Skinpress Rss

Tricycle: Revenge, Lies and Love (Chapter 10)






Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9


X. Revenge



Binalot ng kakaibang init ang dalawang tao habang nanalasa ang malakas na bagyo. Mata lang nila ang nag-uusap at katawan nila ang nagdidikta ng ikikilos. Muling pinaliguan ng halik ni Luis si Jo-Anne sa labi, sa pisngi sa tenga at sa leeg. Bumagsak ang kanilang katawan sa kama. Tinuklas ni Luis ang lahat ng itinatago ng babae. Ang kaninang mababaw na halik ay mas lumalim sa pagkakataong iyon.

Napayakap ng mahigpit si Jo-Anne. Bumaon ang kuko nito sa malapad na likod ng kaharap. Parang halamang matagal ng hindi na di nadidiligan ang turing niya sa sarili. Handa na siyang sa susunod na mangayayari subalit nagawa niyang itulak si Luis.

'Natatakot ka?' si Luis.

'Hindi. Ang niluluto mo nasusunog,' tukoy niya sa champoradong niluluto ni Luis. Inutusan ni Jo-Anne si Luis na bumaba ng kusina para tingnan ang niluluto kasunod ang nakakakiliting tawa.

'Oo nga no.' Nagtapis si Luis at bago pumunta sa kusina ay nagawa pang tumigil sa may pintuan. 'I'll be right back.'

Habang naghahati ang gabi at umaga, ganap ng isinuko ang Bataan sa nag-iisang sundalo. Walang pinagsisihan si Jo-Anne kahit ang pinagkalooban niya ng kanyang pagkabirhen ay ang taong hindi niya alam kung ano ang nararamdaman para sa kanya. Isa lang ang alam niya. Mahal niya si Luis.

MAAGANG nagising si Luis. Kinumutan niya ang kalahating hubad na katawan ni Jo-Anne. Pinulot niya isa-isa ang kanilang damit at iniligay sa ibabaw ng kamagong na mesa. Mula sa mesa, may nahulog na bagay mula sa gamit ni Jo-Anne. Isang wallet. Pupulutin na sana ni Luis nang may mapansin siyang pamilyar na mukha sa bahagyang bukas na wallet ng babae.

Nanlaki ang mata ni Luis nang makumpirma kung sino ang nasa picture. 'Cielo?!' Nakayakap pa si Cielo kay Jo-Anne. 'Anong inililihim mo Jo-Anne?! Anong hindi ko pa alam.'

Kinapa ni Luis ang pantalon ni Jo-Anne. Nang makita ang pakay, ang susi ng kwarto ng babae, mabilis siyang nagbihis at nagsiyasat sa kwarto ni Jo-Anne.

Halos mapuno ng galit ang puso ni Luis. Pakiramdam niya ay pinaglalaruan siya ng lahat ng nakapalingid sa kanya. Si Arden, si Lady Armela at ngayon si Jo-Anne. Malaki ang ipinagbago niya ng dumating ang babae. Bagamat taliwas lahat ng ugali ni Jo-Anne sa tipo niyang babae ay unti-unting nahulog ang kanyang loob kahit may kaingay at nakakairita ang walang katapusang pangengealam nito sa kanyang buhay.

Napaluhod si Luis. Hindi siya makapaniwala. Sa isang blue folder ay may mga blueprint ng Divine Academy, sa green naman ay research tungkol sa black child.

'Nagpalinglang ako!' Kahit pigilan ni Luis ang kanyang nararamdaman ay nagkusang bumagsak ang luha. Mula sa kanyang mata ay gumuhit ang luha papunta sa pisngi. Napasandal siya habang hawak ang research folder. Ang bagay na nagpagulo ng kanyang buhay. Naihagis niya ang hawak sa sobrang galit. Nagliparan ang papel sa paligid. Mula sa folder ay nahulog ang isang picture. Tila larawan ng isang pamilya. Si Jo-Anne, si Cielo at ang mga magulang nito. Tuluyan ng humagulhol si Luis, abot langit ang paghingi niya ng tawad kay Cielo.

'Anong ginagawa mo dito Luis?' usisa ni Jo-Anne na kapapasok pa lang ng kwarto.

'Niloko mo ako Jo-Anne. Pinaniwala mo ako sa patibong mo!' bakas sa kanyang boses ang galit.

'Anong sinasabi mo?' inosenteng sagot ni Jo-Anne.

'Bakit alam mo ang black child? Anong kaugnayan mo dito?'

'Bakit alam mo ang black child?'

'Ikaw ang tinatanong ko? Huwag kang magkakamaling kumilos at hindi ako magdadalawang isip na patayin ka!' banta ni Luis.

Lumuha si Jo-Anne. 'Ang black child ang dahilan ng pagkamatay ng magulang ko. Noong una masaya akong makatuklas ng isang bagay na may kinalaman sa history. Pakiramdam ko, magkakaroon na ako ng pagkakataon na patunayan na kaya ko din ang ginagawa ni Ate Gemma. Pauwi na ako galing sa ibang bansa dala ang magandang balita tungkol sa pagkakatuklas ko sa diary ni Roysus.' Dumapa si Jo-Anne sa kama dahil sa sobrang sama ng loob. 'Masaya ako. Dahil kinilala ng magulang ko ang tagumpay ko pero habang nagcecelebrate kami biglang may grupo ng mga lalaki. Pinagbantaan akong papatayin ang mga magulang ko kung hindi ko ibibigay ang research. Ibinigay ko ang gusto ko nila pero pinatay pa din nila ang pamilya ko. Para makaganti, pinakalat ko sa mga underground group ang research para sila mismo ang magpatayan.'

Nagpatuloy ang iyak ni Jo-Anne. Akma niyang yayakapin si Luis subalit umiwas ito.

'Sa tingin mo maniniwala ako sa sinasabi mo? Malay ko bang parte lang ito ng panlilinlang mo. Alam mo ang lahat ng tungkol kay Cielo pero hindi mo sinabi sa akin na kilala mo siya!.

'Hindi ko kilala si Cielo. Kung ang tinutukoy mo ay si Ate. Gemma ang pangalan niya hindi Cielo. Luis, hindi ako nagsinungaling sa iyo. At hindi ko ipagkakaloob ang sarili ko kung nanlilinlang ako. Mahal kita. At hindi kita lolokohin.' Lumuhod si Jo-Anne sa harap ni Luis, nagmamakaawa.

Natigilan si Luis. Gusto niyang pakalmahin ang loob ni Jo-Anne. Gusto niyang damayan ito sa kasawian katulad ng pagdamay nito sa kanya noong siya ang dumadaan sa matinding kalungkutan. Subalit, nangingibabaw pa din sa puso niya ang poot. Pero dinudurog nga bawat luhang pumapatak sa mata ni Jo-Anne ang kanyang pagkalalaki. Inalalayan ni Luis si Jo-Anne. Itinayo mula sa pagkakalugmok nito. Niyakap niya ang babae.


'Dakpin sila!' utos ng isang lalaki sa grupo ng mga lalaking biglang pumasok sa kwarto ni Jo-Anne.

'Anong ibig sabihin nito?!!! Jo-Anne?'


itutuloy...