandaling yun. Napailing si Paul dahil malaki ang gasgas ng sasakyan. Napalakas yata ang hagis ko. Sa inis siguro ay pilit niyang hinanap kung saan nanggaling ang bato. Ilang saglit pa ay nagpaalam na si Paul.

Pinalipas ko muna ang ilang minuto para hindi ako obvious sa krimen na ginawa ko. Gamit ang salamin ng nakahimpil na trak ng basura ay sinipat ko muna kung presentable pa rin ako. Walang pinagbago. Natural na gwapo. Handa na akong magdahilan este magpaliwanag kay Realiza. 

"Tao po? May dalaga po ba sa loob?" natatawang wika ko. Tinakpan ko ang aking mukha para may excitement.

"Sino yan?" pagtataka ni Realiza.

"Isang binatang mataas tumalon."

Hindi nagsalita si Realiza sa halip ay matinding yakap ang ibinigay niya sa akin. Hindi ko na pala kailangan magpaliwanag. Mabait talaga siya.

"Louie! Salamat bumalik ka na. Wala kang pinagbago mayabang ka pa rin." naiiyak pang wika ni Realiza.

"Kaw din chubby ka pa rin." Hindi ko maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng mga yakap na yun. Tanda ba yun na namiss niya lang ako, pagmamahal o pinagnanasahan lang niya  ako. " Hindi mo ba ako papasukin? Kapag pinasok mo ako may sasabihin ako sa'yo."

"Ayaw mo sa dito sa sala?"

"Private. Para enjoy."

"Maganda?"

"The best Realiza."

"Matatawa ba ako?"

"Gugulong ka sa saya."

"Ano pang hinihintay mo pasok na tayo Louie." Pinauna na niya akong pumasok ng pinto. Bago pa kaming tuluyang makapasok niyakap niya ako mula sa likuran. Nagsimula siya umiyak. Halatang hindi dahil sa kasiyahan na nakita ako. Hindi ko maintindihan.

"Sasabihin mo  ba o huhulaan ko na lang?" Patuloy ang kanyang paghagulhol.

"Si Paul.."

gwardiya


Ako si Digo, may malibog na asawa, 7 anak, guard sa NorthWest bank at sa edad kong 29 ay high blood na ako. Tama nakakabagot ang ganitong trabaho kaso kailangang magtiis dahil ito lang ang alam kong trabaho. Kung may tatanggap ba naman sa akin na ang talent lang ay magsagot ng soduko, puzzle at maghanap ng baka sa sa karton ng chocolate Moo aba e malugod kong tatanggapin.

Madalas sa may gate lang ako. Taga-bantay ng mga sasakyan ng kliyente o kaya ay tanungan ng mga naliligaw na tao. Wala akong masyadong kausap kaya tyaga ako kay Bruno, ang gusgusing aso, na pag-aari ng kalapit na bahay ng bangko wala nga lang akong makuhang matinong sagot. Busy sa pagkakamot.

Napapasarap yata ang kwento ko. Bago pa ako mahuli ng aking amo ikwento ko na ang nais kong iparating.

Ang kwento ay umiikot kay Andrea, ang anak ni Aling Tasing na Reyna ng mga tsismosa sa palengke. Noong kasing isang araw habang pauwi na ako galing sa bangko ay may biglang huminto na pulang Nissan Estrada sa tapat ko. Ibinaba niya ang salamin. Sinipat ko ang tao sa loob. Grabe ang puti. Akalain mong dibdib agad ang bumugad sa akin. Itinaas ko ang aking medyo maluwag na pantalon at hinatak ko na rin ang aking zipper pataas. Matapos kong sipatin ang lahat ng detalye ng kanyang katawan saka ako natauhan na si Andrea ang aking pinagpapantasyahan. GULP!! Hindi ko alam kong ano ang sasabihin ko. Natahimik ako. Hanggang siya ang nauna ng magsalita.

"Digo, pwede ka ba ngayon?" wika niya sabay turo sa likod ng sasakyan.

"Ah e, pwede naman." Nabubulol pang tugon ko.

"Ayos na ba sa'yo ang dalawang daan?" tanong niya sa akin.

Napaisip muna ako saka muling nagsalita. "Ilan ba?"

"Isa lang."

"Ah akala ko marami. Sige pwede ako."

"Mabilis lang ha. May pupuntahan pa kasi ako." malambing na pakiusap niya.

"Oo naman. ako pa." mayabang na wika ko. Nasabi ko na lang sa sarili kahit paulit-ulit pa. May pera na may boso pa!

"Oh sakay na Digo. Doon tayo sa likod bahay."

Minaobra agad niya ang sasakyan at mabilis na tinungo ang bahay nila sa isang sikat na subdivision. Walang tao sa paligid. Tamang tama walang abala. Bumaba kami ng sasakyan. Pumuwesto sa likod ng Estrada. Sumunod naman agad ako ayon sa utos niya. Hinubad muna niya ang damit tapos ang palda at ang ilang kolorete. Nag-umpisa na din akong alisin ang aking uniporme para hindi masyadong maiinitan.

Pumuwesto ako. Nagbuntong hininga saka kumuha ng bumuwelo.

"Aayyy! Dahan-dahan Digo!" bulalas niya.

"Pasensiya na. Hindi ko sinasadya." Napalakas yata ang bwelo ko.

"Sige tuloy lang. Sumasabit kasi ang ulo. Dahan-dahan. Yaan Digo, Sige pa."
Habang kumikilos ako ay hindi ko pa rin maiwasan magpantasya. Seksi kasi. Nagsimula na humanap ng puwesto. May ilang buhok din ang nalaglag habang naglalakad kami papasok ng likod bahay. Hindi ko akalain na mabigat din pa.

"Oh! Tapos na! Hirap pala. Super bigat" sigaw ko.

"Sshh! Wag ka maingay nandyan si lola." Tinapik niya ako saka iniaabot ang bayad. Ayos may pera ako. "Akala ko mapuputol pa ang ulo." pag-alala niya.

Napakamot ako sa ulo ko. "Bakit nga pala isa lang?"

"Ah. For delivery na kasi ang ibang manikin. Yang isang yan eh for repair papalitan ang suot na damit at pwesto ng paa."

ang aplikante


Alas-singko pa lang ng umaga ay gising na si Rodney. Ngayon kasi ang kanyang interview matapos makatanggap ng invitation sa kanyang e-mail. Palibhasa ay fresh graduate, excited siya sa kanyang unang interview. Naligo agad siya, kumain, nagbihis, nagpabango at nakailang ulit na bumalik sa salamin para maging presentable sa kompanyang pupuntahan. Pusturang-pustura si Rodney. Tatlong beses niyang pinalantsa ang kanyang long-sleeves at dark-gray na slacks pants na suot din niya noong nakaraaang graduation.

Nag-abang siya ng tricycle sa may kanto malapit sa kanila. Palibhasa ay maaga pa, hinayaan muna niyang makasakay ang mga estudyante. Ilang minuto pa ay nakasakay na siya ng tricycle at nagpahatid sa terminal ng bus.

Madami ng tao ang naghihintay sa pagsapit ng bus. Ilang ordinary bus ang dumaan ngunit mas pinili niyang hindi sumakay dahil siksikan at ayaw masira ang kanyang porma. Hinayaan niyang maubos ang mga tao. Handa na niyang parahin ang parating na air-conditioned bus subalit biglang may humintong jeep sa harap niya kahit hindi naman niya pinapara. Lumampas ang bus. hindi siya napansin. Napamura si Rodney. Gigil na gigil sa driver ng jeep. Dumilim ang langit. Animo'y uulan. Puro ordinary bus na ang dumadaan. Dahil unti-unti ng pumapatak ang ulan. Napilitan siyang sumakay sa siksikan at maiinit na ordinary bus.

Trapik. Hindi gumagalaw ang mga saksakyan. Baha na sa kalasada.

Makalipas ang trenta minuto, tumigil ang ulan, nagsilbing race track ang edsa. Ayaw magpatalo ang kanyang sinaksakyan sa ibang bus. Sayang nga naman ang pasahero. Halos dumikit ang kanyang mukha sa wind shield kapag humihinto ang bus. Nagusot na ang suot niyang long-sleves dahil sa siksikan at mga nagbabaang pasaherong may dalang bagahe. Asar na asar na si Rodney. Ayaw niyang bumagsak sa interview ng dahil lang sa hindi siya presentable.

"Ma, para po!!" sambit ni Rodney sa driver.

Hindi narinig si Rodney.

"Para po!!" sigaw ni Rodney.

"Sir sa babaan lang po. Bawal po kasi dito." tugon ng kaskaserong driver.

"Inilampas niyo ako sa tamang babaan kanina e."

"Pasensiya pa po." paumanhin ng konduktor.

Humahangos si Rodney pabalik sa kanto na dapat niyang babaan. Pumara siya ng taxi dahil mahuhuli na siya sa scheduled interview. Napapatapik siya sa kanyang binti sa tuwing hihinto ang taxi dahil sa red light. Kinakabahan. Tumigin siya sa kanyang relos. Dalawampung minuto na lang alas-nuebe na.

Nakarating siya sa building. Limang minuto na lang. Nasa 19th floor pa ang elevator. Minabuti na lang niyang gamitin ang hagdan dahil 3rd floor lang naman ang kanyang pakay na opisina. Tinakbo niya ang hagdan. May dalawang minuto pa siya. Kinuha ang panyo sa kanang bulsa. Pinahid ang pawis sa leeg, braso. Matapos ay ipinahid ang hawak na panyo sa mukha. Inayos ang buhok, pananamit saka nagbuntong hininga. Handa na siya. Taas noong pumasok sa lobby.

"Excuse me miss, I am looking for Mr. Reynoso."

"Applicant sir?"

"Yes." magilas niyang sagot.

"Sir, Mr Reynoso is on leave today. I will forward your resume and be here tomorrow."

Iniwan na lang niya ang kanyang resume at tahimik na lumabas ng building. Naglalakad na si Rodney sa bangketa ng biglang bumuhos ang malakas na ulan.

LRT (Love and Relation Transit) part 8


love and relation transit part 1
love and relation transit part 2
love and relation transit part 3
love and relation transit part 4

love and relation transit part 5

love and relation transit part 6

love and relation transit part 7


Kasabay ng pagbasak ng mga dahon ay ang paglipas ng panahon pero singkit pa rin ang mata ng mga tao sa Singapore. Sa isang bahay na pag-aari ng kompanya sa Woodlands ako nakatira. Kakikitaan ng karangyaan ang lugar. Hindi yata uso dito ang mahirap. Kahit ang askal yata nila ay sosyal. Ang mga tao naman ay nakakatwang pagmasdan kasi nagagawa nilang magbasa ng dyaryo habang naglalakad. Ayaw nila maaksaya ang oras hindi uso ang salitang tambay. Para silang robot na kumikilos ayon sa trabaho. Halos wala silang sosyal life.

Hindi ko akalain ng dahil sa trabaho ko ay makakarating ako ng ibang lugar at hindi rin akalain ng mga officemate ko na hindi ako marunong magmaneho ng kotse. Hindi ko lang siguro naging interes ang magmaneho dahil wala naman akong auto.

Tanging si tito Rey lang nakakusap kong pinoy dito. Siya ang asawa ni tita Chit. Kaming dalawa lang ang nagyayabangan, nag-iinuman, nag-aasaran at higit sa lahat ang aking mentor kung paano hindi maging malungkot or home sick. Sa kanya rin ako nakakuha ng balita tungkol kay Realiza. Naputol na kasi ang aming communication. Kwento pa ni Tito Rey ay ilang araw umiiyak si Realiza mula noong umalis ako. Umaasang magbabalik agad ako. Kaya noong huli kaming nagkausap sa telepono nagkasundo muna kaming hindi mag-usap para walang masaktan.

Isang sabado ng umaga, minabuti kong sumakay ng MRT papunta sa Jurong. Sa tinitirahan ni Tito Rey. Hahamunin ko ng siya ng inuman. Napapangiti ako sa byahe dahil nagbabalik ang mga araw na magkasama kami ni Realiza sa loob ng tren. Naging sariwa sa aking alaala ang samyo ng kanyang buhok, ang matatamis niyang ngiti, ang malakas niyang yabag at ang nakakairitang niyang boses. Malaki talaga ang epekto sa pagkatao kapag may bagay na magpaalaala ng isang tao lalo na kung madalas itong nakikita.

"Maaga pa naman para mag-inuman," bulong ko sa sarili. Nilibot ko muna ang Jurong. Hindi naman ako mahilig mamasyal sa mga parke pero nakita ko na lang matipuno kong pangagatawan sa Jurong BirdPark. Siyempre ibon ang laman ng park wala nga lang uwak at tagak. Sabi ni Tito Rey marami daw pinoy dito pero wala pa akong napapansin. Inilipat na siguro sila ng kulungan.

Tumunganga na lang ako sa harap ng talented na parrot. Hindi ko man naiiintindihan ang kanyang sinasabi alam kong kinakausap niya ako. Habang abala ako sa pakikipagharutan sa ibon isang babae ang lumapit sa aking pwesto. Naagaw niya ang aking atensiyon hindi dahil sa mukha siyang parrot sa kanyang suot kundi alam kong pinay siya. Una, hindi siya chinita, pangalawa ang kutis niya ay katulad ng sa mga pinay at pangatlo malaki ang tiwala ko sa instinct ko.

Likas akong mahiyaan kaya hindi ko maitanong kung pinay nga siya. Wala rin akong naiisip na paraan para kausapin niya ako.

"Natatandaan mo pa ba, Nang tayong dalwa'y ang unang nagkita ,Panahon ng kamusmusan" Bakit pa ako magtatanong kung pwede siya ang magtanong sa akin. Naiisip ko kung kakanta ako ng tagalog malalaman niyang pinoy ako kung hindi siya magreact mali ang hinuha ko. "Sa piling ng mga bulaklak at halaman."

"Excuse me! Pinoy ka pala." Putol niya sa kagila-gilalas kong performance.

"Ah. Na-obvious pala. Tinuturuan ko kasing kumanta ang ibon."

"Hindi ka niyang maiintindihan intsik yan. So, anong ginagawa mo dito?" usisa niya.

"Watching the birds. I think?" sabay ngiti para mapansin niya ang pamatay kong ngiti ay ang ipinagmamalaki kong dimples.

"Funny. Ibig kong sabihin anong ginawa mo dito sa Singapore. Tourist ka ba?"

"May project kasi ang company namin dito, ako ang ipinadalang representative." Humarap muli ako sa parrot ng magpakita siya ng stunt. "Anong name mo?"

"Nhovelle," wika niya.

" Nhovelle. Napakagandang pangalan ng parrot di ba?"

"Hoy lalaki! Ako si Nhovelle hindi ang parrot!" maktol niya.

"Ay sus! Yung parrot kasi ang kausap ko." Napangiti ako. Umiral na naman kasi ang diskarte kong niluma na ng panahon. "I'm Louie. Sorry for being rude. Nagbibiro lang ako. Care for a snack para makabawi naman ako Nhovelle?"

"Sure. Wala naman akong gagawin."

Naging maganda ang aming kuwentuhan habang papunta sa kainan. Ituro pa niya ang ilang lugar na ipinagmamalaki ng Jurong. As usual hindi ako interesando sa sinasabi niya. Ang gusto ko lang ay magkaroon ng kakwentuhan.

"Nhovelle, are you working?"

"School teacher. English teacher."

"Wow! Noble profession. Napakanoble ni Nhovelle!" biro ko.

"Loko. San ka nakatira dito sa Jurong?"

"Hindi ako dito sa Jurong sa Woodlands ako. Bakit sasama ka?"

"No! Puro ka kalokohan. Siguro dami mo ng nabola?"

"Tanong ba yan kung may girlfriend ako? Wala e." Napansin kong namula ang pisngi niya. Hindi ko nga lang alam kung dahil sa maanghang namin kinain o dahil sa sinabi ko. "Sa totoo lang ikaw ang unang pinay na nakausap ko dito sa Singapore at nasurprise ako dahil akala ko diyosa ka." patuloy ko.

"Mambobola talaga. Bakit ilang taon ka na ba dito?"

"Three years. Sarap sana kung may sinigang dito."

"Naghanap pa sinigang eh halos mapuno na yang bibig mo." ituro ng hawak na stick ang bibig ko.

"Namiss ko lang kasi," ipinagpatuloy ko muna ang pagnguya bago tuluyang nagsalita. "Mahirap kasi kalimutan ang paborito."

"Sabagay. Sige ipagluluto kita kung sakaling magkita ulit tayo." lumiwanag ang aking anyo matapos marinig ang kanyang sinabi. Hindi dahil sa sinigang kundi may chance pa na magkita ulit kami.

"Sige! sige! Marunong ka palang magluto. Siguro paborito rin ng asawa mo?"

"Louie, mukha na ba akong may asawa?"

"Nakikita ba sa mukha kung may asawa?"

"Sagutin ba naman ang tanong ng tanong din. Bakit mo inisip na may asawa ako?"

"Hindi ko yun inisip. Sinabi ko lang para alam ko kung hanggang saan ang limitation ko kung madevelop ako dahil sa sinigang mo." Hindi ko napigilang tumawa hanggang Singapore ba naman wala akong pagbabago.

"How deep. Ilan na ba ang nabiktima mo sa diskarte mong yan?"

"Wala pa nga eh. Laging nauudlot."

"Nauudlot? Bakit?" Sandali akong natahimik. Uminom muna ako ng tubig.

"Mahabang kwento e."

"I-summarize mo." hirit niya.

"Alam mo kapag nabubusog ako nagkakaroon ako ng short-term memory loss," pag-iiba ko sa usapan. Ayaw kong ikwento ang tungkol kay Realiza. Hindi pa ako handa.

"Ows! Sige na ikwento mo na!."

"Ang alin? Sino ka? Bakit ako nandito?"

"HAHAHA. Ayaw talagang ikwento."

Napangiti ako. "Saka na kapag may dala ka ng sinigang."

"Address mo?" inaabot ko ang aking calling card.

"Eto oh. Paano kung magustuhan ko ang luto mo at hindi na kita pauwiin? Papayag ka ba?"

"Hindi ako papayag!"

"Bakit? Hindi ka ba naawa sa akin matapos mong patakamin sa luto mo?" pangongonsensya ko.

"Hindi ako papayag dahil wala akong dalang damit."

Napuno ng tawanan ang lugar. Hindi ko namalayang maggagabi na sa haba ng aming kwentuhan. Hindi ko na nagawa pang dumalaw kay Tito Rey. Inihatid ko na lang si Nhovelle bago tuluyan akong bumalik ng Woodlands.

Katulad ng naipangako ni Nhovelle dinalhan niya ako ng sinigang sa bahay. Naging madalas ang pagdalaw niya at paghahatid ko sa kanya pauwi. Hindi ko na rin nadadalaw si Tito Rey sa Jurong. Naging masaya ako kasama si Nhovelle. Ngayon ko na lang ulit naramdaman ang ganitong kasiyahan mula ng makarating ako ng Singapore. Lulan kami ng tren papuntang Jurong, mula sa bintana ng tren ay nakita ako ang buwan. Nagbalik sa aking alaala ang pangako ko kay Realiza. Pumikit akong sandali dala ng pagkalito. Si Nhovelle ang kasama ko pero si Realiza ang laman ng isip ko. Mula sa aking likuran ay niyakap ako ni Nhovelle hanggang sa magtagpo ang kanyang palad.

"May iniisip ka Louie?" Umiling lang ako bilang tugon. Unti-unting dumikit ang kanyang ulo sa aking balikat. Humigpit ang kanyang yakap. Hindi ko alam. Napapalitan na ba ni Nhovelle si Realiza sa puso ko o ipinaaalala ng kilos ni Nhovelle si Realiza? Katanungan na gumulo sa aking isipan. Nagtataksil ba ako?

"Louie salamat sa paghahatid." Ngumiti siya. Natunaw ako sa aking kinatatayuan. Lumapit ako sa kanya.

"Salamat din sa sinigang. Sa mga oras na kailangan ko ng kasama."

Hinawakan ko ang kanyang pisngi. Gusto kong malaman kung ano ang aking nararamdaman. Handa na ba akong magmahal ng iba? Hinalikan ko si Nhovelle sa labi. Walang pagtutol na nagmula sa kanya. Nangibabaw ang aming emosyon sa isa't isa. Tumagal ng ilang sandali ang paglapat ng aming labi. Nagulat siya sa ginawa ko. Natigilan ako bahagya bago tuluyang nagpaalam.

Umalis akong may ngiti siya sa kanyang labi. Ako naman ay lalong nalito sa aking nararamdaman. Masaya ako kasama siya pero noong mga sandaling naglapat ang aming mga labi ay unti-unting napalitan ng mukha ni Realiza ang kanyang kaanyuan. Napaka-unfair ko para sa kanya.

Sumagi sa isip ko na dumaan kay Tito Rey. Siya ang kailangan ko sa ganitong pagkakataon.

"Oh Louie ngayon ka na lang ulit napadaan dito ah."

"Masyado kasi akong naaliw nitong nakaraang araw," wika ko.

"So ibig sabihin kaya ka andito ngayon dahil may problema? Si Realiza pa rin ba?"

"Oo eh. Medyo nalilito kasi ako ngayon." nilaklak ko agad ang hawak kong beer.

"Hanga talaga ako sa'yo. May hindi ako nasabi sa'yo nitong nakaraan buwan tagal mo kasing nawala," patuloy niya.

"Ano naman yun?" usisa ko.

"Boyfriend na ni Realiza si Paul. Ayaw kong sabihin sayo kasi ayaw kong masaktan ka," Lumagok siya ng hawak na beer para kumuha ng lakas ng loob bago itinuloy ang kwento. "Pero hindi mo masisisi ang pamangkin ko dahil si Paul ang nagbangon sa kanya noong nawala ka."

Para akong kawal na sumalo ng lahat ng palaso at sibat. Lahat sa puso ang tama.

"Dahan dahan ang inom Louie. Baka malasing ka!"

"Natural! Nag-iinom tayo ng alak kaya malalasing tayo. Kung gatas yan titibay ang ating buto."

"Dapat pala hindi ko na sinabi sa'yo. Ano nga palang problema mo at napunta ka dito?"

"Tito, noong bang napunta ka dito sa Singapore hindi man lang sumagi sa isip mo na mangaliwa? Usapang lalaki hindi makakarating kay tita."

"Aamin ko sa'yo muntik na akong na-inlove noon mga panahon bago ako dito. Siya kasi halos ang kasama ko lagi. Nagmember kasi ako sa samahan ng mga pinoy dito na ang interest ay snapshooting. Marami kasing magandang lugar dito sa Singapore kaya naisipan ko bumili ng camera."

"Nasaan na siya ngayon?"

"Hindi ko na alam. Minabuti kong umiwas. Alam kong hindi pagmamahal ang naramdaman ko. Hinanap ko lang yung mga bagay na namimiss ko kay Chit. Noong time kasi na gusto kong matuto sa photography. Naging mentor ko si Syel. Madalas kami magkita. Hanggang sa magkapalagayan kami ng loob. Pero pinutol ko bago pa ako maging taksil." Patuloy ni Tito Rey. Nagpatuloy pa siya sa mga kwento hanggang makatulugan ko na siya ang alam ko lang may natutunan ako sa mga sinabi niya.

Makalipas ang isang Linggo muli kaming nagkita ni Nhovelle. Mahigit isang oras na akong naghihintay sa may Jurong Lake Park bago siya dumating. Bitbit ang isang kumpol ng regalo nagpanggap akong hindi siya nakita para hindi masayang ang effort sa pagsorpresa sa akin. Anniversary daw kasi ng aming pagkakilala. Tumalikod ako.

Mula sa aking likuran ipiniring niya ang kanyang kamay sa aking mga mata. "Hulaan mo kung sino ako?" Napatawa ako.

"Teka medyo mahirap eh. Parang ikaw ang nasa panaginip ko kagabi. Hindi ko lang matandaan kung ikaw yung camel o si Realiza," biro ko sa kanya.

"Sino si Realiza?" Naging madilim ang kanyang anyo. Naku! "Louie kailan pa naging N-H-O-V-E-L-L-E ang ang spelling ng Realiza?"


itutuloy.....

horoscope


ARIES
Pay attention, because the planets are revealing your destiny to you today. Spend today learning what they have to reveal so you can take action tomorrow. Preparation may slow your start but will take you further once you get going.

* yan ang horoscope ko today. Wala pa rin kinalaman sa jueteng o lotto. Hindi ko alam kung alin ang tatapunan ko ng attention kung yung bang kalibugan kabilugan ng mga planeta o ang araw ngayon. I-rereveal na daw ang destiny ko ngayon na-arouse na-excite tuloy ako. Preparation may slow your start. Hello?! mabilis ako kumilos. Sa katunayan nga nagpapantasya nag-eexercise ako kapag naliligo kasi sayang ang oras.

Parang naging puzzle tuloy ang horoscope ko. Dapat bumili na lang ako ng bagong tiktik para madaling intindihin.



-----

LOVE HOROSCOPE

Today, in order to maintain your sanity and the love of your partner, you must relax. Although your sexual charisma is at a peak, your partner needs an emotional and physical break. Breathing room is imperative right now.


*juice ko!!! totoo ba yan? sexual charisma is at a peak sige sundin ko ang advice ng horoscope. relax ka lang panjoboy.

Madaling labasan solusyunan ang problema sa pag-ibig kung may breathing room. Maganda. Maganda sa may lovelife.

lamok


lamok
maikling kwentong pambatang at  matanda

Si Janji ay isang lamok na nangangarap maging bubuyog. Namangha kasi siya sa kakaibang kasanayan ng mga ito ng mag-cross pollinate ng mga bulaklak. Dahil iba ang anyo ng mga bubuyog minabuti na lang niyang pag-aralan ang mga kakahayan ng mga ito.

Kinutya siya ng sangkalamukan dahil imposible ang kanyang pangarap. Tinuran siyang baliw. Naging sentro siya ng tawanan. Ngunit hindi siya nagpadaig. Itinuloy niya ang kanyang mga pangarap bitbit ang lakas ng loob, tiwala sa sarili at sipag.

"Aanhin pa ang salitang pagbabago kung hindi gagamitin," nasabi niya sa sarili habang pinag-aaralan ang istraktura ng talulot at pollen. "Takot ang lahat sa pagbabago. Gusto lang nilang mabuhay sa nakasanayan".

Hindi nagtagal nagtagumpay si Janji. Nagawa niyang berde ang blue rose, gawing hugis tala ang yellow bell at pabungahin ng niyog ang kamatis. Noon, akala ng lahat ay imposible pero may katunayan na sa lahat ng pangarap ni Janji. Dahil dito maraming humanga sa nagawa ni Janji. Umikot ang kaisipang liberal. Lumaganap ang ideyolohiyang pinaniniwalaan ni Janji. May mga lumantad na gustong sundin ang tapak niya. May mga lamok na lumapit sa kanya. Gusto nilang magaya ang kakayanan ng surot, putakte, hanep, ibon, kalabaw, kuto, bulate, Archaeopteryx at dinosaur.

Dahil sa pagkalat ng kaisipang liberal, natakot ang gobyerno na mawala ang kanilang kultura. Ang mag-iwan ng kiss mark sa kasingit-singitan ng katawan ng tao. Itinuring nilang rebelde si Janji. Ipinagkalat na siya ay may kapangyarihang itim at alagad ng diablong green. Ipinahunting nila si Janji sa lahat ng lugar. Ipinasara ang lahat ng paliparan, estero, bao, lata ng nido, sardinas, arinola, kaserola at bunganga. Subalit likas na matalino si Janji kaya hindi siya nahuli.

Nakaisip ng plano ang hukbong kalamukan, nagawa nilang ibrain-wash ang mga bubuyog at paru-paro na sa bilis magkangkangan ng mga lamok ay madaling mawawalan sila ng career kapag lahat ng lamok ay sumunod sa yapak ni Janji. Dahil dito, umatake ang mga bubuyog sa pamumuno ni General Jollibee. Nadakip si Janji habang pinag-aaralan kung paano mapapadami ang chicharong bulaklak.

Dinala si Janji sa Katol Chamber para katukin at isuko ang kanyang ipinaglalaban. Subalit nagmatigas si Janji. Hindi siya sumuko hanggang sa huling usok ng katol.

Bago tuluyang nalagutan ng hiningi tinura nya ang mga katagang “Nothing can stop the mosquito with the right mental attitude from achieving his goal; nothing on earth can help the mosquito with the wrong mental attitude.”


Pagkatapos ng kanyang kamatayan, ilang politiko ang nagmukahi na siya ay mapabilang sa pet society.


---------------

Ambition requires action...... make sense??

Si jun


Kolektor ng mga painting si Jun. Madalas siya dumalo sa mga lokal at international na exhibit. Bilang kolektor dapat maselan, mapanuri at malalim ang pag-iisip para makuha ang ipinapahatid na mensahe ng bawat detalye ng painting. Sa ganoon paraan, sulit o labis pa ang perang ipinambili dito at tatanghalin pang pinakamagaling na kolektor at interpreter.

Subalit para kay Jun, ang bawat sining ay may itatagong lihim. Tulad ng ngiti ni Monalisa, ang sunflower ni Vincent at ibang likha na may itinatagong kalungkutan. Matapos makabili ng isang payak na larawan isinabit niya ito malapit sa study table. Iniisip kung ano ang ipinapahiwatig ng mga pulang tuldok sa palayan. Pinatay nya ang ilaw sa study room. Tanging ang ilaw mula sa maliit na study lamp ang magbibigay liwanag.Lalabas na sana si Jun ng mapansin may liwanag na nagmumula sa painting. Ang mga tuldok. Pinatay niya ang ilaw mula sa lamp. Naging maliwag ang mga pulang marka. Tumingkad pa habang siya ay lumalayo.
"Luminous yata ang pintang ginamit.", bulong nya sa sarili.
Pinunusan niya ang painting. Basa. Kumalat ang pulang pinta.

Sa pag-aakalang peke ang painting dahil basa pa ang pinta ay inihagis niya ito sa sahig. Lumakad palayo. Paglingon nya at pagharap muli sa painting ay may nabubuong mukha sa painting. Malungkot na mukha ng lalaki. Waring humihingi ng tulong. Napaupo sa kaba si Jun. Nawala siya sa sarili. Nang mahimasmasan nagising siya sa isang palayan na puno ng dugo.

Nagsimulang tumaas ang balahibo ni Jun. Nanindig ang kayang balahibo. Tumakbo siya palayo. Patuloy siyang hinahabol ng dugo. Ilang hakbang pa nahulog sa bangin si Jun.


Patay na ng madatnan ng kamag-anak si Jun. Hinihinalang nalaglag ito sa hagdanan.

LRT (Love and Relation Transit) part 7


love and relation transit part 1
love and relation transit part 2
love and relation transit part 3
love and relation transit part 4

love and relation transit part 5

love and relation transit part 6



Handa na ako para marinig ang sasabihin ni Realiza. Kung pwede lang palakihin ang tenga, ginawa ko na.

"Galing sa favorite movie ko na When Harry Met Sally. Ehem! To be mature you have to be an adult.. but to be in love you have to be nothing but a human being with a heart...i have found that out by being with you."

Natahimik ang lahat. Wala yatang nakagets. Nagningning ang aking mata matapos maabsorb ang meaning. Napangiti ako na parang model ng close-up. Wala akong ipinakitang reaksyon para hindi mahalatang nakiliti ang bumbunan ko.

"Nakakaiyak naman! Sana tagalog para naintindihan," biro ko. Napuno ng tawanan ang buong lugar. Wala nga yatang nakagets. Nakatawag din ng pansin sa ibang guest ang aming usapan. Maraming natawa sa iba pang pinag-usapan. Na-flattered ako sa mga nagsabing bagay kami at very lucky couple. Matapos ang discussion, inilibot kami ni Ms. Dina sa buong Villa. Wala ang atensiyon ko sa mga ipinapaliwanag niya. Ang gusto ko lang malaman ay kung ano ang ibig sabihin ng mga salitang binitawan ni Realiza. Dapat ko ba itong bigyan ng kahulugan o ipaubaya na lang kay batman.


Tumigil na ang ulan. Nag-umpisa ng maging itim ang kaninang bughaw na langit. Unti-unti ng nabubuhay ang mga ilaw sa mga poste sa daan. Nagtago na ang haring araw. Maggagabi na. Masyado kaming nalibang sa pamamasyal namin. Uwian na.

Nasa bus pa lang kami ng may magtext sa akin. Palihim kong binasa noong nakita ko kung kanino nagmula.

"Ayos ba? Pasalamat ka ako ang duty ngayon. Pasensiya na nga pala sa english ko." sabi ng nagtext.

Nagreply agad ako ng mabilis dahil nakikita ako ni Realiza na napapangiti.

"Salamat ate Dina sa bahay na lang tayo mag-usap." Hindi ko napigilan ngumiti matapos ipadala ang message. Malaking tulong sa aking ang pagiging empleyado ni ate Dina sa farm.

"Louie, kanina ka pa nakangiti diyan ah baka naengkanto ka na." biro ni Realiza.

"Naalala ko lang yung mga nangyari kanina. Ang kulog, yung activity parang lahat pumabor sa'yo."

"Aba! aba! Hoy mister kung alam ko lang na ganun e."

"Kung alam mo eh ano?" sabat ko agad. Hindi ko na siya hinayaan pang magsalita. "Nagsisisi ka ba?"

"Hindi Louie, masaya ako. Ngayon na lang ulit ako nakaranas ng ganoong excitement kung pwede nga lagi akong bumalik sa lugar na yun," emosyonal na pahayag niya.

"Ah. ako masaya rin." Hinawakan ko kamay ni Realiza. "Sana laging may kulog."

"Puro ka naman kalokohan kung kelan seryoso na ang usapan!" tumalikod siya sa akin. Tumahimik.

"Galit ka ba?" Nanatili siyang tahimik. "Realiza?"

Ilang saglit pa ay narinig ko na siyang naghihilik. Natawa na lang ako. Ilang berdeng demonyo ang tumukso sa akin na halikan ko siya. Pero napigilan ko. Ayaw tumigil. Nagtatalo ang isip at puso ko. Pinilit ako ng mga berdeng demonyo kaya pinagbigyan ko na sila. Hinalikan ko ng bahagya sa pisngi si Realiza. Minasdan ko muli ang mula sa bintana ng sasakyan ang buwan. Humiling ako sa maliwanag na bagay sa langit na sana ay hindi matapos ang kasiyahan.


Lumipas ang oras, araw at buwan. Naging madalas ang pagkikita namin ni Realiza. Ayaw ko magtanong kung mahal na n'ya rin ako dahil hindi ako handa kung rejection ang maririnig ko. Masaya naman kung anumang tawag sa status namin kahit alam kong umaaligid pa rin si Paul. Hindi na din ako interesado malaman dahil ayaw kong magselos ng wala sa lugar. Masaya ako iyon ang mahalaga.


Sa opisina, tinatamad na naman akong magtrabaho. Binubura ko ang tinatype ko para i-type ulit. Tubig na lang ang kulang pwede ng umandar ang mga memo na ginawa ko ng bangkang papel. Boredom! Si Realiza lang palagi ang laman ng utak ko. Gusto ko ng mag-uwian.

"Loiue, punta ka raw sa office ni Sir. Congrats nga pala!" si Jane. Ang taong laging may dalang kamalasan sa buhay ko. Madalas sermon o kaya major revision nga mga trabaho ko.

Napakamot ako sa ulo. Wala ng mabisang dahilan para lumusot kahit pa siguro humingi ako ng tulong sa sangkatutak na pokemon o kaya sa powers ni doraemon. Ako na naman ang masama at ako na naman ang amo ni Lucifer. Kung pwede lang mag-time space warp kasama ni Fuuma Lear ginawa ko na para makatakas papunta sa ibang lugar. Saan naman ako pupunta? Siyempre sa puso ni Realiza. Tatlo lang naman ang role ko sa buhay ang magpagalitan, mapagtawanan at magmahal. Aysus! mawawalan ng career ang bubuyog sa kasweetan ko.

Bago pa ako tuluyang pumasok sa opisina ni bossing, nakikinita ko na ang mala-dragon na mukha ni bossing tapos ako naman ang emisaryo mula sa "Planet of the Apes".

"S-sir, pinapatawag n'yo daw ako e." maamong tinig ko. Medyo may pagkaplastic pero pwede ng pagtiyagaan ang maala-anghel na boses ko.

"Grab a chair and have a sit Louie." Kinuha ko agad ang pinakamakulay upuan para kung sakaling lumiit sa sermon ay madali akong mare-recognized. "Well Louie, our client prefer to stay with as long as we can support their upcoming projects at ang napili nilang design and concept ay sa'yo. At ayaw kong mawala sila kaya ikaw ang in-charge sa project na to coz you know the idea."

"Sige sir. I will do my best."

"I'll mark your word and one more thing sa Singapore ang project. In two days aalis ka na." Nabigla ako. Dati lang lagi niya akong pinapagalitan dahil sa pamali-mali kong project. Palagay ko lang ayaw na niya ako makita kaya ako ang itinapon niya. Pero matagal ko na rin pangarap na makasama sa Singapore project.

"You can count on me sir!" mayabang na sagot ko. "Sir ilang days nga pala para makapagpaaalam ako sa parents ko?"

"Louie... Louie... Louie." Halos tumatak ang pangalan ko sa buong wall ng opisa nahihilo na rin ako sa kakaikot niya. Kung alam ko lang na tatayo siya hindi na ako kumuha ng upuan. Umarkela na lang dapat kami ng tsubibo. "Not days, five years. five years."

"Five years!" tumaas ang eyeballs ko. Asset na ako ng company. Naalis lahat ng sakit ng kasu-kasuan ko.


Dumiretso na agad ako sa bahay nina Realiza para makausap siya ng masinsinan. Ayaw kong mawala siya sa akin at ayaw ko rin i-turn down ang offer. Nagtatalo ang puso at isip ko pero sa simula pa lang may desisyon na ako. Wala pang status ang lovelife namin kaya wala pa akong pinanghahawakan sa kanya. Mahal ko siya. Gusto ko lang makapagpaalam ng maayos. Hindi ko alam kung may babalikan pa ako.

"So, aalis ka pala. Swerte mo naman!" Excited na wika ni Realiza.

"Sobrang mamimiss kita. Yung mga pinagsamahan natin."

"Aw ang seryoso parang hindi na babalik ah."

"Realiza. Five years." mahinang wika ko.

"What! five years! tagal nga." naglakad palayo si Realiza.

"Ayaw kong mawalay sa'yo pero ito na ang chance para may mapatunayan sa sarili ko. Mahal kita Realiza alam mo yan."

"Paano ko panghahawakan ang pag-ibig mo na walang kasiguraduhan? Sinanay mo ako ng nandiyan ka. Ngayon bigla ka naman aalis." Hindi pa man lubos na bumabagsak ang luha ay agad na itong pinahid ni Realiza.

"Mahal mo ba ako Realiza?"

"Para ano pa kung malaman mo? Mapipigilan ba kita? Maiiwan ba ang puso mo dito?"

Tumungo lang ako. Ayaw kong kakitaan ako ng anumang kahinaan. Nagbalik sa aking mga alaala ang mga bagay na nagtulay sa aming pagsasama. Ang LRT, ang bus, ang farm at and ID.

"Pagbalik ko Realiza itatanong ko ulit sa'yo ang mga salitang yan. Pagbalik ko sana may sagot na."

Tuluyang bumagsak ang luha ni Realiza.
"Madaya ka talaga Louie!" Itinulak niya ako. "Akala mo ba hindi ko alam na hinahalikan mo ako kapag tulog ako sa byahe. Akala mo ba hindi ko alam yakap mo ako nun. Bakit hindi mo gawin ngayong gising ako. Bakit?"

Naglapat ang aming mga labi. Kasunod ang walang katapusang pamamaaalam.



itutuloy....

sulat galing sa napulot na flash drive (usb sa iba)


fictional po ito.. hindi totoong napulot.

dear Marlo,


hay,sumulat ako sa iyo pero wala naman akong balak ibigay.
bakit hindi mo ba ako mapansin?? halos todo make-up at pabango na nga ako wala ka pa rin reaction.. bakit pa kasi ako nainlove sa iyo? akala ko nga dati puppy love lang yun.

Alam mo nagsimula ang love ko sa'yo nung bata pa tayo. weh? hindi ka naniniwala? Sure yun. Remember mo ba nung naglalaro tayo sa bahay ni Jimbo? di ba may malaking drum dun na sira? pumapasok tayo lagi dun kasi yun ang hide-out natin lagi ka ngang concern sa akin kung naiinitan ako e kaya laging kang may ready na pamaypay. Tapos nung uwian na tayo bigla akong hinabol ng aso ni Jimbo. Iyak ako ng iyak nun buti na lang matapang ka. Inilabas mo ang iyong laser sword at yun lumayo na yung tuta. Mula nun hinangaan na kita. Madalas mo nga rin ako yayain nun na maligo sa ulan. Wala nga tayo madalas suot nun e. Nakita ko na ang itsura ng potpot mo e. Pati yung saken nakita mo na rin. Ngayon iba ang interest mo. Iba na rin ang laro mo. Hindi ko na rin nakikita na hubad ka. Ako rin hindi na. Pero kung irerequest mo papayag ako..hihi

Tapos nung nag-aaral na tayo lagi kitang sinusundan. Kahit gusto akong pag-aralin ni Mama sa Saints e mas pinili ko sa City High School kasi andun ka. Kapag nga may mga groupings gusto ko lagi ka-group ka para at least may chance na makatabi kita. Hihi. Inamoy nga pala kita nung nag-overnight tayo kina Jeanie. Hindi ko natiis e. Sige na nga aaminin ko na hinalikan kita. hihi. Pero isa lang yun ha. Sana laging tulog.Hihi
Kinilig nga pala ako nung naging partner kita sa role playing natin. Nakipag-away pa nga ako kay Mama nung pinipilit nya akong maghugas ng kamay nun kakain na. Eh sa ayaw ko mawala yung fingerfrints mo dun e.

Sobrang talino mo pa kaya lalo akong nainlababo sa'yo kaso row four naman ang utak ko hind ako makarelate minsan sa sinasabi mo kapag may reportings tayo. Pag-ibig na lang kasi natin ang pag-usapan natin. Kapag hindi ka pa nagtapat sa akin sige ka..Ehhh ehhh.. Magtapat ka naman kasi please. Bibigyan pa kita ng chance..

Dalaga na ako Marlo.hmp! pasinin mo kasi! Ligawan mo na ako. Regaluhan mo na ako ng flowers at chocolate. kung hindi mo naman afford kahit kwek kwek na lang. Invite mo lang ako laglag for sure ang panty ko. hihi Nga pala ako yung nagnakaw nung picture mo sa student organization chart. Ibabalik ko din naman yun!! Hindi ko pa lang alam kung kelan.






Ang iyong monmon,

keithley

LRT (Love and Relation Transit) part 6


love and relation transit part 1
love and relation transit part 2
love and relation transit part 3
love and relation transit part 4

love and relation transit part 5



"Si P-paul. Si Paul ay nanliligaw din kasi sa akin. Advantage na niya ang tagal naming magkakilala at magkasama kaya ayaw kong aasa ka ng positibong sagot" mahinang usal ni Realiza habang tumitingin sa mga nagsasayaw sa venue ng debut.

Tama ang hinuha ko. Isang karibal ang mokong na yon. Malaki ang advantage kasi magkasama sila sa student council. Siguro sweet din si Realiza kay Paul tulad ng ipinapadama sa akin.

"Bakit hindi siya ang kasama mo dito?" usisa ko agad para malaman kung espesyal ako sa kanya. Pero hindi iyon ang aking narinig.

"Kapatid ni Paul ang debutant. Nasa kusina lang siya kasi gustong personal recipe ang ihahanda."

Inusisa ko ang detalye sa katauhan ni Paul kay Realiza. Para pala akong sumugod sa isang digmaan na ang dala ay espadang kawayan. Ano mang oras ay pwedeng tamaan ng palaso sa buong katawan. Mayaman, mabait, matalino, maabilidad at lahat na siguro ng maganda ugali samantalang ako eh kaguwapuhan lang ang asset ko. Ano laban ko?

"Don't worry Realiza, hindi naghihintay ng anumang kapalit ang pag-ibig ko. Kung siya man ang piliin mo I can be your confidant."

"Salamat Louie, kung maaga lang kita nakilala siguro walang problema."

"Alam ko naman na tayo ang magkakatuluyan sa huli. Iyon na ang tadhana," pagmamalaki ko para mabasag ang seryosong usapan.

"Talaga lang ha! Optimistic ka palagi ah," ani ni Realiza habang sinisipat ang sarili sa salamin ng hawak na face powder saka nag-alok ng pag-uwi.

Matapos ang mahabang paalaman sa buong pamilya, natanaw ko agad si Paul na panatag ang loob. Parang wala man lang selos na nararamdaman sa katawan. Bilang pasasalamat sa masarap na pagkain tinapunan ko siya ng ngiti pero this time hindi na peke. Kahit ako humanga sa anumang meron si Paul.

Minasdan ko buwan mula sa bintana ng LRT. Naisipan kong humiling sa buwan katulad ng nakagawian ni Realiza. Hindi naman siguro masama makigaya. Hindi ako hihiling na ako ang mahalin ni Realiza bagkus ang piliin niya sana ay kung saan siya liligaya. Iyon hindi siya luluha, hindi sasaktan at hindi magmamaliw kailanman.

"Bakit tahimik ka? Iniisip mo ba yung sinabi ko kanina?" usisa ni niya ng mapansin na malayo ang tingin ko.

"Hindi!" depensa ko agad. "Iniisip ko lang kung may drive test din ang driver ng LRT bago makapag-apply dito."

"Puro ka kalokohan. Dati lisensiya lang ngayon drive test na samantalang ako ang pinagtataka ko lang ay mas pinipili nila tumayo," inginuso ang grupo ng mga estudyante na mas piniling tumayo samantalang marami namang bakanteng upuan. Oo nga naman. Bakit nga ba mas gusto ng mga tao na tumayo samantalang kapag nasa bus mas gusto ang nakaupo.

Hinaplos ko ang buhok ni Realiza. Sandali siyang tumitig sa akin. Hinayaan namin na ang aming mga mata ang mangusap saka tuluyang sumandal sa dibdib ko si Realiza. Idinampi ko ang aking kamay sa kanyang bewang. Ilang sandali pa ay yakap ko na siya. Kung hindi lang mauubos ang bus pauwi mas gugustuhin kong ma-stranded kami sa loob ng LRT dahil ayaw kong mawala siya aking tabi.

Kinabukasan, date na namin siyempre. Isinama ko si Realiza sa isang flower farm sa Tagaytay. Hindi na siguro sa mabilang sa daliri ko kung ilang beses na akong nakarating sa flower farm. Kasi doon ginanap ang aming field trip, recollection at retreat nung nag-aaral pa lang ako. Based kasi sa research ko sa google kagabi, isa sa kiliti ng babae ang mga flowers. Isang flower pa nga lang kinikilig na sila ano pa kaya kung farm na?

Sobrang higpit ng hawak ni Realiza sa kamay ko. Anumang oras ay pwedeng pumutok. Parang akong tourist guide sa isang bata, ipinaliwanag ko ang bawat detalye ng lugar. Dinagdagan ko na rin ng konteng yabang para maimpress naman siya sa akin. Napahanga ko siya sa dami ng alam ko about sa farm.

Nabuo ang isang maliit na ipu-ipo. Sumagitsit sa himpapawid ang mga talulot ng bulaklak. Ibinuhos sa aming daraanan ang maliliit na bulaklak. Parang panahon ng taglagas ng cherry blossoms bansa ng mga Hapon. Nakakamangha. Nakakaaliw.

"Dati malungkot ang lugar na to," mahinang wika ko.

"Baket? Maganda naman ang lugar ah. Konte lang dati ang mga flowers?" nalilitong taong ni Realiza.

"Maganda ang lugar. Dati ng maraming bulaklak. Malungkot ang lugar na ito dati kasi you are not here Realiza," seryosong sagot ko.

"Kung seryoso ka sa sinabi mo that would be the sweetest thing I heard from you," wika niya habang parang bata na tinatapakan ang aming mga anino.

"Kung may salitang higit pa sa seryoso yun ang para sa'yo," bilang banat ko agad.

Parang hindi sumang-ayon ang kalangitan sa mga binitawan kong salita. Alam sigurong gasgas na ang linya ko. Isang matalim na kidlat ang gumuhit sa kalangitan kasunod ang isang malakas na kulog.

"Ayyyyy!!!" bulalas ni Realiza. Bigla siyang napayakap sa akin kaya niyakap ko na rin bilang proteksiyon sa kanyang takot. "S-Sorry natakot lang ako," kumalas siya pagkakayakap sa akin at humakbang palayo.

"Ok lang naenjoy ko naman," natatawang sabi ko.

"Sinamantala mo naman!" hinambalos niya ako ng hawak niyang bag.

"HA!HA! bango mo pala," kantiyaw ko.

"Talagang inamoy pa ha. Mabango naman talaga ako,"

"Amoy ng paborito kong ulam. Amoy adobo!!!" tumakbo akong palayo ng akma niya ulit akong hahambalusin.

"Adobo ha. Ikaw amoy bagoong!" ganti n'ya.

"Bagoong nga naeenjoy mo naman!"

Umihip muli ang hangin. Lumipad sa paligid ang mga nahuhulog na bulaklak. Sumayaw ang mga dahon ng puno at halaman. Umaawit ang mga ibon. Unti-unti bumagsak ang ulan.

"Tara dun tayo sa Villa!" hinagilap ko ang kamay ni Realiza para hindi kami tuluyang mabasa.

"Bakit dun? Anong gagawin natin dun?"

"Mag-iinquire tayo ng kasal." natatawang sabi ko.

"What!!! Hindi naman tayo ikakasal!" tutol niya.

"Trip trip lang. Magpapanggap lang tayo. Para may magagawa tayo habang umuulan."

"Sige na nga. Kesa Mabasa tayo dito."

Maabilis naming tinungo ang Villa para hindi tuluyang mabasa at para na rin maenjoy ang lugar marami kasing portrait ng mga past weddings.

"Good morning Sir and Ms. I'm Dina how can help you?" wika ng cute na receptionist.

"Maganda yung place na-iconsider namin siya para sa wedding namin. Gusto sana namin malaman yung packages." Natatawa ako pero kelangan maging best actor ako today para hindi mabuking buti na lang mukhang tao ako ngayon.

"Have a sit sir and madam. Ano pong name nila?"

"I'm Realiza and his Luoie. Miss Dina pwede ba ang garden wedding dito," sabat ni Realiza.

"Ms. Realiza, ano po bang religion niyo?"

"Roman Catholic."

"I am sorry Ma'am, pero hindi na po inaallow ng mga Katoliko ang garden wedding pero may chapel po kami dito then mag-invite na lang po kayo ng priest," paliwanag ni Dina habang may inilalabas na albums at ilan pang bagay. "Before we continue may konti lang po tayong activity para may spice po ang usapan natin."

"Activity? Anong klase?" nagtatakang tanong ko.

"Sir pick lang po kayo ng ng puso sa loob ng fish bowl na ito then iaabot n'yo ulit sa akin para ako ang bumasa ng laman sa loob. Kayo rin po ma'am kailangan bumunot." Iniabot n'ya sa akin ang bowl halos ibinabad ko ang kamay ko sa loob para makuha ang pinakamagandang item. Gayundin naman si Realiza na pikit mata pang kumuha ng puso sa loob ng bowl. Matapos iaabot ang napili namin heart ay lumakas ang tibok ng puso ko.

"Sir ang laman po ng pusong napili n'yo ay "Congratulations! You are entitled for a kiss from you're wife to be."

Halos lumukso ako sa aking kinatatayuan. Tingnan mo nga naman hindi talaga alam kung kelan babaha ng swerte.

"Ma'am sa inyo naman po ay "Utter your sweetest words for your husband to be."

"Paano Realiza, pikit na!" kantiyaw ko.

"Louie! Kailangan ba talaga?" Kinurot niya ang tagiliran ko.

"Miss Dina, ayaw niya. Mahiyain kasi siya," sumbong ko.

"Ma'am huwag na po mahiya, smack lang naman po,"

"Sige na nga. Walanghiya ka Luisito!" Natawa na lang ang receptionist nung pumikit si Realiza.

I kissed her. Smack lang pero sa magkabilang pisngi para kung ma-iritate man eh pantay. Halos dumugo ang tagaliran ko sa tindi ng kurot niya.

"How sweet naman, How I wish ikakasal ako. Ma'am its your turn." wika ni Dina.

"Hindi pa siya makamove-on Ms. Dina." banat ko.

" Palagay ko nga Sir, kasi kiss lang yung usapan ginawa niyong kisses." Nabalot ng tawanan ang Villa habang si Realiza naman ay naiwang namumula.

"Ok! Its my turn. ehem!"






itutuloy muna ulet..