Skinpress Rss

Usapang Baboy


Nabawasan ang busyness ko. Papost muna. Pagdamutan n'yo muna ito

***

Biik : Inay nasaan po ang tatay?

Inahin : Wala na siya. Pinatay na.

Biik : Bakit po? Wala naman siyang ginagawang masama.

Inahin : Hindi na kasi siya makapagbigay ng maganda semilya kaya kinarne na lang siya.

Biik : Ganun lang po ba halaga ng buhay n'ya? Hindi po ba nila naisip ang mga naitulong n'ya?

Inahin : Hindi anak. Sila ang nagdidikta ng ating kapalaran.

Biik : Hindi po ba natin pwedeng baguhin? Para po kasing masayang magsaka ng bukid tulad nung ginagawa ni Toteng kalabaw.

Inahin : (umiling) Makinig ka anak. Noong bata ako gusto kong gayahin ang mga paru-paro. Gusto kong dumapo sa hardin, langhapin ang samyo ng bawat bulaklak pero wala akong pakpak at lubha akong mabigat para dumapo. Masisira ang magandang hardin kaya imposible ang pangarap ko.

Biik : Ah, ano kaya po kung tumakas tayo? Labanan natin ang tao kung kinakailangan.

Inahin : (bahagyang ngumiti) Hindi na kailangan anak. Masaya na ako dito at isa pa tanggap ko na ang kapalaran natin.

Biik : Para san pa po at binuhay nila tayo e papatayin din naman pala tayo!

Inahin : Magpasalamat ka na lang anak. Nakita mo ang ganda na mundo. Kita mo yung anak ng kapitbahay natin? Patay na agad siya noong ipinanganak. Hindi man lang niya nakita ang ganda ng paligid.

Biik : Kawawa nga siya inay. Inay, gutom na ako. Bakit wala pa tayong pagkain?

Inahin : Hikahos kasi ang taga pangalaga natin.

Biik : Hikahos na pala tapos pinarami pa nila yung nasa kabila. Dapat naging praktikal sila.

Inahin : Anak, halika ka. (tumabi ang biik at naghintay sa sasabihin ng ina). Noong ipinagbuntis kita gusto na tatay mo na huwag ka ng buhayin dahil magastos. Gusto niya maging praktikal. Pero sinabi ko patayin na lang niya ang kuya mo kesa ipaabort ka. Nagalit siya, ano daw pag-isip ang mayroon ako. Pero ipinaliwanag ko na mas magastos ang kuya mo kasi mas malakas kumain at maraming kailangang vitamins kaya siya na lang ang patayin. Natauhan siya kaya di natuloy ang abortion. Eto ka ngayon, buhay na buhay.

Biik : Salamat inay ipinaglaban mo ako. (naluluha)

Inahin : Matulog ka muna anak. Baka mamaya may pagkain na tayo.

Sinunod ng biik ang sinabi ng ina sa pag-asang may pagkain na sa paggising niya. Sa muli niyang pagmulat...

Biik : Inaaayy!! (pig cries)