Skinpress Rss

karangalan


Sa pagkakataong ito
nakamit ko ang tagumpay
karangalang kaytagal kong hinintay.

Oo, magyayabang ako
dahil sa tagpong ito
ako ang bida, ako ang panalo.
Siguro nagsisisi ka na
hindi mo inakala
na ilalampaso kita.
Hindi ako nagpakita ng awa
o paggalang.

Isang kahibangan
kung ituring ang aking ginawa.
Pero sa akin ito ay karangalan.
Napakagandang simula
at masayang katapusan.
Nagbunga din ang lahat.
Isang matamis na tagumpay
ang talunin ka sa mafia wars.