Skinpress Rss

Simbang gabi


Janreb : Lyra, bakit ka umiiyak? Unang araw pa naman ng simbang gabi malungkot ka.

Lyra : Dahil sa boyfriend ko as usual. Sabi niya magkasama daw kami sisimba hindi naman pala tutupad sa usapan.

Janreb : Sayang ganda ng sikat ng araw kung sasalubungin mo ng lungkot. Malay mo may dahilan siya kaya di nakasimba kasama mo.

Lyra : Puro na lang dahilan.

Janreb : Tara kain na lang tayo ng puto at bibingka para mabawasan ang sama ng loob mo.

Lyra : Tara. Hindi naman worthy iyakan ang lalaking iyon.

Janreb : Doon tayo sa may kubo.

Lyra : (kumakain ng bibingka) Alam mo namiss ko 'to. Ewan ko ba kung bakit mas masarap kumain ng bibingka kapag simbang gabi.

Janreb : Baka kasi may special flavor ang uling na ginagamit pangluto ng bibingka kapag simbang gabi.

Lyra : (napangiti) Corny mo.

Janreb : At least napangiti kita.

Lyra : Unfair ka kasi! Alam na alam mo kiliti ko. (pumadyak na parang bata)

Janreb : So ok ka na? Sorry kung di ako nakarating agad ha. Sorry.

Lyra : Kung di lang kita mahal di kita papatawarin kahit ilang bibingka pa isuhol mo sa akin. Late ka na naman sa usapan.

Janreb : Hindi kasi agad ako pinalabas ng Team Leader ko e.

Lyra : Hindi mo ba ako yayakapin? Lamig kaya..

Janreb : (ngumiti) Halika nga dito. I love you Lyra.

___
fiction.
syel baka isipin mo na naman na inlab ako. Masarap lang laruin ang mga love story. Madali magtwist. (depensib)