Dahil ako ay tinatamad magtrabaho naging masipag akong magtype.
Bibigyan daan ko ang isang sulat na ipinadala mula sa outer space.
Tunghayaan ang nakakaumay niyang liham.
Dear manong LRT Driver,
Nais ko po sanang humingi ng opinyon sa aking kalagayan ngayon.
Wala po itong kinalaman sa pera kaya pag-aksayahan ninyo sana ng panahon.
May isang babae na nagpatibok sa aking puso. Natatakot po kasi akong magtapat dahil ang pag-ibig ko po ay nagsimula sa isang pagnanasa..
Nagsimula po ang lahat noong bata pa kami. [insert flash back]. Hinahabol ko po noon ang manok na panabong ni itay nang bigla itong tumungo sa makating taniman ng tubo. Medyo may kasukalan kaya po nahirapan akong hanapin ang manok. Pilit ko pong ginalugad ang loob ng tubuhan ng makita ko itong nakadapo sa isang lumang kubeta. Sinilip ko muna ang loob ng kubeta para kung sakaling may tao eh hindi siya magulat kung bigla kong dadakmain ang manok.
Nagulat ako sa aking nakita. May tao sa loob. Si Len-Len. Ang kras ng lahat ng bata sa aming lugar. Palibhasa siya lang ang maputi at walang peklat sa katawan sa buong nayon. Sa mura niyang edad ay halata siyang palaayos sa sarili kaya lahat ay naakit sa kanya. Hindi ko na napagtuunan ang manok naging masiyasat ako sa kaanyuan ni Len.
Simula noon ay naging biktima ako ng alindog ni Len. Sa kanyang ngiti ako ay lubos na naakit. Sa tuwing siya ay dumadaan ako ay nanlalamig kahit ang araw ay tirik na tirik. Bumukol ang aking brief sa tuwing makikita ko ang manok ni itay.
High school, naging magkaklase kami ni Len. Ilang sulat ang aking nasimulan pero hindi ko man lang naibigay. Sa tuwing kami ay magkakadikit ako ay kinikilig. Daig pa yung kilig matapos akong umihi.
Isang hapon sa may upuan malapit sa tubuhan, nakita ko siyang nagmumukmok. Bakas ang lungkot sa dating palangiting mata. Bagamat takot akong lumapit napilitan akong itanong ang dahilan ng kanyang pagtangis. Iniwan pala siya ng kanyang boypren. Ang aking hinahangaan ay hindi dapat sinasaktan dahil siya ay higit pa sa anumang kayamanan.
Minasdan namin ang dahon ng tubo na unti-unting naging abo. Walang salitang namamagitan sa amin. Inihahatid ng aming paningin ang abo papaitaas hanggang tuluyang maglaho. Ngumiti ako. Winika ko na ang lahat ng problema ay tulad ng dahon ng tubo, sa una puro kati at galos ang hatid ngunit pagdating ng anihan ang makating dahon ng tubo ay maglalaho pero ang tubo ay mananatiling matamis.
Tuluyang tinangay ng hangin ang nasusunog na dahon kasama ang luha sa mata ni Len. Ngumiti siya. Niyakap ako ng mahigpit. Bumukol ang aking brief.
Sa kinalaunan ay natutunan ko siyang mahalin. Itinuring niya akong matalik na kaibigan habang ako ay nanatiling lihim na nagmamahal.
Sincerely yours,
Sugarcane
Dear Sugarcane
Hindi ko alam kung dapat kitang payuhan. Hindi kasi ako love guru. Pero bilang tugon narito ang ilan kong suwestiyon.
Una, kumain ka ng maraming tubo para magka-diabetes ka para hindi basta bumubukol ang sugarcane mo.
Pangalawa, may papaya sa likod bahay namin parang masarap ang tinola.
Pangatlo, magbigti ka na para tapos ang problema.:)