Chapter 1Chapter 2Chapter 3Chapter 4
V. Lies
Lumipas ang mahigit isang buwan sinimulan nang kumilos si Luis, gamit ang mga lumang larawan pilit niyan hinahanap ang kinaroroonan ng itim na santo niño. Palibhasa'y nag-iisa sa misyon, hindi naging madali ang paghahanap. Bukod sa palihim ang bawat kilos, lagi din nakabuntot sa kanya si Jo-Anne dahil sa ginagawang pagbuild-up ni Aling Remy at may mga codes pa na dapat i-validate para matunton ang replika na siyang magtuturo ng kinaroroonan ng totoong black child.
'Nasa Ilijan ang replika. Sa Ilijan matatagpuan ang mga naglalakihang bato na lumiliwanag kapag tinamaan ng sikat ng araw na binanggit ni Roysus sa kanyang navigation notes.' si Luis habang ipinakikita kay Arden ang sarili niyang research. 'Mabuti na lang naitranslate ng researcher ang malalamin na codes.'
'Maasahan ka talaga Luis. Gaya ng hiling mo nasa likod na ng kotse ang mga explosives, tulad ng dati walang kemikal na ginamit at walang tunog na malilikha kapag sumabog.' Impit na ngiti ang ibinigay ni Arden kay Luis dahil positibong resulta ng mission. 'Handa na ang air support na gumawa ng ulan, sa loob ng dalawang oras mula ngayon ay babagsak ang ulan.'
'Kung mas maaga sana mas maganda. Sa ganoong paraan madaling masabing landslide ang pagsabog'
'Sige ipag-uutos ko na magseed ng maraming ulap.' Tinawagan ni Arden ang mga air support para madaliin ang pagbasak ng ulan habang inililipat naman ni Luis ang mga pampasabog sa kanyang tricycle -- mga pampasabog na kasing laki lamang ng bawang pero matindi ang kayang gawing pinsala .
'Pwede na akong magsimula.' Paalis na sana si Luis sakay ng tricycle pero pinigilan siya ni Arden.
'Pare hindi sa nakikialam ako, wala ka bang balak bumili ng kotse? Naaalibarbaran kasi akong makita ang isang top bearer na nakasakay ng tricycle eh!' pangungutya ni Arden sa kaibigan.
Ngumuti si Luis, tinapik ng bahagya ang balikat ng kausap. 'Para saan pa? Isa pa, magtataka ang mga tao kung saan ako nakakuha ng pambili ng kotse , alam naman nilang tricycle driver lang ako. Hindi din naman ako pumunta sa malayong lugar.'
'Paano kung nasa malayong lugar ang misyon?'
'Hindi ko tatanggapin!' Emosyonal at matigas na sa wika ni Luis. 'Ayaw kong basta iwan na lang ang lugar na ito. Maraming alaala na ayaw kong kalimutan. Kung aalis ako dito parang tinalikuran ko na din si Cielo.'
'Cool ka lang pare! kotse lang ang pinag-uusapan natin!' alo ni Arden na nakataas pa ang dalawang kamay. 'Tutal na banggit mo na din ang bagay na 'yan, wala ka bang balak na buksan muli ang puso mo? Hindi ko naman sinasabing kalimutan mo si Cielo pero may karapatan kang sumaya hindi itong lagi kang nagmumumok sa ilog na 'to.
'Masaya kami ni Cielo noon at sapat na ang kanyang alaala para maging masaya muli ako. Wala din makapapantay sa kanya.'
'Talaga lang ha, eh anong itong nababalitaan kong madalas kang may ka-date dito sa ilog. Maganda din ang bebot na yun ah,' mapanukso ang salita ni Arden.
Si Jo-Anne?! Malabo. Lahat na ng ugali na ayaw ko sa babae nasa kanya na. Maingay, matanong, mahilig makialam at higit sa lahat abusado. Kailaman ay hindi ko magugustuhan ang ganung babae!'
'Dami mo sinabi ah. Ikaw bahala pero pag-isipan mo din.' Taas kilay na wika na Arden akmang papasok ng kotse habang si Luis naman ay nagulat sa kanyang pagiging defensive.
Mabilis na tinungo ni Luis ang Ilijan. Nagsimula na din bumagsak ang malakas na ulan. Sa isang sementeryo huminto si Luis. Pinalitan ang kasuotan at inilambas ang ilang gamit para handa sa anumang maaring panganib o banta ng kalaban. Dahil ilang beses na niyang nasaksihan ang pagtama ng araw sa mga bato alam na niya ang repleksyon ng araw ang magtuturo sa kinaroonan na replika ng santo niño. Sa loob niya ay matindi ang paghanga niya kay Roysus dahil ginamit ng kastila ang kalikasan para gawing mabisang palatandaan. Itinago ang replika sa maliit na yungib na hinarangan ng mga bato para hindi mapansin ang butas.
Kinalkula ni Luis ang gagawing pagpapasabog para hindi mapinsala ang replika o mapigilan ang posibleng pagguho ng malaking bahagi ng bundok. Kasabay ng paghinto ng ulan ang dahan-dahang pagbagsak ng mga bato, lupa at halaman, isang lagusan ang tumambad kay Luis.
''Vagrat, Loduko at Spaka, papasok na ako sa kweba. Stand by kayo sa posibleng pagsabotahe,' utos ni Luis sa tatlong assassin gamit ang kanyang transimitter. Bagamat wala siyang nadinig na sagot nagpatuloy si Luis sa loob ng kweba.
Lumabas si Luis ng kweba bitbit ang replika. Walang panganib ang anumang dumating, di gaya ng kanyang inaasahan. 'May kakaiba sa misyon na ito. Maraming nagtatangkang mapasakamay ang black child pero wala akong nararamdamang kalaban. Si Lady Armela ang isa sa kalaban, sa pagkakilala ko sa kanya ayaw niya ng nauunahan .' bulong ni Luis.
'Hello! Arden, dala ko na ang replika.' agad kinontak ni Luis si Arden.
'Magaling. Wala bang naging aberya?'
'Iyon nga ang ipinagtataka ko. Wala man lang naalarma na nakuha ko na ang susi ng black child.'
'Mag-iingat ka Luis. Baka nakamasid lang sila, hinayaan ka lang na makuha talaga ang replika tapos ay tatambangan ka sa daan. Hindi natin alam ang kanilang pagkilos.'
'Sabagay, uuwi na muna ako. Aalimin ko kung anong mapipiga ko dito sa replika.' Hindi kumbinsido si Luis sa naging paliwanag ni Arden. Alam niya sa sarili na may hindi sinasabi sa kanya ang kaibigan, bagay na tutuklasin niya mag-isa .
MALAYO pa lang sa bahay ay tanaw na agad ni Luis ang umuusok sa galit na si Aling Remy, alam niyang siya ang hinihintay nito dahil hindi niya nasundo si Jo-Anne.
'Saan ka galing bata ka?! Namuti na ang mata ni Jo-Anne sa kahihintay sa'yo. Buti na lamang may may nagmagandang loob na titser na ihatid siya dito!' maktol ni Aling Remy sa kakamot-kamot lamang na si Luis na hindi alam kung saan huhugot ng paliwanag.
'Ah-eh may nagpahatid po kasi sa akin sa Tabangao tapos nung pabalik na po ako, naflat naman ang gulong sa huli. Natagalan po ako makahanap ng vulcanizing--'
'Hala, umakyat ka dun at magpaliwanag ka sa kanya. Mukhang masama ang timpla.'
Umakyat si Luis sa paupahang bahay ni Aling Remy para magpaliwanag kay Jo-Anne. Kahit labag sa kanyang loob ang gagawin, sinunod na lamang niya ang matanda. Nakasiwang ang pinto ng kwarto ni Jo-Anne. Nasa harap ng salamin ang pakay, halatang katatapos lang maligo at nag-uumapaw pa ang amoy ng pabangong ginamit. Hinagod ng dalaga ang kanyang katawan dahilan upang bumakat ang katawan sa suot na nighties. Nanlaki ang mata ni Luis at halos matuyuan ng laway, nagsusumigaw ang magandang katawan ni Jo-Anne. Bumaba siya ng bahay bago pa siya tuluyang magnasa.
Ilang minuto pang nagpabalik-balik sa isip ni Luis ang nasaksihan. Minabuti na lang niyang pumunta muli ng ilog. Ayaw niyang tuluyang lamunin ng kamunduhan ang kanya isip.
'Iiwan mo ba ako?' si Jo-Anne.
'Nakakagulat ka naman. Talaga bang basta ka na lang palaging sumusulpot?''Hindi ko sinadya, nagkataon lang siguro. Hindi pa kasi ako dalawin ng antok kaya lumabas ako. Tsaka may atraso ka pa sa akin. You owe me an apology, Mr.''Sakay! Doon na ako magpapaliwanag.' iritableng sagot ni Luis.
Tahimik ang paligid, tanging huni lamang ng mga kuliglig ang bahagyang bumabasag sa katahimikan. Matapos maipaliwanag ni Luis ang dahilan ng hindi niya pagsundo kay Jo-Anne ay nanahimik na ito. Nanitiling misteryoso at walang pakialam sa kasama.
'
Luis?''Bakit?''May itanong lang ako sa'yo. Tanda mo ba noong kumain tayo magkasama noong may hang-over ako?''Oh, tanda ko, derecho tanong na agad!''Nagtataka lang kasi ako, paano mo nasambot agad yung baso? Alam ko masyado kang malayo noon.''Mukhang nagiging malimutan na yata si Aling Remy, hindi pala niya naikwento na nagtrabaho ako dati sa hotel. Sanay ako mga ganun kaya bumilis ang reflexes ko.' palusot ni Luis.
Tumango si Jo-Anne kahit hindi kumbinsido sa sagot ng kausap.
'Paano mo naman ipapaliwanag 'yung pagsambot mo sa akin? Reflexes din ba 'yon.''Lasing ka nun. Hindi mo siguro na napansin na lumapit na ako sa'yo nung tumayo ka.' pagtatakip muli ni Luis. Nagugulat siya sa masusing pagmamasid sa kanya ng dalaga. Kailangan maging maingat nawika niya sa sarili.
'Buti na lang tumayo ako kundi dapa ka talaga dun.'Ngiti lang ang naging sagot ni Jo-Anne.
'Tara dun sa baba. Gusto ko magtampisaw.' 'Ikaw? Wala pa akong alam sa'yo. Nasaan ang pamilya mo? Bakit dito ka nagturo?' sunod sunod natanong ni Luis na parang nag-iimbestiga.
'Nasa Valenzuela sila. Gusto kong may mapatunayan kaya umalis ako sa amin. Nabalitaan ko na dito nagtuturo ang bestfriend ko kaya nagpatulong ako sa kanya since paalis na din naman siya.' seryosong sagot ni Jo-Anne.
'Kaya heto ako ang pumalit sa kanya.''At si Grace ang pinalitan mo? Iyong anak ni Aling Remy?''Oo.' nakangiting sagot ni Jo-Anne.
'Anak ng tipaklong! Kaya pala ang lakas lakas mo sa kanya.' 'Isa pa Luis, Bakit may mahaba kang pilat diyan sa balikat mo?'Naging madilim ang anyo ni Luis.
'Nabundol kasi ako dati. Lasing kasi ako noon.' Muling pinagtakpan ni Luis ang totoong dahilan. Ang pilat sa kanyang braso ay dulot ng mga batong tumama sa kanyang balikat sa pagnanais na mailigtas si Cielo sa huli niyang misyon. '
So mayaman ka pala? May gusto kang patunayan at ano naman ang gusto mong patunayan?,' paglilihis ni Luis sa usapan.
Dimapot ni Jo-Anne ang kapiraso ng kabibi sa may ilog matapos ay tumango bilang sagot kay Luis.
'Noong bata ako madalas akong mamulot ng sea shell sa may dagat tuwing dadalaw kami sa resthouse.... dadalhin ko iyon sa school para ipagmalaki sa mga classmate ko kung gaano ako kagaling manguha ng shells. Itinuring ko iyong kayamanan dahil kakaiba iyon sa lahat. Pati teacher ko hindi makapaniwala na kaya kong makahanap ng ganun. Tumaktak sa isip ko na magaling ako. Sa katunayan isinama ko ang mga classmates ko para mamulot pero ako pa din ang nakakita ng kakaiba, kumbaga parang may palantadaan ako kung saan nagtatago ang mga shells.. Tapos noong malaki na ako nalaman ko na isa pala akong tanga.' Napaluha si Jo-Anne. Pumatak ang luha sa di pa malinaw na dahilan. Sumandal siya kay Luis, bagay na hindi inaasahan ng binata dahil sanay siyang nakangiti ang babae.
'Paano ka naging tanga? Wala ngang nakakita ng mga shells na iyon kundi ikaw,' labis na pagtataka ni Luis.
'Tanga ako. Kasi naniwala akong magaling ako. Na ako lang ang may kakayahang humanap ng mga shells. Until noong tumanda ako sa sobrang kahiligan ko sa shells, nagresearch ako para malalan ang name ng bawat shells.' Sunod-sunod ang hikbi ng dalaga. Hinagod ni Luis ang likod ni Jo-Anne.
Hindi pala nag-eexist ang mga shells na nakikita ko sa Pilipinas. Inamin ni Mommy na ibinabaon lang iyong ng yaya ko sa utos ng parents ko. Lahat ng bagay ganoon lahat nakukuha ko dahil sa kanila. Kaya---'
Hindi na tuluyang natapos ni Jo-Anne ang sasabihin. Napayakap siya kay Luis, parang batang humanap ng kakampi matapos apihin ng kaaway. Bahagyang hinalikan ni Luis si Jo-Anne sa pisngi para ibsan ang kalungkutan ng dalaga.
Kasunod ang isang halik sa labi. A kiss too long for comfort.
Ilang hakbang ang papalayo sa kinaroroonan ng dalawa. Nakamasid.
'Lady Armela nasa Knight Crawler na po ang replika...'
'Tulad na inaasahan ko. Wala talagang kupas si Luis.'
'Tatapusin na po namin siya ipag-utos n'yo po lamang.'
'Hindi.. Hayaan lang natin siya.'
itutuloy..
------------------
Next year na ang kasunod. Magiging busy muna para sa holiday.. salamat sa mga nagbabasa at nagcomment.