Skinpress Rss

the gift


Yeah, its Christmas time. Maraming alaala ang bumabalik sa aking pagkatao tuwing December. God knows how I miss Richelle, the woman I truly love. She's the most precious gift that God has given to me. Sayang nga lang dahil binawi din agad siya sa akin. One year and ten months after ng kasal namin, she passed away. Pasko pa nun.

Our relationship was short but it was sweet. Never kaming nagkaroon ng misunderstanding o argument. We know each other so well. Naaasar lang ako sa kanya paminsan kasi alam niya ang kahinaan ko. Tanda ko pa, she requested na maging escort niya ako sa kanyang 18th birthday. That time I hate formal attire but noong umirap siya, kahit alam ko naglalambing siya, napapayag niya ako. How can I resist such charming eyes? Hindi ko magawang magturn down ng request sa tuwing tinutunaw niya ako gamit ang kanyang mata. Napakadaya talaga.

December 16, 2006, unang araw ng simbang gabi, every year may plan na kaming umattend ng 9 mornings, but that morning was extraordinary. Napakaganda niya sa kanyang suot na red dress, her scent blends well sa malamig na simoy ng hangin. Pakiramdam ko kami lang ang tao sa isang napakagandang paraiso. She was extremely beautiful.

Katulad ng karamihan, after ng mass we craved for puto bungbong at bibingka. Napakainosente niya habang ineenjoy ang pagkain ng bibingka, ako naman, on the back of my mind ay may hidden agenda. Nasa middle na siya ng pagkain nang biglang may mag-pop sa bibingka --a ring. Yes, nagpropose ako nung time na yun. Quite informal but tricky, hindi ko papalampasin ang umaga hangga't hindi nakukuha ang sagot niya. I wanted her to marry me and spend the rest of her life with me. She gazed upon me. Then she hugged me, kissed me, a big sigh and she said the magic word I wanted to hear - 'yes'. Napakasaya ko. Buo na agad ang araw ko kahit hindi pa lubos na sumisikat ang araw. Hindi maipaliwanag ang pakiramdam. Walang sapat o akmang salita para ilarawan ang damdamin ko sa sobrang kasiyahan.

Late February kami ikinasal. Napakasaya. We're very much in love. Halos kulangin sa amin ang buong araw sa dami ng napagkwentuhan, we asked silly things, murmured lovers' questions and reminisced over those days na nagkakilala kami. Para kaming teens.

Sa paglipas ng mga araw, naging mas matibay ang aming samahan. Naging maayos ang takbo ng buhay namin. Sa call center siya nagtatrabaho, ako naman ay sa isang recruitment agency kaya lang kapalit nun ay bihira na lang kami magkita. Kahit naging busy, we still managed to stay sweet. Sumisimba kami every sunday kasi off kami pareho, tapos nagdedate kami sa mga tahimik na lugar para romantic at maramdaman namin ang presence ng isa't isa.
Kapag weekdays, minsan lang kami magkita kaya medyo malungkot, pero full siya ng surprises kaya lalo akong naiinlove sa kanya each day. Minsan umuwi ako ng bahay, sobrang gulo ng kama nagkalat ang mga damit. Akala ko nagiging burara na siya then it turned out na may nakatagong love letter and guitar tab collection na matagal ko ng gustong bilihin. She was so sweet. Alam talaga niya ang weak spots ko. Tapos noong birthday ko, dumating ulit ako ng bahay na magulo ang kama kaya expected ko na may surprise na naman pero wala akong nakita. Matutulog na sana ako nang may biglang tumunog sa ilalim ng akin unan. May rubber duckie. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip niya at ginamit pa ang inosenteng laruan. Kasama ng laruan ang isang dvd. Self titled music video ang laman ng dvd. Aamin ko hindi kagandahan ang boses ni Richelle habang kinakanta ang wedding song namin na 'On this Day' pero the thought that counts nga daw di ba. Naluha ako na natuwa. Mixed emotions. Habang kumakanta siya, ipinapakita sa video ang mga love letters na ibinigay ko, mga movie tickets ng mga pinanood namin, tissue ng mga kinainan namin at dates ng mga pinuntahan namin lugar. Hindi ko alam na iniipon niya kahit ang pinasimpleng detalye ng aming pagsasama. Nung natapos ang video, andun ang picture ko nung grade school ako and that picture supposed to be ay nakakapit sa class organization chart. Akala ko nahulog at nalipad ng hangin, kinuha pala niya kasi crush na n'ya daw ako dati pa. Naughty little girl.

Yeah, napakasarap alalahanin ang lahat. Mga bagay na maiisip kapag wala na ang taong bumuo nito. Mga pangarap na ipinundar kasama ang pinakamamahal. Hindi siya nawala sa puso at isip ko. That day na namaalam siya, sasabog ang puso ko. Umiyak ako ng sobra at nagtanong kung bakit niya ako iniwan. Napakaselfish ko kasi sarili ko pa din ang inisip ko, pero siya ang buhay ko, siya ang mundo ko. The only source of my happiness. Gusto kong lumipad sa langit at ipagsigaw sa mundo kung gaano ako kalungkot noong nawala siya.


I am a liar! Bago siya nalagutan ng hininga sinabi ko na hindi ako iiyak, magiging matapang ako dahil babaunin niya ang pagmamahal ko hanggang sa kabilang buhay.
But damn! I'm crying right now!. God knows how much I love her, how much I long for her. I need her pero nawala agad siya. How I wish na magkasama pa kami hanggang ngayon. Magkayakap, masayang nagkukwentuhan, tinutupad ang pangarap na binuo. Napakahirap ng wala si Richelle. She's my achor, I feel like I am drifting to nowhere everytime na maiisip ko na wala na siya.

Hindi na ako magmamahal muli. Sa kanya ako naging pinakamasaya. Kapag sinabing pinakamasaya wala ng hihigit pa doon. Kahit malungkot ang bawat pasko dahil wala siya, mananatili naman siyang buhay sa aking alaala. Dama ko pa din ang samyo ng kanyang buhok sa bawat simoy ng malamig na hangin.

Thankful pa din ako sa gift niya last Christmas kahit ang naging kapalit nito ay buhay niya. Nagsisimula na siyang lumakad. Jamuel Jr ang name niya. Sayang hindi man lang niya nakita after niya ipinanganak si Jamuel. He is now my reason of living. God's most elegant gift.

By the way, in my heart, I am spending Christmas with her. I love her dearly and I always do.

---

edit: fiction ito.. lagi na lang napagkakamalan na buhay ko ang nakasulat dito. haha