Dear mga inaanak,
May kalamagin na ang panahon dahilan upang magrosaryo muna bago maligo. Malapit na talaga ang kapaskuhan. Ilang tulog na lang pasko na kaya kung maari sana ay huwag muna kayong matulog para madelayed ang pasko.
Nais ko lang linawin ang ilang bagay kaya naisipan kong gumawa ng sulat para sa inyong lahat. Sana lang ay talented kayo para maintindihan ang mga bagay na nakasulat dito. Napakaswerte n'yo na ako ang ninong ninyo dahil ginagampanan ko ang aking tungkulin bilang magaling na tagapayo.
1. Humihingi ako ng paumahin. Sana ay maunawaan ng iba kong inaanak na hindi nakatanggap ng aking limpak limpak na yaman noong nakaraan pasko sa dahilanan ako ay nagkaroon ng kakaibang kapangyarihan/sumpa noong nakaraan pasko. Nagiging invisible ako tuwing sasapit ang December 25. Hindi ko nga maunawaan kung paano 'yon nangyari. Hindi ko mapigilan. Basta na lang akong naglaho. Para akong isinumpa. Animoy isang tao na nagiging lobo sa tuwing sasapit ang bilog na buwan.
2. Ako ay may malubhang karamdaman. Mga inaanak, tama ang nabasa ninyo. Ako ay may selective deafness. Base sa aking sakilang medical vocabulary, ang selective deafness ay isang karamdaman na may kinalaman sa mga bagay na ayaw mong marinig. Natuklasan ko lang ang sakit ko lately. May grupo kasi ng mga bata na kumakanta sa harap ng bahay noong nakaraang gabi. Hindi ko marinig ang kanilang inaawit kahit lumawit na ang kanilang dila. Noong natapos na ang pagkanta at tuluyan silang umalis saka ko lang nalaman na sila ay nangangarolin.
3. Isa puso ang pasko. Nais kong ipabatid sa inyo na masarap ipagdiwang ang pasko na kasama ang pamilya. Kaya sa bahay na lang muna kayo. Natrapik e.
4. Financial Crisis. Alam ko hindi ninyo naiintindihan ang financial crisis na tumama sa Pilipinas noong nakaraang taon hanggang sa kalagitnaan ng taong ito. Ipapaliwanag ko sa inyo. Makinig mga bata. Dahil sa pagbagsak ng isang malaking bangko sa United States ay naapektuhan ang major business sa buong mundo dahil dito sila nagmemaintain ng kanilang account dahil dito nadelay ang kanilang business at nagkaroon ng domino effect. Hindi nila mapaikot ang kanilang pera dahil naipit ito sa bangko. Sumunod na bumagsak ang Real Estate, car manufacturing, etc. Naging apektado ang maraming bansa dahil umiikot din ang kanilang negosyo sa U.S. Gets mga bata? Kung hindi pa din ito pa ang paliwanag, napansin n'yo naman na hindi na tide ang iyong pinabubula sa kamay kapag inaabala niyo ang nanay n'yong naglalaba. O kaya naman ay hindi na singsarap ng dati ang gatas ninyong iniinom. Nakita n'yo din naman na kokonti na ang nilalaro niyong bigas sa rice dispenser. Iyon ang financial crisis. Kaya kapag ako ay wala isipin ninyo na may financial crisis.
5. Maging masaya sa anumang natatanggap. Let me tell you story. May isang bata na aattend ng kanilang Christmas party sa school. Hindi agad siya nakapaghanda ng regalo dahil dumalaw siya sa kanyang lola sa malayong probinsiya kasama ang tito niya. Noong umuwi siya ay hinanap agad niya ang kanyang magulang para humingi ng pera o regalo para sa gaganapin exchange gift. Sabi ng kapitbahay, nasa school na daw ang mga ito para manood ng field day ng kanyang kapatid at hindi expected ng parents niya na makakauwi agad sila. Sa kagustuhan niyang umattend ng Christmas party at sumali sa kauna-unahang niyang exchange gift, humanap siya ng pwedeng iregalo. Nakita niya ang pinakamahalagang bagay sa collection niya. Iyon ay ang isang kabibe (sea shell) na may konting design para maging attractive. Bigay iyon ng kanyang tatay noong nakaraan birthday niya. Napakaganda ng kabibe at itinuring niya itong kayamanan. Madalas niya itong linisin kaya laging bago tingnan.
Bagamat labag sa kanyang loob ay ibinalot niya ang kabibe at nagmadaling pumunta sa School. Hindi na niya inabot ang field day, sayang ang dala niyang props para sa kanilang dance number. Dumating ang oras ng exchange gift. Nakatanggap siya ng laruan trak. Ilang segundo pa lang ang lumipas may kung anong bahay na tumama sa kanyang paa. Nakita niya ang ilang bahagi ng basag na kabibe. Dinampot niya ang itinuturing niyang kayamanan at ibinigay na lang ang trak sa batang naghagis nito.
Lesson: Hindi pareho pareho ang expectation ng tao. Alam ko hindi n'yo ito maiintindihan sa ngayon. Ang nais ko lang malaman ninyo na kapag magulang na kayo ay imulat ninyo ang inyong anak sa pagtanggap ng regalo. Learn to appreciate.
6. Maging mausisa. Huwag ninyo munang usisain sa nanay n'yo kung bakit gumagalaw ang kama kapag gabi. Busy sila. Ano ang talent na mayroon kayo? Alam niyo naman na mahilig akong magbigay ng bolpen (nakaw sa office), kasi gusto kong malaman kung anong gagawin niyo sa bolpen. Katulad ng pamangkin ko na inaanak ko din, binigyan ko ng bolpen, ayun ginamit panghukay ng lupa. Nakita ko na ang future niya. Isa siyang minero paglaki. Kayo ano kayo paglaki?
ninong panjo
P.S. Kung gusto makita ang kabibi nasa bahay lang siya.