Skinpress Rss

banyo king


"Wala ka ng naidulot na maganda! Puro ka na lang perwisyo!! %@##$@#**#%!!!"

Ano ba naman to! Nagmumura na naman si nanay ko. Sobrang lakas ng boses kahit sa loob ng banyo e dinig pa rin. Nabibitin tuloy ang aking pagtae pagdumi. Kasi pupunta na naman kami ng school para makipagmeeting sa mga hinayupak kagalang-galang na discipline officer. Sangkatutak na kasi ang violation ko. Fifteen counts ng "NO ID" - madalas kasi maiwan ko sa pantalon ko, two counts ng "Sleeping" - aircon kasi ang library. Ngayon ang pinakamatindi isang count ng "PDA" - biktima lang ako dito kasalanan ko bang maging gwapo?. Hindi ko naman sinisisi ang sweetness ng girlfriend ko. Bigla kasi niya akong hinalikan sa pisngi nung dumating sa south lounge ng school. Saktong daan naman ng babaeng discipline officer. Mainit yata ang dugo sa akin o bitter lang siya kasi iniwan ng asawa.

Naririnig ko pa rin ang masasakit na salita na nanggagaling sa bunganga ng nanay ko. Itotodo ko na lang ang gripo para kahit pano wala akong marinig. Ikumpara ba naman ako sa dalawa kong kapatid na bata. Kesyo si third matipid, maagang umuwi at masunuring bata. Panong hindi uuwi ng maaga yun eh adik sa dota tapos yung perang inipon ang ipangpupusta. Kung may gumagamit naman ng pc andun sa kwarto niya, nakikipagsex nakikipagtext kung kani-kanino. Tapos si bunso daw laging pinupuri ng kanyang guro sa school. Paanong hindi pupurihin eh halos walisan ang buong school at ubod pa ng sipsip. Kung alam ko lang na gagawing janitor si bunso dapat hindi na lang pinag-aral sa mamahaling school. Magtraining na lang siya sa MMDA baka malinis niya pa ang buong Pasig River. Mataas nga ang grade niya sa Values Education. Nagtataka nga ako kung pano binibigyan ng grade ang ugali. Gusto ko nga hamunin ang teacher na iexplain ng pagkakaiba ng grade na 94 at 95 sa Values eh hindi kayang bilangin ang ugali. Siguro mas mabait ng konte yung 95 o pinitas lang nila sa puno ng mangga ang grade niya, marami na rin kasing nairegalo ang nanay sa adviser n'ya.

May hearing daw sa school kaya dapat isama ko ang nanay ko. Para patas daw ang hearing dapat may representative from student council. Tapos ang ibibigay pa nilang representative e yung mukhang hindi pa natutuli inosente. Ano naman kaya alam nun sa buhay ko? Kapag napatunayang guilty malamang mapatalsik ako sa school. Hindi ko nga alam kung para saan ang hearing eh sa simula pa lang alam ko na ang result. Talsik! Ipinapareview pa sa akin ang student handbook to know my rights. Eh parang batas militar naman ang handbook. Mula hairpin hanggang takong ng sapatos e may kalakip na batas. May student council nga to protect us pero ang adviser nila ay yung discipline officer. !@#!&%#!


Hay naku! makaligo na nga lang. Nangangati na ang itlog likod ko.

karnabal


PBA09s80763r

"Yosi! Yosi!" sigaw ko habang nakikipagpatintero sa mga humaharot na sasakayan sa Balibago Complex.


"Boy, isa ngang lights." sambit ng isang jeepney driver na kakikitaan ng pagkapikon sa kawalan ng mga pasahero. Naririnig ko pa siyang nagmamaktol sa mga bagay na hindi ko lubos na naiintidihan.
Karinawan ko ng suki ang mga driver, ilang pasahero, estudyante na kadalasan nakatambay sa terminal, ilang babae na may maikling kasuotan, nakamake-up at puno ng kolerete sa katawan na parang may hinihintay.
Sa edad kong trese kailangan ko ng magtrabaho para sa aking ina at kapatid.

Pauwi na ako. Tahimik ang palagid. Minamasdan ko ang takipsilim sa kanluran at ilang nagtataasang gusali na humaharang sa paglubog ng araw. Isang barangay na lang malapit na ako sa amin. Nakita ko ang asong si Rustom ni Mang Igme. Natatawa ako kasi kalalaking aso eh inaamoy ang isa pang lalaking aso na si Zanjoe. Halos gumulong ako sa tawa ng bigla akong tahulan ng aso. Sa isang iglip nakita ko ang aking sarili na hinahabol ni Rustom. Isa, dalawa, tatlo... sampo na yatang kanto ang tinatakbo ko ayaw pa ako tigilan ng nagaamok na aso ni Mang Igme. Buti na lang may nagmagandang loob ng sumuway sa aso.
Habol ang hininga ko bago ako natauhan kung nasaan ako.

Ilang metro mula sa aking kinatatayuan ay ang isang karnabal. Nawala ang pagod ko sa makapigil hiningang ganda ng lugar. Kakaiba sa pinupuntahan kong perya. Bagamat hindi ako makapasok alam kong masaya. May ilang sigawan pa akong naririnig na alam kong masaya ang lahat. Pinagmasdan ko ang malakastilyong lugar at ang isang rebulto ng isang matandang lalaki na may makapal na puting balbas, mahabang sumbrero, lilak na damit na may talang dekorasyon. Pilit kong hinalukay ang isip ko kung sino ang rebulto. Wala ang mukha niya sa mga bayaning nakikita ko sa libro na ipinakikita sa akin ni ina. Inisip ko na lang na dati siyang mayor ng Santa Rosa 'yung kasing parke sa bayan eh may rebulto ng dating mayor. Ano naman kaya ang ginagawa ng rebulto ng mayor sa isang karnabal?

Natigilan ako sa pag-iisip ng may marinig akong tinig ng isang lalaki.
"welcome to flying fiesta"

"Flying fiesta? Ano kayo yun?" tanong ko sa sarili.
Minabuti ko ng umuwi dahil malapit na rin gumabi. Hindi pa naman ako pamilyar sa lugar. Babalik na lang ako sa ibang araw.

"Flying fiesta, flying fiesta, flying fiesta," paulit-ulit kong bulong sa sarili habang sinisipa ko ang isang bulok na lata ng nido. Bagamat hindi ako nakapag-aral hindi naman ako kulang sa kaalaman. Pinalaki kasi akong palabasa. Teacher kasi si ina sa isang mababang paaralan noong nasa Leyte pa kami bago siya naparalisa. Naaksidente kasi yung minamanehong tricycle ni itay na ikinasawi n'ya at ikinalumpo ni Ina at ng bunso kong kapatid na si Jeffrey. Tumatanggap si ina ng tutorial. Kung ano itinuturo n'ya ay naibabahagi naman sa amin ni Jeffrey. Sabi nga ng mga kapitbahay kung may magpapaaral daw sa akin siguradong magaling ako sa eskwela.

Agad kong tinungo ang kwarto ni inay, hinanap ko ang dictionary. Pilit kong ginalugad sa bawat pahina ang salitang flying fiesta. Makailang ulit kong ginawa iyon. Nabigo ako. Siguro dala ng kalumaan ng nilalaman ng dictionary kaya hindi ko makita ang ibig sabihin ng salitang gumugulo sa aking isipan. Halos kumunot na aking noo ng biglang lumapit si ina.

"Oh anak, ano naman gusto mo malaman ngayon?" malambing na wika ni ina habang hinahaplos ang aking buhok.

"Eh, ina ano pa ba ang flying fiesta wala kasi akong mahanap diyan? Kailangan na natin siguro bumili ng bagong dictionary." naguguluhan sabi ko.
Hindi ko lubos maintindihan ang pagtawa ni ina. Matagal bago siya nakapagsalita.

"Hay naku anak, nagpunta ka ba ng karnabal? Malayo na iyon ah. Ang flying fiesta eh wala talaga dyan, kasi pangalan lang yung ng isang sakayan sa karnabal." natatawa pa ring sambit ni ina.

Halos mapuyat ako sa kakaisip kung paano makakapasok sa loob. Gusto ko rin isama si Jeffrey kasi malapit na din ang birthday n'ya.

"Jeff, gising ka pa ba?" wika ko.

"Oo kuya, bakit?" tugon ni Jeffrey.

"May nakita kasi akong karnabal nung hinabol ako ng aso ni mang Igme. Mag-iipon ako ng pera para makapasok tayo dun. Tapos sabi ni ina may maliit ding salo-salo sa birthday mo." Halos hindi maipaliwanag ni Jeffrey ang kanyang kasiyahan sa sinabi ko. Matagal na kasing hindi makapaghanda sa birthday niya e. Excited na rin siya na makita ang flying fiesta. Siguro inumaga na kami ng tulog kung hindi pa kami sinita ni ina.

Kinabukasan, mataas na agad ang araw sapat para makarami ng benta. Kapag maulan kasi hirap akong makipaghabulan sa mga sasakyan. Hindi maiwasang madulas o matabig ng mga taong nagmamadali.

"Mang Igme! kukuha po muna ulit ako ng yosi," sigaw ko kay mang Igme na nasa loob pa yata ng bahay nila. Baka kasi mahabol na naman ako ng aso kung papasok ako. Pero nagpapasalamat na rin ako kay Rustom kasi nalaman ko na may karnabal pala sa Santa Rosa.

"Oh ikaw pala, ingat sa paglalako ha," paalaala ni mang Igme.

"Mang Igme, magkano po ba ang kailangan ko para makapasok sa karnabal dun?" Itinuro ko ang direksiyong kung nasaan ang flying fiesta. "Gusto ko po kasi isama si Jeffrey tapos sasakay kami ng flying fiesta."

"Ah ang alam ko kasi 300 kung konte lang ang sasakyan nyo kapag ride all naman eh 500 yata. Kung pasyal lang naman ay 100 lang," patuloy n'ya habang may dinukot na papel sa kanyang drawer. "Ito ang loob ng karnabal na 'yun. Oh sayo na lang para maipakita mo kay Jeffrey."

Kumaripas na ako ng takbo matapos magpasalamat kay mang Igme sa mga impormasyon na ibinigay n'ya. Kailangan ko palang makaipon ng anim na daan hanggang Sabado. Mukhang hindi ko yun kaya. O kaya 200 na lang, ipapasyal ko na lang siya hindi rin naman siya nakakalakad e. Kailangan kong kumayod hanggang gabi para matupad ko ang pangako ko kay bunso.

Hindi ko na nagawang pansinin ang paglubog ng araw na madalas kong pagmasdan tuwing uwian. Kailangan kumita ng malaki ngayon. Dumaan muna ulit ako sa karnabal. Napakaganda pala nito kapag gabi. Doon pala nagmumula ang fireworks na nakikita namin ni Jeffrey sa may balkonahe.

Ipinakita ko kay Jeffrey ang mapa ng karnabal. Lumiwanag ang bilugan niyang mata. Ngayon ko na lang ulit nakitang ganung kasaya si Jeffrey. Hindi ko talaga siya pwedeng biguin.

"Jeff! nakasulat dun sa labas ng karnabal bukas na sila ng ala-una ng hapon. Makakapunta tayo dun para makabalik agad tayo ng ala-sais para sa kainan. Dadaan na rin tayo kay mang Igme para imbitahan siya. Makikita mo dun yung asong humabol sa akin."

"Sige kuya, hihintayin kita ng ala una dito para makabalik din agad tayo."

Biyernes. Isang araw na lang kaarawan na ni Jeffrey handa na akong umalis para makaipon.

"Anak, huwag ka munang magtinda ng yosi ngayon. Maglalaba kasi ako at darating lola mo para mamili sa mga ihahanda bukas. Ipasyal mo muna si Jeff para hindi mainip."

Naku! Kukulangin pa yata ako sa oras. Hindi bale babawi na lang ako bukas. Sana malakas ang benta bukas.

"Jeff! tara!" Isinulong ko na ang wheelchair. Alam na ni Jeff ang iniisip ko. Isasama ko siya sa karnabal pero sa labas muna. Parang pelikula may commercial muna.

"Kuya may aso!" sigaw ni Jeffrey. Mabilis kong itinulak ang wheelchair. Napagtripan na naman ako ni Rustom. Pinagtatawanan lang ako ni bunso palibhasa nakasakay lang siya at ako ang hinahabol ng aso.

"Kuya siya ba si Rustom?" sigaw niya.

"O-oo!!" huwag mo muna akong kausapin baka makagat ako nito."

"Kuya! Kuya! Kuya nakikita ko na ang karnabal. Sobrang laki ng ferris wheel!"

Matapos magsawa ang aso sa paghabol sa amin huminto muna kami sa gilid ng karnabal. Tsubibo lang ang nakikita namin. Sumisigaw si Jeffrey. Kung nakakatayo siguro siya nagtambling na ito. Halos mawasak ang ang wheelchair sa pag-indayog niya. Sabay pa kaming sumigaw ng "WELCOME TO FLYING FIESTA!".

Hapon na kami nakauwi. Kung hindi siguro nakaramdam ng gutom walang balak umuwi ang kapatid ko. As usual hinabol kami ng aso pauwi.



Sabado. Kaarawan na ni Jeff. Tulog pa siya. Nag-iwan ako ng sulat na kung hahapunin ako ng uwi ay kinabukasan na lang kami pupunta. Bukod sa kulang ang aking pera marami pang ipinagawa si ina bago ako nakaalis.

Hapon. Naging maayos naman ang benta ko. Uuwi na sana ako kasi sapat na ang pera ko para makapasyal. Medyo trapik pauwi kaya inalok ko muna ang mga naiinip na driver ng tinda kong yosi. Malaking tulong yun para makasakay kami ng flying fiesta. Hindi ko na naman namalayan na dapithapon na.

Nagmadali ako. Kailangan ko nga palang dumaan pa kay mang Igme para imbitahin siya. Bilin kasi yun ni ina. Nagtataka ako ng walang sumasagot at wala rin si Rustom kaya umuwi na lang ako.

Marami ng tao noong umuwi ako. Mukhang ingrande ang hadaan sa kaarawan ni Jeffrey. Napansin ko agad si mang Igme. Kaya pala wala siya sa bahay niya.

"Mang Igme! dumaan ako sa bahay ninyo iimbitahan ko sana kayo sa birthday pero nauna pa pala kayo sa aking dito." Ngumiti lang si mang Igme matapos hawakan ang aking ulo. "Hindi ko nga pala napansin ang aso niyo doon wala kayong bantay sa bahay."

Dumaan ako sa likod-bahay para makapasok medyo puno kasi ang sala. Napansin kong hindi pa nabubuksan ang sulat n iniwan ko sa sa may lumang ref. Ipagpapaalam ko muna si Jeff kay ina na pumunta ng karnabal kahit medyo gabi na. Niyakap ako ni lola ng makita niya ako sa kusina.

"Si J-jeffrey, nabundol. Hinabol ng aso." wika ni lola. Agad akong tumakbo sa loob ng sala tumambad sa akin ang isang kabaong.

karate


Si Roger, isang bata na madalas manonood ng karate sa isang tindahan ng mga lumang telebisyon sa alabang. Matapos maglako ng sigarilyo at kendi tumatambay siya sa may bintanang salamin. Kasama ang ilan pang bata namamangha sila sa paglipad ng kalaban at ng bida. Hindi kapanipaniwalang lumalakas ang bida matapos makainom ng alak.

Nagyayakapan, nagsisipaan at nagsusuntukan ang mga yagit para lang maiakto ang kanilang napapanood hindi nila inalintana kung nanlilihamid man ang kanilang kalaro. Walang gusto magpatalo lahat gusto bida. Tumalon pa nga mula sa isang mesa si Roger para lang masunggaban ang isang batang kararating pa lang. Sumambulat ang dala nito sigarilyo at kendi. Napikon ang bata kay Roger. Inilabas niya ang ipagmamalaking laser sword na kahit sinong bata ay wala pang nakakakita. Itinutok ang espada kay Roger. Isininigaw pa nito na anumang oras ay matatapos na ang maliligayang araw ni Roger. Umalingawngaw ang tawanan.Ilang saglit pa ay muling lumipad pataas sa mesa si Roger para sa isang matinding atake. Bago pa man siya lumanding ay nahagip na siya ng paparating na bus.

tag-ulan


PBA09q014q74

Umuulan na naman. Naalaala ko ang isang lumang kaibigan. Isang taong bumuo at humubog ng aking pagkatao. Tinuruan n'ya akong bumangon pagkatapos madapa sa isang maikling karera.

Umuulan noon, isang panyo lang ang kaya n'yang ibigay dahil kapwa kami walang payong na magtatanggol sa amin sa pagkabasa. Panyo hindi para takapan ang aking ulo para di mabasa kundi para pawiin ang luha sa aking mata matapos mabigo sa piniling pasya. Tanda ko pa ang payo n'ya na hindi nag-iisa ang babae sa mundo kahit ang paniniwala ko na iisang babae lang ang magpapaikot ng aking mundo. Hindi niya mabali ang aking paniniwala dahil ang iniisip at nadarama ko lang ang isinaalang-alang ko. Pero tama siya. Sabi n'ya sa una lang masakit, tuwing uulan lang maalaala ang hapdi.

Sa paglipas ng panahon nalimutan ko na ang sakit. Nalimutan ko ang pagkabigo at muling bumangon. Hindi ko na matandaan ang sakit na dala ng ulan. Nalimutan ko rin ang aking kaibigan.

Hanggang sa dumating ang panahon, kailangan n'ya ng karamay. Umuulan din noon. Tinuruan ko siya ng bumangon. Pinasukob siya sa payong para hindi mabasa ng ulan. Pinakinggan ang anumang bagay na gumugulo sa kanyang isipan. Ipinaliwanag ang sitwasyon na hindi n'ya maunawaan. Subalit mas pinili niyang mabasa sa ulan, damhin ang sakit na anumang idudulot nito. Hindi ko mabali ang paniniwala niya na hindi lang iisa ang lalaki sa mundo.

Umuulan noon, inihatid namin siya sa huling hantungan matapos gupuin ng matinding karamdaman. Tumingala ako sa langit. Humakbang ng ilang ulit. Bumagsak ang mga dahon. Umawit ang mga ibon. Ipinikit ko ang aking mata. Narinig ko ang mga huli niyang salita "mahal kita kahit may mahal kang iba".

puppy love


i enjoyed watching MMK starred by Makisig Morales.. haha

hmmm. naalala ko tuloy nung natuto akong magmahal or should I say "puppy love".
Kinder ako nung makilala ko yung girl. haha landi ko na agad sa edad na anim.
Noong bata kasi ako madalas akong ihabilin ng magulang ko sa kapitbahay since madalas chumika yung tiyahin ko isinasama ako dun sa friend n'ya sa kabilang compound. Hayun nakakita ako ng kaakit akit na mukha. Naglalaro siya ng asong tumatahol kapag pinapalakpakan. Pinapalakpak n'ya ako para lumakas yung kahol. Hanggang sa araw araw na naming ginagawa yun. Paminsan tumatakas pa ako sa oras ng pagtulog makapunta lang sa compound nila. Tinamaan talaga ako. I remember hindi ako nagbibrief nung bata ako kasi naiinitan ako. Pero kapag dadalaw ako dun talagang nagbrief pa ako. Aware na yata ako sa salitang dyahe nun..

Then after ng isang taon lumipat na sila ng tirahan. Nag-aral na siya sa ibang school kaya hindi ko na siya nakikita. Nawala na yung feelings. Balik bata na ulir ako. Hindi na ulit ako nagbibrief.

Pero talagang mapaglaro ang tadhana. Nung grade four na kami nagtransfer na ulit siya sa school namin kaso ibang section siya. Gumanda siya at mukhang dalaga na. Nagawa ko pang magnakaw ng pabango ng kuya ko para mapansin. Kaya nga lang hindi na n'ya ako kilala. Kahit anong gawin kong daan sa harapan niya ay hindi nya ako napapansin. Until dumating ang time ng Linggo ng wika. May school activity. Luckily nagquit ang partner ko dahil inatake ng hika. Guess what??? Siya ang ipinalit na partner ko. Sasayaw kami ng interpretative dance ng Maalaala Mo Kaya. Hawak kamay kami palagi until mapag-usapan namin ang aming pagkabata. Bumalik sa kanyang alaala kung sino ako. Masaya kami pareho sa bawat araw na magkasama kami. Pero after ng activity torpe na ako. Hindi ko na siya makausap. Naisipan kong gumawa ng love letter na alam ko namang hindi ko kayang ibigay. Ilang stationery din ang nahingi ko sa pinsan ko para maimpress naman siya. Nakaipon ako ng maraming sulat. Mga sulat na kailanman ay hindi ko nagawang ibigay.
Since bully ako nung elementary favorite ko manggulo ng gamit ng iba. Naglalagay ako ng bato, basahan, bunot at kawayan sa bag ng iba. Dumating ang time na may batang naglakas loob na gumanti sa kalokohan ko. May napagkwentuhan kasi ako na may koleksyon ako ng loveletter sa math notebook ko.
Nakarating na lang sa akin na may bumabasa pala sa harap ng klase ng kabilang section ng mga sulat ko. Halos matunaw ako sa hiya. Sinuntok ko ang batang nagpakalat ng sulat. Pero mas matindi ang tawanan nila. Ako na lang ang umiwas. Sa tuwing makakasalubong ko siya mas pinili kong bumalik para lang hindi niya ako makita. EH ganun talaga bata e. hanggang mabaon na lang ang lahat sa limot....


at ayun.. ngayon may asawa at anak na siya...

LRT (Love and Relation Transit) part 4


love and relation transit part 1
love and relation transit part 2
love and relation transit part 3

the encounter


D. Jose Station. Sa unang tapak ko palang sa pulang guhit sa sahig ng istasyon, lumingon na agad ako sa kaliwa't kanan para hanapin si Realiza. Wala pa siya. Wala pa ang malalakas na pagpalo ng takong ng sapatos. Wala pa ang nakaririnding boses. Wala pa ang nakakairitang tawa. Mga ingay na naging musika na sa aking tenga.

Nilibang ko muna ang aking sarili. Dumidilim na wala pa rin siya. Tinapunan ko muna ng atensyon ang dalawang batang badjao sa dulo ng ng hagdanan ng LRT station. Masigla silang tumututog ng tambol at kumakanta na parang tumatawag ng mga alien sa iba't ibang planeta. Hinagisan ko ng ng tig-piso para sa effort nila subalit yung batang babae lang ang pumulot. Siguro siya ang treasurer ng kinikita nila. Pagkatapos pulutin ay mas lalo pang nagperform ang dalawang bata. Walang gustong magpadaig. This time gumigiling pa at may dumating pang back-up dancer. Naaliw naman ako sa pinaggagawa nila. Naalala ko tuloy nung nasa Batangas pa ako. May mga batang pier kasi na nakalulob sa dagat na naghihintay ng maghahagis ng barya mula sa mga pasaherong bumababa at sumasakay ng barko. Sisirin nila ang barya kahit magkano pa ito. Hindi nila inalinta ang matinding init ng araw at alat ng dagat. Naging libangan ko noon ang paghagis ng barya sa tuwing naghihintay ako ng pag-usad ng mga pasahero katulad ngayon naging libangan ko ang paghagis ng barya sa mga bata habang hinihintay ang isang pasahero, si Realiza.

Mahigit isang oras na akong nakamasid sa mga bata subalit wala pa rin si Realiza. Wala man lang akong natatanggap na text mula sa kanya. Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam ang dahilan para matagalan siya ng ganun. Kinabahan ako na baka nagkasalisi kami. Parang may dalawang daga ang nagsisee-saw sa loob ng dibdib ko sa kaba. Baka nagalit siya kasi hindi ako nagreply sa text niya kanina. Para na akong paranoid sa dami ng iniisip.

"Huy!" Isang pamilyar na matinis na boses ang bumasag sa aking muni-muni. Si Realiza.

Humarap agad ako ng may ngiti sa labi. Bumungad din sa aking harap ang isang lalaki. Bakit kasama niya si Realiza? Kaya ba ako pinapunta dito ay para lang ipakilala sa akin ang mokong na lalaking ito. Boyfriend kaya n'ya? Kinabahan muli ako, this time ang mga dagang nagsisee-saw sa aking dibdib ngayon ay nasa anchor's away na para lamunin ang aking pagkatao sa sobrang kaba. Handa ba akong marinig na may mahal na si Realiza? Handa ba ang tindahan sa tapat ng bahay namin sa dami ng alak na kaya kong inumin kung siya nga ang bf ni Realiza.

"Si Paul nga pala," pakilala ni Realiza. Patuloy sa pagsasalita si Realiza pero hindi ako nakikinig. Kinamayan ako ni Paul. Tinapunan ko naman siya ng plastik na ngiti. Anumang oras na tumalikod siya ay tatagain ko na siya para mawala sa landas ko.

"Inihatid na n'ya ako dito kasi gabi na natapos yung planning namin sa org namin," patuloy pa ni Realiza.

Tumango na lang ako. Nagpasalamat at ngumiti muli para makita n'yang may dimples din ako. Matapos nun ay umalis na ang mokong.

Sino si Paul? Bakit kailangan ihatid niya si Realiza ko. Kaibigan lang ba siya? Dapat ko ba siyang ituring na kaaway, karibal o kaibigan na pwedeng gawin tulay patungo sa puso ni Realiza. Alam kong nagseselos ako ng wala sa lugar. Alam kong masamang angkinin ang kailanman ay hindi naging sa akin. Gusto ko siyang tanungin para malinawan ang aking isip pero hindi ako handa kung sakaling tama ang mga hinuha ko.

"Bakit tahimik ka?" Hinagilap ni Realiza ang aking kamay papasok sa LRT. "S-sorry ha natagalan ako dami kasi changes sa plans sa school."

Bumuntong hininga muna ako bago nagsalita. Hindi dapat niya mahalata na nabigla ako sa nakita ko. Hindi dapat magpaapekto. "Ah eh, kailangan talaga tahimik ako, remember kasama yun sa qualification para maging type mo ako," biro ko.

"Seryoso ka talaga ha!" Humalakhak siya na parang kami lang ang tao sa tren. "Sure ka? Para kasing may gumugulo sa isip mo," usisa n'ya pa.

"Ah wala to. May naisip lang ako bigla nung hinihintay kita. Weird nga e"

"Ano naman yun?" Tumitig siya sa akin. Hindi ko kayang itanong.

"Wala. Naisip ko lang kung kailangan ng lisensiya bago makapagdrive ng LRT." Natawa muli siya. Kinurot pa ako sa tagiliran na parang nakagat ako talangka sa sobrang hapdi.

"Kala ko ba may sasabihin ka sa akin?"

"Ay oo nga pala! Bukas kasi need ko umaatend ng debut kailangan ko ng kasama para payagan ako ni tita. Please samahan mo ako!" pagmamakaaawa n'ya gamit ang ngiting hindi ko kayang tanggihan.

Sasama ba ako? Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa kasi kasama ko siya o ginagamit n'ya lang ako. "Ah e, baka ma-OP lang ako dun." Nagpakipot muna ako para pilitin ako lalo.

"Hindi ‘no. Aside sa family niya wala na akong kakilala. Kaya isasama kita para may kausap ako at may kasabay din pauwi. Sama ka na!" inalog n'ya ang ulo ko para tumango.

Lumiwanag ang kaninang madilim kong mundo. Excited na ako para bukas. "Sige! ‘kaw pa eh malakas ka sa akin!"

Nagningning ang kanyang mata matapos akong pumayag. Sumandal siya sa aking balikat habang hawak ang aking braso. Pumikit muna siya. Ilang saglit lang nakaidlip na siya.


"Mahal kita Realiza," bulong ko sa kanyang buhok.

Minasdan ko ang tanawin sa labas ng tren. Makulay. Pero mas makulay ang nadarama ko sa mga sandaling ito.



itutuloy ang tren....

rugby


Matagal na rin palang boyfriend ni Joselle si James. Alam ko nagbreak sila three years ago na kahit si kuya kim ay hindi kayang ipaliwanag sa sobrang complicated. Then after three minutes dumaan si James, hayun sila na ulet. Then nung lumipat si James ng bahay nagkahiwalay sila. Nawalan ng contact kasi hindi maayos ang pagpapaalam. Naunawaan naman yun ni Joselle pero malungkot din. Alam ko hindi rin siya nakakain e. Humantong sa time na sila pero parang hindi sila. Hanggang sa nawala na talaga ang communication.

Nagtagpo lang ulit sila ng landas dito sa harap ng bahay namin. Nagkakape pa nga ako sa kusina ng kapitbahay namin nun. Then nabalitaan ko na lang na sila pa til now kasi hindi naman daw sila nagbreak. Maybe they are really meant to be o inlab lang talaga sila sa tuwing magkikita.

Ok naman sila e. Daig pa nga nila ang loveteam ni Spiderman at Volta.. Then I learned ready na si Joselle mabuntis. wow!!


Nagtataka lang ako.. Tagal nilang hindi nagkita pero walang naganap na pagtataksil na hindi na pangkaraniwan ngayon. Alam ko uso na ang sulutan e. Meron nga napadaan lang aamuyin lang ng konte tapos ok na agad.

Siguro sila talaga.

Siguro may pag-uusap na yung may-ari na kapag dadalaw e dadalhin yung mga chuawa nilang sina James at Joselle.

my t-shirt









huwaw.. hirap pala gumawa ng t-shirt

sana lang hindi kumupas kapag nilabahan...

LRT (Love and Relation Transit) part 3


love and relation transit part 1
love and relation transit part 2



Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Hinagilap ko ang aking cellphone kahit wala pa akong shorts. Wala naman sisilip sa matipuno kong katawan kaya okay lang walang shorts. Pumikit muna ako. Idinilat ang kaliwang mata, tapos ang kanan. "Wow!" Hindi naman ako masyadong excited ng makitang ko na unregistered number. Napalundag ako. Ang dati kong lundag na kasing taas lamang ng lata ng sardinas ngayon ay tumaas ng dalawa hanggang tatlong pulgada.

Binasa ko agad ang message. "Hi!!! Louie hulaan mo kung sino ako. Clue crush mo ako."

Hindi ko alam ang irereply ko sa message. Para akong nakuryenteng pusa plus nilalamig na ako dahil hindi pa ako nakakapagdamit. Kailangang kong i-grab ang opportunity alam kong lablyp na ito. Hindi ako nagreply bagkus nagregister muna ako sa unlimited call offer. "Ayos! Registered agad!"

"Hello crush!! Angelina Jolie ikaw ba yan?” tanong ko agad. Hindi ko muna siya hinayaan magsalita kailangan may diskarte agad ako na minana ko pa sa lolo ko. "Ay, miss crush may naiwan nga pala ako d'yan," seryosong banat ko.

"Wow! Angelina na pala ako ngayon! Wala ka naman naiwan dito except dun sa mga hugasan." si Realiza.

"Naiwan ko kasi ang puso ko d'yan. Pakiingatan na lang at paki-spoiled na din." diskarte ko kasunod ang malakas na tawa.

"Hanep sa banat! Pwede ng ibaon sa hukay sa kalumaan. Napaghahalata tuloy ang pagnanasa mo saken may pagtawag ka pang nalalaman." pang-aasar niya.

Naririnig ko medyo maingay sa background. Parang bukas sara ang mga drawers. Parang may hinahanap siya.

"Baket maingay d'yan? May hinahanap ka ba?" urirat ko.

"Hinahanap ko yung puso mo baka makain ng daga sa kalumaan. " biro n'ya. "Tinago ko lang yung books ko."

"Puso ko? wow crush mo na rin yata ako," hirit ko.

"Excuse me hindi ka pa qualified na maging crush ko!" pagmamalaki ng Realiza.

"Dapat ba may qualifications pa?! Ano ba requirements?"

"Dapat tahimik lang. Yung walang yabang sa katawan. Maayos ang buhok. Hindi malakas kumain. In short, opposite ng ugali ko." May ilan pang sinabi si Realiza na hindi ko naman pinakikinggan ang mahalaga, maipasok ko ang mga hirit ko.

"Ah yun pala. Sige bukas crush mo na ako." sagot ko.

"Haha! Nakapag-adjust agad," sabi Reliza kasunod ang halakhak na masakit sa tenga.

"Halimbawa trapped ka sa island tapos ang kasama mo eh matipunong si ako at isang may rayumang camel, kanino ka magka-crush?" natawang sabi ko.

"Hmmm.. Hindi ko na maiisip magka-crush nun. Isipin ko na lang kung bakit may rayuma ang camel na yun?" katwiran n'ya.

"Ay sus!" hindi ako makalusot sa kanya.. Naubusan ako ng sasabihing diskarte. Pero kahit ganun alam ko nagkakalapit na ang loob namin. Hindi na ako nahihiyang mag-open ganun din naman siya. Pinag-usapan namin mula pagkabata, tag-ulan, laro noong bata, pag-aaral, lovelife na lagi naming topic at current status ng buhay. Hinayaan ko lang na siya ang bida.

"Dami mo pala achievements. Wala naman akong ipagmamalaki. Pagmamahal lang ang alam ko," mangiyak-ngiyak pang pahayag ko.

"Nyak! OA ka na Louie."

"So, Accountancy student ka pala. Sayang hindi mo magagamit ang pinag-aralan mo." nanghihinayang na banggit ko.

"Bakit naman?" nagtatakang wika n'ya. "Halos lahat ng organization need ng accounting grad."

"Kasi gagawin kitang plain housewife," banat ko agad. "Ayaw ko ma-stress ang soon to be wife ko!"

"Mr. Jimena, bumanat ka na naman. Assuming ka!" Ilan pang malutong na tawa ang narinig ko. "Sure ka na tayo ang magkakatuluyan hindi ka pa nga qualified sa crush ko." Hindi mapatid ang tawa n'ya sa bawat salitang binitawan.

"Hindi ako assuming optimistic lang." bawi ko agad.

Kahit hindi ko siya nakikita alam kong masaya siya ng gabing 'yun. Pumalakpak naman ang tenga ko bago kami magpaalaman. Kung wala nga lang pasok bukas hindi na kami matutulog.


Kinabukasan mataas agad ang sikat ng araw. Nakakasilaw. Masakit sa mata. Hindi sapat ang proteksiyon na ibibigay ng mumurahin kong shades o puyat lang ako kaya hindi umepekto ang ipinagmamalaking UV protection ng shades.

Nakipag-unahan ako sa sangkatutak na pamilyar na tao patungo sa LRT station. Maganda ang araw ko. Kahit itulak nila ako hindi ako magrereact. Kung mabubundol nga ako ng tren hindi ko siguro mararamdaman. Sa mga oras kasing iyon, si Realiza lang ang laman ng buo kong pagkatao. Nakalutang ako sa ere sabi nga nila.

Pero hindi ko pa rin maiwasan na mapakamot ng ulo. Umandar na naman kasi ang pagiging observant ko. Nagtataka kasi akong sa mga babaeng estudyante na nagpipilit sumiksik sa dulo na cabin, sobrang luwag naman sa women and children area. Hanggang sa napagtanto ko na andun pala ang partner nila. Dalawang tao mula sa aking kanan ay ang isang lalaki na hinahaplos ang buhok ng kasama n'yang babae.

"Sweet! Nakakainggit," bulong ko sa sarili ko. Ang dating itinuring kong PDA ay sweet na para sa aking ngayon. Hindi na nakaligtas sa aking paningin ang bawat lumalabas at pumapasok na bagong loveteam. Balang araw pag-ibig ko naman ang mamayani sa loob ng tren! Ako naman ang bida.

Sa opisina, tulad ng dati sinira ng boss ko ang aking araw . Pati personal na buhay pinakialaman. Hindi rin pinatawad ang ang laruang rabbit na gumagalaw sa ibabaw ng monitor ko kesyo abala sa paningin at takaw pansin ang humping. Kung kelan marami akong ginagawa saka isisingit ang sermon. Kailangan daw hindi manatili sa routine at palawigin ang isip. Tulog daw ang utak namin at huwag hayaan ikulong lang ito sa apat na sulok ng opisina. Lumabas sa kahon ng karunungan. Kailangan daw bigyan kahulugan ang bawat detalye. Pero kapag ginawa mo naman ang sinasabi n'ya makakasuhan ka naman ng hindi pagsunod sa process flow and procedure.

Hay buhay! Gusto kong lagnatin para hindi ko makita si bossing! Parang kahapon lang pinupuri n'ya kami nung may dumating na bisita. Ahay! Hindi ko na lang pansinin. Hahayaan ko na lang siya magsalita. Ituturing ko na lang na promotion ng sabon sa Mall na kahit anong paliwanag ay hindi ko rin naman bibilhin. Pasaan ba't mauubusan din yan ng dialog.




Baclaran station .Sa bulusok ng tao ako ay nahilo. Pagod sa maghapong trabaho at mabubulang sabon ng amo. Marahang tinungo ang paboritong pwesto. Gusto kong maidlip. Sa dulong istasyong naman ako. Hindi ko na pinansin ang pagdami ng tao. Ang alam ko lang pagod ako.

Libertad Station. Hindi ko lubos maisip na may reckless driver din pala ang LRT. Halos bumaligtag ang tiyan ko sa madalas at pabigla-biglang na pagtigil ng tren. Hindi ako makatulog. Naaalog ang utak ko baka bago makarating sa dulo eh nasa bulsa na ng katabi ko ang utak ko.


Vito Cruz Station. Napilitan akong tumayo. May matandang nagsumiksik sa loob. Sa aking pagkainip, kaibigang cellphone aking dinukot. Minasdan ang picture ni Realiza. "Masaya sana kung sabay kami umuwi." mahinang bulong ko. Narinig pala ako na kaharap kong lalaki. Ngumiti lang ako. Ngumiti rin siya. Medyo malagkit pa. Bakla pala.

Quirino Station. Ilang sulyap pa ang itapon ng bakla sa akin. Malalanding titig. Hindi naman bukas ang zipper ko para tapunan n'ya ako ng atensyon. Iniisip n'ya siguro na siya ang sinabihan ko na sabay kami umuwi. Gusto ko ng magwala. Gusto ko siyang itulak sa palabas ng tren. Kumalma lang ako ng makatanggap ako ng text. Si Realiza. Napangiti ako. Ngumiti rin ang bakla. Diyos me.

Sabi sa text message. "Baba ka D. Jose. May sasabihin ako sayo."


itutuloy.....

-------

"ang interes sa isang tao madalas ay nasa unang pag-uusap parang tinapay na ang sarap ay nasa unang kagat"

gunting


Habang nakaduty ako sa emergency room ng isang ospital sa Maynila, may isang babaeng isinugod sa ER dahil pinutol niya ang sariling daliri. Sabi ng tiyahin, nabigo sa pag-ibig ang dalaga. Paapat na beses na rin nya ito ginawa. Palagay ko naman mabait siya dahil maamo ang kanyang mukha kaya makalipas ang gamutan tinanong ko ang dalaga.

"Bakit mo naman naisipan putulin ang iyong daliri sa tuwing nabibigo ka sa pag-ibig?" magalang na tanong ko.

Nagpunas muna ng mukha ang dalaga bago nagsalita.

"Sa ganitong paraan kasi hindi ko mararamdaman ang sakit na dulot ng pagkabigo ko sa pag-ibig dahil ang tangi ko na lang mararamdaman ay ang kirot ng ng naputol ko daliri," paliwanag ng babae.

"So malamang pala maubos ang sampong daliri mo?" tanong ko muli habang nilalapatan ko ng antibiotic ang sugat.

Umiling ang babae. "Siguro hindi na aabot sa ganon,"

"Dahil hindi ka na masasaktan?" pagtataka ko.

"Hindi ko alam kung hindi na ako masasaktan. Pero kung masaktan muli ako hindi ko na mapuputol ang mga daliri ko. Ano pang ipanghahawak ko sa gunting kung ubos na ang daliri ko?" anito.

Lumuha ang babae habang pinagmamasdan ang paglalagay ko ng benda.



___________________________
Reject your sense of injury and the injury itself disappears

LRT (Love and Relation Transit) part 2


link sa part 1
getting to know
"ang tao ay parang ulan, darating kahit hindi mo inaasahan"



Hinagilap n'ya ang aking braso, hinila sa pinakamalapit na stall mula sa aming kinatatayuan. Matapos makipag-espadahan ng stick sa pagpili, paghalungkat at pagtusok ng kwek-kwek, kikiam at fishball naupo na kami sa isang bakanteng kiosk.

"Dito pinakamasarap ang lahat ng street foods." Nilunok ng buo ang kwek-kwek bago nagsalita muli. "Nalilimutan ko ang problema ko dito, lalo na kung bagsak ako sa exam. The best dito ang kwek-kwek at bbq," pagmamalaki ni Realiza.

"Mukha ngang masarap halos kasi hindi mo na malunok e," biro ko. "Alam mo may isa pang masarap dito."

"Ano pa?" si Realiza.

"Ikaw. Masarap ka kausap eh. Cowboy na cowboy." hirit ko.

"Sus. nambola ka pa. Eto suka para mas masarap ang titig mo sa akin. I know naman crush mo ako. Kinunan mo pa nga ako ng picture kanina." wika n'ya habang akmang babatuhin ako ng bote ng suka.

"Utot mo!" tanggi ko. "Anung crush ka d'yan. Andun na sa kabilang kiosk yung ilong mo sa kapal ng face mo. Sarili ko ang kinukunan ko kanina! Tingnan mo pa!" hamon ko sa kanya.

"Patingin nga?" walang pag-aatubiling anito.

Dahan-dahan kong kinuha ang aking phone sa loob ng bag pero pinindot ko muna ang switch para hindi mabuking na kinunan ko nga siya.

"Eto! Ay sayang lowbat na. Napahiya ka sana." wika ko.

"Ok fine. Talo na'ko. Ano nga pala name mo? Taga san ka?" si Realiza.

"Louie. Louie Jimena. Sa Letre ako pero gusto ko na lumipat ng bahay para malapit sa inyo." banat ko.

"Ah Letre. Pa-same way same way ka pa d'yan sa kabila naman pala ang uwian mo. Bawal na maging stalker ko. Madami na kayo!" natatawang wika n'ya habang itinuturo ng stick ang mukha ko.

Masaya. Lumundag ang puso ko sa masayang pag-uusap namin. Alam ko friendly siya. Walang angas sa katawan. Malakas lang kumain.

"Tara. Hatid mo na ako para sulit ang kabaitan mo. Ay huwag mo na pala ako ihatid, ako na ang bahala na sumuong sa panganib." nakangiting sabi ni Realiza.

"Walang problema. Hatid na kita huwag ka ng magdrama." sabi ko. "Kung alam mo lang napakaswerte ko na ihatid ka." bulong ko sa sarili.

"May sinasabi ka? Narereklamo ka yata."
"Wala. Iniisip ko lang kung paano makukuha number mo," palusot ko.

"Here's my phone save iiittt!" utos nito habang hinahampas ako sa balikat.

Tinadaan ko lahat ng dinaanan namin. Lahat ng street, kanto, poste, tindahan, poster ng pulitiko, mukha ng tambay, aso at kulay ng mga bahay. Lahat 'yun tinitigan ko para alam ko ang daan papunta sa bahay nila. Hanggang tumigil kami sa isang apartment-type na building.

"Paano? Hanggang dito na lang ako. Ingat ka Louie. Salamat sa lahat." nakangiting wika n'ya.

"Sige, salamat din sa food," masayang sabi ko. Siguro ito na ang hinihintay kong sign. Siya na siguro ang babaeng para sa akin.

Sana lang alam ko ang daan pauwi. Sana walang asong hahabol sa akin dito. Napasuntok pa ako sa hangin ng biglang may pamilyar na boses na tumawag sa akin.

"Pssst!! Louie! pasok ka daw muna sabi ni tita,"

Mabilis pa sa lintik akong humarap sa kanya at walang kaabog-abog na tumuloy sa loob. Minsan lang ito kaya dapat pagsamantalahan este samantalahin pala. Naupo agad ako sa sofa kahit hindi pa ako pinapaupo. Pinagmasdan ko ang loob kung may picture n'ya na may kasamang lalaki. Para may clue ako kung may bf siya. Wala naman ako napansin.

"Si Tita Chit nga pala, Louie," si Realiza.

"Good evening po tita," magalang kong wika at ngiti na rin siyempre para makita n'ya naman ang aking killer smile.

"Taga saan ka?" tanong ni Chit.

"Taga Letre siya tita," sabat ni Realiza.

"Ah malapit lang pala." Inilipag ang hawak na magazine sa mesa bago nagsalita muli.
"Matagal na kayong magkakilala?" tanong ulit ni Chit na para akong iniimbestigahan.

"One hour ago na tita," sabat muli ni Realiza.

"Bakit ba ikaw ang sumasagot? Umakyat ka muna! Magbihis ka!" Utos ni Chit. Binato ng unan sa sofa si Realiza.

"Taga Batangas po talaga ako. Nakikitira lang po ako sa pinsan ko sa may Letre," paliwanag ko.

"Wow, Batangas!" mabilis na sagot ni Chit.

"May relatives kayo sa Batangas?" tanong ko.

"Sa Batangas si Tita Chit nadevirginized . Joke!!! Taga dun ang napangasawa n'ya." sabat muli Realiza na nakikinig pala sa dulo ng hagdan.

"Ah, small world pala. Nasaan ang asawa n'yo tita?" tanong ko habang tinitigan ang pababa sa hagdan na si Realiza. Naisip ko na parang lalaki lang kung kumilos. Sobrang bilis magbihis.

"Nasa Singapore. Two years na siya dun kaya dito muna ulit kami nagstay sa Manila kasi wala din ako kasama dun sa Batangas," paliwanag ni Chit. Pinandilatan pa n'ya ng mata si Realiza.

"Yeah! two years na dun ang asawa ni tita. Kaya virgin na ulit siya. " pang-aalaska ni Realiza.

"Hoy babaita pumunta ka sa kusina may gatas dun. Inumin mo then matulog ka na maldita!" bawi ni Chit. Ilang sandaling nanahimik waring may dinudukot sa ilalim ng mesa. "Eto nga pala ang album ni Realiza aka Ula. Feel free to browse," mapanuksong wika n'ya.

"Tita, wag yan," sigaw ni Realiza habang pigil pigil ang dalawang braso ni Chit.

"Buksan mo Louie, educational ang photo album ni Ula". Halos hindi matapos ni Chit ang pagsasalita dahil sa pag-aagawan nilang magtita. "Louie, dali kunin mo! Makikita mo d'yan ang evolution ng tao, from unggoy to baboy to tao."

Napuno ng halakhakan ang silid. Natawa ako sa takbo ng usapan at sa kulitan ng magtita. Naging at home ako sa maikling panahon. Ito siguro yung sinasabing parehas ng wavelength kaya maganda agad ang samahan kahit unang pagkikita pa lang. Nakikain pa ako bago tuluyang pinauwi.

Nasa bahay na ako ng maalala kong buhayin ang cellphone ko. Nagbabakasakali na may text n'ya. Pero bigo ako. Wala kahit isang message. Mali yata ang move ko. Mali ang diskarte. Dapat ako na lang ang kumuha ng number n'ya. Browse ko agad ang gallery para i-check ang picture n'ya. Napakaganda ng kuha. Kahit medyo napasentro yung kuha sa dibdib kita pa rin naman ang mukha. Maaliwalas. Angelic. Pasimple kong hinalikan ang picture para hindi mapansin ng pinsan ko. Hindi naman siguro kasalanan sa batas ng kung hahalikan ko ulit.

After ko maligo, napansin kong may message na sa cellphone ko.


itutuloy.......

LRT (Love and Relation Transit) part 1


Baclaran Station. Sa bulusok ng tao ako ay nahilo. Pagod sa maghapong trabaho at mabubulang sabon ng amo. Marahang tinungo ang bakanteng pwesto sa may sulok ng cabin. Gusto kong maidlip. Sa dulong istasyong pa naman ako.

Buendia Station. Nagising ako sa aking pagkakaidlip. Biglang uminit. Maraming ng tao. May lumalabas, may pumapasok, may naghihilahan. At may nangungusap na parang alien. Nawala ang antok ko ng may babaeng nagmura matapos matapakan ang kanyang paa.

Carriedo Station. Lumabas na ang mga negosyante. Pumasok naman ang mga sexy. Naaliw ako. Nawala lalo ang antok ko. Naenjoy ko magmasid sa mga nasa paligid ko. May estudyante sa tapat ko na nag-aaral pa rin kahit uwian na. Sa gilid ko naman ay ang dalawang magdyowa. PDA. Hinahalikan sa kamay. sweet! hinalikan sa batok. sweet! hinahalikan ang hair. sweet. Pilit kong sinilip ang mukha ng babae. Hindi ako nabigo. Humarap siya. Horror. Natawa ako. Tumungo na lang ako para hindi mapansin.


D Jose Station . Puno na ang tren. Walang nais lumabas. Pumasok ang mga estudyante. Puro babae ang nasa harap ko. Nanatili akong nakatungo. Patay malisya ako. Ayaw ko tumayo para ioffer ang seat ko.

Blumentritt Station. "Kung nababasa mo ito tinitigan mo ako." wika ng isang estudyante. Pamilyar sa akin ang linyang iyon. Tama! Iyon ang nakatatak sa sout kong T-shirt. Hinanap ko kung saan nagmula ang tinig. Sa estudyanteng nasa harap ko.

"Wow," bulong ko sa sarili. Maganda ang chick. Hindi man siya sexy tulad ng gusto ng maraming lalaki pero angkop sa taste ng mga lalaking ang type ay chubby. Napatawa pa siya nung tumingin ako. Mamula-mula ang kanyang pisngi. Nagdasal ako. Sana makilala ko siya. Hiniling ko sa Diyos na bigyan n'ya ako ng sign kung siya na. Kung hindi naman. Siya na lang please.Lord.!!

R. Papa Station . Naubos ang tao. Parang hinipan lang na alikabok. Naupo ang chick sa tabi ko. Hindi ko alam kung magrereact ako. Kikilos ba ako palayo? Baka mahalata na affected ako nung binasa n'ya ang shirt ko. Dinukot ko ang cellphone ko. Tiningnan ang oras. Tulad ng gawain ng karamihan, ini-on ko ang camera. Buo sa isip ko na kunan siya ng picture. Click!

"Anak ng asul na baka! Baket hindi ko nai-off ang flash?"

Nagulat ang babae pero hindi man lang nagbitiw ng salita o puna sa kalokohan kong ginawa. Hindi ako nagsalita. Hindi ako nagpaapekto. Mamaya ko na lang titingnan ang resulta.

Monumento Station . Last station na. Sa sobrang hiya ko, naiisipan ko muna na hindi tumayo. Minasdan ko na lang ang bawat hakbang ng chicks. Ilang minuto pa, tatayo na sana ako. Napansin ko ang isang ID sa tabi ko. ID ng katabi kong chick. Napaluhod ako sa sahig.

"Lord, is this the sign?" masayang sabi ko. Agad akong tumakbo palabas para habulin ang chick.

"Miss! "Miss! "Miss! "Miss!" sigaw ko. Hindi n'ya ako marinig o ayaw lang talaga n'ya humarap. Sumakay siya ng bus. Sumakay din ako. Nakapwesto agad siya sa unahan. Habang ako naiwang nakatayo sa gitna ng bus.

Hindi ako makagawa ng move. Maraming tao. Maraming harang. Ninais ko munang manahimik. Natatawa ako sa itsura ko. Kaharap ko pa kasi ang isang lalaking nangangaral ng mabuting salita.

Tumigil ang bus. Hindi ko inalis ang tingin ko sa chick ramdam kong bababa na siya. Kumilos ako. Sumigaw ng ubod ng lakas.

"Miss! "Miss! "Miss! "Miss!". Hindi ako marinig. Bingi ba siya?

Natawa lang ako. May pangalan nga pala ang ID. Bobo ko naman. Miss Realiza D. Gonzaga!!!! malakas na bigkas ko ng kanyang pangalan. Parang isang sundalo na umikot ng 180 degrees ang babe.

"Kilala ba kita,kuya? Bakit mo ako tinatawag?" Hindi ako nagsalita. Bagkus ipinakita ko ang ID n'ya.

"Hay, naku kuya salamat nahulog pala ang ginto kong ID. Teka hindi ba ikaw yung katabi ko sa LRT?" habang itinuturo ang tatak sa T-shirt ko.

"Ako nga. Naiwan mo kasi ang ID mo kaya sinundan kita." nakangiting sabi ko.

"So, salamat kuya. Una na ako"

"Ah eh, sabay na tayo. Same din naman tayo ng way," pakiusap ko sa kanya habang iniaabot ang ID.

"Same ng way? Taga North ka?" takang wika n'ya.

"Hindi. Sasabay lang ako papaunta sa inyo. Para alam ko kung san ko ihahatid ang ID mo kapag naiwan mo ulit," pabirong wika ko.

"Ang Chessy mo. Huwag na. Halika. Magkwek kwek muna tayo. Makabawi man lang ako sa sa'yo....


love and relation transit part 2
love and relation transit part 3
love and relation transit part 4
love and relation transit part 5
love and relation transit part 6
love and relation transit part 7
love and relation transit part 8
love and relation transit part 9
love and relation transit part 10
love and relation transit ending

alamat ng earth


noong unang panahon wala pang planetang mundo.. oo wala pa kahit hindi ka maniwala. ang meron lang ay mga ibon na lumilipad sa space at ilang hayop na nagpapangap na ibon.
tanging bulaklak at kabute lang ang halaman. lumalabas lamang kapag nababagok ang ulo ni super mario sa mga bricks na nasa space.

sa takot ng mga maya, ductyls, hummingbirds, kalapati, pugo, tagak, surot at iba pang ibon, na maubos ang pagkain nilang flower at kabute dahil medyo tamad si mario na ihamapas ang kanyang ulo sa mga bloke naisipan nila ipreserve ang mga ito. tinipon nila ang lahat ng kabute at flower. dinala sa venus upang ipreserve sa yelo na present doon. dahil maliit lang ang utak ng mga ibon kahit si bigbird pa ang leader nila hindi nila alam na may expiration ang kabute at ang mga flower. hindi rin BFAD approved ang yelo sa venus kaya hindi ito maituturing na potable.

dumating ang panahon na kanilang kinatatakutan. tinamad si super mario na ihampas ang kanyang ulo. dahil nakipagchess pa siya kay king kupa para mailigtas ang princess. humihingi ng rematch si mario kapag natatalo dahil 100 lives sya. since one life lang si kupa natalo nya. noong mailigtas nya ang princess, mas ninais nyang makipaglandian. natigil ang produksyon ng flower at kabute sa space.

nagpanic ang lahat. hindi pala lahat, uso na rin kasi ang tamad noon. agad nilang hinakot ang mga preserved kabute at flower sa venus. nilagyan ng iba't ibang flavor bago lutuin. after ng preparation kumain na ang mga birds. dahil expired na ang flower at kabute plus hindi potable ang yelo sa venus nagkaroon ng widespread ng cholera. namatay ang ilang ibon at ang ilang nagpapanggap na ibon. patuloy ang pag-ipot ng mga nagsurvive. sa lakas ng pressure, gravitational pull ng heavenly bodies nagawa nitong pagsama-samahin ang lahat ng ipot at patigasin upang maging earth. since cholera ang epidemya may kasamang tubig ang ipot ng mga ibon. kaya naging 3/4 ang tubig sa earth at 1/4 lang lupa. sa pagdaan ng panahon gumanda na lang ang hugis nito dahil sa ninuno ni becky belo.


"And the Eternal God formed man of the dust of the ground, and breathed into his nostrils the breath of life; and man became a living soul."

tama gawa sa alikabok ang tao. sa natuyong ipot ng ibon then naging abo. =))





-----------------------------
"Let us make man in our own image according to our likeness. Let them rule over the fish of the sea and over the birds of the sky and over the cattle and over ALL the earth, and over everything that creeps or moves" (Genesis 1:26 ).

dear pag-ibig


alam mo pag-ibig, sobrang ilap mo. hindi kita mahuli.
qualified naman ako sa lahat ng requirements e.
practice pa nga ako ng practice.

huling pag-ibig ko naman e ok kaso hindi nagtagal.
ewan ko ba kung baket?
sweet naman kami.
katunayan nga kapag nagsisine kami e sinsuntok nya ako sa braso.
palakas ng palakas
tapos itatanong nya "masakit ba?
sasagot naman ako " hindi, sige ilakas mo pa."
ilalakas nga nya til maging pasa. tapos ikiss nya..
sweet noh?

tapos kinabukasan kakagatin nya yung area na may pasa.
hanggang wala na akong maramdaman. manhid na ang braso ko.
tapos maiisipan nya magluto kami.
dahil manhid ang braso hindi ko mabubuhat ng maayos ang kaserola.
ayun matatapunan ako ng kumukulong tubig.

tatawa siya ng malakas..
then yayakapin nya ako from behind.
tapos ibubulong nya "masakit ba?"

tatawa ulet. minsan nga gusto ko hampasin ng kawali hanggang mabasag then itatanong ko kung masakit..

yung isa ko pang naging pag-ibig, college pa ako nun.
lagi ko siyang inihahatid. pero kapag may makakasalubong kaming kakilala
eh alinman sa lumihis kami ng daan or bumalik sa pinanggalingan.
one time nga nagmall kami.
tinitingnan naman yung malaking poster ni bamboo sa penshoppe.
then nung aalis na sana kami may nakita siyang classmate,,
itulak ba naman ako,
hayun kapit ang mukha ko sa salamin.
nakahalikan ko tuloy si bamboo ng hindi sinasadya. [f you]


then yung sinundan naman nya eh classmate ko nung hiskul.
sarap manligaw.. pakiramdam ko special ako sa kanya kasi lagi siyang nakadikit saken.
nakadikit talaga. lalo na kapag maraming assignment at project.
dahil mahal ko ginawa ko naman.
kapag hindi ko natatapos nagagalit..
kapag natapos ko naman
navevery good cya ng teacher.. in return nabusted ako.. [huhu]

---
hindi ba pag-ibig ang ilap mo..
gusto ko rin sana umupo sa may damuhan kasama ang isang minamahal.
sabay kaming bubuo ng pangarap habang nakatingin sa langit.

gusto ko rin maranasan maligo sa ulan kasama ang isang minamahal.
yakapin siya at damahin ang lamig na hatid ng bawat patak ng ulan.

gusto rin sumigaw sa ibabaw ng burol kasama siya. (ayaw ko ng bundok nakakapagod akyatin)
isigaw ang aming sama ng loob, kahilingan at umutot ng walang nagrereklamo..



hays pag-ibig...
nasa classified ads ka ba o nasa obituary?
nasa bulletin ka ba ng friendster o nasa farm ng facebook?
nasa google ka ba o nasa yahoo?
nasa lungsod ka ba o nasa bario?
nasa inquirer o nasa tiktik?
nasa puso o nasa pantog?
nasa bubong ng jeep o nasa gulong ng LRT??










------------------
ang pagmamahal ang pinakamahirap ipaliwanag na salita.
dahil ito ay tama AT mali.

paminta


Ilang minuto pa lang ng idating sa funeraria si Mich. Nagbigti ang dalaga. Sa salaysay ng mga kaibigan, pagkabigo sa pag-ibig ang itinuturong na dahilan sa pagkitil ng sariling buhay ng dalaga. Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nagpakamatay ang dalaga dakong alas tres y medya ng hapon ng hunyo 23, matapos hindi dumating sa anniversary dinner na inihanda para sa pinakamamahal niyang si Christoper.

Maganda at maputi si Mich. Balingkinitan ang pangangatawan.Bumagay ang alon-alon nyang buhok sa malamansanas na korte ng kanyang mukha. Matalino. Fashionista. Kilala sa paaralang pinapasukan at galing sa mataas na estado ng pamumuhay. Ano pa ba ang wala sa kanya?

Kilala sa pagiging malakas ang loob pero tanga sa pag-ibig. Isang libong beses ng niloko, binastos at winalanghiya ng lalaking kanyang minahal. Isang fully-automated sex machine ang turing sa kanya ng minamahal n'ya. Kapag kailangan ng init ng lalaki kailangan andun siya. Base na rin sa kwento ng mga kakilala at kaibigan, nakikipagkita lang ang lalaki kapag hayok siya sa tawag ng laman. Pero wala itong anumang sinipot sa mga efforts ni Mich surprise dinner or dates.

Simula noon laging nanlulumo ang dalaga. Nawalan ng gana mag-aral. Nasira ang reputasyon sa school matapos magpakalat ng malisyosong balita si Christoper gamit ang online accounts ni Mich matapos magpasya ang dalaga na makipaghiwalay sa kanya.

Natagpuan rin ng magulang ni Mich ang isang diary na naglalaman ng buhay pag-ibig at kasawian ng dalaga. Akala nila maayos ang lahat. Akala nila malakas ang dalaga. Sa huling pahina ng diary natagpuan ang isang maliit na sulat.

"sa aking paglisan sa mundo, alam kong masakit para sa lahat maliban sa lalaking aking pinakamamahal. Minahal ko ng lubos pero naging paarausan lang ako. Labag s Diyos, pero magiging maligaya na ako dahil alam kong mananahimik na ang aking katawan. Wala ng Christoper na magpapakasasa.

- mich you all"

Ngayon, hubo't hubad na ang dalaga. Nakatakda ng imbalsamuhin. Kumilos ang imbalsamador. ipinatong sa mesa ang kinakaing tinapay. Naglaro ang kamay ng lalaki. Dumako sa nakaumbok pang dibdib ng dalaga. Sinalat lahat ng detalye ng katawan ni Mich hanggang kubabawan ng lubusan ng matandang imbalsamador.







Credits:
thanks sa manager ko.. siya ang nagbigay ng idea about sa imbalsamador