Kung dati ay ingay ang turing ko sa tawanan sa labas ngayon ay tila musika na kumikiliti sa cochlea ng aking tenga. Ilang buwan akong nagkukulong sa loob ng kwarto kapag weekends. Hindi gumigimik tulad ng dati, no video games, deactivated ang socmed at higit sa lahat, walang jowa.
Nangyari yon noong na-reject ako ni Karen. Ang babae na tipong hardest metal sa periodic table. Inabot na halos ng tatlong taon kong nililigawan pero olats pa din.
"Howell, hindi na tayo pwedeng mag-asal estudyante. Napaka-childish mo, playful and walang balak maging seryoso. Kelan mo balak magmature?"
Instant yung sakit sa dibdib. Gumuguhit. Tumunog ang alarm clock sa utak ko. Nagising. Natauhan. Magiging engineer ako! Pangako ko sa sarili.
Pinilit kong intindihin ang lessons na kinokopya ko lang dati. Bumili ako ng pinakamatalinong calculator. At sumali sa totoong group study, as in walang alak at walang balak. Kinalimutan ko muna ang tumikim ng beer, gin at vodka.
"Karen!" Tuloy lang ang lakad niya. "Papasa ako sa board. Pangarap ko 'to. Magiging engineer ako. Tayo. Nasa kamay ko pagpasa. Pero ang isa kong pangarap nasa kamay mo!" sigaw ko.
"Pwede huwag kang maingay."
Hindi ko namalayan ay nasa harap na kami ng St Jude. Mahaba na pala ang aming nilakad na hindi man lang nag-uusap.
"Lord sana pumasa ako sa board exam. Saka doon sa babaeng nasa aking tagiliran."
"Umayos ka!" Kasunod ang tadyak sa aking paa. "Pumasa ka dahil kailangan. Nagpagod ka na din lang."
Minsan pasa pero madalas bagsak ako sa mga post lecture at comprehensive exam. Lugaw! Inaral, binasa at inintindi pero hindi ko na maabsorb. Naiintindahan ko na kung bakit madami nadedepress after boards. Hindi biro. Uubusin lahat ng laman ng utak. Tutunawin ang laman ng sikmura at higit sa lahat, ipagdadamot ang tulog.
Turo ng lecturer dapat ay act proton, always positive. Kung pumalya dapat tuloy lang. Wag mag-entertain ng thought na baka hindi pumasa. Kaya nga daw nagrereview ay upang maging engineer at never naging option ang bumagsak. Do your best. Set goals. Wag isipin kung para kanino ka bumangon kundi kung kanino ka natutulog dahil bangag pa paggising.
Kahit dehins akong pumasa kay Karen hindi naman nawala ang pagbuntot ko sa kanya. Hindi naman bawal. Basta don't expext daw. Okay na to. Babakuran ko na baka masilat pa ng iba. Kung hindi man s'ya mapunta sa akin e okay lang. Dadaanin ko na lang sa dasal. Baka naman, pwede kami na lang.
Yun nga lang madalas ay kargador ako ng nga books niya. Mas mabigat pa yata sa kanya. Kapag sumusulyap ako sa kanya, nakaumang agad ang ballpen nya, mananasak anytime ang amazona.
"Mata mo? Concentrate."
"Kumukuha lang ng inspiration," wika ko.
"Calculus pa lang ligwak na. Paano pa sa iba? Kalokohan lang kasi inaatupag mo."
"Ang calculus ay study ng change di ba? Ehem, parang ako. Magbabago para sayo."
At yun nga ang nangyari. Puspos ako ng aral kahit discouraging na. Gusto kong may mapatunayan. Piniga ko ang natitirang hormones sa utak ko hanggang sa dugo na ang lumalabas. Literal.
Natuto akong magseryoso kay Karen. Utang ko lahat sa kanya. Kaso hindi ko mapigilan mag-care kahit ayaw niya. Mga simpleng bagay para mapawi ng konti ang pagod niya. Papaypayan kung papawisan, ibibili ng inumin kapag babad sa aral at minsan ko na din binuhat papasok ng CR. Saw her frown, smile and celebrate lalo na kapag tama ang sagot niya sa exams habang ako ay nakatititig sa milya milya kong sagot.
Kanina lumabas na ang resulta. Magkahalong kaba at excitement. Dalawang beses yata akong tumae na walang lumabas. Puro hangin. Hindi ko muna sinilip. Tumakbo ako sa gate ng bahay nina Karen mas mabilis pa sa spaceship. Kita ko silang lumulundag. Ang ulo ni tita bumara na sa kisame. Nagcecelebrate.
Ako kaya? Pikit matang kong sinilip. Sakto! Hang ang phone. May thrill. Pasa! Whirlwind pwede na ako mag-asawa! Sa sobrang tuwa ko ay inilibre ko ng ice cream yung dumaan na magsosorbetes. Umapir pa ako sa kanya tapos tapik sa pwet!
"Karen! Pumasa na ako!" sigaw ko mula sa labas. "Sayo na lang hindi. Sabihin mo lang kung may exam akong dapat sagutan. Board exam nga hindi ko sinukuan, happiness pa kaya?"
Si Karen ay tila hardest metal sa periodic table. Siguro Tungsten. Pinakamataas ang boiling at melting point. Hindi napipikon. Lalong hindi na tutunaw sa tingin. Pero kung makukuha ang formula at kiliti nagiging brittle. Rumurupok.
"Pwede huwag kang maingay, kinikilig na kasi ako. Pwede na daw ako magboyfriend sabi ni Mama." Binuksan ni Karen ang gate." Pasok ka,"
wika niya habang senesenyas ang puso niya.
WAKAS