Umiikot-ikot sa buong kaparangan
Animo'y alitaptap na dadapo kung saan.
Isang dalagang may gandang kahali-halina,
Ang may tangan ng lumang gasera.
Sinisiyasat ang paligid na wari'y may hanap,
O tila nag-aabang ng isang makisig na binata,
Na anumang oras ay handa siyang itakas, itanan.
Tinahak ang masukal at madilim na daan.
Sa isang lumang kuwadra siya ay natagpuan.
Ipit na tinig, tuyong luhang kay pait.
Sa kanyang mukha, mababakas ang sakit.
Hindi maipaliwanag ang kanyang pagtangis,
Siya ay 'sing halaga ng perlas
na hinahangad ng marami.
Datapwat, siya ngayon ay nakakaras ng matinding sakit.
'Diyos ko po, salamat,' usal ng dalaga matapos tumae sa lumang kuwadra.