Skinpress Rss

paano gumawa ng tula?


paano gumawa ng tula?
yung maiilarawan ang iyong mukha
kahit malaki ang yung bunganga
at ang tagyawat ay may nana.

paano gumawa ng tula?
yung tungkol sa pag-ibig
yung tipong maiihi ako sa kilig
o kaya papahintuin ang ikot ng daigdig

paano gumawa ng tula?
yung para sa matalik na kaibigan
kasangga sa lahat ng kasinugalingan
hindi mauutot sa tuwing uutangan.

paano gumawa ng tula?
yung nakakatawa kahit korni
yung hindi mahihiya tumawa ang bungi
yung mapapalundag bagong tuli.

sugarcane


Dahil ako ay tinatamad magtrabaho naging masipag akong magtype.
Bibigyan daan ko ang isang sulat na ipinadala mula sa outer space.
Tunghayaan ang nakakaumay niyang liham.

*****


Dear manong LRT Driver,

Nais ko po sanang humingi ng opinyon sa aking kalagayan ngayon.
Wala po itong kinalaman sa pera kaya pag-aksayahan ninyo sana ng panahon.


May isang babae na nagpatibok sa aking puso. Natatakot po kasi akong magtapat dahil ang pag-ibig ko po ay nagsimula sa isang pagnanasa..
Nagsimula po ang lahat noong bata pa kami. [insert flash back]. Hinahabol ko po noon ang manok na panabong ni itay nang bigla itong tumungo sa makating taniman ng tubo. Medyo may kasukalan kaya po nahirapan akong hanapin ang manok. Pilit ko pong ginalugad ang loob ng tubuhan ng makita ko itong nakadapo sa isang lumang kubeta. Sinilip ko muna ang loob ng kubeta para kung sakaling may tao eh hindi siya magulat kung bigla kong dadakmain ang manok.

Nagulat ako sa aking nakita. May tao sa loob. Si Len-Len. Ang kras ng lahat ng bata sa aming lugar. Palibhasa siya lang ang maputi at walang peklat sa katawan sa buong nayon. Sa mura niyang edad ay halata siyang palaayos sa sarili kaya lahat ay naakit sa kanya. Hindi ko na napagtuunan ang manok naging masiyasat ako sa kaanyuan ni Len.

Simula noon ay naging biktima ako ng alindog ni Len. Sa kanyang ngiti ako ay lubos na naakit. Sa tuwing siya ay dumadaan ako ay nanlalamig kahit ang araw ay tirik na tirik. Bumukol ang aking brief sa tuwing makikita ko ang manok ni itay.

High school, naging magkaklase kami ni Len. Ilang sulat ang aking nasimulan pero hindi ko man lang naibigay. Sa tuwing kami ay magkakadikit ako ay kinikilig. Daig pa yung kilig matapos akong umihi.

Isang hapon sa may upuan malapit sa tubuhan, nakita ko siyang nagmumukmok. Bakas ang lungkot sa dating palangiting mata. Bagamat takot akong lumapit napilitan akong itanong ang dahilan ng kanyang pagtangis. Iniwan pala siya ng kanyang boypren. Ang aking hinahangaan ay hindi dapat sinasaktan dahil siya ay higit pa sa anumang kayamanan.

Minasdan namin ang dahon ng tubo na unti-unting naging abo. Walang salitang namamagitan sa amin. Inihahatid ng aming paningin ang abo papaitaas hanggang tuluyang maglaho. Ngumiti ako. Winika ko na ang lahat ng problema ay tulad ng dahon ng tubo, sa una puro kati at galos ang hatid ngunit pagdating ng anihan ang makating dahon ng tubo ay maglalaho pero ang tubo ay mananatiling matamis.

Tuluyang tinangay ng hangin ang nasusunog na dahon kasama ang luha sa mata ni Len. Ngumiti siya. Niyakap ako ng mahigpit. Bumukol ang aking brief.

Sa kinalaunan ay natutunan ko siyang mahalin. Itinuring niya akong matalik na kaibigan habang ako ay nanatiling lihim na nagmamahal.

Sincerely yours,
Sugarcane

****


Dear Sugarcane

Hindi ko alam kung dapat kitang payuhan. Hindi kasi ako love guru. Pero bilang tugon narito ang ilan kong suwestiyon.

Una, kumain ka ng maraming tubo para magka-diabetes ka para hindi basta bumubukol ang sugarcane mo.
Pangalawa, may papaya sa likod bahay namin parang masarap ang tinola.
Pangatlo, magbigti ka na para tapos ang problema.:)

habulin mo ang happiness


eh baket nga ba?
last time finalist ako sa phillipine blog awards.
muntik ko pa nga mayakap ang manager ko sa saya.
buti na lang narealize ko na lalaki siya.



ngayon dalawa sa post ko ang kasama sa top ten post of the year finalist..

ang karnabal at ang tahanan

medyo tinatamad na ako magblog pero dahil dito siguro next time na lang ako tatamarin.

see details here:


--
personal
habang ang iba ay nagpapanic buying
ako ay panic eating..
fiesta sa amin kahapon oct 4..
buti na lang nailigaw ko ng maayos ang aking mga inimbita. :)

how to make her smile: ) ( with explanation)


How to make her smile :) a repost (pulot sa symbyanayz nilagyan ko na lang ng explanation)

napost ko na to dati. ngayon ko lang lalagyan ng explanation.



1. Tell her she is beautiful.
-kahit alam niyang binobola mo lang siya gawin ito para kiligin naman siya at maalis ang kayang pagdududa at matabunan ang iyong mga kasalanan.

2.Hold her hand at any moment . . . Even if its just for a second.
-proven na epektib ito. hawakan ang kamay bago pa dumampi sa pisngi or else manghiram ka ng mukha sa chuawa.

3. Hug her from behind.
-malandi ba? pero ok to lalo na kapag late ka sa usapan sabihin mo surprise. wag kalimutang pumitas ng kapirasong bulaklak para dramatic ang acting.

4. Leave her voice messages to wake up to.
-pampakilig din sa kanya para pwede ka ng hindi magtext buong araw. sabihin agad ng busy ka buong araw kaya minabuti mo ng mag-iwan ng voice message.

5. When she is upset, hold her tight and tell her how much she means to you.
- eto maganda. wika nga e wag sasalubong sa tren na isinusulong. echos! Basta sa halip na magpalusot eh magsorry na kesa humaba pa.

6. Recognize the small things . . . They usually mean the most.
-tama! kahit bato galing sa ilog pasig eh ngitian na lang kesa sumama ang loob tapos sabihin mo itatago mo para hindi mawala. Ilagay sa aquarium.

7. If you are talking to another girl, when you're done, walk over and hug her and kiss her . . . Let her know she's yours and they are not.
-in short huwag lumandi kapag may ebidens!

8. Write her notes or call her just to say "Hi."

-sulatan siya sa mukha kasi madalas magsalamin ang babae.

9. Introduce her to your friends . . . As your girlfriend.

-note: tadaan lang piliin ang iyong kaibigan.

10. Play with her hair.
buhok sa ulo ha. Amuyin ng buhok. Sabihin na mabango kahit amoy araw na.

11. Pick her up (she loves it).
- tama! huwag lang dalasan baka ma-spoiled.

12. Get upset if another guy touches her (especially when she doesn't like it).
- magmatapang kahit takot kapag malaki ang katawan pwedeng daanin sa pakiusap dahil ayaw mo ng gulo.

13. Let her fall asleep in your arms.
- kapag medyo ngalay ka na sa lap na lang.

14. If she's mad at you, kiss her.
- sige lang halik lang ng halik para makuha ang kiliti.

15. If you care about her, then (we all know this is a challenge) TELL HER.
- maging tackless.

16. Every guy should give their girl three things: a stuffed animal (she'll hug it everytime she goes to sleep), jewelry (she'll treasure it forever), and one of his t-shirts (she'll most likely wear it to bed). Also don't forget to bring her flowers or something special once in a while.
- huwag lang dalasan para hindi demanding. o kaya dalahan siya ng baul

17. Treat her the same around your friends as you do when your alone.
- masama ang mang-OP. baka gumanti.

18. Look her in the eyes and smile.
- tumitig na parang katatapos lang. :)

19. Hang out with her on weekends
-gumala kahit sa malapit lang kahit sawa ka na sa pagmumukha niya. Bisitahin sa bahay para tipid.

20. Kiss her in the rain (girls love this).
isa na namang kalandian. pero yun ang pangarap nila kaya pagbigyan. uminom ng gamot pagkatapos

21. Kiss her just for the heck of it.
-hayaan mong maumay.

22. If your listening to music, let her listen too.
- para tumahimik siya kapag hindi ka interesado sa sinasabi niya.

23. Remember her birthday and get her something, even if it's simple and inexpensive. It came from YOU. It means all the world to HER.
- gumawa ng greeting card out of recycled materials. personalized kamo.

24. When she gives you a present on your birthday, Christmas, or just whenever, take it and tell her you love it, even if you don't! (women put a lot of thought and effort into your gifts, because she care about you and appreciate it, even if it's not exactly what you wanted!)
- its the tot that tot. lalo na kung alam mong lumaki na yung eye bags niya sa sobrang effort

25. Always call her when you say you will. It may not seem like it, but it does hurt her and makes her thinks you don't care. So call even if you can only talk for a minute.
- mag-unli.


yan.. after nito wala ka ng dyowa.