Skinpress Rss

Lovelife ko?


Marami nagtatanong.
Maraming nag-uusisa.
Maraming gusto akong paaminin.

May lovelife daw ba ako? O kung nagkalovelife na ba ako? Kung may nagugustuhan ba ako?
May minamahal ako pero mas pinili "naming" isekreto. Para kami lang ang involve kung may problema. Hindi na kailangang madamay pa ang iba. Kadalasan, mapapangiti na lang kaming bigla dahil may mga bagay na nagpaalaala ng aming masasayang araw. Masayang "kami" lang . Nakakatuwang nauungusan namin ang problema na kami lang. Kaya mas pinili "naming" isekreto. Mas pinili "naming" hindi magkwento. Kaya nanatiling akong tahimik sa tanong na "sino ang mahal mo ngayon?"


Kilala mo ba si Shane? Malamang hindi ang isasagot mo. Iniusisa ang lovelife ko kung magbibigay naman ako naman ng pangalan hindi din naman kilala. Sige ikwento ko na.

Shane R. Villanueva. She's my girl. She occupied a tiny space in my heart pero kahit maliit ang nauukopa niya, spoiled siya sa loob nito. Malaya siyang nakakaikot sa lahat ng bakanteng pwesto. Siya lang kasi ang nandoon. Exclusive. VIP. Paminsan nararamdaman kong malikot siya kasi bumibilis ang tibok ng puso ko. Naisip ko nga, sumasayaw siya sa loob kaya ganun kabilis ang heart beat ko.

Siguro itatanong mo kung bakit siya ang pinili kong mahalin? Pero dapat siya ang tanungin mo kung bakit ako ang minahal niya? Wala namang special sa akin pero sa kanya madami. Kung isusulat ko nga sa pader malamang kahit ang great wall kukulangin.

Hindi ko matandaan kung paano niya ako nagustuhan. Inaamin ko, dinadaan ko ang lahat sa bolahan. Tsaka hindi ko kailangan magpaimpress kasi alam naman niya ang tunay kong ugali. Sa isang subdivision lang kasi kami nakatira at classmate ko ang kapatid niya kaya madalas ako sa bahay nila.

So interested ka na kung paano kami nagkaroon ng ganoon set-up? Nasa bahay nila ako. Napansin niya na madalas akong pumunta sa kusina tapos magtitimpla na ako ng kape. Hindi na sila naninibago kasi sanay na silang doon ako nagkakape kahit puno pa ang stock sa amin.

"Ilang beses kang nagkakape sa isang araw?" tanong ni Shane.

"Dati lima, simula mamaya anim na?' sagot ko habang hinahanap ang creamer.

"Bakit magiging anim na mamaya?' She handed the creamer.

"Dalawang beses akong magkape sa umaga, isa sa tanghali, isa sa hapon, isa sa gabi." Nagpasalamat ako matapos niyang iabot ang creamer.

"Lima pa lang iyon ah."

"Ang isa? Kapag kasama kita." Natawa siya sa sinabi ko tapos biglang natahimik. She blushed. Iniabot ko sa kanya ang isang tasa ng tinimpla kong kape at sinimulan namin magkwentuhan. As usual, nasagasaan ang lovelife kaya nagkaroon na kami ng bonding. Nag-open ako, ganun din siya.

Hindi ko akalain na simula iyon ng isang maganda samahan. We go crazy sa mga sumisikat na kanta. We danced all night. Then noong inabot kami ng ulan sa may gazebo, nagkarera ang kalokohan sa aking isipan. Naisipan ko ang gimik ng isa kong kaklase dati.

"Know what Shane, prone pala sa heart attack kapag magkasukat ang haba ng forehead hanggang chin at from left ear to right ear." Seryoso kong sinabi habang dinadangkal ko ang mukha ko.

"Really? Saan mo nalaman iyon?"

"Kanina. Lecture sa school ng NGO na concern sa heart related problem."

"Geez!"

"Sukatin ko sa iyo, para maging aware ka at maiwasan ang food na masyadong matataba."

"Sige!" Excited siya.

"May hanky ka ba dyan? Awkward naman kung dadangkalin ko ang mukha mo." Kunyari di ko alam na may dala siyang panyo.

Sinimulan kong sukatin ang haba mula noo hanggang baba niya. Seryoso ako, hindi dapat ako kabahan sa plano. Tapos tinandaan ko ang both ends. Isinunod ko ang tenga. Idinikit ko muna sa kanan, dahan dahang natakpan ang kanyang asul na mata tapos idinikit ko na ang panyo sa kaliwa niyang tenga.

Tinamaan na ako ng kaba. Natatakpan ng panyo ang kanyang mata. Unti-unti, idinikit ko ang labi ko sa lips niya. Tagumpay ang plano ko. Nakanakaw ako ng halik. Tumagal iyon ng ilang segudo saka ako tumakbo ng mabilis palabas ng gazebo kahit may kalakasan ang ulan.

Nagpapadyak siya na parang batang hindi ibinili ng ice cream. Ayaw na ayaw niyang naiisihan siya. Hinabol niya ako, di inalintana ang lakas ng ulan. Noong mapagod naupo kami sa damuhan. Garalgal na ang kanyang boses, halatang nilalamig. Dumikit ako sa kanya para maibsan ang lamig. She held my hand. My heart pumped. She put my finger sa lips niya and smiled.

We kissed once more. Hindi na nakaw. Hindi ako makapaniwala. May kuryenteng dumaloy sa aking katawan. Bliss. Napuno ng kaba ang dibdib ko. Inaamin ko, kahit expert ako sa bolahan, siya ang first kiss ko. Ito siguro ang sinasabing butterflies sa stomach. Pero pakiramdam ko mga nakawalang hayop sa zoo ang nagtatakbuhan sa tyan at dibdib ko.

Estudyante pa lang kami noon, napagkasunduan naming ilihim ang lahat. Naging kami. Pero lihim pa din. Kahit hanggang nakagraduate na, lihim pa din. Lagi kaming magkasama pero ngumingiti lang kami kapag may nag-uusisa. Bahala na silang mag-isip kong anong meron kami.

Tumagal kami ng five years sa ganoong set-up. Wala na din nag-uusisa dahil sanay na sila.

Pero kahit gaano daw kaganda ang panahon may susulpot na bagyo. Nagkaroon kami ng problema dahil sa work schedule. Nabawasan ang oras at araw ng aming pagkikita. She worked in a call center at ako naman sa isang maliit na opisina. Umaga o kaya tanghali na siyang umuwi. Dahil bago pa lang siya hindi agad siya nakapag-adjust. Kung pupunta ako sa kanila, madalas tulog o kaya naman maagang pumasok.

Sixth anniversary, she called me na gusto niya akong makasama. Huwag na daw akong bumili ng pagkain dahil siya na daw ang magluluto. She also said na sa bahay na lang daw ang venue. Binigyan ko ng pera ang kapatid kong bunso at inutusang magpakalasing sa bahay ng kanyang barkada at huwag siyang uuwi hanggat hindi pa umaga. Madalas ko iyong ginagawa para kami lang palagi ni Shane ang tao sa bahay.

Bumili ako ng bulaklak. Inilagay ko sa kwarto katabi ng binili kong baboy na regalo ko sa kanya. Natatawa ako. Excited ako sa reaction niya. Gustong gusto kong inaasar siya. Lalo na kapag nag-aasal bata siya. Gumawa ako ng personalized banner to greet her. Idinikit ko sa dingding para kapag binuksan niya ang kwarto ay iyon agad ang bubulaga sa kanya. Maaga pa lang ready na ang lahat. At 8pm, she called na on the way na siya.

As expected, masarap ang meal. Busog ang tiyan pati ang puso ko. Naging masaya ako. Nabura lahat ng lungkot ko noong mga araw na hindi kami magkasama.

"Shane halika sa kwarto, may ipapakita---" Nag-ring ang phone niya. Badtrip. Kung kelan nasa introduction na ako ng prepared speech saka may sumulpot na abala.

"Matagal ka pa sa loob?" tanong ng kausap niya. Tumalas bigla ang pandinig ko dahil alam kong boses ng isang lalaki. "Nasa labas ako!" Galit na boses.

"Anong ginagawa mo sa labas?!" Kahit pabulong ang boses ni Shane naririnig ko pa din. Ako na mismo ang lumabas. "Ayoko ng gulo!" sagot ni Shane sa kausap. Saka lumabas din ng bahay. Halos madurog ang puso ko ng makita ang isang lalaki may kausap din sa telepono. Nakasandal siya sa kotseng pula. Kotseng pag-aari ni Shane.

"Shane?!" tanong ko.

"I'm sorry.." Bumuhos ang luha sa mata ng pinakamamahal kong babae. Sa loob ng anim na taon hindi ko siya nakitang umiyak. Hindi ko matandaan may ginawa akong mali.

Lumapit ang lalaki at hinila siya sa braso. Akma ko siya hihilahin pabalik pero pinigilan ako ni Shane. Hindi na ako nagtanong. Alam ko na ang sagot. Masasaktan lang ako. Habang papaalis sila, dinig ko ang galit na boses ng lalaki. Anong bang wala sa akin at nakuha niya akong ipagpalit? Bakit mas pinili niyang sinisigawan kesa sa tahimik naming pagsasama.

Pinanood ko ang kanilang pag-alis. Bumagsak ang luha ko matapos makatanggap ang isang text message.

"I am sorry. Kami na ni Sherwin. Alam mo siguro kung bakit kita ipinagpalit.."

Damn!!! Hindi ako malakas tulad ng madalas makita. Malambot ang puso tulad ng damit na bagong laba na may fabric conditioner. You can see my charming smile but inside, I'm bleeding. Siya lang ang mahal ko kaya ako nasasaktan ng sobra.



Wala ng "kami". Ako na lang. Nagtataka ka siguro kung bakit ganito ang pinasok naming set-up. Alam ni Shane kung bakit. Pareho kaming babae at alam kong maghahanap siya ng pagmamahal ng isang lalaki.


-------------
this story was requested by an email sender.
Fiction ito. Di niya ito buhay at lalong di ko lovelife to.