Skinpress Rss

ramdom


Ikaw tao anong dahilan ng ikinamatay mo?

TAO: Nakalunok po ako ng ipis dahilan upang hindi ako makahinga.

Ikaw ipis anong dahilan ng ikinamatay mo?

IPIS: Nalunok po ako ng tao dahilan upang mawalan ako ng hininga.

Tao sa palagay sino ang may kasalanan sa inyong kamatayan?

TAO: Sa palagay ko po ay ang ipis dahil dumapo siya sa baso noong ako ay umiinom ng tubig. Hindi ko na po siya namalayan na andun siya dahil ang nais ko lang po ay mapatid ang aking uhaw noong gabing 'yun.


Ipis sa palagay sino ang may kasalanan sa inyong kamatayan?

IPIS: Sa palagay ko po ay ang tao dahil uminom siya noong ako ay dumapo sa baso. Hindi ko na po siya namalayan dahil ang nais ko lang po ay mapatid ang aking uhaw noong gabing 'yun.

Halos pareho kayo ng ikinatuwiran. Sino ang dapat sisihin sa inyong kamatayan.

TAO: Ang ipis po. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya sa aming pamamahay gayung hindi naman ako nag-alaga ng ipis kailanman.

IPIS: Ang tao po. Hindi ba nila naisip na lahat ng madumi ay aming tirahan.

Bueno sino ang dapat bumalik sa lupa at magtama ng kamalian?

TAO: Ako po dahil ako po ang may malawak na isipan. Muli kong isasaayos ang lahat.

IPIS: Ako po. Dapat matuto ang tao na may makitid na isipan hindi kung kailan dumating ang kamatayan ay saka sila mag-iisip ng kapaki-pakinabang.


-----
personal
save lives. Help red cross

text RED[space]AMOUNT to 2899 (Globe) or 4483 (Smart)

Ang Kasalan


ang kwentong ito ay halaw sa tunay na buhay na hinaluan ng kalokohan.. ang kasalang ito ay may kinalaman sa dati kong post.



Ilang minuto na din ang ginugugol ko sa harap ng salamin hindi dahil curious ako sa aking itsura kundi gusto ko lang matabunan ang lumalapad ko ng noo ng aking malago ng buhok. Suklay sa kaliwa, sa kanan, guguluhin ng konte tapos susuklayin ulit. Presto! Parang dinilaan lang ng kalabaw ang aking ulo. Mahihiyang dumapo ang insekto sa sobrang kinang.

Lumabas ako ng bahay. Hinanap ko ang medyo may kalituhan sa kasarian kong pinsan para humingi ng ekspertong opinyon sa buhok ko. Ngumiti siya na parang katapusan na ng buhay ko. Napadasal ako. Sumambit ng ilang linya ng bibliya. Kawawa naman ang mga pingakuan kong babayaran ng utang kung matatapos na ang buhay ko. Buti na lang mali ang iniisip ko. Kumuha siya ng gunting para lagyan ng direction ang aking buhok kumbaga daanan ng kuto papuntang puyo. Nilagay niya ng wax na hindi ko alam ang tatak basta sure ako na hindi yun floor wax. Sa wakas tao na ako pwede na akong ihanay kay john lloyd.

Tinawagan ko ang dati kong classmate na kasabwat din sa gaganaping kasalan. Si Michael. Natawa tuloy ako. Naalala ko kasi 'yung huli naming dinaluhang kasal, madapa ba naman siya matapos makipagtinikling sa light cords ng mga cameraman. Candle handler yata ang tawag sa role namin sa kasalang ito. Ako yung tagasindi siya naman ang papatay. Sobrang excited ng mokong nandoon na agad siya sa simbahan.

Pumara ako ng pinakamabagal na tricycle para hindi magulo ang aking buhok tsaka malapit lang naman sa amin ang simbahan. Feel na feel ko ang paghampas ng hangin sa aking buhok. Sumusunod sa galaw. OYie! In good shape naman akong nakarating ng simbahan walang galos at taglay pa rin ang pamatay na kaguwapuhan(Napadasal ako). Hinanap ko agad si Michael. Hindi ko siya makita. Umikot ako sa may likod ng simbahan baka sakaling andun siya. Hindi ako nagkamali. Masaya siyang umiiihi sa may poste ng Meralco sa saliw ng musika na pinasikat ni Sandara.

Dumating ang sasakyan ng mga ikakasal. Nakangiti ang lahat ewan ko lang dun sa batang mataba na mukhang wala sa mood lumakad hindi pa man nagsisimula ang kasalan e pawisan na agad at nagmamantika na. Niyaya ko si Michael na hanapin ang napakaswerte naming mga partners. Anyong aakbay na siya sa akin pero hindi ko pinahintulutan. Isang karate chop ang natanggap niya mula sa akin.

"Aray! O baket?" gulantang na sigaw niya.

"Nagtanong ka pa? Ano bang huli mong ginawa?" Bibigwasan ko pa sana siya ng bigla kong ma-realize na may kalakihan ang kanyang katawan kumpara sa akin. Buti na lang hindi siya lumaban.

Isang mahaderang bakla ang lumapit sa amin para alamin kung participants kami ng kasal. Obvious naman siguro dahil kaparehas namin ng costume ng ibang lalaki dun sa entrance ng simbahan. Hihingin ko sana yung posporo kaso umalis agad ang bakla na kakulay ni barney.

"Pre wala ka ng role." sabi ko.

"Bakit?" usisa ni Michael.

"Hindi ako binigyan ng posporo kaya hindi ko masisindihan ang candle."

"Gusto mo lighter? Kahit kandila ng pakner mo pwede mo sindihan."

"Nasan ga ang partner natin?" wika ko habang pinapanood ang mga babaeng bumababa ng van.

"Kamalayan ko. Yung kaklase lang natin ang kilala ko," pilosopong sagot niya.

Maya-maya dumating muli ang baklang organizer. Siguro siya ang katiwala ng mga gremlins kaya todo abala sa mga sponsors ng kasal. Tinawag kami para humanay biglang paghahanda sa wedding entourage. Ilang hakbang mula sa aking kinatatayuan ay ang lalaking ikakasal, ang aming dating kakaklase. Bagamat bihis na bihis ay wala pa ring ipinagbago sa itsura. Binati ko siya ng buong puso dahil wala kaming dalang regalo.

Tinanong ako ng bading kung ako ang candle sponsor kaya tumango naman ako na parang na-hipnotized. Inusisa ko ang gagamitin kong posporo sa halip na sumagot ay inihagis niya sa aking tabi ang isang bata na sa wari ko ay siya ang magiging partner ko. Naririnig ko pa ang himutok ng bakla na sa dinami-dami ng babae sa earth ay ipinilit ang kapatid ng ikakasal kahit kulang pa sa height. Hindi siguro laking tiki-tiki. Parang may bitbit akong bata habang naglalakad patungong altar. Kung ihahanay mo nga siya sa mga poste patungong altar ay mapagkakamalan siyang poste hindi lang sa kanyang height kundi pati na rin sa kulay ng kanyang kasuotan.
Base sa naging usapan namin kanina noong iniabot niya ang posporo na puno ng ribbon e first year high school lang pala siya kaya pala hindi pa lumalaki at halatang foam pa lang ang bukol sa dibdib. Medyo duda nga ako na baka hindi sumindi ang palito ng posporo dahil pakiramdam ko ay nabasa na ito dulot ng pasmadong kamay.

Matapos ang pang-aalipusta ko sa aking partner ay pinunterya ko naman ang babaeng ikakasal. ABA!! Nakarating na yata ako ng Baguio e hindi pa sila nakakarating ng altar. Sa halip na ang bride ang alalayan, siya ang umalalay sa kanyang tatay na palagay ko ay buhok na lang ang walang rayuma. Hindi kasi Nag-flanax!

Nakatulog na yata ako noong nag-umpisa ang kasalan. Naramdaman ko na lang na tinatapik ako ni Michael para alamin kung kakilala ko ang commentator ng simbahan. Siya lang naman ang dati naming religion teacher na nagkaloob sa akin ng award na bilang "BEST in RELIGION". Bukod sa dati akong sakristan ng simbahan (bawal tumutol)
ay nagkataon lang naman na tiyahin ko siya. Napapasarap pa lang ang kwentuhan namin nang biglang sumulpot from outer space ang bading na organizer. Parang mainit ang dugo niya sa akin kahit wala naman akong ginagawang mali at imposibleng may buwanang dalaw siya. Inutusan niya akong tumayo para sindihan ang kandila. Bibong-bibo naman akong sumunod.

Dumating ang kinatatakutan ko. Ayaw sumindi ng palito ng posporo. Ilang kiskis pa ay uminit na ang ulo ako. Pinakaayaw ko pa namang mangyari sa buhay ko ay yung pagtawanan ng tao kahit hindi nagpapatawa. Nagpapadyak na ang bading na organizer sa inis. Hindi ako ang dapat sisihin, biktima lang din ako ng pasmadong kamay ng unanong partner ko. Mula naman sa kinauupuan ni Michael ay halata siyang natatawa na animo'y itlog na gumugulong habang itinataas ang hawak na lighter. Nakarma na yata ako sa pang-aalaska ko sa kasal.

Nagtatawanan na ang lahat lalo na noong maputol na ang palito ng posporo sa sobrang panggigigil ko. Ini-offer ng unano este ng partner ko ang hawak niyang palito. Sinidihan ko muli stick gamit ang apoy ng kandila niyang naglilibyab na. SA WAKAS!!! ALELUYAH! Para akong boksingerong nakapagpataob kay pacman sa sobrang pagbubunyi sa nasindihan ng kandila. Napangiti na ang groom. Nakingiti na lang ako. Akmang aalis na ako ng altar nang aksidenteng matabig ng aking siko ang kandila. Nagpagulong gulong ang kandila sa sahig. Kitang-kita ko ang organizer na parang asong bagong anak sa sobrang galit habang hinahabol ko ang pesteng kandila!. Dilubyo!.

Parang gusto kong pumunta ng ibang dimension sa sobrang hiya. Patay malisya na lang akong bumalik ng upuan matapos ibalik ang kandila sa kinalalagyan.




------
personal
may facebook na sa wakas ang inyong lingkod. kung kayo po ay may suggestion, may kalibugan, at pwedeng utangan paki-add po ako..

random lang


1. kung speed ng light ay 299,792,458 m/s anu kaya ang speed ng dark?
2. base sa statistics bawat dalawang minuto ay may ginagawang statistics.
3. Conclusion: tawag sa naisip mo kapag tamad ka ng mag-isip.
4. Kapag ang plano mo ay wag magplano ibig sabihin wala kang plano?
5. Bakit kinakausap ng tao, bagay, hayop kahit alam na hindi sasagot?
6. Kung ang puti at itim ay hindi kulay ano ang tawag sa kanila?
7. Research: tawag sa ginagawa mo kapag hindi mo alam ang ginagawa mo.
8. TOP 8: tawag sa listahan kapag wala ka ng maisip na kasunod.

phillipine blog awards finalist.


nagulat ako ng biglang may magmessage saken na nakasama ako sa finalist ng pba09 hindi ko kasi akalain na maging finalist ako. nominee pa nga lang masaya na e.


at least finalist ang kalibugan kwento ko. hindi na ako mag-expect  na manalo kasi mga idol ko ang kalaban ko.. . ok na sa aking yung mapahanay ako sa kanila. Lakas ng loob kong humanay kay kayabang loi_pogi ng Professional Heckler na unang kong nakausap sa tristancafe. anu ga ikaw uli?

check it out!
tuyong tinta ng bolpen under
Best Humor Blog finalist


thanks.. .

ano bang kasunod kapag nakasama sa finalist? ang engot ko.. hindi ko alam kung may botohan pa.. sayang oct 9 yung awards night..

LRT (Love and Relation Transit) finale


love and relation transit  part 1
love and relation transit part 2
love and relation transit part 3
love and relation transit part 4
love and relation transit part 5
love and relation transit part 6
love and relation transit part 7
love and relation transit part 8
love and relation transit part 9

love and relation transit part 10


Hindi ko na muling nakita si Paul matapos ang aming pag-uusap mas pinili ko kasing manatili ng Batangas. Bihira na lang ako dumalaw bilang pagtupad sa aming usapan. Pero natatakot ako sa mga araw na magkasama sila.

Lumipas ang mga araw nakatanggap ako ng email na kailangan ko ng bumalik ng Singapore. Kailangan ko kasing tapusin ang kontrata ko sa employer ko at ituloy na rin ang sinimulang pangarap ko. Pero bago ako bumalik ng Singapore may mahalaga pa akong misyong gagampanan. Itinakda na kasi ang araw ng kasal ni Realiza. Alam ko masaya siya sa naging desisyon niya at masaya na rin ako para sa kanya dahil hiling ko din naman dati pa sana mahanap niya ang taong makakapagpasaya sa kanya. Bagamat nakakagulat ang rebelasyon at desisyon ni Paul ay maluwag naming tinanggap para na din sa ikakatahimik ng lahat.

Gil Puyat. Sa ngayon binabagtas ko ang LRT patungo sa Central Station. Napagkasunduan kasi namin ni Tita Chit na doon na lang kami magkita para ibigay sa akin ang kopya ng wedding invitation. Malaki ang pasasalamat ko kay Tita Chit sa mga payo, pagpapalakas ng loob at sa kanyang asawa na si Tito Rey na nagmulat sa aking mata tungkol sa paghanga at tunay na pagmamahal. Nagpapasalamat na rin ako sa alak na dumampi sa aking lalamunan.

Quirino. Akalain mo nga naman ang tadhana hindi lang sa palad nakaukit kundi pati sa riles ng tren. Sabi nila sa dami ng guhit ng palad natin may dalawang linya na nakalaang magtagpo. Siguro yung linya sa kamay ko ay riles ng LRT.
Hindi ko maiwasan mapangiti sa mga magkakapares na naglalambingan. Napapatingin din ako sa mga matandang magkasama. Sila kaya ay nagkatuluyan base sa guhit ng palad nila?

UN. Masaya ako nakilala ko ang mahalagang tao sa buhay ko. Si Realiza na kahit hindi sexy ay tama naman sa panlasa ng mga nagnanais ng chubby. Si Paul na palatandaaan ng tunay na maginoo. Si Tita Chit at si Tito Rey na puno ng pangaral na bumuo sa akin pagkatao.

Central. Binagtas ko ang hagdan pababa ng Central Station. Ilang sandali lang ay nakita ko na si Tita Chit. Nakangiti siya habang iniaabot ang kopya ng invitation para bang matagal kaming hindi nagkita. Binuklat ko ang ilang pahina upang hanapin ang aking role sa kasal. Napangiti ako. Hindi ko akalain na aabot sa ganito tumaon pa sa nalalapit kong pag-alis.

"Babalik ka na daw ng Singapore?" bungad agad ni Tita Chit.

"Opo tita. Late next month po ang scheduled flight ko."

"Sigurado ka na ba diyan? Baka isang araw bigla ka na namang susulpot dahil sa padalos-dalos mong desisyon."

"May kontrata po kasi akong kailangan tapusin. Mahirap na din po ang ma-ban." paliwanag ko habang sinisiyasat ang iba pang kasali sa kasal. "Tsaka nandun naman po si Tito Rey hindi na ako maiinip nun."

"Ay naku! Tumawag siya kagabi sobrang excited nung malamang ikakasal na si Realiza. Uuwi daw siya at gustong maging official photographer duda nga ako e kasi wala naman yung alam sa ganun." si Tita Chit.

"Magaling po siya. Nakita ko na po ang mga kuha niya. Naging hobby niya po kasi yun."

"Buti naman photography ang nakahiligan niya hindi pambabae."

Napangiti ako sa binitiwang salita ni tita Chit. Naalala ko kasi si Syel yung minsan ding naging bahagi ng buhay ni Tito Rey at nagturo din ng photography sa kanya. Bigla din pumasok sa isip ko si Nhovelle. Agad ko siyang itinext para ibalita ang pagbabalik ko at ang kasal na rin ni Realiza.

"Oo nga tita. Hanga din nga po ako sa kanya e para kasing nakakainip ang photography. Nasan nga po pala si Realiza?" pag-iiba ko agad sa usapan.

"Naku! Nasa Divisoria ang loka-loka. Sobrang excited mamili ng gagamitin sa give-aways." tugon ni Tita.

"So magiging tagabitbit pala tayo mamaya?"

"Palagay ko nga. Pero parating na din yun. Nagtext na sa akin kanina bago ka dumating." sambit ni tita chit matapos sumulyap sa kanyang relo.

"Sobrang excited talaga niya ah. Mamimiss ko ang energy nya na parang hindi nauubos. Lalo na yung nakakairitang tawa."

"Hindi ka pa nakakaalis homesick ka na agad. Eh yung malakas na yabag ng dambuhalang yun hindi mo mamimiss?"

"Pinag-uusapan niyo yata ako mga echosero?" bulyaw ni Realiza matapos sumulpot mula sa likuran.

"Oo. Dahil ikaw lang ang dambuhala na kilala ko!" bulyaw ni tita.

"Dambuhala nga pinagkakaguluhan naman lalo na siguro kung sexy na ako!" pagyayabang ni Realiza habang tinitigan ang katawan ni Tita.

"Tulungan na kita sa pagdadala ng pinamili mo." putol ko sa usapan ng dalawa.

"Wow! baka ma-spoiled na ko niyan ha. Hanap- hanapin ko na naman."

"Hala tama na! Mga malandi kayo.!" singit muli ni tita.

"Opo! matandang inggitera!" bawi muli ni Realiza.

"Tara na! Baka mahuli pa tayo sa seminar ng kasal." yaya ko sa dalawa.

"Louie may pagkakataon ka pang umurong sa kasal n'yo. Concern lang ako sa'yo kasi sobrang bungangera nito."

"Wala ng urungan tita. Kailangang matuloy na bago pa mapunta sa iba." tugon ko.

"See tita? You can't stop a heart from beating at ako ang itinitibok nun."

"Corny na kayo. Bueno, ikaw babae tinatanggap mo ba ang bolerong ito bilang iyong asawa?"

"Opo tita." natatawang sagot ni Realiza.

"Ikaw naman lalaki tinatanggap mo ba ang kahindik-hindik na babaeng ito na hindi naman kagandan ay pinagkakaguluhan?"

"Opo tita."

"Sure na ba kayo? Pwede pa magpalit."

"Sure na. Tara na magsisimula ang seminar sa City Hall." sabi ko.

"Hoy Luisito may atraso ka pa sa akin! Ito pa lang si Dina na invitation ay ang dina din sa Tagaytay."

"Oo nga. Anung kasalanan ko?"

"Aba nagmalinis ka pa?! Kasabwat mo siya. Gusto mo lang pala ako halikan."

"Naenjoy mo naman di ba?"

"Ah eh. Naman kasi naman dapat sinabi mo para nakapaghanda ako." Napuno ng tawanan hall. Napapangiti din sa amin ang ilang pang tao sa loob ng City Hall.


Hindi ko akalain na kaya pala gusto ni Paul makasama si Realiza ng isang buwan dahil mas pinili niyang mag-aral muli sa ibang bansa. Alam niya kasi sa sarili na hindi talaga magiging masaya si Realiza sa kanya kaya pinili niyang magparaya. Mula sa simula pa lang alam kong maginoo na siya. Kahanga-hangang nilalang. Talented, mayaman, mabait, maginoo, lahat na yata nasa kanya samantalang ako ay kagwapuhan lang ang meron. Hindi ko bibiguin si Paul siguradong magiging masaya ang mahal niya sa piling ko.


-end*finish*tapos-


salamat sa pagsubabay sa takbo ng lrt.

My awesome SM Experience


Awesome experience? Medyo naging mahirap ang pagpili ko kasi halos gawin kong tirahan ang SM-Lipa madalas kasi akong tumakas sa gawaing bahay. Kulang na nga lang eh kumaha ako ng sedula para maging legal na akong residente ng SM. Hanggang sa naisip ko na pinakamatindi yung experience ko last December 2008. Madami kasing first time na nangyari, wika nga ng matatanda na nag-aasal bata na masarap daw first time. Unang December ko sa SM Lipa kasi medyo matagal din akong nanirahan sa Manila, unang beses ko din mag-stay sa SM mula opening hanggang closing at higit sa lahat first time kong may kasamang pamangkin sa mall si REIN at si KIEL.

Umaga, mataas na agad ng sikat araw singtaas ng level ng ADHD ng dalawa kong pamangkin dahil sa sobrang excitement, sapat ang sikat ng araw para sunugin ang malaporselana naming kutis. Buti na lang ilang minuto lang ang aming ipinaghintay. Tumugtog na ang theme song ng SM. Hudyat na ng pagliliwaliw namin ng kapatid ko at ng kanyang mga chikiting.

Napakagat labi ako habang kinakapkap ng guard ang bawat detalye ng aking katawan. Na-hit niya kasi ang aking kiliti zone na tipong papalo ng isang daan porsenyento sa kiliti meter sapat nga yung kiliti para dumaloy ang mga kuryente ko sa katawan. Napa-ow at napa-wow ako ngunit bigla akong pinalo ng kapatid ko dahil marami pang nakapila para magpakiliti sa guard.

Gamit ang kanilang mumunting paa, parang mga robot na tumakbo ang aking mga pamangkin sa pwesto ng manikin ni Santa Claus. Nagulat ako dahil napansin kong nakatitig sa akin si Santa. Lumapit ako. Mas lalong naging matindi ang kanyang pagtitig parang makikipag-lips to lips. Sinamantala niya ang aking kahinaan dahil natagpuan ko na lang ang aking sarili na yakap ko si Santa at napabulong ako sa aking sarili ng "say cheese" kasunod ang ilang flash ng camera. Since sila ang mga nagclaim na photogenic naging cameraman ako. May ilan ngang echosero at echosera ang nag-comment na kung gusto na raw namin gawing tirahan ang pwesto ni Santa kaya napilitan kaming lisanin ang area.





Namaalam lang ako kay Santa at sa katabi niyang usa ng biglang nawala ang aking mga kalahi. Bumulusok ang tao parang gusto ko ng magpanic. Buti na lang nakita ko silang nakikipag-apir kay Jollibee habang nilalamutak naman ni Kiel ang pakpak ng kawawang bubuyog. Sumenyas na lang ako na sa Go Nuts Donuts na lang ako puntahan. Bumili ako ng kape. Medyo may kamahalan para sa akin kasi isa akong tambay nung panahon na yun at umaasa lang sa pera na malaglag sa bulsa ng iba. Sobrang dami ng tao kaya nagtiyaga ako sa may sulok na malapit sa salamin na dingding. Pakiramdam ko sa sobrang siksik ko e pwedeng dumikit ang white heads ko sa salamin.

Sinimulan kong higupin ang kape. Ninamnam ang bawat sentimo na ibinayad ko. Masarap naman pala para akong umiinom na maiinit na tunaw na ice cream. Mula sa loob ng mall ay minamasdan ko ang pagdating at paglabas ng tao. Kahit recession madaming bitbit ang tao. Ramdam ko rin ang saya ng mga bata na makarating ng SM. May lumulundag, tumatakbo, may gustong lumipad at may meron din namang sakay ng wheel chair na noong una ay aking kinaawaan pero nung nakita ko yung ngiti niya ay alam kong hindi siya dapat kaawaan. Hay, kakaiba pala ang epekto sa akin ng mahal na kape nagiging observant ako.

Ilang higop na lang siguro ay tapos ko ng inumin ang aking kape ng biglang maagaw ng ilang lovers ang aking atensyon. Halos mapuno nila yung baitang ng hagdanan sa dami nila. May nakaupo, nakatayo magkayakap, magkaakbay at magkaholdings hands na lovers. Naalarma ang aking payapa at masayang singlehood. Nananahimik akong umiinom ng kape tapos kukurutin nila ang tahimik kong puso. Pakiramdam ko ay nayurakan ang aking pagkatao. Sana sa sunod may parking lot na rin para sa PDA para hindi naman natatapakan ang katulad kong ineenjoy ang pagiging single. Sabagay ayun sa pag-aaral ng mga dalubhasa maraming lovers tuwing sasapit ang kapaskuhan. Trenta porsiyento ang itinataas nito kumpara sa ordinaryong buwan dala ng lamig ng hanging amihan, mga umuuwing OFW at dahil na din sa mga taong ayaw masabing malamig ang pasko. Subalit ang pag-aaral na yan ay imbento ko lamang.

Nilisan ko ang aking pwesto na parang batang inagawan ng paborito niyang aso. Hiniram ko muna si Kiel para may kasama akong mamasyal. Sa aking paglalakad nasalubong ko ang isa kong classmate nung college.

"Anak mo?" tanong niya.

"Pamangkin ko. Cute no mana sa tito" tugon ko.

"Cute niya pero duda ako na mana sa'yo." Biglang siyang tumawa ng malakas.

Sige tawa lang mayamaya ay nasa ambulance ka na. Iniwan ko ang classmate ko ng may ngiti sa labi ng makalampas ay binigyan ko ng isang matinding tiger look. Sana hindi ako nahuli.

Nagyaya ng umuwi ang aking kapatid matapos makapamili ng damit at regalo. Nasa labas na kami ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Hindi lang baha ang dala ng ulan kundi ang rapid price increase ng presyo ng pamasahe sa tricycle. Ang pamasahe namin kaninang bente ay magiging fifty pesos. Dahil trend na ang ulan sa hapon minabuti muna namin Nana pumasok muli ng SM. Dinama ko muli ang paglapirot ng guard sa aking katawan. Medyo nanginig pa yata ang katawan ko nung dumikit sa tagiliran ko ang kamay niya. OW!

Nanood kami ng sine. Sumisigaw ang dalawang bata kapag may sumisigaw din na audience. Hindi nila kasi naiintindihan ang palabas kaya nakikisigaw na lang sila. Biglang tumahimik. Napagod ang bata hanggang sa makatulog. Inabot na kami ng closing sa loob hindi pa rin gising ang bata kaya binuhat na lang namin kasama ang mga pinamili. Nga pala first time ko rin bumuhat ng bata.. haha

basketbol (sequel)


basketbol 1

Labis ang panghihinayang ni PJ sa kaibigang si Jef matapos itong mamatay sa bangungot. Minabuti niyang mag-uwian muna mula sa trabaho habang wala pang nakikitang malilipatan dala na rin ng takot na muling magpakita sa kanya ang taong walang mukha.
Gumugulo pa sa kanyang isipan kung ano ang kaugnayan ni Caloy sa mga nangyari. Labis kasi ang kanyang pagtataka kung bakit nag-anyong walang mukha si Caloy gayung si Jef ang mamamatay.

"Pare tulala ka na naman ah!" sigaw ni Oscar habang akmang ibabato sa kinauupuan ni Pj ang bola. "Sabagay ikaw ba naman may makasamang patay sa kwarto."

Sinimulang patalbugin ni PJ ang bola. Kailangan kasing magpakondisyon para sa inter-Barangay mamayang gabi. Ngumiti siya.

"Game! Walang mangyayari kung magmumukmok ako dito." Dahil likas na sa dugo niya ang galing sa basketbol madali siyang nakapag-adjust. Medyo madali nga lang mapikon sa pang-aasar ng kalaban dala na rin ng matinding emotional stress.

"Foul!" sigaw ng kalaban.

"Bola na naman!" bulyaw ni PJ.

"Sabit ka tol sa braso."

"Bakla ka ba? Konting dikit lang parang ikamamatay mo na." asar na wika ni PJ.

Bago pa magsimula ang gulo ay pinaupo na agad ng kasamahan si PJ.

"I-reserved mo na lang lakas mo mamaya PJ." wika ni Oscar.

Umuwi si PJ para magpahinga. Alam niya sa kanyang sarili na hindi mabuti ang kanyang inasal. Ilang saglit pa ay tuluyan na siyang nakatulog.

"Matapos ang kidlat ay sasapit ang kulog." wika ng isang lalaki. Hinanap ni PJ ang pinagmumulan ng tinig. Nakita niya ang isang lalaking nakatalikod malapit sa basketball court.

"Sino ka?" pagal na tanong ni PJ.

"Matapos ang kidlat ay sasapit ang kulog." humarap ang lalaki. Nanghilakbot si PJ. Tumaas ang kanyang balahibo. Ano na naman kaya ang ibig ipahatid ng lalaking walang mukha?

Bago pa niya magawang tanungin muli ang lalaki ay nagising na siya sa kanyang pagkakatulog. Matinding uhaw ang kanyang naramdaman. Hindi niya maintindihan ang nais ipahatid ng lalaki. May mangyayari na naman kaya?

Kinabukasan hindi na takot ang nararamdaman ni PJ. Gusto niyang maresolba ang misteryong bumabalot sa lalaking walang mukha. Nais niyang mahinto ang maaring sakunang mangyayari. Kahit oras ng trabaho ay pilit niyang inaalam ang ibig sabihin ng lalaking walang mukha sa kanyang panaginip. Minabuti niyang humingi ng opinyon sa mga kasamahan.

"Grace sa palagay mo anong ibig sabihin nito?" wika ni PJ habang iniaabot ang piraso ng papel.

"Matapos ang kidlat ay sasapit ang kulog. Hmmm. Salawikain yata ito PJ." tugon naman ni Grace.

"So kung salawikain yan anong interpretation mo?" naguguluhang tanong muli ni PJ.

"Siguro kapag may ginawa kang bagay asahan mong kahahantungan."

"Oh ano naman yang pinagkakaabalahan niyo diyan?" tanong ng bisor na si Monching.

"Ah sir itong si PJ may itinatanong lang."

"Patingin nga? Matapos ang kidlat ay sasapit ang kulog. Assignment ba to ng kapatid mo PJ?"

"Ah hindi naman sir, gusto ko lang malaman yung meaning akala ko kasi pahulaan yan." palusot ni PJ dahil ayaw niyang pagtawanan kung sakaling sabihin niya na galing yun sa lalaking walang mukha sa kanyang panaginip.

"Talagang mahilig ka sa mga pahulaan a. Palagay ko salawikain nga ito." wika ng bisor.

Lumapit ang ibang katrabaho ni PJ para makisawsaw sa usapan. Yung iba naman gusto lang makapetiks sa trabaho.

"Naku naman PJ pinapahirapan mo ang utak mo e. Simple lang ang ibig sabihin niyan e. Kapag umutot malamang may kasunod!" banat ni Zyrus. Napuno ng tawanan ang loob ng opisina.

Napakamot na lang si PJ. Bahagya ngumiti.

"Ikaw Ca..." bago pa man natapos ni PJ ang sasabihin ay nakita niya muling walang mukha si Caloy. Napaurong siya. Pumikit sandali. Noong muling dumilat ay nagbalik sa dating itsura si Caloy.
Nagbalik sa kanyang alaala na nangyari kay Jef. Natatandaan niya na bago namatay si kasamahan ay nag-anyong walang mukha si Caloy. Unti-unti niyang napagtagpi-tagpi ang katotohanan at ang kanyang panaginip.

"Si Caloy ang kidlay, sakuna ang kulog." bulong sa sarili. Bumalik na si PJ sa kanyang upuan para muling magtrabaho. Inalis na muna niya sa kanyang isip ang lalaki bagamat nag-aalaala siya sa kasamahang posible maaksidente.

Uwian, bago pa man makalabas ng opisina sinabihan niya lahat ng kaopisina na mag-ingat sa bawat kilos.

"Alam mo pare ang weird mo na! Laki mong tao parang kabado ka palagi!" kantiyaw ni Jason.

"Oo nga tol. Alam namin ang pinagdaanan mo tol kay Jef pero wala na tayong magagawa dun yun ang kapalaran niya e." paliwanag ni Kiko.

"Wala naman siguro masama kung sabihan ko kayo mag-ingat e." maktol ni PJ.

"Woh! tumataas ang boses ni idol. Cool ka lang dude!" sabat ni Zyrus na nagawa pang magpa-slide sa steel railing ng hagdanan. Hindi pa nakontento ay muling nagpa-slide sa sunod na floor. Bago pa siya tuluyang sumapit sa dulo ay sumabit na ang kanyang damit. Nawala siya sa balanse bumagsak siya sa hagdanan. Bali agad ang kanyang braso at binti.

"Sabi ng mag-ingat! Ano ka ba naman tol!" galit pang sigaw si PJ kay Zyrus. Mabilis nilang isinugod ito sa clinic. Dahil major ang fracture minabuti ng nurse na ipadala si Zyrus sa pinakamalapit na ospital.

"Tol parang may third-eye ka na." ani ni Jason.

"Kayo na bahala kay Zyrus. May laro pa kasi ako." mababang boses ni PJ na tila wala sa sarili. Bakit si Caloy ang senyales ng bawat sakuna. Bakit ako lang ang nakakakita sa taong walang mukha? Mga tanong na patuloy na gumugulo sa kanya.

Maagang nagtungo si PJ sa court para ituloy ang kanyang pagpapakondisyon. Ayaw niyang maging pabigat sa team. Nagpakitang gilas agad si PJ.

"Threeeee poooints." umalingawngaw sa court ang boses ng announcer matapos ang huling buslo ni PJ. Panalo. Masaya ang lahat dahil sa pambihirang galing ni PJ. Hindi nila akalain na kahit madalas wala sa ito sa sarili ay nagawa nitong higitan ang puntos noong nakaraang laro.

"Lupit ng inilaro mo!" sigaw ni Oscar matapos makipaghigh-five sa mga kasamahan. Ngumiti lang si PJ bilang tugon.
Bago pa man lisanin ni PJ ang court ay muling magpakita ang lalaking walang mukha. Naguluhan siya. Mali ang una niyang hinuha. Pumasok sa sa isip niya na noong namatay si Jef ay biglang lumitaw ang lalaki.

"Ang lalaking walang mukha ang kidlat hindi si Caloy." bulong sa sarili. Tumalilis si PJ alam na niya sa sarili na hindi si Zyrus ang kulog. Agad siyang tumungo sa ospital sa pag-aakalang nandoon pa ang mga kasamahan sa trabaho.

Bago pa man siya nakapasok sa ospital nakita niya ang isang lalaking naliligo sa sariling dugo. Kasunod nito ang ilang kakilala.

"Anong nangyari?!" gulat na gulat na usisa ni PJ.

"Nabaril si Sir Monching kanina noong pauwi na kami." tulalang wika ni Jason.

"Bakit? Anong dahilan? sino?"

"Binaril ng pulis. Kilala mo si Cynthia? Asawa yun ng pulis. Nabuko na silang marelasyon." sabat ni Grace.

Napasandal na lang si PJ sa dingding. Isinuntok ang kamao sa pader. Alam na niya. Ang panaginip ang susi ng kamatayan, si Caloy ang senyales na nasa paligid ang mamatay, ang lalaking walang mukha ang nagsisilbing kidlat at ang kamatayan ng kasamahan ang kulog.

--
may kasunod pa...harhar

LRT (Love and Relation Transit) part 10


love and relation transit  part 1
love and relation transit part 2
love and relation transit part 3
love and relation transit part 4
love and relation transit part 5
love and relation transit part 6
love and relation transit part 7
love and relation transit part 8
love and relation transit part 9

"Si Paul. Ano? Sinaktan ka niya?" usisa ko agad.

"Hindi. Kanina. Bago ka dumating..." Natigilan muna na siya. Pinahid ang luha. "Niyaya n'ya ako magpakasal. Papayag na sana ako kanina kaso may bumato ng kotse niya kaya hindi ko agad nasabi. Louie hindi ko alam na darating ka pa si Paul na ang pinili ko. Hndi ko nga alam kung ano meron tayo."

"Akalain mo nga naman. Napakaswerte ng bato na yun. Hanapin ko mamaya para pambato ko ulit sa mga sunod na araw," bulong ko sa sarili ko. Kung hindi ko pala binato ang auto niya sigurado kasalan na. Hindi ko na lang inusisa ang tungkol sa kotse dahil baka madulas pa ako. Mahirap na.

"Napakaswerte naman ni Paul," wika ko. "Naging duwag ako Realiza. Hindi kita naging priority pero nagbalik ako ngayon para humingi ulit ng pagkakataon. Kaso parang nahuli na yata ako dahil mahal mo na siya."

"Napaka-unfair kay Paul dahil siya ang naging kasama ko noong mga panahon wala ka. Noong umiyak ako dahil sa pag-alis mo. Noong mga panahon umasa ako sa babalik ka agad. Ako ang swerte sa kanya dahil lagi siyang nandyan para sa akin."

"Realiza, makinig ka. Hindi mo hiniling sa kanya na gawin yun. Kagustuhan niya 'yon. Pag-aralan mo ang lahat. Malaki ang pagkakaiba ng awa at pag-ibig. Mahirap sumama sa taong hindi mo mahal."

"Nagkakamali ka. Hindi mo alam ang nararamdaman ko. Ikaw ang walang alam sa pagmamahal Louie. ? Hindi sapat ang ganda ng mabubulaklak na salita kung hindi ko naman kayang pangatawanan."

Narinig ko na naman ang mga salitang yun. Mga salitang isinampal din sa akin ni Nhovelle noong nasa Singapore. Wala ba talaga akong alam sa pagmamahal Hindi ko nga alam kung tama pang manggulo ako sa masayang pagsasama. Hindi na ako tumutol sa sinabi. Yakap na lang ang naging tugon. Niyakap ko siya ng mahigpit dahil walang akong alam na salita para ipadama ang aking pagmamahal. Niyakap din naman ako ni Realiza matapos niyang magdrama.

"Siguro nga wala akong alam sa pagmamahal. Pero sa puso, sa isip at sa bawat sandali na nasa Singapore ako nanatiling ikaw ang nasa alaala ko. Napapangiti na nga lang ako kapag naiisip ko ang kilos, amoy, ang nakakairita mong tawa at maging ang yabag mo. Kung hindi pagmamahal ang tawag dun e ano?" bulog ko sa tenga ni Realiza.


"Louie akala ko ba may ikukuwento ka kaya ka naparito." Kumalas siya sa pagkakayakap. Sana hindi na lang niya naalaala kasi nag-eenjoy pa ako.

"Ah. Alam mo naman siguro na five years contract ako sa Singapore. Sasabihin ko sana na kaya ako umuwi ay dahil sa'yo. Hindi na ako nag-isip ang alam ko lang kailangan kong umuwi." Tumitig ako sa mga mata ni Realiza. " Alam mo noong pauwi tayo galing Tagaytay, humiling ako sa buwan noon na mapunta ka sa taong lubos na magmamahal sa'yo. Natupad iyon kasi may nagmamahal sayo ng todo. Kung alam na darating sa ganito hiniling ko na lang sana na tayo ang magkatuluyan."

"Bigyan mo ako ng oras Louie. Kung ano ang maging desisyon ko sana ay igalang mo."

"Sige igagalang ko ang lahat." tugon ko habang naka-cross fingers ako. Layo kaya ng nilipad ko kung susuko ako.

Paminsan dumadalaw ako kay Tita Chit para kumuha ng information at kung anong oras dapat ako susulpot sa bahay ni Realiza. Madalas kong sirain ang lakad ni Realiza dahil ayaw kong sumagot na siya sa proposal ni Paul. Nagdadala ako ng mga bagay na mahalaga sa kanya siyempre galing kay Tita Chit ang tips. Favorite niya daw kasi ang mga bagay na kulay lavander. Pati nga yung sisiw sa perya ibinigay ko na. Inakala ko na lavander yun violet pala excited pa naman akong ibigay sa kanya. Hindi niya nagustuhan. Ewan ko nga lang kung dahil sa kulay o ayaw niya lang magkaroon ng manukan.

"Louie, salamat sa time. Napasaya mo naman ako e napatawa pala." bungisngis na sabi ni Realiza habang pinapakawalan ang sisiw galing perya. Ilang segundo lang sinakmal na ito ng pusa.

"My pleasure. So next week ulit?"

"May lakad kami ni Paul eh. May sasabihin daw. I'll text you na lang."

"Sige. Kapag may sasabihin siya tungkol sa kasal takipan mo ang tenga mo ha."

"Bakit? Wala naman tutol sa kasal namin kung sakali ah."

"Meron. Ako!" matigas ang tutol ko.

"Kung ayaw ko magpapigil Mr. Jimena?"

"Itatanan kita."

"Ayaw ko. Habulin mo muna ako." malambing na wika niya.

"Ako ang habulin mo." sabay halik sa pisngi at tumakbo patungo sa LRT station.

As usual masaya ako tuwing uwian. Halos kilala na yata ako ng guard sa Carriedo dahil dalas kong matulala. Para akong teenager na kinikilig. Naiiihi tuloy ako. Papasok na sana ako ng Jollibee para magbawas kaso may kotseng bumusina sa aking harap. Matapos ay ibinaba ang salamin. Sinipat ko ang tao sa loob. Mas pogi ako. Si Paul.

"Tol sakay ka may sasabihan lang ako sa'yo." yaya ni Paul. Sana lang huwag akong ipasalvage nito. Ayaw ko naman ilibing sa loob ng drum o kaya lumutang na lang sa look ng Maynila.

"Hindi pwede dito?" Hindi naman ako takot sa kanya nagkataon lang na ihing-ihi na kasi ako.

"Doon na lang tayo tol sa malapit na cafeteria. Matao kasi masyado dito."

Napilitan akong sumakay kahit sasabog na ang pantog ko. Malapit lang daw naman e.

"Malas naman trapik pa!"bulalas ni Paul.

"Ano bang pag-uusapan natin? Importante ba?" tanong ko kay Paul. Sana lang sabihin na dito bago pa ako maihi.

"Tungkol kay Realiza dun na lang natin pag-usapan sa cafeteria." Nagpatuloy siya sa pagmamaneho. Ako naman ay patay malisya na lang. Pakiramdam ko tuloy gusgusin ako. Mas maganda pa yung tela ng cover ng upuan ng kotse kesa sa polo ko.

Habang nalulubak ang kotse ay lalo kong nararamdaman na sasabog na ang pantog ko. Limang minuto pa ay nakarating na kami sa sinasabi niyang cafeteria. Kinausap niya ng waiter matapos ay dumating ang aming kape. Kamusta naman yun. Gusto yata akong magkasakit sa bato nito. Hindi ko naman siya maiwan dahil kinakausap niya ako.

"Makikiusap sana ako sa'yo Loiue. Masaya na kami ni Realiza at balak ko na siyang pakasalan. Ayaw kong mabalewala lahat ng pagmamahal ko sa kanya sa muli mong pagbalik."

"Naiitindihan kita. Pero wala naman akong ginagawa para hindi matuloy ang balak mo."

"Yun nga eh. Wala ka pang ginagawa nasisiraan na ako ng loob kaya nga ikinatatakot ko kapag sinimulan mo ulit siyang ligawan. Alam ko na mahal ka niya dahil kahit kami ang magkasama laging pangalan niya ang aksidenteng nasasambit niya. Parang unti-unting lumalayo ang kanyang loob sa akin," maluha-luhang sambit ni Paul.

Awa ang nadama ko kay Paul. Alam kong mabuti siyang tao at walang masamang balak kay Realiza. Hanga ako sa tapang niya na kausapin ako at parang nagmamakaawa pa.

"Naiintindihan kita. Pero hindi ko maiipangako sa'yo Paul na iiwas ako dahil may pinagsamahan naman kami."

"Louie kahit isang buwan lang. Pagbigyan mo ako. Maawa ka. Kapag hindi ko siya napapayag yun na siguro ang panahon na tumigil ako. Sa akin na lang si Realiza kahit sa buwan lang na ito."

"Hindi ko kayang ibigay sa'yo si Realiza dahil kailanman ay hindi siya naging akin. Gawin mo ang lahat ng makakaya mo Paul. Uuwi na lang muna ako ng Batangas para may dahilan ako."

"Salamat. Maswerte ka Louie kahit wala kang ginagawa ikaw lagi ang hanap niya. Asahan mo hindi ko sasayangin ang pagpaparaya mo."

Natatawa ako. Ako nga itong naiingit sa kanya dahil sobrang dami niyang talent. Sabagay ang mga taong pinagpala sa kakayahan e madalas sawi sa ibang larangan.

"Sige Paul. Sa pagbalik ko ikaw naman ang dapat magparaya."

Umuwi ako ng Batangas tulad ng ipinangako ko kay Paul. Hindi man ako dumadalaw kay Realiza updated naman ako sa mga nangyayari dahil kay Tita Chit. Inamin sa akin ni Tita Chit na nag-attempt na ulit si Paul na magproposed ng kasal hindi pa nga lang naikwento ni Realiza ang details. Kinabahan ako. Parang gusto ko ng matapos ang isang buwan bago pa ako matimed-up.

halo halo


hay anlakas lagi ng ulan...
kasabay ng pagbuhos nito ang ang pagtulo ng aking semen sipon..
juice ko.. naging suki tuloy ako ng tissue..

------
since ang trabaho ko ay lumakad ng lumakad masyado ng napupod ang sapatos KO..
kaya paminsan ay pinapasok ng tubig ang ang sapatos ko..

------

hindi ko matapos ang kwento kong lrt dahil sa dami ng reports na kailangan kong iproject at isubmit..
anak ng bakang pula!!!


buti pa ang mga bata walang gasinong problema..
kahit halikan nila lahat ng crush nila e ayos lang..
eh ako kapag hinalikan ko e malamang manyakis na ang nickname ko..
ang estudyante naman pwedeng magdeclare ng sariling holiday..
pwedeng hindi gumawa ng assignment.. (pwede naman mangopya naalala ko tuloy nung college ako na sobrang galing kong mangopya pero kapag ako ang gumawa never ako magpapakopya.. bhahaha)

---------


birthday ng kapatid ko nung 5..
bahaha
nagkita ko na naman ang pamangkin ko na mana daw sa akin.. Nakikita ko na ang malas na future niya..nyahaha
sobrang aktibo parang may adhd.. ambaet ko kaya nung bata..
pero ok ha sa age na 3 marunong na siyang mag-identify ng lugar sa map.. alam name ng banks..
ok ang kapatid ko ah.. galing magturo..
aba teka! bakit hindi nga pala siya nag-apply e pinatapos na nga namin ng pag-aaral matapos mabuntis tapos nagstop ulit dahil buntis ulit..
aba kaya pala d nag-aapply ang maldita e buntis ulit.. wahaha family planning talaga. sa loob ng 3 years nilang kasal e tatlo ang magiging anak nila.. haha
masyadong plano.. tuwing may pa siya manganak.. toinkkkk...

nakakatatlo na siya wala pa kaming mga mas matanda sa kanya...

ipagpatuloy ang ganda ng lahi!!!

-----

kahapon holiday.. namatay kasi erano..
naglalaro ako sa may terrace namin.. (parang bata)
itinutok ko ang paa ko sa tubig ulan na galing sa bubong ng bahay namen..
naarouse kinilig ako.. lameg e..
nag-eenjoy ako magtampisaw ng may biglang kumapit sa aking braso..
yung maghujueteng samen.. mukhang tumama ako,,, yey
pero hindi pala.. bumagsak ang luha sa kanan mata,.,
tumitig sa akin na parang gustong makipaglips to lips.

nangusap ang kanyang mata.. at nagwikang
"Pautang!"

LITSI

ako pa ang inutangan e naasa nga lang ako sa jueteng..
ako yung tipo ng empleyado na after makasweldo ay naghihintay na ulit ng sunod na sweldo.
swerte na nga kapag may lumabis na one hundred ..

naiingit nga ako sa mga tambay kasi buhay sila, nakikipagsex nakakapagtext at nakakapagbisyo pa....


------
oooppss uwian na... bibili pa ako ng pagkain ko..

sabi ng workmate ko para daw ako makatipid e magluto na lang ako.
juice ko.. try nya kaya kainin ang luto ko baka siya pa ang maglibre sa akin sa max.

basketball


Para kay PJ to. Tropa ko sa SPi. Siya yung itinuturing na pangalawa sa pinakamagaling sa Basketball team ng QA. Huwag n'yo ng alamin kung sino ang una hayaan nyo na lang akong magpakahumble. Para naman maging bida siya kahit sa kwento man lang.

***


"Three points!!" sambit ng announcer matapos ang crucial shot ni PJ. Lamang pa ng isa ang kalaban. Twenty seconds na lang ang nalalabi sa orasan. Possession ng kalaban.Tumawag ng time-out ang kalaban para siguradong manalo ang PS1 sa QA team.

*buzz*

Tumunog na ang buzzer. Handa na ang play ng magkabilang panig para sa huling dalawampung segundo. Lumakad papunta sa loob ng court si PJ.

"I love you PJ!!" tili ng mga nanonood na babae. Halatang impress sa performance ng binata.

"Anakan mo ko PJ!" sigaw naman ng isang baklang may matagal ng pagnanasa sa matipunong katawan ni PJ.

Ngumiti na lang siya bilang tugon sa hiyawan. Halos mamatay sa pwesto ang mga kinikilig na bakla at babae.

Pumuwesto na para sa depensa ang QA. Maganda ang ipinakikitang play ng PS1, unti-unti ng nauubos ang oras walang puwang para makaagaw ang QA. Sa huling pitong segundo, umatake ang PS1, swerteng nasundot ni Caloy ang bola. Sumagitsit na parang kidlat si Caloy sa kanilang court. Kasunod agad niya si Pj. Inihagis ni Caloy ang bola ere bago pa maubusan ng oras. Animo'y lawin na lumipad si PJ. Isang monsterous slam dunk ang tumapos ng laro. Panalo ang QA kontra PS1. Isang laro na lang champion na sila.

"Nice shot pare! Star player ka talaga," wika ni Caloy habang naglalakad papunta sa locker.

"Sus! Kung hindi mo nga naagaw yun talo na tayo!" papuri naman niya.

"Oh celebration na?!" wika naman ng ka-teammate na si Kiko.

"Tara na sa 1st street!" sigaw pa ng iba. Sa first St. kasi ang hide-out ng mga lasenggong QA, sa isang boarding house sa dulo ng makipot at bumabahang daan. Halos maubos ang supply ng alak sa buong Paranaque sa tindi ng inuman daig pa ang nagchampion sa liga ng Barangay. Tuloy ang tagay kahit wala ng yelo ang beer.

Matapos na ang inuman may ilang lumusong sa baha makauwi lang. Mayroon din namang magpapaumaga na. Si PJ naman ay dumeretso na sa taas para matulog.

"Pakiusap huwag ka ng maglaro sa finals!" isang boses ang naririnig ni PJ.
"Pakiusap huwag ka ng maglaro!"

Hinanap niya ang pinagmumulan ng boses. Hindi niya makita. Nilibot niya ang bahay. Hinanap din sa loob ng drum dahil maaring siya ay pinaglalaruan ng mga kasamahan. Hindi nito maintindihan kung ano ang nais iparating ng tinig.

"Pakiusap huwag ka ng maglaro sa finals!" Naulit ang boses sa mababa at malungkot na boses. Papasok na sana ulit siya ng kwarto ng makita ang isang lalaki na walang mukha. Napasigaw si PJ. Nagising siya mula sa kanyang pagkakatulog. Nanghilakbot siya. Tiningnan niya ang kaboardmate na si Jef kung nagising sa kanyang pagsigaw. Mahimbing pa rin dala siguro ng kalasingan.

"Ate dalawa nga pong half rice, isang gulay, half po ng adobo, isang bowl po ng sabaw at pa-toppings ng menudo, " order ni PJ sa canteen.

"Ate isa nga kanin at magkano to?" tanong ni Jef habang itinuturo ang bangus.

"Trenta sir"

"Mahal naman. Gulay na nga lang din," wika ni Jef habang kumakamot ng ulo.

"Naku wala na pala akong pera. Meal stub nga ate." Matapos isulat ang pangalan naupo na si PJ at Jef sa mesa kung saan naroon si Caloy.

"Pare mahirap ba ang file na hawak mo?" si Caloy.

"Hindi naman maayos ang pagkakacode." si PJ habang isinubo na parang siopao ang kanin.

"Yung sakin mahirap. Lintik na mga indyano hindi yata marunong ng alpabhet." sabat ni Jef.

Tuloy ang subo ni PJ. Natigilan siya ng makitang burado ang mukha ni Caloy. Naalaala ang panaginip kagabi. Kinurot ang sarili. Mabilis siyang tumakbo papunta sa drinking faucet matapos mabulunan.

Bumalik siya sa upuan.

"O pare anung nangyari sa'yo?" pag-alaala ni Jef.

"Nabulunan syempre!" sabi Caloy.

"Pare ang panget mo! Wala kang mukha kanina." bulalas ni PJ
kay Caloy.


"Ha? Sa gwapo kong ito mawawalan ng mukha," pagyayabang ni Caloy habang inihahawak ang kamay sa mukha.

"Hindi ko maintindihan tol, kasi kagabi nanaginip ako may lalaking walang mukha na nagsabi na wag daw ako maglaro sa finals, " balisang pahayag ni PJ.


"May gustong ipahatid ang panaginip mo. Ang hindi lang natin alam kung para sa'yo o kay Caloy," sambit ni Jef.

"Teka baket ako? Eh ikaw ang dapat hindi maglaro?" si Caloy.

"Natatakot tuloy ako. Akala ko panaginip lang tapos biglang nagkatotoo," napaurong mula sa mesa si PJ.

"So, hindi ka maglalaro mamaya?" usisa ni Caloy.

"Tatawanan ka tol kapag nalaman na hindi ka naglaro dahil sa panaginip mo," natatawang pang-aasa ni Jef.

"Oo nga e. Bahala na. Hindi ko naman siguro ikamamatay yun." Matapos kumain dumeretso na sa loob ng opisina. Hindi siya makapagtrabaho ng maayos dahil sa misteryosong lalaki at kung ano ang kaugnayan nito sa kanya o kay Caloy.

"Tol yung lalaki nasa monitor mo na!" pang-aasar ni Jef.

"Loko ka! Manonood ka ba ng laro Jef?"

"Hindi tol, medyo hang-over pa ko e. Pahinga muna ako. Kita na lang tayo sa boarding house balitaan mo na lang ako ng result."

Nag-umpisa na ang laro. Hindi naging balakid kay PJ at Caloy ang takot sa kanyang panaginip. Natambakan na agad nila ang PS1. Nagpasalamat siya dahil natapos ang laro ng walang masamang nangyari sa kanila. Palabas na sila ng court ng makita niya ang lalaking walang mukha sa dulo ng upuan.

Nagmadali siya umuwi para ibalita kay Jef ang nangyari. Kung paano biglang sumulpot ang lalaki matapos ang laro. Subalit tulog na si Jef ng dumating siya.

Kinabukasan nagtaka siya na hindi bumabangon mula sa higaan si Jef.

"Pre gising na 1st shift tayo." Tinapik niya si Jef. Isa na siyang malamig na bangkay.

wedding invitation


Matagal ko na din palang hindi nakakasakay sa jeep si Kim Manimtim. Hindi kami magkakilala. Nabasa ko lang yung name niya sa nameplate niya. Madalas kasi kapag papasok ako nakakatapat ko siya ng upuan. Napapatingin ako sa kanya kasi maganda yung mata, ewan ko ba kung baket attracted ako sa mga chinita. Nursing student sa Lyceum halos kasakay ko siya araw-araw kapag papasok ako sa opisina. Ngayon hindi ko na siya nakikita. Siguro natakot na sa akin. Napansin siguro na tumitingin ako sa dibdib niya pero tiningnan ko lang naman yun para malaman yung nakasulat sa nameplate niya. Medyo maliit ang mga letters pero malinaw pa sa mata ng pusa ang mata ko kaya nabasa ko na Kim Manitim nursing batch 2011 ang nasa nameplate niya. Sa bilis ng imagination ko kung pwedeng palitan ng surname ko yung Manimtim. Bagay naman e tsaka baka sawa na siya na sa apelyido niya eh willing akong idikit yung saken. Aba teka bakit ako ba sinasabi to e hindi naman ito ang topic ko.

Siguro in connection na din sa pagpapalit ng apelyido. Kaninang umaga may isang babae ang lumapit sa akin habang naghihintay ako ng pamapasaherong jeep. Nagtanong siya kung saan ang bahay nina panjo. Since mabait ako sa mga taong madalas maligaw at magtanong ng nawawalang tao ay buong gilas kong itinuro ang bahay namin. Maliksi naman siyang tinungo ang bahay namin. Siguro nakalimang beses siyang tumatawag sa bahay pero walang nalabas na tao. Natural! Kasi ako lang ang nag-iisang nakatira doon. Nilapitan niya yung tiyahan ko kung nasaan yung nakatira doon. Siyempre itinuro ako ng chubby kong tiyahin.

Bumalik sa akin ang babae ng medyo padabog.

"Eh naman kuya ikaw pala si Panjo!!" sabi niya akmang pang sisipain ako na feeling close na kami.

"Hindi ba bahay ang hinahanap mo? Kaya itinuro ko ang bahay namin," sagot ko naman.

"e-Ehe naman yun na rin yun. Kasi naman nautusan lang ako ni kuya. Hindi naman kita kilala."

"Anu bang atin? May utang din ba ako sa kanya?" Iniaabot niya ang isang wedding invitation. May nahulog pang maliit na papel. May note.

"HOY PANJO! KELAN KA MAG-AASAWA? =p"

langyang invitation may pang-aasar pa. Wala ngang mapakasalan. Kahit nga kalandian e wala din. Hinanap ko ang pangalan ko. Aba tagasindi ng kandila. Sino naman kaya ang kawawang pakner ko. Wah kasama na naman si Michael sa kasalan ito kagulo na naman. Can't wait na sa kalokohan ito. =p

Sumakay na ako ng jeep. Hindi ko nakasakay si Kim.