Skinpress Rss

Ferris Wheel


Nakaiinip ang gabi. Pumunta ako sa perya.
Baka may tropa. O mga dating kaklase.

Sumugal ako ng konti. Kahit pala dito wala akong swerte. Pero at least may chance, di ba? Hindi gaya sa pag-ibig nya.

Sumakay ako ng ferris wheel. Kung kelan sumasaya na, nag-eenjoy, saka ko narealize na tapos na.

Uulit pa ba? Hindi na siguro. Paiikutin lang ako.

Sungay


Gumugulo sa aking isip ang mga kakaibang tunog sa twing sasapit ang hating-gabi. Mga kaluskos mula sa katabi naming kagubatan. Sa tagal ko na sa lugar na iyon ay nito na lamang ako nakaramdam ng takot. Ang dati nitong payapang pigura ay tila pinamamahayan na ng kung anong nilalang. Maaring mabangis na hayop o halimaw.

May mga gabi na wala ang ingay. Ngunit kinaumagahan ay may tanda sa lupa o mga baling sanga ng puno, senyales na may pandaliang namahay sa lugar.

"Torio, may pagkakataon bang may nadidinig ka mula sa kakahuyan. Gusto ko sanang tingnan."

Gubat


Naligaw ako
sa isang malawak na kaparangan
Maberdeng puno, damo at halaman.
Dalisay kung tingnan.
Ngunit matinik,
sumusugat
Madugo.

Humiga ako.

Napakasarap.

Parang pag-ibig mo.

Rupok


Hindi ko talaga maintindihan kung bakit may mga marupok na tao. Tipong walang kadalaan sa buhay. Bugbog na pero gusto pa may pasa. Ano yun, remembrance? Souvenir. Ganun?

Oo masarap magmahal. Matik na yon. Pero isipin din muna. Bigyan ng oras. Ienjoy ang pagdaloy ng dopamine sa utak.

Huwag na huwag bibigay sa mga taong pa-fall. Trap yon! Scam yon! Hindi iyong magcommit at walang ibibigay. Will tear you into pieces lang at ikaw ang magpupulot ng kalat. Mag-isa. Luhaan.

Simple lang wag maging mapusok. Kung mahal ka nun, magstay yun. Maghihintay.

Dear self,

Madami akong love sa puso. At sa deserving maghintay ko ito ibibigay.

Love,

Self

Kaso nagwave ka. Kilig.

OFW


Nakapulupot si Sophie sa braso ni Brenan. Naglalambing. Humihiling.

"Please, wag ka munang umalis papa."

"Baby, may work kasi si Papa. Tinatawagan naman palagi kita 'di ba?"

"Matagal ka po ba ulit sa abroad? Sa pasko nandito ka?"

Umiling si Brenan pagkatapos ay kinarga ang bata." Kausap ko na si Santa, basta mabait ka may regalo ka sa kanya! Bukod pa ang galing sa akin."

"Lagi naman akong good girl e. Mag-iingat ka dun ha!"

"Promise anak!"

"Tingnan ko ang airplane mamaya! To wish a safe trip! Say Hi to me ha, okay?"

"Okay!"

Nakatingala si Sophie buong gabi. Hinihintay ang unang eroplanong dadaan. Habang si Brenan ay nakauwi na sa Cavite.

"Papa!"

-WAKAS-

Sapi


Simula nang lumipat kami sa Bauan ay maraming kakatwang mga bagay. Gaya ng maagang paggising ng mga hubad na kalalakihan para tumambay sa tabing kalsada.

Sa classroom namin may babaeng madalas sapian daw ng mga engkanto o masamang espiritu. Hindi ko alam na uso pa pala ang ganun. May nagpakita pa nga sa akin ng video. At hindi naman ako binigo ng engkanto. Sa unang araw ko after magtransfer hanggang sa ngayon ay unlimited ang pagsapi.

"Bakit parang hindi ka affected sa nangyayari?" tanong ni Ana, katabi ko sa upuan. "Hindi ka man lang tumatayo."

"Sa probinsya kasi namin sanay na ko sa ganyan," tugon ko.

"Talaga? Anong ginagawa sa inyo para mawala ang sapi?"

"Ang lolo ko albularyo. Pati yung erpat nya at mga pinsan. Kailangan muna natin malaman kung sinasapian muna."

"Ha? Anong ibig mo sabihin? Hindi sinasapian si Avigael?"

"Doon sa amin inakala na sinasapian pero may sakit pala na may epilepsy."

"Sabagay. Alam mo kung paano alamin?"

"Oo naman! Pero secret lang ha, ayaw ko kasi maabala at gawin albularyo ng school."

"Sure! Ano kailangan?"

Nagsulat ako ng kailangan upang matulungan namin si Avigael. "Sundin mo nakasulat dyan. Wag mo na itanong kung bakit. Palabasin mo lahat ng ating kaklase kapag sinapian tapos may maiiwan lang na maghahawak sa kanya."

Kinabukasan after ng klase ni Mam Diokno ay nagparamdam na ulit ang engkanto. Natumba si Avigael sa upuan. Ubod siya ng lakas.

"Labas muna kayo guys!" utos ni Ana.

"Hawakan nyo na!" utos ko. "San yung mga kailangan?"

"Eto ang yelo, dinikdik na sili. Saka 100 pesos."

"Masamang espiritu, lumayas ka sa babaeng ito," panimula ko. "Kung hindi ay parurusahan kita."

"Hahaha! Umalis kayo sa bahay ko!" sagot ni Avigael.

"Pumikit kayo at magdasal ng tahimik." Lumapit ako kay Avigael. Inilagay ko ang dinikdik na sili sa kanyang bibig. Mabilis kong itinaas ang kanyang palda at noong akmang huhubarin ko na ang panty niya ay biglang nag-iba ang kilos. "Bitawan nyo na. Magaling na sya."

Iniabot ko ang yelo kay Avigael at mabilis nyang isinubo sa bibig.

Nabilib si Ana sa akin. "Para saan yung 100?"

Kumindat ako. "Service fee."

Muggle Studies


Pinagalitan ako ng prof ko sa Muggle Studies. Kesyo mali ang katwiran ko sa paniniwala niya at ng iba. Binato ako ng pang-aasar.

Sang-ayon akong lamang ang may kapangyarihan at madalas nasasamantala ang wala. Ngunit para sa akin, mas mabuting mabuhay bilang ordinaryo. Bilang muggle.

Nagtawanan sila. Pumuno sa buong kwarto ng may mga pangarap magkaroon ng labis na kapangyarihan.

Isa daw akong bobo, sigaw pa nung nasa dulo.

"Siraulo!" Sundot pa ng isa.

Bumulong na lang ako. "Pare-pareho lamang tayong mga baliw. Tumitino lang kapag may supply ng gamot.."

- wakas-

Lobo


Bitbit ang kumpol ng bulaklak at lobo ay inabangan ko ang pinakamagandang babae sa labas ng Opanda Hotel. Magkahalong kaba at takot sa pangambang hindi tanggapin ang dala ko.

Bahagya kong kinagat ang natutuyot kong labi habang ibinubuga ang usok mula sa vape. Higit isang oras na akong naghihintay. Makailang ulit kong sinilip ang aking phone upang malaman kung pababa na sya. Upo. Tayo. At lakad.

"Overtime yata sir," puna ng guard sa aking pagkabalisa. "Gusto mo iakyat ko lang kay Mam Aura?"

"Matagal ko na itong naplano. Uurong pa ba?" sa isip ko. "Hintayin ko na. Importante 'to."

Hindi ko itatangging may malaki kaming away nitong mga nakaraan araw. Mga hinala at maingay na bulungan. Iyon siguro ang dahilan kung bakit hindi n'ya sinasagot pa ang mga messages. Kaya heto ako lakas loob na dumalaw sa opisina nila.

Sa pagbukas ng elevator ay nagtakbuhan na ang mga ahenteng nakaabang. Kasunod nito ay ang pagluwa ng aking pakay.

Nabura ang kanyang ngiti nang mapansin ang aking pagdating. Buti na lang hindi niya ugali ang umiwas. Bagamat hindi niya ako sinagot o kinausap ay maayos niyang tinanggap ang bitbit ko. Hindi na niya ako sa pinasunod dahil may lakad pa daw sila.

Lima o anim na minuto ay nadinig ko na ang putok sa di kalayuan. Tanaw ko ang lobong walang kakayahang lumipad habang may nagsisigawan.

"Sorry," bulong ko. "Hindi pwedeng may iba na."

Gulong


Nag-usap kami ni Seb. Pareho kaming lumuluha. May pahihinayang ngunit may pagtanggap.

"Gusto ko pang magpatuloy pero nasasaktan na kita ng sobra," panimula ko. "Hindi na sapat yung mahal lang. Yung mga sorry. At babawi ako."

Umiling siya. "Kinakaya ko naman. Tanggap ko naman. Bab, may kasalanan din ako. Kulang sa oras. Tantrums. At demands. Salamat sa lahat ha?"

"Wag mong kalimutan na mahal na mahal kita. Wag ka magpapaloko sa kung sinong lalaki lang! Uupakan ko yun!"

"Oo naman! Ang hirap pala ng long distance. Wish ko na makahanap ka ng higit sakin."

"Malabo yon! Walang higit sayo. Kapag nagkita ulit tayo sa future, pangako ikaw pa din!"

Sa huling sandali ay niyakap namin ang isa't-isa. Tinanggap na tapos ang lahat. Mag-move on.

"San ka?" tanong ko kay Aubrey habang nakangiti.

-wakas-

Tungsten


Kung dati ay ingay ang turing ko sa tawanan sa labas ngayon ay tila musika na kumikiliti sa cochlea ng aking tenga. Ilang buwan akong nagkukulong sa loob ng kwarto kapag weekends. Hindi gumigimik tulad ng dati, no video games, deactivated ang socmed at higit sa lahat, walang jowa.

Nangyari yon noong na-reject ako ni Karen. Ang babae na tipong hardest metal sa periodic table. Inabot na halos ng tatlong taon kong nililigawan pero olats pa din.

"Howell, hindi na tayo pwedeng mag-asal estudyante. Napaka-childish mo, playful and walang balak maging seryoso. Kelan mo balak magmature?"

Instant yung sakit sa dibdib. Gumuguhit. Tumunog ang alarm clock sa utak ko. Nagising. Natauhan. Magiging engineer ako! Pangako ko sa sarili.

Pinilit kong intindihin ang lessons na kinokopya ko lang dati. Bumili ako ng pinakamatalinong calculator. At sumali sa totoong group study, as in walang alak at walang balak. Kinalimutan ko muna ang tumikim ng beer, gin at vodka.


Magnum


People come and go ika nga kahit gaano pa kayo kaclose dati. Kadalasan ang una natin nakakalimutan ay iyong mga nilalamon ng kalungkutan. Tipong kahit sa social media ay nag-eemote o hindi nauubusan ng drama kahit sa nawawalang butones. Identified sila as toxic people.

Isa ako sa kanila. Toxic na taong tila may nakakahawang sakit. Hanggang sa natuto o nasanay na sigurong dumistansya sa tao.

Kanina matagal akong nakatitig sa memories na feed sa account ko. Hindi iyon tao. Isang larawan na nagpabago ng buhay ko-- Magnum ice cream.

Patay na dapat ako. Isa sa mga dinadalaw sa sementeryo at tinitirikan ng mga taong biglang nakakaalala sa akin o nagtaka kung bakit ako nagpakamatay.

"Pwede bang sa akin na lang yan? Kahit bayaran ko ng doble."

Masakit sa tenga noon ang subject na economics, pero kapag daw nakadinig ng salitang tila may bid price ang tawag doon ay elasticity. Turo iyon ng ex kong mahilig sa economics, sobrang daming demand.

"Ha? Hindi man sa pagdadamot pero nahirapan akong maghanap nito. Sold-out sa lahat.."

"Paano kung sabihin kong nasa bucket list ko yan para mabuhay? Nakakatawa pero seryoso ako."

"Nakakatawa talaga. Kasi nasa bucket list ko to bago mamatay."

"Seryoso?"

Seryoso."

"Anong kwento mo? Sarap kaya mabuhay."

"Oo masarap mabuhay kaya nga nandito ako ngayon sa Subic. Sabi nila masarap daw to, gusto ko sana tikman bago ako magpakalunod sa dagat."

"Hindi ko gets. Anong meron dito sa Subic?"

"Dati akong OFW. Nilamon ako ng kalungkutan doon, may isang random stranger na gaya mo ang nagpasaya sa akin. Umuwi sya dito tapos nawalan na kami ng contact. I-surprise ko sana sya. Kaso."

"Ikaw na nasurprise?" Tumango ako. "Dahil lang doon? Magpapakamatay ka na?"

"Alam mo magaling naman ang kahit sino magpayo. Pero kapag ang involve ay sarili, nabibingi, lutang ang utak at ayaw tumanggap. Sa dami ng pinagdaanan ko at pakikipaglaban sapat na siguro ang inilagi ko dito. Saka hindi naman ako nag-eexist. Dual sim ang phone ko pero kahit yung dalawang network hindi na nakaaalala magpadala ng message. Maglalangoy ako ng malayo, mag-iisip at pipikit. Ikaw anong sakit mo?"

"Wala akong sakit. Ang anak ko. Siya na lang ang kasama ko. Kapag nawala siya, patay na din ako. Sobrang saya ko kapag nakikita ko siyang nakangiti. Gusto niya yang ice cream kaso sobrang hirap naman hanapin."

"May kanya-kanya tayong struggle. Pwede tayong pumili ng to fight or to concede. Walang pwedeng magdikta para sa buhay natin. Hiram lang ang buhay at choice ko na kung isoli agad para magamit ng iba. Mapakinabangan."

"Pwede ba bago ka mamatay dalawin mo muna ang baby ko. Baka sya ang maging beneficiary ng buhay mo.."

Tunay ngang mapaglaro ang tadhana. Noong inakala kong talunan na ay sa huling baraha pa pala ako makakahanap ng jackpot.

"Tao po! May magandang babae ba sa loob?"

"Password?"

"Magnum ice cream."

"Pasok po. Papa!"

"Mommy mo? Masama pa ba ang pakiramdam?"

"May surprise daw sya sayo."

"Ano daw nak?"

"Hindi ko po alam. Pero may ipinatong sya sa dyan may ref, nakangiti noong may dalawang lines na lumitaw ."

-WAKAS-

Kaluluwa


Lumipas na ang araw ng mga patay. Tahimik na ulit ang lugar na minsang pinuno ng liwanag at maingay na nilalang.

A-uno ng nobyembre noon. Alas dos ng umaga. Bihirang pagkakataong makipag-usap ako sa mga tala habang nakahiga sa damuhan. Nandoon ako upang dalawin ang aking mga kamag-anak na minsan ko lamang nakausap. Buhay man o patay.

Umihip ang hangin. Nakakatawa ang reaksyon ng aking mga pinsan habang tinatakot ang kanilang mga sarili. Pilit silang nagkukuwentuhan ng mga bagay na may kinalaman sa multo. Sa kaluluwa.

Tinanong nila ako. "Ikaw pinsan?"

"Oo nga." Sundot pa ni Juls.

"Ano?" tanong ko.

"Magkwento ka!" Bulyaw ni Edriz.

"Hindi ako mahilig sa ganyan. Isa pa, nasa paligid lang ang mga patay. Isipin nyo na lang na bumangon lahat 'yan."

"Pero mas okay kung nakakatakot ang delivery," si Ebrin.

"Mas nakakatakot mas okay!"

Iginalaw ko ang aking balikat at nagbigay ng karampot na ngiti. "Ang mga kamag-anak natin, tinatawaan tayo ngayon. Bakit daw noong buhay pa sila hindi naman tayo dumadalaw? Tapos mamamatay na daw ang iniikutan nila sa ulo ngayon."

"Grabe naman yon. Wag ganun insan."

Lumipas na ang araw ng mga patay. Tahimik na ulit ang lugar na minsang pinuno ng liwanag at maingay na nilalang.

A-singko. Bumalik ako ngayon. Dinalaw ko ang puntod ni Ebrin. "Kwentuhan ulit tayo?" alok ko sa kanya.

- wakas-

Dito


"San ka pupunta?" tanong ko kay Teny habang nagmamadaling lumakad at kinukusot ang mata.

"Ewan. Kung saan dalhin ng paa."

"Mukhang mabigat yan. Kwento mo na makikinig ako." Ilang taon din ang pinagsamahan namin ni Teny kaya alam ko ang likaw ng bituka niya kapag badtrip.

"Ngayon pa? Gusto ko mapag-isa. Maglaho kahit isang araw lang. Lugar na ako lang. Kahit hayop wala. Gusto kong umiyak hanggang mapangiti na lang. Gusto kong sumigaw hanggang maging bulong. Tumawa habang lumuluha. Lumipad. Gumapang. Di ko alam ang gusto ko. Gusto ko lang maging ako. "

"Akyat ka ng bundok. Pumunta ka sa dagat."

"Alam mo yan ang ayaw ko. Yung dinidiktahan. Parang alam nila kung ano tama saken. Wala bang karapatan magkamali?"

Gusto ko sana sabihin na handa ako makinig. Ibato nya lang. Tengang gustong makinig. Walang judgement. Walang advice. To let it out lang.

"Gusto kong maging ako. Nung tayo pa. At noong ako na lang.. Kinaya ko naman."

- wakas-

Thunderstorm


Nawalan kami ng kuryente dahil sa lakas ng pinagsamang ulan, hangin, kulog at kidlat. Lalabas pa naman sana ako para bumili ng yelo. Pero ibinigay na iyon ng langit. Lakas ko naman kay Lord. Lovelife naman po, please???

Literal na may bumagsak na yelo o hail mula sa madilim na ulap. Pero maalat-alat at may halong pait parang luha ng olats sa pag-ibig. Naks!

Ako lang yata ang nakakaappreciate ng kulog at kidlat. Kahit may takot pero amazing. Noong kasing nasa ilalim ako ng isang dark cloud o lowest point of my life ay napakadilim ng buhay ko na sumagi sa isip ko na wala. End of the line na. What is the purpose of living? And ang tao sa paligid keeps on judging. Ang mga kaibigan avoid nega na tao. Bad vibes ika nga. Basta ganun tapos biglang kumulog at kidlat. Yung dilim biglang lumiwanag. Nagparamdam talaga. Labo di ba? But. Demo. Pero. Para sa akin yung kulog ang panggising tapos yung kidlat ay remider na "Hey! Gaano man ka dilim yan panigurado may sisilip na liwanag. Manipis man o mabilis, grab it!" Amazing 'di ba? Nakausap ko ang kidlat. Kaya yun, i found something from akala ko na nothing.

Pero dito sa hail ako dihens bilib. Kumbaga sa tao ito yung plastik. Maganda lang tingnan pero back stabber.

Sabi ng tropa ko sa inuman, ang hail daw ay parang ulan na nagperya tapos sumakay sa ferris wheel ng comulu-nimbus clouds. Kumbaga paikot-ikot sa ulap dala ng hanging pababa at pataas kaya 'yun naging yelo. Kapag nagsawa na sa trip ay babagsak na sa lupa. Since di naman usual ang ganun sa pinas, talagang cool at enjoy. Pero wag ka kapag pala may hail may kasunod na buhawi! Scary! Di ko lang sure kung lasing na kami pero naniwala ako kasi ang henyo pakinggan.

Naalala ko noong teenager pa ako basta ganitong madilim, may kulog at kidlat ay hawak ko na agad ang aking alaga. Hinihimas. Matik na. Nature na siguro ng aso yun na sumiksik o magtago sa mesa.

Pero ngayon iba na. Wala na akong hilig sa hayop.

"Ang scary ng kidlat!" Si crush. Okay din tong messenger wala na puhunan. Dati kasi inis na inis pa ako kay Manang sa tagal magload. Baka makatulog na si crush o may gawin na.

"Puntahan kita. Atapang atao to." Sagot ko agad agad.

"Yaw ko. Mas scary yang balak mo."

Yun lang.

- WAKAS-

Tata Aldeng


Putok ang balitang may gumagalang aswang sa baryo namin. Ilang hayop ang nangamatay sa hindi malaman na dahilan. Walang epidemyang natukoy ang munisipyo at hindi kinakitaan ng pananamlay ang mga hayop bago namatay.

Ang labis na ipinagtataka ng mga tao ay ang pangungupis ng katawan at maliit na kagat sa ilang parte ng katawan ng kanilang alaga. Tila ba hinigop ang laman o dugo. Nabuo tuloy ang kwento ng aswang. Meron may ilang hindi sang-ayon dahil baka dulot iyon ng mga makamandag na insekto.

Ang bulungan ay si Tata Aldeng ang aswang. Una, pambihira ang lakas nito sa kabila ng edad na higit kumulang sa sitenta. Hindi nabalitaan na ito ay nagkasakit. Kaya pa nitong hilahin ang mga alagang baka kahit dambuhala na sa laki. Pangalawa ay madalas na paglabas nito sa gabi. May ilaw na nakikita na palayo at palapit sa kanyang kubo. Pangatlo, ay ang sariwang dugong napansin sa kanyang damit noong makasalubong siya ng anak ng magniniyog. Nakapagtataka daw ang ikikilos ng matanda noong mga nakaraan araw.

Hinusgahan ang matanda dahil sa hindi nito pakikisalamuha at matalim nitong mga mata. Ang matagal nitong pag-iisa sa kubo ay dahil daw sa kanyang sekreto.

"Magandang araw po, pinapunta po ako dito ni Kapitan," wika ko kay Tata Aldeng. "Nadadalas daw po ang paglabas ninyo sa disoras ng gabi. Pinag-iingat po kayo dahil maaring may mabangis o makamandag pong hayop sa ating lugar."

"Huwag kamo akong alalahanin. Malakas pa ako sa sampung toro."

"Ano po ba dahilan at lumabas kayo ng gabi halip na magpahinga?"

"Hindi mabangis na hayop ang nasa ating lugar. Kundi aswang."

Napangiti ako na tila may panunuya. "Naniniwala po kayo sa mga sabi-sabi sa ating lugar? Progreso na po ang panahon. Matandang paniniwala na ang aswang." Nakalimutan kong matanda ang aking kausap. Sila nga pala ang madaling maniwala sa milagro, engkanto at aswang.

"Bakit naman hindi? Saksi ang mga magulang ko sa nangyari noon sa bayan na ito. Sa una hayop lamang ang biktima. Kapag hindi na kayang punan ang sikmura ay tao naman."

Matandang kwento na ang tinuran ni Tata Alden. Panakot sa mga bata ang mga kwento para matulog ng maaga. Nag-aksaya lamang ako ng panahon. "Ganoon po ba? Mukhang marami pong hayop dito, ingatan nyo pong mabuti at baka maligaw dito. Iwasan nyo na lang po lumabas ng gabi. Sa araw nyo na lamang gawin."

"Pinaghalong dugo ng hayop, dagta ng damo, halaman at langis ang isinaboy ko sa paligid ng bukid. Mabisa kung sa gabi ito gagawin. Mabango iyon sa aswang pero lason sa kanilang katawan. Mapapatay ako ng asawang ngunit hindi iyon makalalabas ng aking kabukiran."

"Mauuna na po ako."

"Sige 'toy! Salamat sa dalaw. Matagal na akong walang bisita. Nga pala, pakihatak na lamang ng lubid sa tarangkahan para manatiling bukas ang daan papasok dito sa bukid at matuksong pumasok ang aswang. Isa iyong trap door, sumasara kapag natatapakan ang tulay na kawayan."

Napailing na lamang ako sa matanda. Una sa paniniwala nito sa aswang kahit siya ang pinagduduhan. Pangalawa ay hindi ko alam kung paano ako makalalabas ng kabukiran.

- wakas-

Bagyo


Walang pasok deklara ni Mayor! Olryt! Pwede ang unli-tulog at toma kung may sponsor o bente ang ambagan. Noong nakaraan nga sabi ng ate ko nakahanap daw ako ng forever. Nagcheck-in ako sa kubeta at magdamag ko daw yakap ang inodoro.

Masaya talaga ako kapag maulan syempre hindi sa bagyo. Ito yung oras na pupusuan ko lahat ng picture ni crush.

Ang saya lang kapag ganitong maulan!

Ito na nga si Joram mukhang lalaban ng marathon sa pagtakbo. "Fight na!"

"Pre peram ulit ng timba at batya."

"Sige lang! Maglalaba ka ulit e anlakas ng ulan. Toma na lang!"

"Hindi 'tol, baha na sa loob ng bahay. Baka may tarpulin kayo dyan, basang basa na si lolo walang mapwestuhan."

-wakas-

Buwan


Kanina kausap ko ang buwan at hindi ang puting ilaw. Sabi ko hindi multo si Camilla tulad ng inakala ng iba.

Tinanong ko ang buwan kung sino pa ang mga taong nakatingin ngayon sa kanya. Madami ba? Baka naman?! Sana sa milyong tao ay may nakalaan sa akin. Hindi naman ako choosy. Mas okay nga yung di na naniniwala sa pag-big para magkaroon sila panibagong perspective. Yung nasaktan o duguan na upang maramdaman niyang nandito yung nakalaan sayo at naghihintay lang. Buwan, meron bang malapit para tipid sa pamasahe?

Buwan, alam kong isa kang lamang na nakalutang na bato. Yung nga yun e. Bato tapos nakalutang, hindi pa ba magic yun? Parang love--mahiwaga.

Tumingin ako katapat naming bahay. Nakangiti si Martina sa akin. Nakatingin din pala sya sa buwan. Kumindat. Isinara ang bintana kasunod ang silhoutte ng pagyakap ng isang lalaki.

Alam na this. Ilan kaya ang nagsasalo ngayon sa ilalim ng buwan at patay na ilaw?

Buwan hanggang kailan ko sasabihin ang "Sana oil."

-WAKAS-

Tug of War


Nakatitig ako sa mahabang lubid. Hindi nakatulong ang bandana sa ulo upang pigilan ang pagtulo ng pawis.

"Pre si Tonet!"

"Wag kayong maingay. Nakakahiya. Sekreto lang!"

"Pramis pare atin-atin lang. Kaw pa!"

Andoon sya sa kabila. Eye on the prize.

"Isa. Dalawa! " Sigaw ko.
Putok na ang ugat ko braso.

"Tatlo. Bitaw!" sigaw nilang lahat. Anong nangyari? Wala iyon sa plano. Sayang ang premyo!

Pero....

"Ganito pala ang pakiramdam ng nahulog sayo," sambit ko habang nakadagan ako sa kanya.

Kulungan


Tumakas ako sa kulungan. Kanina.

Masalimuot. Masikip. Ni hindi makahinga. Sa loob ng mahabang panahon ay pagtitiis ang tanging pinanghahawakan na may buhay pa pagkatapos nito. Na may pagbabago nga tulad ng mga pangako at kwentong naisulat nang karanasan ng iba.

Ngunit hindi ko na kaya. Tumakas ako.
Bago pa malibing sa hukay na walang lapida. Malimutan na bughaw ang langit. Na ang buhay ay hindi lamang tungkol sa paghinga o paggising sa umaga.

Hindi ko na hihintaying lumaya. Paglayang puno ng hinanakit at kawalan ng pag-asa. Buo na ang aking loob. Habang may pagkakataon. At may natitira pang hininga.

Tumakas ako. Sa nilikha nitong sugat. Sa markang iginuhit sa balat. Sa bisyong una pang papatay sa akin.
Sa kulungang walang gwardya.
Walang kandado.
Walang rehas.

Tumakas ako.
Sa kulungan.
Na inakala ko noon na pag-ibig.

Napakasaya.

Puno ng Atis


Hindi maalis sa isip ni Russ ang nangyari sa ibong dumapo sa sanga ng atis. Matapos nitong makipaglaban sa bugso ng hangin ay tila isang paraiso ang hatid ng puno. Hitik sa bunga at animo ay wala pang ibong nakadiskubre.

Pagod mula sa trabaho si Russ. Tila bagyo ang dinaanan niya buong araw. Ni hindi nya nasilip sa salamin ang buhok kung nasa ayos pa. Kasama naman sa kahit anong trabaho ang pressure, iyon ang nakatanim sa isip nya. Schedule ng pagbisita ng Unit Head. Sinigurado niyang nasa ayos ang lahat.

"Excellent job! Keep it up Sam!" wika ng Bossing. "Soon, ikaw na ang irekomenda ko!"

Hindi maalis sa isip ni Russ ang ibong dumapo sa atis na hitik ng bunga matapos itong lunukin ng sawa.

-wakas-