love and relation transit part 1
love and relation transit part 2
love and relation transit part 3
love and relation transit part 4
love and relation transit part 5
love and relation transit part 6
love and relation transit part 7
love and relation transit part 8
love and relation transit part 9
love and relation transit part 10
Hindi ko na muling nakita si Paul matapos ang aming pag-uusap mas pinili ko kasing manatili ng Batangas. Bihira na lang ako dumalaw bilang pagtupad sa aming usapan. Pero natatakot ako sa mga araw na magkasama sila.
Lumipas ang mga araw nakatanggap ako ng email na kailangan ko ng bumalik ng Singapore. Kailangan ko kasing tapusin ang kontrata ko sa employer ko at ituloy na rin ang sinimulang pangarap ko. Pero bago ako bumalik ng Singapore may mahalaga pa akong misyong gagampanan. Itinakda na kasi ang araw ng kasal ni Realiza. Alam ko masaya siya sa naging desisyon niya at masaya na rin ako para sa kanya dahil hiling ko din naman dati pa sana mahanap niya ang taong makakapagpasaya sa kanya. Bagamat nakakagulat ang rebelasyon at desisyon ni Paul ay maluwag naming tinanggap para na din sa ikakatahimik ng lahat.
Gil Puyat. Sa ngayon binabagtas ko ang LRT patungo sa Central Station. Napagkasunduan kasi namin ni Tita Chit na doon na lang kami magkita para ibigay sa akin ang kopya ng wedding invitation. Malaki ang pasasalamat ko kay Tita Chit sa mga payo, pagpapalakas ng loob at sa kanyang asawa na si Tito Rey na nagmulat sa aking mata tungkol sa paghanga at tunay na pagmamahal. Nagpapasalamat na rin ako sa alak na dumampi sa aking lalamunan.
Quirino. Akalain mo nga naman ang tadhana hindi lang sa palad nakaukit kundi pati sa riles ng tren. Sabi nila sa dami ng guhit ng palad natin may dalawang linya na nakalaang magtagpo. Siguro yung linya sa kamay ko ay riles ng LRT.
Hindi ko maiwasan mapangiti sa mga magkakapares na naglalambingan. Napapatingin din ako sa mga matandang magkasama. Sila kaya ay nagkatuluyan base sa guhit ng palad nila?
UN. Masaya ako nakilala ko ang mahalagang tao sa buhay ko. Si Realiza na kahit hindi sexy ay tama naman sa panlasa ng mga nagnanais ng chubby. Si Paul na palatandaaan ng tunay na maginoo. Si Tita Chit at si Tito Rey na puno ng pangaral na bumuo sa akin pagkatao.
Central. Binagtas ko ang hagdan pababa ng Central Station. Ilang sandali lang ay nakita ko na si Tita Chit. Nakangiti siya habang iniaabot ang kopya ng invitation para bang matagal kaming hindi nagkita. Binuklat ko ang ilang pahina upang hanapin ang aking role sa kasal. Napangiti ako. Hindi ko akalain na aabot sa ganito tumaon pa sa nalalapit kong pag-alis.
"Babalik ka na daw ng Singapore?" bungad agad ni Tita Chit.
"Opo tita. Late next month po ang scheduled flight ko."
"Sigurado ka na ba diyan? Baka isang araw bigla ka na namang susulpot dahil sa padalos-dalos mong desisyon."
"May kontrata po kasi akong kailangan tapusin. Mahirap na din po ang ma-ban." paliwanag ko habang sinisiyasat ang iba pang kasali sa kasal. "Tsaka nandun naman po si Tito Rey hindi na ako maiinip nun."
"Ay naku! Tumawag siya kagabi sobrang excited nung malamang ikakasal na si Realiza. Uuwi daw siya at gustong maging official photographer duda nga ako e kasi wala naman yung alam sa ganun." si Tita Chit.
"Magaling po siya. Nakita ko na po ang mga kuha niya. Naging hobby niya po kasi yun."
"Buti naman photography ang nakahiligan niya hindi pambabae."
Napangiti ako sa binitiwang salita ni tita Chit. Naalala ko kasi si Syel yung minsan ding naging bahagi ng buhay ni Tito Rey at nagturo din ng photography sa kanya. Bigla din pumasok sa isip ko si Nhovelle. Agad ko siyang itinext para ibalita ang pagbabalik ko at ang kasal na rin ni Realiza.
"Oo nga tita. Hanga din nga po ako sa kanya e para kasing nakakainip ang photography. Nasan nga po pala si Realiza?" pag-iiba ko agad sa usapan.
"Naku! Nasa Divisoria ang loka-loka. Sobrang excited mamili ng gagamitin sa give-aways." tugon ni Tita.
"So magiging tagabitbit pala tayo mamaya?"
"Palagay ko nga. Pero parating na din yun. Nagtext na sa akin kanina bago ka dumating." sambit ni tita chit matapos sumulyap sa kanyang relo.
"Sobrang excited talaga niya ah. Mamimiss ko ang energy nya na parang hindi nauubos. Lalo na yung nakakairitang tawa."
"Hindi ka pa nakakaalis homesick ka na agad. Eh yung malakas na yabag ng dambuhalang yun hindi mo mamimiss?"
"Pinag-uusapan niyo yata ako mga echosero?" bulyaw ni Realiza matapos sumulpot mula sa likuran.
"Oo. Dahil ikaw lang ang dambuhala na kilala ko!" bulyaw ni tita.
"Dambuhala nga pinagkakaguluhan naman lalo na siguro kung sexy na ako!" pagyayabang ni Realiza habang tinitigan ang katawan ni Tita.
"Tulungan na kita sa pagdadala ng pinamili mo." putol ko sa usapan ng dalawa.
"Wow! baka ma-spoiled na ko niyan ha. Hanap- hanapin ko na naman."
"Hala tama na! Mga malandi kayo.!" singit muli ni tita.
"Opo! matandang inggitera!" bawi muli ni Realiza.
"Tara na! Baka mahuli pa tayo sa seminar ng kasal." yaya ko sa dalawa.
"Louie may pagkakataon ka pang umurong sa kasal n'yo. Concern lang ako sa'yo kasi sobrang bungangera nito."
"Wala ng urungan tita. Kailangang matuloy na bago pa mapunta sa iba." tugon ko.
"See tita? You can't stop a heart from beating at ako ang itinitibok nun."
"Corny na kayo. Bueno, ikaw babae tinatanggap mo ba ang bolerong ito bilang iyong asawa?"
"Opo tita." natatawang sagot ni Realiza.
"Ikaw naman lalaki tinatanggap mo ba ang kahindik-hindik na babaeng ito na hindi naman kagandan ay pinagkakaguluhan?"
"Opo tita."
"Sure na ba kayo? Pwede pa magpalit."
"Sure na. Tara na magsisimula ang seminar sa City Hall." sabi ko.
"Hoy Luisito may atraso ka pa sa akin! Ito pa lang si Dina na invitation ay ang dina din sa Tagaytay."
"Oo nga. Anung kasalanan ko?"
"Aba nagmalinis ka pa?! Kasabwat mo siya. Gusto mo lang pala ako halikan."
"Naenjoy mo naman di ba?"
"Ah eh. Naman kasi naman dapat sinabi mo para nakapaghanda ako." Napuno ng tawanan hall. Napapangiti din sa amin ang ilang pang tao sa loob ng City Hall.
Hindi ko akalain na kaya pala gusto ni Paul makasama si Realiza ng isang buwan dahil mas pinili niyang mag-aral muli sa ibang bansa. Alam niya kasi sa sarili na hindi talaga magiging masaya si Realiza sa kanya kaya pinili niyang magparaya. Mula sa simula pa lang alam kong maginoo na siya. Kahanga-hangang nilalang. Talented, mayaman, mabait, maginoo, lahat na yata nasa kanya samantalang ako ay kagwapuhan lang ang meron. Hindi ko bibiguin si Paul siguradong magiging masaya ang mahal niya sa piling ko.
salamat sa pagsubabay sa takbo ng lrt.