Skinpress Rss

dear scratch paper,


Pasensya na kung halos mabutas ka na sa kabubura ko ng mga isinusalat ko. Wala kasing sapat na salita para idescribe ang aking nararamdaman. Nalilito, kinakabahan at natatakot kasi ako. Ganito nga siguro ang torpe. Ewan ko ba, hindi man lang ako nakamana sa tatay ko. Takot ako sa rejection na para bang ikamamatay ko. Nagiging rebulto ako kapag kaharap ko ang taong minamahal ko.

Hindi naman sya maganda. Sa totoo lang malaki ang mata niya at may kalakahin ang boses kaya nakakatakot. Mas lalaki pa nga siyang kumilos kaya nanliliit ako kapag tinatawag niya akong lampa. Madalas kasi akong matalisod kapag kasama ko siya. Paminsan nga kinakantiyawan niya ako, may gusto daw ako sa kanya kasi lagi ko siyang hinihintay umuwi, inililibre at niyaya magsine. Tapos tatawa sya ng ubod ng lakas kapag di ako makapagsalita. Joke lang daw siyempre 'yon, gusto ko na sana sabihin na totoo kaso binabatukan n'ya ako kapag seryoso ang mukha ko. Tapos biglang sesenyas ng peace. Ngingiti tapos mambabatok ulit.

Kahapon, halos makita ko na ang gilagid niya sa kakasigaw. Player kasi ako ng basketball at siya ang number 1 kong fan. Kaya kahit tumatalsik na ang laway niya sa mukha ko kapag nagsesermon e ayos lang. Hindi ko lang maintindihan sa kanya na kahit panalo o talo, binabatukan niya pa din ako. Bakit kaya ganun?

Nagpapasalamat ako sa'yo scratch paper kasi nasasabi ko ang nararamdaman ko. Sabagay, hindi ka naman makakatutol. Hindi ko alam kung kailan ko masasabi ang nararamdam ko para sa kanya. Praktisado na nga ako kaso natatameme ako kapag lumalakas na ang boses niya. Madami na nga akong naipon na cheesy lines, inamag na nga sa taguan wala man lang akong nabigkas kahit isang line. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako torpe.

Ang pagmamahal ko sa kanya ay sekreto. Kahit ang bespren ko na kasabay ko noong tinulian ay walang alam. Isa lang ang sinisugarado ko, kaming mga torpe ang totoong nagmamahal kesa doon sa mga malakas ang loob manligaw. Sincere kami at totoo sa aming nararamdaman. Ang problema lang, nauunahan kami ng kaba. Animo'y may pagawaan kami ng kape sa katawan sa dami ng nerbyos.

Nga pala, susunugin na kita. May wish kasi ako at ang usok mo ang maghahatid sa langit para matupad agad. Alam mo namang matagal ko ng gustong masabi ang nararamdaman ko. Kahit busted ok lang.

Paano hanggang dito na lang. Susulatan ko pa sina eraser at si lapis. Paalam na din sa iyo. Ikumusta mo na lang ako sa mga nauna ng scratch paper. Huwag na huwag nyo akong pagchichismisan don.
Paalam!

Gumagalang,

tyopelo

Tricycle: Revenge, Lies and Love (Chapter 11)






Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10


XI. Betrayal

Dinakip sina Luis at Jo-Anne. Nagawa pang manlaban ni Luis subalit lubhang napakarami ng mga kalaban para makakilos agad. Piniringan muna silang dalawa saka isinakay sa van. Dahil sa kaingayan ni Jo-Anne ay binusalan siya ng isa sa mga kidnapper.

'Anong pakay nyo sa amin?'

'Tinatanong pa ba ang bagay na iyon bata?' sagot ng isa sa mga kidnapper na ipinalagay ni Luis na pinuno ng grupo. 'Ang santo niño. Ang totoong itim na santo niño!'

'Wala pa sa akin. Hindi ko pa ito nahahanap,' pag-amin ni Luis.

'Sa palagay mo maniniwala kami?'

'Hindi ko kayo pipiliting maniwala pero iyon ang totoo!' diin ni Luis. Kibit-balikat naman ang isinukli ng kausap.


Mahigit dalawa't kalahating oras din ang itinagal ng byahe. Pinakiramda ni Luis ang kalagayan ni Jo-Anne. Nagtatalo ang damdamin niya para sa babae lalo pa't pakiramdam niya ay napaglaruan siya. Nagsasabi nga ba ito ng totoo o isa ito sa mga kalaban.


'Boss nandito na sila. Nahuli na nila si Luis at may kasama pang babae.'

'Babae?' pagtataka ng lalaking na kasalukuyang nanonood ng TV. Ang utos niya ay si Luis lang ang dakpin kaya nagtataka ito. 'Dalahin sila dito.' Tumalikod ang lalaki matapos ang utos.


Itinulak papasok ng kwarto sina Luis. Kapwa nakatali ang kanilang braso kaya hindi nila kayang manlaban o depensahan ang sarili. Tinanggal ng isa sa mga bantay ang kanilang piring. Nasilaw sa liwanag ang dalawa dahil sa matagal na pagkakatakip ng mga mata. Makailang ulit na kumarap si Luis para maging pamilyar sa lugar, bagay na madalas niyang ginagawa kapag nasa panganib para madaling makatakas kung may pagkakataon.


'Kamusta Luis. Matagal tayong hindi nagkita,' wika ng lalaki. Nakatalikod ito at may kalakihan ang sandalan ng upuan nito kaya hindi makita ni Luis ang taong nangungumusta sa kanya.

'Sino ka? Bakit mo ako kilala?' usisa niya sa lalaki. Tinapunan ni Luis ng tingin si Jo-Anne, wari ay humihingi ng ideya kung sino ang taong iyon. Iling lang ang naisagot ng babae.

'Bilis mo naman makalimot mahal kong kaibigan. May kasama ka pa pala. Hindi na ako magtatanong kung sino siya dahil minsan ko na kayong nasubaybayan sa may ilog at dinurog nito ang puso ko.'

'Marco?!! Nagulantang si Jo-Anne. 'Buhay ka?'

Tumayo ang lalaki at dahan-dahang lumapit sa dalawa. 'Hindi ko akalain pagtataksilan mo ako aking mahal.' Naglakad paikot si Marco kay Jo-Anne. Idinikit niya ang kanyang bibig sa tenga ng kasintahan. 'Oo. Buhay ako taksil!'

'Hindi kita pinagtaksilan! Ang alam ko ay patay ka na. Kayo ni Ate Gemma.'

'Paanong?! Natatandaan kong kasama ka sa pagguho ng mga bato sa bundok.' singit ni Luis.

'Akala ko pa naman matalino ka Luis. Sabihin na natin parte ito ang isang laro. Ikaw ang taya, ako ang nagtatago at si Cielo' Tumingin si Marco kay Jo-Anne.' Na si Gemma sa totoong buhay ay instrumento ko lamang para makagtago ng maayos.'

'Walanghiya ka! Pinatay mo si Cielo!' sigaw ni Luis. Akmang susugurin ni Luis si Marco subalit napigilan siya ng mga tauhan ni Marco. Naluha naman si Jo-Anne, hindi siya makapaniwala na magagawang patayin ni Marco sa kapatid niya.

'Hindi ka ba masaya? Dumaan sa palad mo ang magkapatid?' mapanukso at sarkastikong reaksyon ni Marco.

'Bakit mo kailangan pang idamay si Ate? Hindi kita maintindihan Marco!' Bumagsak ng luha ni Jo-Anne. Napaluhod ito sa tindi ng sakit na nararamdaman.

'Dahil sa Black Child. Ako ang nag-aksaya ng panahon para hanapin ang researcher nito. Hindi ko matanggap na ibibigay ni Arden ang misyon kay Luis. Ayokong manatiling nasa anino ng lalaking ito! Kaya kung siya ang gagawa ng misyon gusto kong ako ang aani nito.' Idinuro ni Marco ang mukha ni Luis.

'Hindi! Ikaw din ang pumatay...' Hindi na nagawa pang tapusin ni Jo-Anne ang sasabihin.

'Ako nga! Nagkataong ikaw ang researcher ng black child kaya pati pamilya mo nadamay. Kung hindi kayo nagmatigas malamang buhay pa sila ngayon!'

Labis ang galit ni Luis. Masahol pa sa demonyo si Marco. Sa isip niya, kailangan niyang makaisip ng paraan para makatakas at makaganti. Pero paano?

'Hindi ako makapaniwalang magagawa mo ang lahat ng ito. Sobrang laki ng tiwala ko sa'yo,' panghihinayang ni Luis.

'Hindi na ito ang oras ng drama. Maglaro na ulit tayo. Buhay o ang black child?'

'Hindi ko maunawaan kung anong mayroon sa black child at masyadong maraming naghahangad.'

'Hindi mo na kailangang malaman. Pumili ka na lang.'

'Wala akong pakialam sa black child kaya gugustuhin kong mabuhay. Pero paano ako makakasiguradong tutupad kayo?' paninigurado ni Luis.

'Nice choice. Kapag nasa akin na ang black child hahayaan ko kayong makalayo.'

'Wala pa sa akin ang black child pero alam ko kung saan nakatago ito.'

'Hindi ako nakikipaglokohan.'

'Hindi rin ako. Nasa katawan ng replika ang mapa. Makikita mo doon kung saan nakatago ang santo niño.'

'Talaga lang ha. Kunin ang replika!' utos ni Marco sa tauhan.

Makalipas ang ilang minuto ay dumating ang tauhan ni Marco. Ilang beses tinitigan at inikot-ikot ni Marco ang replika pero wala itong nakitang mapa.

'Kahit ilang beses mong iikot ang replika hindi mo makikita ang mapa.' tumawa si Luis.

'Gusto mo na bang mamatay ngayon? Akala ko ba nasa imaheng ito ang mapa.'

'Tanging sinag na araw sa dapit-hapon ang magpapalantad ng mapa. Espesyal na pinta ang ginamit dito kaya hindi ito makikita ng mata. Kailangan mo itong patamaan ng liwanag ng araw sa dapit-hapon para lumitaw ang mapa.' singit at paglalahad ni Jo-Anne sa sekreto ng replika.

'Pinahanga mo talaga ako. Parehong prinsipyo kung paano itinago ito sa mga bato.' nakangiting sabi ni Marco.

'Tama. Kapag nakita mo na ang mapa, siguro naman ay tutupad ka na sa usapan.'

'Kailangan ko munang makasigurado.' Ngiting aso si Marco. 'Ikulong sila!' agad kumilos ang tauhan ni Marco.

'Tumupad ka sa usapan Marco!!!' sigaw ni Luis.

'Maghihintay tayo ng hapon para makita ang mapa patayin sila kapag nasa kamay natin ang black child.' Tumango ang kausap.

itutuloy....










Tahan na!


Napakaganda ng bawat umaga kung ngiti mo lagi ang unang makikita ko.
Hindi mo nakakalimutang guluhin ang buhok ko habang nagbabasa ako dyaryo sa may kusina habang nagkakape.
Hindi mo din nakakalimutang bumati ng maganda umaga. Tapos susulyap lang ako kasi kaya akong tunawin ng mga ngiti mo.

Tanda ko ang bango mo sa tuwing dadaan ka sa tabi ko. Natural ang amoy na iyon. Hindi galing sa anumang produkto. Kahit nakapikit ako alam ko na ikaw iyon. Siguro nga, kapag mahal mo ang isang tao, lahat ng detalye gusto mo, tanda mo.

Sa tuwing sasabayan mo akong magkape, hindi mo nakakalimutang kamustahin ako o kung naging maayos ba ang lumipas na araw. Kaya hindi nakakapagtakang mahalin kita. Nasa iyo ang ugaling hinahanap ko sa isang babae. Laking pasalamat kong magkasama na tayo sa iisang bahay.

Kanina, habang inililigpit ko ang aking tasang pinag-inuman ng kape hindi sinasadyang nahawakan ko ang iyong kamay. Ngumiti ka. Tapos sinabi mo ikaw na lang.

Habang naghuhugas ka ng mga tasa, hindi ko napigilan ang sarili. Mahal kasi kita. Niyakap kita mula sa likuran. Pinaliguan ng halik sa may batok. At nagsimulang lumikot ang aking mga kamay sa iyong katawan. Pinigilan mo nga ako. Pero hindi ako nagpadaig. Gustong gusto kitang nanlalaban. Narinig kitang nagmamakaawa pero nagmistulan akong bingi. Umakyat ang antas ng aking libido at nagawa kitang hubaran. Tumulo ang iyong luha habang patuloy ang aking kahayukan.

Nasaktan tuloy kita kasi nagawa mo pang manlaban. Humihingi ka pa ng tulong pero wala namang makakarinig sa'yo. Di ba umalis na si kuya, ang asawa mo, kanina papuntang Saudi. Inihatid pa nga natin siya di ba? Kaya tayo lang ang andito.

Tahan na. Mahal naman kita.

Lovelife ko?


Marami nagtatanong.
Maraming nag-uusisa.
Maraming gusto akong paaminin.

May lovelife daw ba ako? O kung nagkalovelife na ba ako? Kung may nagugustuhan ba ako?
May minamahal ako pero mas pinili "naming" isekreto. Para kami lang ang involve kung may problema. Hindi na kailangang madamay pa ang iba. Kadalasan, mapapangiti na lang kaming bigla dahil may mga bagay na nagpaalaala ng aming masasayang araw. Masayang "kami" lang . Nakakatuwang nauungusan namin ang problema na kami lang. Kaya mas pinili "naming" isekreto. Mas pinili "naming" hindi magkwento. Kaya nanatiling akong tahimik sa tanong na "sino ang mahal mo ngayon?"


Kilala mo ba si Shane? Malamang hindi ang isasagot mo. Iniusisa ang lovelife ko kung magbibigay naman ako naman ng pangalan hindi din naman kilala. Sige ikwento ko na.

Shane R. Villanueva. She's my girl. She occupied a tiny space in my heart pero kahit maliit ang nauukopa niya, spoiled siya sa loob nito. Malaya siyang nakakaikot sa lahat ng bakanteng pwesto. Siya lang kasi ang nandoon. Exclusive. VIP. Paminsan nararamdaman kong malikot siya kasi bumibilis ang tibok ng puso ko. Naisip ko nga, sumasayaw siya sa loob kaya ganun kabilis ang heart beat ko.

Siguro itatanong mo kung bakit siya ang pinili kong mahalin? Pero dapat siya ang tanungin mo kung bakit ako ang minahal niya? Wala namang special sa akin pero sa kanya madami. Kung isusulat ko nga sa pader malamang kahit ang great wall kukulangin.

Hindi ko matandaan kung paano niya ako nagustuhan. Inaamin ko, dinadaan ko ang lahat sa bolahan. Tsaka hindi ko kailangan magpaimpress kasi alam naman niya ang tunay kong ugali. Sa isang subdivision lang kasi kami nakatira at classmate ko ang kapatid niya kaya madalas ako sa bahay nila.

So interested ka na kung paano kami nagkaroon ng ganoon set-up? Nasa bahay nila ako. Napansin niya na madalas akong pumunta sa kusina tapos magtitimpla na ako ng kape. Hindi na sila naninibago kasi sanay na silang doon ako nagkakape kahit puno pa ang stock sa amin.

"Ilang beses kang nagkakape sa isang araw?" tanong ni Shane.

"Dati lima, simula mamaya anim na?' sagot ko habang hinahanap ang creamer.

"Bakit magiging anim na mamaya?' She handed the creamer.

"Dalawang beses akong magkape sa umaga, isa sa tanghali, isa sa hapon, isa sa gabi." Nagpasalamat ako matapos niyang iabot ang creamer.

"Lima pa lang iyon ah."

"Ang isa? Kapag kasama kita." Natawa siya sa sinabi ko tapos biglang natahimik. She blushed. Iniabot ko sa kanya ang isang tasa ng tinimpla kong kape at sinimulan namin magkwentuhan. As usual, nasagasaan ang lovelife kaya nagkaroon na kami ng bonding. Nag-open ako, ganun din siya.

Hindi ko akalain na simula iyon ng isang maganda samahan. We go crazy sa mga sumisikat na kanta. We danced all night. Then noong inabot kami ng ulan sa may gazebo, nagkarera ang kalokohan sa aking isipan. Naisipan ko ang gimik ng isa kong kaklase dati.

"Know what Shane, prone pala sa heart attack kapag magkasukat ang haba ng forehead hanggang chin at from left ear to right ear." Seryoso kong sinabi habang dinadangkal ko ang mukha ko.

"Really? Saan mo nalaman iyon?"

"Kanina. Lecture sa school ng NGO na concern sa heart related problem."

"Geez!"

"Sukatin ko sa iyo, para maging aware ka at maiwasan ang food na masyadong matataba."

"Sige!" Excited siya.

"May hanky ka ba dyan? Awkward naman kung dadangkalin ko ang mukha mo." Kunyari di ko alam na may dala siyang panyo.

Sinimulan kong sukatin ang haba mula noo hanggang baba niya. Seryoso ako, hindi dapat ako kabahan sa plano. Tapos tinandaan ko ang both ends. Isinunod ko ang tenga. Idinikit ko muna sa kanan, dahan dahang natakpan ang kanyang asul na mata tapos idinikit ko na ang panyo sa kaliwa niyang tenga.

Tinamaan na ako ng kaba. Natatakpan ng panyo ang kanyang mata. Unti-unti, idinikit ko ang labi ko sa lips niya. Tagumpay ang plano ko. Nakanakaw ako ng halik. Tumagal iyon ng ilang segudo saka ako tumakbo ng mabilis palabas ng gazebo kahit may kalakasan ang ulan.

Nagpapadyak siya na parang batang hindi ibinili ng ice cream. Ayaw na ayaw niyang naiisihan siya. Hinabol niya ako, di inalintana ang lakas ng ulan. Noong mapagod naupo kami sa damuhan. Garalgal na ang kanyang boses, halatang nilalamig. Dumikit ako sa kanya para maibsan ang lamig. She held my hand. My heart pumped. She put my finger sa lips niya and smiled.

We kissed once more. Hindi na nakaw. Hindi ako makapaniwala. May kuryenteng dumaloy sa aking katawan. Bliss. Napuno ng kaba ang dibdib ko. Inaamin ko, kahit expert ako sa bolahan, siya ang first kiss ko. Ito siguro ang sinasabing butterflies sa stomach. Pero pakiramdam ko mga nakawalang hayop sa zoo ang nagtatakbuhan sa tyan at dibdib ko.

Estudyante pa lang kami noon, napagkasunduan naming ilihim ang lahat. Naging kami. Pero lihim pa din. Kahit hanggang nakagraduate na, lihim pa din. Lagi kaming magkasama pero ngumingiti lang kami kapag may nag-uusisa. Bahala na silang mag-isip kong anong meron kami.

Tumagal kami ng five years sa ganoong set-up. Wala na din nag-uusisa dahil sanay na sila.

Pero kahit gaano daw kaganda ang panahon may susulpot na bagyo. Nagkaroon kami ng problema dahil sa work schedule. Nabawasan ang oras at araw ng aming pagkikita. She worked in a call center at ako naman sa isang maliit na opisina. Umaga o kaya tanghali na siyang umuwi. Dahil bago pa lang siya hindi agad siya nakapag-adjust. Kung pupunta ako sa kanila, madalas tulog o kaya naman maagang pumasok.

Sixth anniversary, she called me na gusto niya akong makasama. Huwag na daw akong bumili ng pagkain dahil siya na daw ang magluluto. She also said na sa bahay na lang daw ang venue. Binigyan ko ng pera ang kapatid kong bunso at inutusang magpakalasing sa bahay ng kanyang barkada at huwag siyang uuwi hanggat hindi pa umaga. Madalas ko iyong ginagawa para kami lang palagi ni Shane ang tao sa bahay.

Bumili ako ng bulaklak. Inilagay ko sa kwarto katabi ng binili kong baboy na regalo ko sa kanya. Natatawa ako. Excited ako sa reaction niya. Gustong gusto kong inaasar siya. Lalo na kapag nag-aasal bata siya. Gumawa ako ng personalized banner to greet her. Idinikit ko sa dingding para kapag binuksan niya ang kwarto ay iyon agad ang bubulaga sa kanya. Maaga pa lang ready na ang lahat. At 8pm, she called na on the way na siya.

As expected, masarap ang meal. Busog ang tiyan pati ang puso ko. Naging masaya ako. Nabura lahat ng lungkot ko noong mga araw na hindi kami magkasama.

"Shane halika sa kwarto, may ipapakita---" Nag-ring ang phone niya. Badtrip. Kung kelan nasa introduction na ako ng prepared speech saka may sumulpot na abala.

"Matagal ka pa sa loob?" tanong ng kausap niya. Tumalas bigla ang pandinig ko dahil alam kong boses ng isang lalaki. "Nasa labas ako!" Galit na boses.

"Anong ginagawa mo sa labas?!" Kahit pabulong ang boses ni Shane naririnig ko pa din. Ako na mismo ang lumabas. "Ayoko ng gulo!" sagot ni Shane sa kausap. Saka lumabas din ng bahay. Halos madurog ang puso ko ng makita ang isang lalaki may kausap din sa telepono. Nakasandal siya sa kotseng pula. Kotseng pag-aari ni Shane.

"Shane?!" tanong ko.

"I'm sorry.." Bumuhos ang luha sa mata ng pinakamamahal kong babae. Sa loob ng anim na taon hindi ko siya nakitang umiyak. Hindi ko matandaan may ginawa akong mali.

Lumapit ang lalaki at hinila siya sa braso. Akma ko siya hihilahin pabalik pero pinigilan ako ni Shane. Hindi na ako nagtanong. Alam ko na ang sagot. Masasaktan lang ako. Habang papaalis sila, dinig ko ang galit na boses ng lalaki. Anong bang wala sa akin at nakuha niya akong ipagpalit? Bakit mas pinili niyang sinisigawan kesa sa tahimik naming pagsasama.

Pinanood ko ang kanilang pag-alis. Bumagsak ang luha ko matapos makatanggap ang isang text message.

"I am sorry. Kami na ni Sherwin. Alam mo siguro kung bakit kita ipinagpalit.."

Damn!!! Hindi ako malakas tulad ng madalas makita. Malambot ang puso tulad ng damit na bagong laba na may fabric conditioner. You can see my charming smile but inside, I'm bleeding. Siya lang ang mahal ko kaya ako nasasaktan ng sobra.



Wala ng "kami". Ako na lang. Nagtataka ka siguro kung bakit ganito ang pinasok naming set-up. Alam ni Shane kung bakit. Pareho kaming babae at alam kong maghahanap siya ng pagmamahal ng isang lalaki.


-------------
this story was requested by an email sender.
Fiction ito. Di niya ito buhay at lalong di ko lovelife to.

banat #3


bukas na liham para sa babaeng nakasakay sa jeep


Paumahin sa babaeng nakasakay ko sa jeep. Pareho tayong biktima sa may kahabaan ng Faura. Ako man ay namilipit sa sakit dahil sa biglaang paghinto ng jeep. Hindi sinasadyang ang noo natin ay magdikit. Magkabukol ng ubod ng sakit.

Sisihin ang asong biglaang tumawid, iniwasan ni manong driver na maipit.
Kaya preno ay pinakapit. Pasahero ay napamura sa sakit.

Paumahin sa nakaw na halik. Hindi ko iyon ginusto. Sa katunayan, ako ay nakamasid sa mga naglalakad nang biglaang magpreno ang jeep. Di sinasadyang ang labi ko ay dumikit sa pisngi mo ng ilang saglit.

Kung ako ay pagduduhan,tingnan ang aking clearance sa NBI. Kung ayaw mo naman handa akong ikaw ay pakasalan.

Sulat ni lolo kay lola


Mahal kong Maring,

Alam ko masama ang loob mo dahil hindi tayo nakapagcelebrate ng valentines day kahapon. Nanghinayang kasi ako sa kikitaan ko sa pagbebenta ng lobo. Pambili din iyon ng isang kilong galunggong. Dati-rati kasi mga chikiting lang ang kustomer ko, kahapon pares-pares pa ang bumibili. Nakakaaliw nga panoorin e. Naalala ko ang kabataan natin, partikular ang paghahabulan natin sa malawak na bukirin tapos mamimitas tayo ng dahon ng tuba at ang dagta noon ang ating palolobohin.

Maring, nakita nga pala ako ng kapatid mo dun sa harap ng isang motel. Sogo ang natatandaan kong pangalan. May kalakihan kasi ang letra kaya madali kong nabasa. Nag-aalaala lang ako na magsumbong siya sa'yo. Walang akong ginagawang masama dun mahal ko. Wag kang mangamba. Nagbebenta pa din ako ng lobo. Ibang lobo nga lang. Mas malaki nga ang kita dun kung tutuusin kesa sa may harap ng simbahan. May magkasamang dalawang lalaki pa nga na bumili, gusto buy-one, take-one, hindi ko lang alam kung saan nila gagamitin.

Baka iniisip mo na hindi kita pinansin noong umuwi ako. Sa katunayan, nagustuhan ko ang luto mo. Alam na alam mo ang kiliti ko.
Napakasexy mo nga pala sa suot mong roba. Nakakagigil ka Maring. Hindi napigilan ni kapitan na gumalaw sa kaliwa at kanan. Daig ko pa ang nakainom ng cobra. Aw!

Tanda ko sinabi mong maliligo ka lang. Nakiliti nga ang tenga ko noong marinig iyon. Tapos bigla akong nakatulog. Siguro dala ng sobrang pagod. Hindi mo tuloy naramdaman ang diwa ng valentines. Nanabik pa naman ako sa pagdampi ng mainit mong hininga sa aking tenga. Ang halik mo sa aking leeg. Pati ang mga yakap mo habang nagkakarera tayo sa paghanap ng ating mga kiliti. Higit sa lahat, namiss ko kung paano mo ipahayag ang iyong pagmamahal. Nanghinayang tuloy si kapitan. Hindi nakaboundary.

Maring, gusto ko sanang bumawi ngayon. Uminom na ako ng sangkatutak ng kapeng barako para di makatulog. Pangako, dadaigin natin si John Lloyd at Bea sa katsisihan.
Pati patweetums nina Gerard at Kim ilalampaso natin. Tapos bukas, ipapasyal muli kita sa kabukiran. Huwag mong alalahanin ang rayuma, aalalayan kita. Kung di mo na kayang lumakad bubuhatin na kita.

Pero bago ang lahat, ligo na tayo. Hihiluran pa kita.



Nagmamahal,
Pilo

P.S.

Kalakip ng sulat na ito ang rudy project na pustiso. Peace offering ko.

The Death of Mr. President (end)


chapter 1
chapter 2
chapter 3
chapter 4

BREAKING NEWS!!!
Presidente: NAPATAY!!
Malacanang Pinasabog!!!
President shot dead in Tagaytay!!!
Pagsabog yumanig sa palasyo!!! Presidente dedo: Terorista o Pulitika?
President Suarez, Assassinated in Tagaytay!!!


Nagpatawag ng conference ang pumalit na presidente matapos maibalita ni General Perez ang resulta ng imbestigasyon ni Paolo. Pinatawag niya ang ilang member ng media. Sinundo agad ng mga tauhan ni general si Paolo sa Tagaytay kasama ang mga bodyguard ng napatay na pangulo kasama ang mga katiwala nito.

Sa sasakyan, nakapako ang mata ni Paolo sa dating kasamahang si Alex. Malaki nga naman ang pakinabang ni Paolo sa pagkamatay ng presidente samantalang ang mga kasamahan niya ay nanatiling mahirap at ang iba ay nasa kulangan pa.

Sa Malacañang, sinalubong si Paolo nina General Perez at ni Presidente Verzosa.

'General, Sir, maari ko ba kayong makausap muna ng masinsinan bago natin simulan ang conference?' pakiusap ni Paolo.

Humarap ang heneral sa presidente bilang paghingi ng permiso. 'Sige. Mukhang may bumabagabag sa'yo e,' puna ng heneral. Pumasok ang tatlo sa pansamantalang opisina ng pangulo.

'General, naisip ko na hindi na lang tanggapin ang pera.'

Natigilan ang dalawa sa sinabi ni Paolo. 'Sigurado ka Llanes?'

'May kapalit ang pagtanggi ko General.'

'Kung hindi mahirap, pagbibigyan ko.' sabat ng presidente.

'Kapalit ng pera ang kalayaan ng mga kasamahan kong nakakulong. Hindi iyon mahirap kung tutuusin kasi akong ngang pinuno napalaya sila pa kaya. Kung pwede sana.'

'Kung hindi pagbigyan anong plano mo?'

'Ikulong niyo ulit ako!' Matigas na sambit ni Paolo. Sa ganitong paraan maiiba ang tingin sa kanya ni Alex at matutulungan pa niya ang mga nakakulong na kasamahan.

'Parang mahirap iyan. Pag-aaralan ko muna Llanes.' Tumayo ang Heneral.

'Sige payag ako! Gusto ko malaman na ang resulta ng kaso at mawala na ang haka-hakang ako ang pumatay sa dating presidente.' mabilis na desisyon ng presidente.

'Pero Sir-' gulat ang heneral sa mabilis na desisyon ng presidente.

'Wala ng pero-pero. Llanes, hindi mabilisang makakalabas ang kasamahan mo. Siguro paisa-isa, iyong may mababang kasalanan muna.'

Ngumiti si Paolo at nakangiting lumabas ng kwarto.

Ilang sandali pa ay pumunta na sila sa conference area. Halos nasasabik ang media sa isisiwalat ni Paolo.

Sa hiling ng heneral, muling inilabas ang mga ebidensiya na magtuturo sa kriminal. Naiiyak pa ang mga katiwala ng dating pangulo ng makita ang ilang personal na gamit nito. Nasa conference din si Mrs. Suarez na halatang may pagkaasar pa sa dating Marine.

Matapos ang speech ng pangulo, kay Paolo natuon ang atensyon ng lahat.

'Simulan mo na Llanes.' utos ng heneral. Halos magkagulo ang media para makunan ng picture si Llanes.

'Ang presidente ang nagpasabog ng Malacañang.' Umugong ang bulung-bulungan.

'Paanong nangyaring ang pangulo?' tanong ng isa sa media.

'Naloloko ka na ba? Nasa Tagaytay ang pangulo.' tanong ng isa pa. Marami pang nagtanong pero isinara ni Paolo ang kanyang pandinig.

'Patatapusin nyo ba ako o magtatanong na lang kayo?!' sigaw ni Paolo sa media. Natahimik ang lahat.

'Pakiusap tumahik muna. Bukas ang pintuan sa hindi makapigil. Maaring lumabas.' wika ng isa sa mga bantay.

'Maraming dahilan kung bakit nya ginawa. Maraming nangyari siguro na hindi niya nakayanan. Una, ang sunod-sunod na pagpapabagsak sa kanya, pangalawa, ang kasong kinasasangkutan niya at ang huli at nagpagrabe ay ang problema sa pamilya.' Nagtinginan ang lahat kay Mrs. Suarez. 'Hindi ko na idedetalye ang problemang iyon dahil may usapan kami ng dating unang ginang na magiging lalaki ako.'

Nagwalk-out si Mrs. Suarez kasunod niya ilang media.

'Ipaliwanag mo muna ang pagsabog ng palasyo Paolo.' singit ng heneral.

Nagpatuloy si Paolo. 'Noong una akala ko ay may isang sumabotahe sa pangulo at naset ang pagsabog sa 10pm para bulabugin ang presidente. At kung lalabas siya ng kwarto ay saka babarilin. Umalis ang pangulo ng mas maaga dahil sa pagtatalo nila ng kanyang asawa kaya nabigo ang plano. Kaya naisipang sundan sa Tagaytay at doon barilin. Pero mali pala ang una kong hinala.'

Tinawag ni Paolo ang isa sa mga bodyguard ng pangulo at ang isang katiwala.

'Ah manong nasaan kayo at pangulo noong maganap ang pagsabog?' tanong ni Paolo sa matanda.

'Tulad ng sinabi ko sa iyo. Nasa lobby kaming lahat at nagkakatuan.' sagot ng matanda.

'Oo nga. Kaya imposibleng siya ang magpasabog.' sabat ni Reynoso, isa sa mga bodyguard.

'Ikaw, Reynoso, anong ginagawa mo noong oras na iyon?'

'Nanonood ng TV.' mabilis na sagot.

'Anong inuutos niya sa iyo?'

'Wala naman. Nakaupo lang ako noon.'

'Sabi ni manong nagustuhan daw ng pangulo ang lyrics ng pinapanood ninyong MTV. May inutos ba siya o sinabi sayo?'

'Wala talaga. Sinabi lang niya na lakasan ko ang volume. Tapos nakikanta na siya.'

'Tumpak! Pinalakasan niya ang volume.' Inilabas ni Paolo ang remote control. 'Tampered ang remote na ito. Ginawang detonator ng bomba ito.' Binuksan ni Paolo ang remote.

'Llanes, masyadong malayo ang Malacañang at Tagaytay para makapagtransmit iyan ng signal,' duda ng heneral.

'Huwag nating maliitin ang kakayahan ng pangulo. Dati siyang sundalo at eksperto sa explosives.' si Paolo.

'Sige magpatuloy ka,' ang heneral.

'Makikita sa loob ng remote ang piraso ng cellphone board. Alam na siguro ninyo kung paano natrigger ang pagsabog. Noong pinindot ang remote, nadial ang number ng cellphone na nakadikit sa bomba na itinago niya sa kanyang opisina.'

'Pero bakit hindi naman sumabog ang Malacañang noong pinaglalaruan ko pa ang remote?' tanong ni Reynoso.

'Magandang punto. Sa palagay mo bakit niya inutos sa iyo kesa sa siya na ang nagpalakas ng volume?'

'Malabo kasi ang mata niya.'

'Ganoon ba? Ikaw ba ang may hawak ng remote noon?'

'Oo.' 'Hindi ka ba tumayo?'

'Noong dumating lang ang presidente sa lobby kailangan namin sumaludo siyempre.'

'Exactly. Hindi ka makakasaludo ng may hawak na remote. Noong binitawan mo ang control ng TV nagawa niyang pagpalitin ang remote na hawak mo noon at ang remote na dala niya.' Ipinakita ni Paolo ang isa pang remote na kamukha ng naunang ipinakita niya.' Natagpuan ko ang remote na ito sa tubig sa may fountain.'

'Ano namang motibo ng presidente para pasabugin ang Malacañang?' usisa ng heneral.

'Para pagtakpan ang kanyang suicide.' Mas malakas ang naging bulungan. Kanya-kanya ulit tanong. Galit ang mga kaalyado ng pangulo sa narinig nila. Isa nga namang malaking kasiraan.

'Ipagpatuloy mo Llanes.' Naging interesado na ang heneral sa mga sinasabi ni Paolo. Sa isip-isip niya malaki ang kikitain ng Agency niya dahil na din sa pagtanggi ni Paolo sa pera.

Inilabas ni Paolo ang ilang pictures. 'Ito ang view kapag nasa third floor ka.' Ipinakita ni Paolo ang picture sa lahat matapos ay iniabot sa heneral. Mula sa may terrace, walang makita dahil nahaharangan ito ng malaking puno. 'Ito naman kung nakadapa ka.' Sa pagitan ng dalawang sanga, makikita ang fountain kung saan nakitang patay ang pangulo.

'Then?' sabik na tanong ng heneral.

'General, sinabi mo na ikaw ang tumawag sa pangulo para ibalita ang pagsabog ng Malacañang.'

'Oo ako nga pero hindi ko siya nakausap.' sagot nito sa tanong ni Paolo.

'Ginamit niya ang pagsabog para hintayin na may tumawag sa kanya. Sa ganitong paraan maari niyang idahilan ang mahinang signal ng kanyang telepono para makalabas siya ng resthouse. Noong nasa labas na siya saka naman niya pinasabog ang third floor.'

'Paano niya magagawa iyon kung patay na siya o kaya naman paano pa niya mababaril ang sarili? singit ng bagong presidente.

Tumayo si Paolo mula sa kanyang kinauupuan. Kinuha ang baril na ginamit sa pagpatay. 'Pansinin ninyo ang dumi sa baril?' Iniabot ni Paolo ang baril sa pangulo matapos ay sa heneral.

'Wala naman kakaiba.'

'Wala nga bagkus ay may pagkakahawig sa duming bumabalot sa corona wire na nagpuna ko sa may balustre ng third floor.' Sinunog ni Paolo ang corona wire.

'Amoy sunog na goma.' wika ng matandang katiwala.

'Tama.' Bumalik ang dating Marine sa kanyang kinauupuan. 'Manong, madalas bang pumasyal ang pangulo sa may fountain?'

'Hindi naman. Siguro swerte na sa isang buwan.'

'Sa lawak ng hardin bakit sa fountain pa siya humanap ng signal, kung tutuusin nasa kalagitnaan na ito. Marami naman open space. ' Namangha ang karamihan sa pagpapaliwanag ni Paolo. ' Dahil ito lang ang tanging view na makikita sa third floor.'

'So paano nagsuicide ang pangulo?' usisa muli ng heneral.

'General, ginamit niya ang cellphone para pasabugin ang entrance ng third floor. Ginawa niyang excuse ang tawag mo para lumabas. Noong nasa fountain na siya, pinindot niya ng cellphone. Sumabog ang third floor. Naputol ang corona wire na pumipigil sa goma na nakabalot sa gantilyo ng baril. Naka-tripod ang baril at nakaipit ang paa nito sa may pinto ng terrace kaya hindi basta gagalaw sa pagsabog.'

Kinuha muli ng heneral ang baril. Kapansin-pansin nga dito ang ilang mantsa ng sunog na goma. Kuminang ang mata ng ganid na heneral. 'Malinaw na gusto niyang pagtakpan ang kamatayan niya sa labis na kahihiyan.'

==END=


banat #2


banat para sa ikaliligtas ng nga gubat ng may gubat :)



panjo banat # 1


gagawa na din ako ng pick up lines sa ikabubuti ng ekonomiya.

dear ka-date


Sobrang saya ko noong huling nagkausap tayo. Kahit simpleng biruan natin binibigyan ko ng kahulugan tapos tatawa ka naman. Sabi mo, bumabanat na naman ako. Sa totoo lang, gusto kitang pangitiin palagi kaya ko ginagawa iyon. Ayaw ko kasing ipinagdadamot mo ang ngiti mo dahil may taong inlab dito. At ako iyon. Kung iniisip mo na binobola na naman kita, sa pagkakataong ito seryoso ako. Ikaw kasi ang pinakamahalaga sa buhay ko.

Naisaayos ko na lahat. Naiplano ko na kung saan tayo mamasyal, kung saan tayo kakain at kung saan tayo manonood ng paglubog ng araw. Nagpareserve na ako ng bulaklak. Iyong paborito mo, siguro magtataka kung paano ko nalaman. Kinulit ko kasi ang bespren mo kagabi. Hindi ko siya pinatulog hangga't di niya sinasabi ang mga hilig mo. Ayaw mo pala ng chocolate kaya potchi na lang ang binili ko kasi mahilig ka daw dun.

Nga pala, bumili na din ako ng stuff toy na panda. Maliit nga lang, plano ko kasing pasekretong ihulog sa bag mo. Para hanggang sa pag-uwi mo may sorpresa ako.

Hindi naman halatang excited ako. Lagi nga kita kinukulit e. Inireremind ko ang oras at lugar ng tagpuan natin.

Isa na lang pala ang kulang. Ready na ang lahat, ikaw na lang ang kulang. Sana kahit minsan makasama ako sa plano mo. Kahit sa pinakahuli basta magkasama tayo. ü

peksman!


'Hoy! Anong ginagawa mo d'yan?!' sigaw ko sa babaeng nakatayo sa may gilid ng water tank sa rooftop ng IT Building. Napakadelikado para sa isang babae ang tumayo sa lugar na iyon. Humarap siya sa akin. Si Riza, ang classmate ko sa Biology.


'Tatalon! Magpapakamatay! Bakit ka ba nangengelam?' sumbat niya.

'Engot ka ba?! Huwag diyan, pwesto ko 'yan e! Doon ka sa kabila!' Hinila ko si Riza pababa. Umupo ako sa may water tank at sinimulang tugtugin ang bitbit kong gitara.

Ilang minuto pa ay bumalik sa pwesto ko ang babae. 'Excuse me?' pasintabi niya.

'Oh bakit buhay ka pa?' biro ko. 'Sabagay dump site ang babagsakan mo kaya turn-off sa libing. Maganda ang view dito kaya di ka pwedeng tumalon. Hindi na'ko makakabalik dito kung magmumulto ka.'

'Magrerequest sana ako. Galing mo kasi maggitara.'

Umiling ako. Abnormal yata ang taong ito. Gusto pa may music habang nahuhulog. Hihigitan pa yata ang MTV ng 'how can i fall' ni Jed Madela. Ok na yung compliment niya, pero di naman pangpatay ang tinututog ko.

'
Tahimik sa lugar na 'to kaya dito ako nag-eenjoy maggitara. Pero parang di ko maenjoy ngayon.'

'Pinapatamaan mo ba ako? Problemado na nga ako, kinukonsensya mo pa,' sambit niya habang nakasimagot. Parang ginusot na papel ang ang itsura niya. Sa tingin ko naman hindi siya baliw. Siguro nga may problema lang siya. Masyadong masakit kaya naisipan magpakamatay siya, mas masakit pa siguro sa pagbubunot ng kanyang kilay.

'Ten minutes na lang pala uwian na. Halika samahan mo na lang ako!' Hinila ko na ulit siya. Bumaba kami ng IT building. Wala naman akong pakialam kung magpakamatay siya. Takot lang talaga ako sa multo. Kung umattend pala ako ng klase, katropa na niya si casper. 'Bukas mo na lang ituloy ang pagpapakamatay mo.'

'Joriel. Dahan dahan.' Engot. Takot madapa pero di takot mamatay.

'Bakit ka ba tatalon dun?'

'Bakit ba interesado ka? At san tayo pupunta?'

'Hindi naman ako interesado sa dahilan. Ok i-rephrase ko. Bakit dito pa sa school mo naisipang magkalat ng spare parts mo?' Napangiti ang payatot na babae. 'Inabala mo ang paggigitara ko kaya dapat mo akong samahan, bawal na magtanong.'

Sumakay kami ng bus at tahimik lang siyang sumunod. Sa may bintana ako nauupo para kita ko ang tanawin sa tabing daan. Pero mas madalas kong tingnan ang reflection niya sa salamin. Baka kasi biglang maglaslas madumihan pa ang polo ko. Masesermunan ako ni ermat kapag nagkamantsa ang damit ko. Gusto kong alamin ang problema niya pero parang ayaw naman niya i-share. Bakas pa nga din sa mukha niya na wala siya sarili. Kung pitikin ko kaya ang ilong bumalik kaya ang ulirat nito?

'San ba talaga tayo pupunta?' basag niya sa katahimikang matagal na namamagitan sa aming dalawa. Ganda ng boses parang gusto kong magpahele at matulog sa byahe hanggang tumulo ang aking laway.

'Sa Tagaytay,' ngiti ko. Ipinakita ko sa kanya ang bilog na bilog kong dimples. Pero di niya napansin. Kaya itinago ko na ulit.

'Anong gagawin mo dun?' usisa niya. Dami niyang tanong daig pa ang teacher ko sa values education.

'Kakain ng ice cream,' biro ko.''Oh yan!' inabot ko sa kanya ang isang pirasong papel at ballpen.

'Para san 'to?'

'Gumawa ka ng suicide note. Maganda ang view sa Tagaytay kung maisipan mo tumalon at least may evidence na di kita itinulak. Pakipirmahan ng maayos ha.'

'Gusto mo na ba talaga akong mamatay?'

'Dami mo naman tanong. Sinusuportahan lang kita sa desisyon mo. Pero kung sakaling magbago ang isip mo mas okay.'

Habang daan, nagkwento na siya. Masyadong mahaba kaya ipinasummary ko noong nakatapos siya. Inulit naman niya. Nagulat ako sa pagtitiwala niya. Binabastos daw siya ng step father niya. Muntik na nga daw siyang magahasa kagabi kaya pumasok sa isip niya ang suicide. Napayakap siya sa akin. Lumuha. Todo comfort naman ako. Peksman! Walang malisya.

Nasa Italy naman ang Mommy niya, minsang sinubukan na daw niya magsumbong pero di siya pinaniwalaan. Wala akong maipayo sa kanya dahil di ko naman siya pwedeng ampunin. Dati nga nag-uwi ako ng pusa, hayun binuntal ako ni ermat nung kinain ang isdang binili niya sa bayan. Isda pa nga lang yung kinain binuntal na ako, eh kung isasama ko si Riza for sure kakain siya ng kanin.

Nang makarating kami sa Tagaytay, inilibot ko siya para mabawasan ang lungkot niya. Ibinili ko siya ng ice cream para marefresh ang utak niya pero iyong mura lang baka kasi kulangin ang allowance ko. Naglakad-lakad kami minsan sumasakay din naman ng jeep. Iniiiwas ko siya sa bangin baka kasi biglang topakin at tumalon, isama pa ako. Sayang naman ang magandang lahi ko.

Tinuruan ko siyang maggitara dahil iyon lang naman ang talent ko. Kumakanta siya ng 'you first believed' ni Hoku habang tinitipa ang kwerdas. Napakaganda ng boses pwede kong pagkakitaan kung isasali ko siya ng singing contest. Naaliw ako. Hindi ko namamalayan, nakatitig na pala ako sa kanya. Sa bawat pagtama ng aming mata ay napapangiti ako. Unti-unti, sumabay na ako ng pagkanta. Bumuhos ang ulan. Pero napawi naman ang madilim na ulap sa puso at isip ni Riza.


Naisipan ni Riza na tumira muna siya sa apartment, kasama ang iba naming kaklase. Nagtrabaho siya para suportahan ang sarili. Bumalik na ang dating Riza. Paminsan-minsan na lang kami magkita dahil tamad naman akong pumasok sa subject na magkaklase kami. Kadalasan, umaakyat siya sa rooftop para puntahan ako. Minsan nga, di ko namalayan may drawing na ako sa mukha. Tapos may nakasulat na malaking THANK YOU!.. Kumakanta pa din kami pero itinitigil ko na bago pa umulan.

'Joriel, thanks for saving my life.'

'Nasave ko ba? Hindi nga kita pinigilan e.'

'Kahit na. Kung di mo ako nakita malamang wala ako dito ngayon,' seryosong sagot ng payatot.

'Nandito ka na din lang.. Wag na pala.'

'Ano iyon.? Huwag na kasing bitinin.'

'Alam mo sa sandaling pagkakaibigan natin nahulog na ang loob ko sa'yo. Mahal na kita. Mahal kita Riza.'

'Pwede bang mag-isip muna ako?'

'Hindi mo naman kailangan mag-isip dahil hindi naman ako humihingi ng sagot.' Hinawakan niya ang kamay ko pero inalis ko iyon.

Naglakad ako palayo sa kanya. Umakyat ako may gilid ng water tank kung saan dating nakapwesto si Riza.


'Wait~!' Inextend ko ang kamay ko sa may tangke sa may pinakadelikadong parte. 'Oo na. Oo na! Mahal din kita! Please umalis ka na diyan. Hindi ko kayang mawala ka. Delikado diyan!'

Napangiti ako. Bumaba ako bitbit ang kumpol ng lobo na ilang araw ko ng itinago sa likod ng tangke. Bawat lobo may bulaklak sa dulo.

Pinakawalan ko ang lobo sa harap niya. 'Peksman? Mamatay man?!' paninigurado ko sa babaeng kaharap ko. Sa taong mahal ko.

Tumango siya ng maraming beses, mabilis pa sa spaceship. Niyakap niya ako ng mahigpit. Sana lang di kami makita ng principal.


----Gong Xi Fa Cai!---