Skinpress Rss

Tricycle: Revenge, Lies and Love (Chapter 11)






Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10


XI. Betrayal

Dinakip sina Luis at Jo-Anne. Nagawa pang manlaban ni Luis subalit lubhang napakarami ng mga kalaban para makakilos agad. Piniringan muna silang dalawa saka isinakay sa van. Dahil sa kaingayan ni Jo-Anne ay binusalan siya ng isa sa mga kidnapper.

'Anong pakay nyo sa amin?'

'Tinatanong pa ba ang bagay na iyon bata?' sagot ng isa sa mga kidnapper na ipinalagay ni Luis na pinuno ng grupo. 'Ang santo niño. Ang totoong itim na santo niño!'

'Wala pa sa akin. Hindi ko pa ito nahahanap,' pag-amin ni Luis.

'Sa palagay mo maniniwala kami?'

'Hindi ko kayo pipiliting maniwala pero iyon ang totoo!' diin ni Luis. Kibit-balikat naman ang isinukli ng kausap.


Mahigit dalawa't kalahating oras din ang itinagal ng byahe. Pinakiramda ni Luis ang kalagayan ni Jo-Anne. Nagtatalo ang damdamin niya para sa babae lalo pa't pakiramdam niya ay napaglaruan siya. Nagsasabi nga ba ito ng totoo o isa ito sa mga kalaban.


'Boss nandito na sila. Nahuli na nila si Luis at may kasama pang babae.'

'Babae?' pagtataka ng lalaking na kasalukuyang nanonood ng TV. Ang utos niya ay si Luis lang ang dakpin kaya nagtataka ito. 'Dalahin sila dito.' Tumalikod ang lalaki matapos ang utos.


Itinulak papasok ng kwarto sina Luis. Kapwa nakatali ang kanilang braso kaya hindi nila kayang manlaban o depensahan ang sarili. Tinanggal ng isa sa mga bantay ang kanilang piring. Nasilaw sa liwanag ang dalawa dahil sa matagal na pagkakatakip ng mga mata. Makailang ulit na kumarap si Luis para maging pamilyar sa lugar, bagay na madalas niyang ginagawa kapag nasa panganib para madaling makatakas kung may pagkakataon.


'Kamusta Luis. Matagal tayong hindi nagkita,' wika ng lalaki. Nakatalikod ito at may kalakihan ang sandalan ng upuan nito kaya hindi makita ni Luis ang taong nangungumusta sa kanya.

'Sino ka? Bakit mo ako kilala?' usisa niya sa lalaki. Tinapunan ni Luis ng tingin si Jo-Anne, wari ay humihingi ng ideya kung sino ang taong iyon. Iling lang ang naisagot ng babae.

'Bilis mo naman makalimot mahal kong kaibigan. May kasama ka pa pala. Hindi na ako magtatanong kung sino siya dahil minsan ko na kayong nasubaybayan sa may ilog at dinurog nito ang puso ko.'

'Marco?!! Nagulantang si Jo-Anne. 'Buhay ka?'

Tumayo ang lalaki at dahan-dahang lumapit sa dalawa. 'Hindi ko akalain pagtataksilan mo ako aking mahal.' Naglakad paikot si Marco kay Jo-Anne. Idinikit niya ang kanyang bibig sa tenga ng kasintahan. 'Oo. Buhay ako taksil!'

'Hindi kita pinagtaksilan! Ang alam ko ay patay ka na. Kayo ni Ate Gemma.'

'Paanong?! Natatandaan kong kasama ka sa pagguho ng mga bato sa bundok.' singit ni Luis.

'Akala ko pa naman matalino ka Luis. Sabihin na natin parte ito ang isang laro. Ikaw ang taya, ako ang nagtatago at si Cielo' Tumingin si Marco kay Jo-Anne.' Na si Gemma sa totoong buhay ay instrumento ko lamang para makagtago ng maayos.'

'Walanghiya ka! Pinatay mo si Cielo!' sigaw ni Luis. Akmang susugurin ni Luis si Marco subalit napigilan siya ng mga tauhan ni Marco. Naluha naman si Jo-Anne, hindi siya makapaniwala na magagawang patayin ni Marco sa kapatid niya.

'Hindi ka ba masaya? Dumaan sa palad mo ang magkapatid?' mapanukso at sarkastikong reaksyon ni Marco.

'Bakit mo kailangan pang idamay si Ate? Hindi kita maintindihan Marco!' Bumagsak ng luha ni Jo-Anne. Napaluhod ito sa tindi ng sakit na nararamdaman.

'Dahil sa Black Child. Ako ang nag-aksaya ng panahon para hanapin ang researcher nito. Hindi ko matanggap na ibibigay ni Arden ang misyon kay Luis. Ayokong manatiling nasa anino ng lalaking ito! Kaya kung siya ang gagawa ng misyon gusto kong ako ang aani nito.' Idinuro ni Marco ang mukha ni Luis.

'Hindi! Ikaw din ang pumatay...' Hindi na nagawa pang tapusin ni Jo-Anne ang sasabihin.

'Ako nga! Nagkataong ikaw ang researcher ng black child kaya pati pamilya mo nadamay. Kung hindi kayo nagmatigas malamang buhay pa sila ngayon!'

Labis ang galit ni Luis. Masahol pa sa demonyo si Marco. Sa isip niya, kailangan niyang makaisip ng paraan para makatakas at makaganti. Pero paano?

'Hindi ako makapaniwalang magagawa mo ang lahat ng ito. Sobrang laki ng tiwala ko sa'yo,' panghihinayang ni Luis.

'Hindi na ito ang oras ng drama. Maglaro na ulit tayo. Buhay o ang black child?'

'Hindi ko maunawaan kung anong mayroon sa black child at masyadong maraming naghahangad.'

'Hindi mo na kailangang malaman. Pumili ka na lang.'

'Wala akong pakialam sa black child kaya gugustuhin kong mabuhay. Pero paano ako makakasiguradong tutupad kayo?' paninigurado ni Luis.

'Nice choice. Kapag nasa akin na ang black child hahayaan ko kayong makalayo.'

'Wala pa sa akin ang black child pero alam ko kung saan nakatago ito.'

'Hindi ako nakikipaglokohan.'

'Hindi rin ako. Nasa katawan ng replika ang mapa. Makikita mo doon kung saan nakatago ang santo niño.'

'Talaga lang ha. Kunin ang replika!' utos ni Marco sa tauhan.

Makalipas ang ilang minuto ay dumating ang tauhan ni Marco. Ilang beses tinitigan at inikot-ikot ni Marco ang replika pero wala itong nakitang mapa.

'Kahit ilang beses mong iikot ang replika hindi mo makikita ang mapa.' tumawa si Luis.

'Gusto mo na bang mamatay ngayon? Akala ko ba nasa imaheng ito ang mapa.'

'Tanging sinag na araw sa dapit-hapon ang magpapalantad ng mapa. Espesyal na pinta ang ginamit dito kaya hindi ito makikita ng mata. Kailangan mo itong patamaan ng liwanag ng araw sa dapit-hapon para lumitaw ang mapa.' singit at paglalahad ni Jo-Anne sa sekreto ng replika.

'Pinahanga mo talaga ako. Parehong prinsipyo kung paano itinago ito sa mga bato.' nakangiting sabi ni Marco.

'Tama. Kapag nakita mo na ang mapa, siguro naman ay tutupad ka na sa usapan.'

'Kailangan ko munang makasigurado.' Ngiting aso si Marco. 'Ikulong sila!' agad kumilos ang tauhan ni Marco.

'Tumupad ka sa usapan Marco!!!' sigaw ni Luis.

'Maghihintay tayo ng hapon para makita ang mapa patayin sila kapag nasa kamay natin ang black child.' Tumango ang kausap.

itutuloy....