Skinpress Rss

The Death of Mr. President (end)


chapter 1
chapter 2
chapter 3
chapter 4

BREAKING NEWS!!!
Presidente: NAPATAY!!
Malacanang Pinasabog!!!
President shot dead in Tagaytay!!!
Pagsabog yumanig sa palasyo!!! Presidente dedo: Terorista o Pulitika?
President Suarez, Assassinated in Tagaytay!!!


Nagpatawag ng conference ang pumalit na presidente matapos maibalita ni General Perez ang resulta ng imbestigasyon ni Paolo. Pinatawag niya ang ilang member ng media. Sinundo agad ng mga tauhan ni general si Paolo sa Tagaytay kasama ang mga bodyguard ng napatay na pangulo kasama ang mga katiwala nito.

Sa sasakyan, nakapako ang mata ni Paolo sa dating kasamahang si Alex. Malaki nga naman ang pakinabang ni Paolo sa pagkamatay ng presidente samantalang ang mga kasamahan niya ay nanatiling mahirap at ang iba ay nasa kulangan pa.

Sa Malacañang, sinalubong si Paolo nina General Perez at ni Presidente Verzosa.

'General, Sir, maari ko ba kayong makausap muna ng masinsinan bago natin simulan ang conference?' pakiusap ni Paolo.

Humarap ang heneral sa presidente bilang paghingi ng permiso. 'Sige. Mukhang may bumabagabag sa'yo e,' puna ng heneral. Pumasok ang tatlo sa pansamantalang opisina ng pangulo.

'General, naisip ko na hindi na lang tanggapin ang pera.'

Natigilan ang dalawa sa sinabi ni Paolo. 'Sigurado ka Llanes?'

'May kapalit ang pagtanggi ko General.'

'Kung hindi mahirap, pagbibigyan ko.' sabat ng presidente.

'Kapalit ng pera ang kalayaan ng mga kasamahan kong nakakulong. Hindi iyon mahirap kung tutuusin kasi akong ngang pinuno napalaya sila pa kaya. Kung pwede sana.'

'Kung hindi pagbigyan anong plano mo?'

'Ikulong niyo ulit ako!' Matigas na sambit ni Paolo. Sa ganitong paraan maiiba ang tingin sa kanya ni Alex at matutulungan pa niya ang mga nakakulong na kasamahan.

'Parang mahirap iyan. Pag-aaralan ko muna Llanes.' Tumayo ang Heneral.

'Sige payag ako! Gusto ko malaman na ang resulta ng kaso at mawala na ang haka-hakang ako ang pumatay sa dating presidente.' mabilis na desisyon ng presidente.

'Pero Sir-' gulat ang heneral sa mabilis na desisyon ng presidente.

'Wala ng pero-pero. Llanes, hindi mabilisang makakalabas ang kasamahan mo. Siguro paisa-isa, iyong may mababang kasalanan muna.'

Ngumiti si Paolo at nakangiting lumabas ng kwarto.

Ilang sandali pa ay pumunta na sila sa conference area. Halos nasasabik ang media sa isisiwalat ni Paolo.

Sa hiling ng heneral, muling inilabas ang mga ebidensiya na magtuturo sa kriminal. Naiiyak pa ang mga katiwala ng dating pangulo ng makita ang ilang personal na gamit nito. Nasa conference din si Mrs. Suarez na halatang may pagkaasar pa sa dating Marine.

Matapos ang speech ng pangulo, kay Paolo natuon ang atensyon ng lahat.

'Simulan mo na Llanes.' utos ng heneral. Halos magkagulo ang media para makunan ng picture si Llanes.

'Ang presidente ang nagpasabog ng Malacañang.' Umugong ang bulung-bulungan.

'Paanong nangyaring ang pangulo?' tanong ng isa sa media.

'Naloloko ka na ba? Nasa Tagaytay ang pangulo.' tanong ng isa pa. Marami pang nagtanong pero isinara ni Paolo ang kanyang pandinig.

'Patatapusin nyo ba ako o magtatanong na lang kayo?!' sigaw ni Paolo sa media. Natahimik ang lahat.

'Pakiusap tumahik muna. Bukas ang pintuan sa hindi makapigil. Maaring lumabas.' wika ng isa sa mga bantay.

'Maraming dahilan kung bakit nya ginawa. Maraming nangyari siguro na hindi niya nakayanan. Una, ang sunod-sunod na pagpapabagsak sa kanya, pangalawa, ang kasong kinasasangkutan niya at ang huli at nagpagrabe ay ang problema sa pamilya.' Nagtinginan ang lahat kay Mrs. Suarez. 'Hindi ko na idedetalye ang problemang iyon dahil may usapan kami ng dating unang ginang na magiging lalaki ako.'

Nagwalk-out si Mrs. Suarez kasunod niya ilang media.

'Ipaliwanag mo muna ang pagsabog ng palasyo Paolo.' singit ng heneral.

Nagpatuloy si Paolo. 'Noong una akala ko ay may isang sumabotahe sa pangulo at naset ang pagsabog sa 10pm para bulabugin ang presidente. At kung lalabas siya ng kwarto ay saka babarilin. Umalis ang pangulo ng mas maaga dahil sa pagtatalo nila ng kanyang asawa kaya nabigo ang plano. Kaya naisipang sundan sa Tagaytay at doon barilin. Pero mali pala ang una kong hinala.'

Tinawag ni Paolo ang isa sa mga bodyguard ng pangulo at ang isang katiwala.

'Ah manong nasaan kayo at pangulo noong maganap ang pagsabog?' tanong ni Paolo sa matanda.

'Tulad ng sinabi ko sa iyo. Nasa lobby kaming lahat at nagkakatuan.' sagot ng matanda.

'Oo nga. Kaya imposibleng siya ang magpasabog.' sabat ni Reynoso, isa sa mga bodyguard.

'Ikaw, Reynoso, anong ginagawa mo noong oras na iyon?'

'Nanonood ng TV.' mabilis na sagot.

'Anong inuutos niya sa iyo?'

'Wala naman. Nakaupo lang ako noon.'

'Sabi ni manong nagustuhan daw ng pangulo ang lyrics ng pinapanood ninyong MTV. May inutos ba siya o sinabi sayo?'

'Wala talaga. Sinabi lang niya na lakasan ko ang volume. Tapos nakikanta na siya.'

'Tumpak! Pinalakasan niya ang volume.' Inilabas ni Paolo ang remote control. 'Tampered ang remote na ito. Ginawang detonator ng bomba ito.' Binuksan ni Paolo ang remote.

'Llanes, masyadong malayo ang Malacañang at Tagaytay para makapagtransmit iyan ng signal,' duda ng heneral.

'Huwag nating maliitin ang kakayahan ng pangulo. Dati siyang sundalo at eksperto sa explosives.' si Paolo.

'Sige magpatuloy ka,' ang heneral.

'Makikita sa loob ng remote ang piraso ng cellphone board. Alam na siguro ninyo kung paano natrigger ang pagsabog. Noong pinindot ang remote, nadial ang number ng cellphone na nakadikit sa bomba na itinago niya sa kanyang opisina.'

'Pero bakit hindi naman sumabog ang Malacañang noong pinaglalaruan ko pa ang remote?' tanong ni Reynoso.

'Magandang punto. Sa palagay mo bakit niya inutos sa iyo kesa sa siya na ang nagpalakas ng volume?'

'Malabo kasi ang mata niya.'

'Ganoon ba? Ikaw ba ang may hawak ng remote noon?'

'Oo.' 'Hindi ka ba tumayo?'

'Noong dumating lang ang presidente sa lobby kailangan namin sumaludo siyempre.'

'Exactly. Hindi ka makakasaludo ng may hawak na remote. Noong binitawan mo ang control ng TV nagawa niyang pagpalitin ang remote na hawak mo noon at ang remote na dala niya.' Ipinakita ni Paolo ang isa pang remote na kamukha ng naunang ipinakita niya.' Natagpuan ko ang remote na ito sa tubig sa may fountain.'

'Ano namang motibo ng presidente para pasabugin ang Malacañang?' usisa ng heneral.

'Para pagtakpan ang kanyang suicide.' Mas malakas ang naging bulungan. Kanya-kanya ulit tanong. Galit ang mga kaalyado ng pangulo sa narinig nila. Isa nga namang malaking kasiraan.

'Ipagpatuloy mo Llanes.' Naging interesado na ang heneral sa mga sinasabi ni Paolo. Sa isip-isip niya malaki ang kikitain ng Agency niya dahil na din sa pagtanggi ni Paolo sa pera.

Inilabas ni Paolo ang ilang pictures. 'Ito ang view kapag nasa third floor ka.' Ipinakita ni Paolo ang picture sa lahat matapos ay iniabot sa heneral. Mula sa may terrace, walang makita dahil nahaharangan ito ng malaking puno. 'Ito naman kung nakadapa ka.' Sa pagitan ng dalawang sanga, makikita ang fountain kung saan nakitang patay ang pangulo.

'Then?' sabik na tanong ng heneral.

'General, sinabi mo na ikaw ang tumawag sa pangulo para ibalita ang pagsabog ng Malacañang.'

'Oo ako nga pero hindi ko siya nakausap.' sagot nito sa tanong ni Paolo.

'Ginamit niya ang pagsabog para hintayin na may tumawag sa kanya. Sa ganitong paraan maari niyang idahilan ang mahinang signal ng kanyang telepono para makalabas siya ng resthouse. Noong nasa labas na siya saka naman niya pinasabog ang third floor.'

'Paano niya magagawa iyon kung patay na siya o kaya naman paano pa niya mababaril ang sarili? singit ng bagong presidente.

Tumayo si Paolo mula sa kanyang kinauupuan. Kinuha ang baril na ginamit sa pagpatay. 'Pansinin ninyo ang dumi sa baril?' Iniabot ni Paolo ang baril sa pangulo matapos ay sa heneral.

'Wala naman kakaiba.'

'Wala nga bagkus ay may pagkakahawig sa duming bumabalot sa corona wire na nagpuna ko sa may balustre ng third floor.' Sinunog ni Paolo ang corona wire.

'Amoy sunog na goma.' wika ng matandang katiwala.

'Tama.' Bumalik ang dating Marine sa kanyang kinauupuan. 'Manong, madalas bang pumasyal ang pangulo sa may fountain?'

'Hindi naman. Siguro swerte na sa isang buwan.'

'Sa lawak ng hardin bakit sa fountain pa siya humanap ng signal, kung tutuusin nasa kalagitnaan na ito. Marami naman open space. ' Namangha ang karamihan sa pagpapaliwanag ni Paolo. ' Dahil ito lang ang tanging view na makikita sa third floor.'

'So paano nagsuicide ang pangulo?' usisa muli ng heneral.

'General, ginamit niya ang cellphone para pasabugin ang entrance ng third floor. Ginawa niyang excuse ang tawag mo para lumabas. Noong nasa fountain na siya, pinindot niya ng cellphone. Sumabog ang third floor. Naputol ang corona wire na pumipigil sa goma na nakabalot sa gantilyo ng baril. Naka-tripod ang baril at nakaipit ang paa nito sa may pinto ng terrace kaya hindi basta gagalaw sa pagsabog.'

Kinuha muli ng heneral ang baril. Kapansin-pansin nga dito ang ilang mantsa ng sunog na goma. Kuminang ang mata ng ganid na heneral. 'Malinaw na gusto niyang pagtakpan ang kamatayan niya sa labis na kahihiyan.'

==END=