rugby
Ipinaskil ni
panjo
|
Category :
aso,
lovelife ng aso
Matagal na rin palang boyfriend ni Joselle si James.
Alam ko nagbreak sila three years ago na kahit si kuya kim ay hindi kayang ipaliwanag sa sobrang complicated.
Then after three minutes dumaan si James, hayun sila na ulet. Then nung lumipat si James ng bahay nagkahiwalay sila. Nawalan ng contact kasi hindi maayos ang pagpapaalam. Naunawaan naman yun ni Joselle pero malungkot din. Alam ko hindi rin siya nakakain e. Humantong sa time na sila pero parang hindi sila. Hanggang sa nawala na talaga ang communication.
Nagtagpo lang ulit sila ng landas dito sa harap ng bahay namin. Nagkakape pa nga ako sa kusina ng kapitbahay namin nun. Then nabalitaan ko na lang na sila pa til now kasi hindi naman daw sila nagbreak.
Maybe they are really meant to be o inlab lang talaga sila sa tuwing magkikita.
Ok naman sila e. Daig pa nga nila ang loveteam ni Spiderman at Volta.. Then I learned ready na si Joselle mabuntis. wow!!
Nagtataka lang ako.. Tagal nilang hindi nagkita pero walang naganap na pagtataksil na hindi na pangkaraniwan ngayon. Alam ko uso na ang sulutan e. Meron nga napadaan lang aamuyin lang ng konte tapos ok na agad.
Siguro sila talaga.
Siguro may pag-uusap na yung may-ari na kapag dadalaw e dadalhin yung mga chuawa nilang sina James at Joselle.