Skinpress Rss

Sungay


Gumugulo sa aking isip ang mga kakaibang tunog sa twing sasapit ang hating-gabi. Mga kaluskos mula sa katabi naming kagubatan. Sa tagal ko na sa lugar na iyon ay nito na lamang ako nakaramdam ng takot. Ang dati nitong payapang pigura ay tila pinamamahayan na ng kung anong nilalang. Maaring mabangis na hayop o halimaw.

May mga gabi na wala ang ingay. Ngunit kinaumagahan ay may tanda sa lupa o mga baling sanga ng puno, senyales na may pandaliang namahay sa lugar.

"Torio, may pagkakataon bang may nadidinig ka mula sa kakahuyan. Gusto ko sanang tingnan."


Natigilan sa pag-inom ng kape ang aking kaharap. Bahagya nitong inayos ang mahuhulog na piraso ng pandesal. "May nasira ba sa pananim? May nawala sa mga hayop?"

"Wala naman. Maayos lahat," sagot ko.

"Hayaan mo na lang. Baka mga ligaw na hayop na naghahanap lang ng makakain."

"Sabagay. Pero may mga putol na sanga sa bandang kanluran."

"Malayo na iyon dito. Basta mahimbing ang tulog ko sa gabi ayos na. May mga ligaw kasi na hayop na tahimik basta hindi pakikialaman. Hindi nanggulo pero kapag nakaramdam ng panganib ay kayang manakit."

"Hahayaan ko na lang?"

"Oo. Wala naman kamo nasira o nawala. Matulog ka. Wag kung ano ang iniisip."

May punto ang aking kaibigan. Isa pa, kung mabangis na hayop iyon ay pananim niya ang unang masisira. Mga alagang hayop niya ang unang mawawala. Binalewala ko na ang mga kaluskos.

Ngunit sa mga sumunod na gabi, ang kaluskos ay nadagdagan ng ungol at impit na sigaw. Sinilip ko ang aking alaga. Okay naman. Hindi nanlalaban. Hindi ako nakontento. Lumabas ako ng bahay upang alamin kung buhay pa ang baka at kalabaw. Mahimbing naman ang kanilang tulog.

"Ahhhhhh!"

"Si Torio yun!" Baka inaatake ang aking kumpare. Kahit takot ay sinuong ko ang madilim na gubat.

Bahagya akong napaatras dahil sa dambuhalang anino ng dalawang sungay. Napalunok ako ng laway. Napaisip ako. Paano kung ako ang lapain nito? Paano kung si Torio ito?

Hindi ko maaninag ng maayos ang nilalang sa likod ng puno ng sampalok. Aatras na ako. Lunok ulit ng laway. Bukas ko na lamang aalamin ang nangyari.

Napalundag ako nang biglang kumidlat. Lumiwanag. Nakita ko ang hayop at si Torio.

"Torio! Gago ka pati ba naman ang alaga mong kalabaw?!"

-WAKAS-