Chapter 1
Chapter 2
III. Crown of King Henry
Sa loob ng isang madilim at maliit na kwarto nanatili si Luis. Nakatanaw siya sa kawalan habang hawak ang larawan ni Cielo. "Cielo," bulong na lamang niya sa sarili kasunod ang ilang malalalim na buntong hininga. Sandali pa at binuksan niya ang sobreng naglalaman ng sunod niyang assigment, ang black child.
Habang binabasa ni Luis ang Highly-Classified document ay muling umikot ang kanyang mundo pabalik, bagay na madalas niyang ginagawa.
'Cielo, Is this the site?' si Luis.
'Oo Luis. Ito ang lugar na tinutukoy sa research ko. Kailangan na lang natin hanapin ang old tablet para makita ang exact location ng Crown of King Henry.' dagdag ni Cielo.
'Luis, handa na ang explosives, sinunod ko ang lahat ang sinabi mo. Walang chemical na ginamit para walang traces kapag sumabog. Handa na rin ang air support, magpoproduce sila ng ulan para palabasing landslide ang lahat kapag gumuho na ang bundok.' putol ni Marco sa usapan ng dalawa.
'Magaling Marco. Ihahanda ko na system para mapacify ang sound ng explosion. Mas maganda kung wala talagang sound na ma-produce. Cielo, please locate the tablet immediately. Marco siguraduhing walang makakaakyat sa bundok habang nandito tayo.'
Kumilos agad si Marco, pinabantayan ang location, ipinuwesto na din ang mga explosive ayon sa plano ni Luis. Naging matalas naman si Cielo para makita agad ang old tablet na siyang palatandaan kung saan ibinaon ng mga katutubo ang Crown of King Henry.
'Guys! Be ready!' sigaw ni Luis. Isang pindot lang ang kinailangan para tuluyang gumuho ang isang bahagi ng bundok. Tumambad sa kanila ang maliit na yungib, kumikinang ang paligid nito.
'Success! Marco matutupad mo na ang pangarap mong libutin ang buong mundo.' abot tenga ang ngiti Luis matapos makita ang Crown of King Henry.
'Congrats!!' sigaw ni Marco. 'Luis, palagay ko tuloy na tuloy na kasal ninyo ni Cielo!' nakangiting wika ni Marco.
Walang pagsidlan ng kasiyahan si Luis. Saglit pa ay niyakap niya si Cielo. Hinalikan ng bahagya sa labi. 'Guys, let's have a beer muna! Base, come in base! Mission accomplished! Tell the air support na ibagsak na ang ulan.'
'Here's your beer, honey! Now, can I have my prize? ' mapanuksong tanong ni Cielo habang parang batang umiikot kay Luis. Mula sa likuran ay niyakap ng mahigpit ni Cielo si Luis. Idinampi ang labi sa batok at siniil ng halik. Parang isang eksena sa isang pelikula ang sumunod na pangyayari. They kissed under the rain and held each other tight.
Unti-unting pinapawi ng itim na ulap ang bughaw na langit. Patuloy ang pagbagsak ng ulan. Nagulantang ang lahat ng muling gumuho ang isa pang bahagi ng bundok. Base kasi sa analysis ni Luis hindi dapat maapektuhan ang ibang bahagi ng bundok, may sukat ang kasi ang ginawa niyang explosion. Mabilis kumilos ang lahat. Bilang team leader kailangan maisalba agad ni Luis ang korona, kasunod naman agad niya si Cielo at Marco patungo sa ligtas na lugar. Subalit kasunod pa ang ilang pagyanig na dumurog sa kinatatayuan ni Marco at Cielo.
'Cielo!!!!!!' sigaw ni Luis habang bumabagsak ang mga bato kasama ang katawan ng mahal niyang si Cielo. Patay agad si Cielo ng bumaba si Luis sa ginuhaan ng mga bato. Habang ang katawan ni Marco ay hindi pa din nahuhukay hanggang ngayon, sumuko na kasi ang mga pulis na nag-imbestiga sa inaakala nilang landslide.
MATINDING sakit ng ulo ang gumising kay Luis. Bumangon siya at naligo para maibsan ang kanyang pakiramdam. Binuksan ang ref pero wala ng yelo, wala na ding tubig. Pinuno muna niya ng tubig ang mga lalagyan bago lumabas ng bahay para bumili ng gamot. Inihanda na din ang sarili sa sermon na aabutin kay Aling Remy.
'Isa nga pong paracetamol,' nakatungong wika ni Luis habang pilit na itinatago ang mukha sa mga nakasabit na paninda.
'Luisito! Lintik na bata ito. Aba tanghali na, ihahatid mo si teacher Jo-Anne. Maligo ka na nga.' gigil na wika ng matanda habang iniaabot ang paracetamol.
'Ano po?! Kailan pa ako naging official service? Hindi naman po ako kailangan hintayin dahil madaming tricyle sa daan. Tsaka nakaligo na po ako e.' bulalas ni Luis sa matanda.
'Maligo ka ulit! Kailan ka pa natutong mangatwiran hijo? Nakakahiya sa magulang mo, isinumpa ko pa naman sa kanila na kahit anong mangyari ay susubaybayan ko ang paglaki mo. Palalaking magalang lalo na sa mga nakatatanda. Subalit parang isa ka ng mabangis na hayop ngayon.' tuloy- tuloy pa ang salita na parang maluluha pero pinutol na ito ni Luis.
'Ay naku! Sige po ihahatid ko na siya.' Nagliwanag ang mukha ni Aling Remy sa nadinig habang padabog na umalis.
Napakamot ng ulo si Luis. Tiklop siya sa drama ni Aling Remy at labis ang pagtataka niya kung ano ang ipinakain ni Jo-Anne sa matanda. Nilinis muna niya ang tricycle. Medyo naninibago siya sa kanyang sarili dahil nakingiti siya habang inalis ang mga dumi sa loob ng tricycle. Sumasagi sa isip niya ang kakulitan ni Jo-Anne. Sa isip-isip niya iba na pala ang asal ng mga teacher ngayon. Siguro hindi na uso ang tagalista ng maingay sa oras ng klase dahil kung meron pa rin ay paniguradong una sa listahan si Jo-Anne.
'Mukhang maganda yata ang gising natin mister?' putol ni Jo-Anne sa pagmuni-muni ni Luis.
'Natatawa lang ako sa drama ni Aling Remy,' takip ni Luis sa totoong dahilan ng kanyang pagngiti. 'Tara na?'
'Pwede ba tayong kumain muna? Masakit kasi ang ulo ko hindi ko na nakayanan pang magluto.'
'Naku naman! Tigas kasi ng ulo mo pwede naman hindi ka na lang sumama.'
'Huwag mo na nga akong sermunan Luis, gusto ko ng maiinit na sabaw para maalis ang sakit ng ulo ko.'
'Sakay! May masarap na kainan dito. Malapit lang naman.'
Umorder si Luis ng bulalo para mapawi ang sakit ng ulo ni Jo-Anne. Halata sa mukha ng dalaga ang hindi magandang pakiramdam dahil sa matamlay mukha nito. Natatawa lang si Luis sa itsura ni Jo-Anne.
'Anong itinatawa mo diyan?' Namilog ang mata ni Jo-Anne sa asar nang makitang bumungisngis ang kaharap.
'Natatawa kasi ako sa itsura mo. Lakas ng loob mong makipag-inom sa akin hindi naman pala kaya ng sikmura mo.'
'Eh sa gusto ko eh! Bakit ka ba nakikialam?' Akmang hahampasin ng dalaga si Luis ng hawak nitong panyo nang aksidente niyang matabig ang katabing baso. 'Ayyy!'
Bago pa man nahulog ang baso sa sahig ay mabilis itong nasambot ni Luis. 'Got it!!' si Luis.
Namanga si Jo-Anne sa reflexes ng lalaki. Sa pagkakilala nito dito ay makupad itong kumilos at medyo may kalayuan ang pagitan nila para masambot agad ang baso. Napansin din niya ang mabilis na pagbabango ng mukha nito habang pilit na isinalba ang baso sa posibleng pagkabasag nito. Lalong naging misteryoso ang katauhan ni Luis.
'Luis, bakit--' hindi na nagawang matapos ni Jo-Anne ang pagsasalita dahil pakiramdam niyang siya ay masusuka. Tumayo siya sa kanyang upuan pero nawalan siya ng balanse. Katulad ng naunang pangyayari parang kidlat si Luis. Nasambot agad siya bago madapa.
Inilalayan si Jo-Anne ni Luis papunta sa comfort room. Nakadikit ang kanyang katawan sa lalaki, upang maramdaman ang init na nanggagaling sa katawan nito. Kumiliti din sa kanyang ilong ang mabangong amoy ng aftershave ni Luis. Nakaalalay ang isang braso ng lalaki sa kanyang bewang habang naglalakad, napansin niya ang malaking pangangatawan ng lalaki. Papasok na siya ng banyo ng mapansin ang mahabang pilat patungo sa balikat ni Luis. Nais niyang usisain ang dahilan nito subalit mas minabuti na lang sumandal bago pa siyang masuka.
Tunay na napakahiwaga ng kanyang katauhan subalit wala siyang nararamdamang takot sa katauhan ng binata.
itutuloy...