Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
IV. Mission Briefing
Inihatid pabalik ng bahay ni Luis si Jo-Anne dahil sa hindi maayos nitong pakiramdam. Mas minabuti ng dalaga na magpahinga muna. Si Aling Remy naman ay lubhang nag-alala sa kalagayan ng boarder kaya isinara muna niya ang tindahan para sa asikasuhin ito. Bagamat tutol si Jo-Anne nagpumilit ang matanda na bantayan siya. Abot-abot naman ang paliwanag ni Luis dahil siya ang sinisi ng matanda sa kalagayan ni Jo- Anne.
Bumalik si Luis sa pamamasada bago tuluyang masabon ni Aling Remy. Binaybay niya ang kahabaan ng ilog Calumpang para sumipot sa briefing ng black child, mas maaga ng kalahating oras sa pinag-usapan. Sinusundan ng kanyang tingin ang lahat ng sasakyang nagmumula sa isang kanto sa kanyang kanan.
Iniluwa ng isang kotseng pula si Arden, ang lalaking nagbigay sa kanya ng sobre na naglalaman ng black child mission. Gamit ang kaliwang kamay sumenyas siya kay Luis na lumapit sa kanya.
Sakay ng kotse, tinahak nila ang tila walang katupusang daan hanggang sa matagpuan ni Luis ang kanyang sarili sa isang malaking mansyon.
'Bakit dito? Hindi naman tayo dati nagmimeeting ah,' usisa ni Luis sa kasamang lalaki.
'Luis, iniuulit ko, highly classified and confidential ang black Child. Walang pwedeng makaalam dahil marami tayong kalaban ngayon,' paliwanag ni Arden.
'Ano bang mayroon sa Sto Niño na 'yan at marami naghahangad makuha 'yan?'
'Sa loob na lang natin pag-usapan. Lahat ng tanong mo ay sasagutin ko sa abot ng aking makakaya.' Tumango na lang si Luis bilang tanda ng pagsang-ayon. Pumasok sila sa isang malaking AVR room. Sound proof ang lugar kaya mananatiling lihim ang briefing.
'Maari na ba tayong magsimula Luis?' tanong ni Arden sa namamangha pang si Luis sa sobrang grabo ng pinasok ng bahay.
'Sige, makikinig ako. Unahin mo muna kung ano ang makukuha ko sa black child.'
'Isang daan at kalahating milyon Luis. Fifty million ang paunang bayad para may pambili ka ng dapat kailanganin na gamit.'
'Woh ang laki ah. Parang nakakatakot ang black child dahil sa sobrang laki ng halaga na handa ninyong isugal sa akin.'
'Nagbibiro ka ba Luis, ikaw ang Knight Crawler, ang nangunguna sa mga ganitong underground mission. Pangalan mo pa lang may presyo na.'
'Pinapataba mo yata masyado ang aking puso, bueno mag-umpisa na tayo.'
Mula sa kisame ng AVR, may lumabas na liwanag na tumama sa puting telon. Nag-umpisa ang briefing sa isang history na may voice over pa ng isang lalaki.
'Noong 1521 dumating ang mga kastila sa pangunguna ni Ferdinand Magellan. Bitbit nila ang mahahalagang bagay kabilang ang mga Santo Niño para palaganapin ang Kristyanismo sa bansa. Bilang tanda ng paglipat ng Relihiyon ipinamamahagi nila ang mga gintong Santo Niño sa mga datu ng iba't ibang tribo. Dahil purong ginto ang mga Santo Niño , minabuti ng mga kastila na gumawa ng replika para linlangin ang sinumang sundalong kastila na magtatakang nakawin ang mga ito. Si Roysus Alberto ang naatasang magpalaganap ng Kristyanismo sa tribo ng Aglada sa Mindoro. Bitbit niya ang black child o ang itim na Sto Niño, kasama din ang replika nito. Habang nakadaong sa isang maliit na pier, natunugan ng mga pirata na may mga gintong dala ang mga kastila kaya agad nilang sinalakay ang grupo ni Roysus. Bilang lider ng ekspedisyon itinakas ni Roysus ang Black Child. Itinago niya ito sa isang lugar na hindi agad matutuklasan ninuman. Nag-iwan siya ng ilang inkripsyon sa replika para hindi madaling malaman ang kinaroroon ng gintong Black Child. Tumakas si Roysus para isangguni kay Magellan ang pangyayari. Subalit napatay si Magellan kaya minabuti niyang lisayanin ang bansa. Naging alamat ang black child. Hanggang matuklasan ng isang researcher/archeologist ang isang lathalain na hindi nalimbag, ang ekspedisyon ni Roysus sa Pilipinas. Nakasulat sa lathalain ang patnubay para lutasin ang inkripsyon. '
Pumalakpak ang tenga ni Luis sa narinig. Kakaiba sa dati niyang misyon. 'Interesante. Ngayon lang ako makakahawak ng ganyang kaso. Gaano naman ka-reliable ang research niya?'
'Very much. Marami na siyang napatunayan bilang reseacher. In fact, siya ang katuklas ng lumubog na barko na ginamit sa ekspedisyon kaya naging pursigido siyang ituloy ito. Subalit maraming nagtangka sa kanyang buhay kaya minabuti niyang ibigay sa atin ang kanyang research kapalit ang malaki din halaga.' tugon agad ni Arden.
'May idea ka ba kung sino ang pwedeng maging sagabal sa misyon na ito?
'Si Lady Armela.' mahinang at mababaw na sagot ni Arden.
'Si Lady Armela?!' Nagulatang si Luis. Si Lady Armela ay dati na niya nakasama sa isang Top Mission noong hindi pa niya nakikilala si Cielo. 'Paanong nangyari?.
'Kumalas siya sa grupo matapos ang pagtatagumpay n'yo sa Crown of King Henry. Hindi niya matanggap na mahihigitan siya ni Cielo. Noong una walang naniniwala sa Black Child pero noong naging matunog ang pagkakatukas sa barko ni Roysus bigla siya gumawa paraan para maagaw ang misyon. Sa katunayan sila ang pumatay sa pamilya ng researcher.
'Hindi ko akalain na magagawa nilang pumatay ng inosente.'
'Kahit ako man. Bueno magpatuloy tayo. Nag-iisa ka sa misyon na ito Luis pero may susubaybay sa iyo kahit saan ka man magpunta. Iniabot ni Arden ang isang folder na naglalaman ng datos sa magiging bantay ni Luis. 'Sila ang magiging tagapagprotekta sa'yo kung sakaling magkaaberya. Pwede mo silang tawagan pero hindi mo sila pwedeng makita para walang ideya ang mga kalaban kung sino ang kasama mo.'
'Vagrat, Loduko at Spaka. Puro bago ang pangalan sa akin. Hindi ko alam kung ano ang kakayahan nila at hindi ko alam kung dapat kong ipagkatiwala ang buhay ko sa kanila.'
'Luis, magaling sila. Lahat highly skilled, hindi mo talaga sila makikilala dahil sila ay mga underground assassins.... walang nakakakita ng kanilang mukha.'
'Kung ganun wala ng problema. Ayusin ko na lang ang aking mga gamit, matagal na ko ng hindi nagagamit ang aking explosives at mapurol na din yata ako.'
'Magaling! Kapag may tanong ka alam mo na ang gagawin.'
Matapos ang briefing ay inihatid na muli si Luis pabalik sa Ilog ng Calumpang. Palihim na pumasok na bahay si Luis para hindi mapansin ni Aling Remy ang kanyang mga dalang kakaibang gamit. Iniisip niya na magtataka ang matanda na makita siyang may dalang mga folders at laptop. Pinag-aralan niya ang ilang pang datos na makakatulong sa misyon. Hindi niya napapansin ang paglubog ng araw dahil sa sobrang pagkaabala. Nakaramdam siya ng gutom kaya lumabas muna siya ng bahay.
'Mukhang wala kang balak magpakalasing ngayon.' Isang anino ang papalapit kay Luis.
'Kanina ka pa ba diyan? Bakit alam mong nasa loob ako?' Tuluyang naging maliwanag ang mukha ng nagmamay-ari ng anino ng buhayin ni Luis ang ilaw sa terrace, si Jo-Anne.
'Natural alam ko na nasa loob ka. Nandito ang tricycle mo e.' nakangiting sabi ni Jo-Anne. Halatang maayos na ang pakiramdam nito.
'Kamusta ang pakiramdam mo? Tsaka ano yang dala dala mo?'
'Maayos na naman. Konting tulog lang pala ang kailangan. May dala akong pagkain bilang pasasalamat kanina. Yayain sana kita sa ilog gusto ko makita ang paglitaw ng buwan.'
'Ganun ba. Tumingala ka na lang makikita mo ang buwan.'
'Pilosopo. Sabi kasi ni Aling Remy kanina, maganda daw panoorin ang repleksyon ng buwan sa ilog.... para daw nagsasayaw. Madalas mo nga daw ikwento sa kanya dati iyon.'
'Si Aling Remy talaga. Sige. Kukuha lang ako ng beer, ikaw bumili ka ng gatas para may inumin ka. Ayaw ko mapagalitan ng matanda'. Ngumiti lang si Jo-Anne habang ipinakikita ang baong juice.
Baon ang mga ngiti sa labi tumungo ang dalawa sa ilog ng Calumpang. Lihim naman nakamasid si Aling Remy. Masaya siya na makita si Luis na ngumiti muli. Kinikilig pa siyang pumasok sa loob ng bahay ng tuluyang umalis ang dalawa.
'Lady Armela, kumikilos na po ang grupo ni Arden.'
'Hmmm.... Sino ang bearer nila?'
'Isang lalaking nagtatago sa pangalang Knight Crawler.'
'Si Luis!. '
itutuloy....