Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
XII. Revenge, Lies and Love
Inihatid ng mga tauhan ni Marco sina Luis at Jo-Anne sa isang kwarto na magsisilbi nilang kulungan habang hinihintay ang paglubog ng araw. May mga bantay sa pinto para tiyaking hindi sila makakatakas. May naatasan ding bantayan ang bintana kung sakaling tangkain ni Luis na siraan ito.
'Paano na tayo?' nag-aalalang tanong ni Jo-Anne.
'Ewan ko. Ipanalangin na lang natin na maging makulimlim ang langit para hindi agad nila makita ang mapa. Magkakaroon pa tayo ng pagkakataon na makahanap ng butas sa kwartong ito.'
'Galit ka pa ba sa akin?'
'Huwag muna natin isipin ang mga bagay na may kinalaman sa atin. Isa pa hindi ko pa din alam kung dapat kang pagkatiwalaan. '
'Luis... Biktima din ako! Huwag mo ako basta na lang pagduduhan!' nagtaas ng boses si Jo-Anne.
'Sige nga? Bakit malapit sa bahay ko ikaw nakatira? Bakit kailangan mo ako palaging sundan sa may ilog?!' sumbat ni Luis.
'Dahil kay ate. Siya ang orihinal na magreresearch ng black chid pero nasawi siya kaya naisipan kong ituloy. Hindi ko alam kung anong mundo ang pinasok niya, ang alam ko lang mas naging masaya siya noong umalis siya ng bahay. Sinubukan ko dahil gusto ko din maging masaya kaya inalam ko kung saan siya dati nakatira at kahit iyon ang dahilan ng kamatayan ng magulang ko palihim kong itinuloy ang research. At ang pagsama ko sa ilog, lahat iyon ay sa kagustuhan ko ng makilala ka hindi dahil boyfriend ka ng kapatid ko.'
Natahimik si Luis, hindi siya nagkomento dahil alam niya sa sarili na hindi nagsisinungaling ang babae. Nag-isip siya. Mula sa bintana ay tinatanaw niya ang lagay ng panahon. Binilang sa kanyang isip kung ilang oras pa bago lumitaw ang mapa. Napailing siya, sa isip niya kung wala si Jo-Anne ay mabilis siyang makakatakas, hindi naman niya pwedeng pabayaan na lang ito.
'Ano ba ang lihim sa likod Black Child?' baling niya kay Jo-Anne at pag-iiba sa usapan.
'May mapa din ito sa katawan na magtuturo naman ng mga itinagong kayamanan ni Roysus na ipapamahagi sana sa mga datu ng Mindoro at karatig lalawigan.' tugon niya.
'Kaya siguro hindi sinabi sa akin ni Arden ang bagay na iyon sa takot na hindi ko ibigay ang kayamanan.' Nanlaki ang mata ni Luis sa nadinig. 'Napakatuso.'
Naghanap si Luis ng posibleng lagusan. Sinubukan niyang humanap sa kisame subalit kongkreto ang ginamit na materyales. Maging ang mga dingding ay matibay ang pagkakayari.
'May parating yata.' bulong ni Jo-Anne matapos marinig ilang yabag papalapit sa kwarto.
Mula sa labas ay maririnig ang ilang piraso ng maliliit na bakal na nag-uumpugan. Kasunod nito ay paggalaw ng door knob. Bumukas ang pinto at lumapit ito kina Luis.
'Alam n'yo bang ipinapapatay na kayo sa akin ni Marco sa sandaling lumitaw ang mapa?' tanong ng nito.
'Hindi na ako magugulat.' maikling sagot ni Luis.
'Sigurado ako, alam mo kung saan nakatago ang black child. Tutulungan ko kayong makalaya kung sasabihin mo sa akin. ' tanong niya kay Luis.
'Pinapatawa mo ba ako? Mga traydor kayo hindi ka dapat paniwalaan. Isa ka sa mga assassin pero nagawa silang talikuran dahil kakampi mo si Marco at ngayon siya naman ang aahasin mo.'
'Luis, duda ka pa ba sa akin? Palagay mo sino ang tumulong sa iyo noong naganap ang enkwentro sa may tulay? Naiisip mo ba kung bakit buhay ka pa ngayon? Hindi ba dapat papatayin ka na ni Arden? Dahil lahat iyon sa akin. .. At kung sasabihin mo sa akin kung nasaan ang black child, makakaligtas ka ulit. Kayo.. '
'At bakit mo sinasabi sa akin ang mga bagay na iyan? Para paniwalaan ka at mauto ako?'
'Dahil hindi ako kaaway at hindi mo din ako kakampi.'
Pamilyar ang linya na iyon. Nagulantang si Luis. 'Lady Armela?'
'Ssshh...! Hayaan mo manatiling lihim ang aking pagkatao bilang assassin. Tutulungan kita kung tutulungan mo ako.'
'Hindi ko alam kung nasaan ang black child.' Napailing si Luis.
'Nasa ilalim ng chapel ng Divine Academy ang Black Child!' sabat ni Jo-Anne. 'Tulungan mo kami.'
Napalingon ang dalawa. 'Magaling kung ganoon.' Lumapit si Lady Armela kay Jo-Anne. Inalis ang takip sa mukha at ngumiti kay Jo-Anne matapos ay bumulong ito. 'Napakaswerte mo at pinapahalagahan ka ni Luis.'
'Paano mo kami patatakasin?' balik ni Jo-Anne.
'Kapag lumitaw ang mapa iyon ang hudyat ng pagpatay ko sa inyo. Magpapanggap akong natalo ni Luis at panahon iyon para umalis kayo sa kwartong ito. Kung may haharang sa inyo ako na ang bahala.'
'Maasahan ko ba ang salita mo?' paninigurado ni Luis.
'Baka kailanganin mo.' Inabot ng assassin ang ilang armas matapos ay muli nitong isinara ang pinto.

Habang papalapit ang paglubog ng araw ay inihanda mismo ni Marco ang replika, gusto niyang personal na masaksihan ang palitaw ng mapa. Nakisama ang panahon kaya abot tenga ang ngiti nito.
Unti-unti ay gumuhit ang ngiti Marco habang may nabubuong imahe sa replika. Halos lumundag siya sa tuwa dahil totoo ang sinabi nina Jo-Anne at Luis tungkol sa replika. Sa isip niya, mabuti na lang na hindi niya ito sinira matapos matuklasan hindi iyon ang totoong black child. Kinunan niya ng picture ang mapa bago tuluyang mawala ito. Isenyas niya ang pagpatay sa dalawa nang tuluyang mabuo ang mapa. Agad umalis si Marco matapos ang utos.
Mabilis na kumilos si Lady Armela. Agad niyang pinakawalan ang dalawa bago tuluyang mapasakamay ni Marco ang black child. Maari niyang gamitin ang lakas at galing ni Luis para ubusin ang tauhan ni Marco. Sinigurado muna niyang walang personal na interes ang dalawa sa kayamanan bago niya binigyan ng sapat na gamit si Luis.
'Sa gawing kanan ng pasilyo mas kakaunti ang bantay. May inihanda na akong sasakyan sa labas na gagamitin ninyo sa pagtakas.'
'Paano kung masundan kami?' tanong ni Luis.
'Hindi kikilos ang grupo kung patay na ang pinuno at ikaw na ang bahala doon Luis,' diin ni Lady Armela. 'Kilos na!'
Mabilis na tumakbo palabas ng kwarto ang dalawa. Tinungo ang daan na itunuro ni Lady Armela. Mga ilang grupo ang humabol sa kanila pero nagawa itong pigilan at patayin ni Lady Armela. Nanatili sa tabi ni Luis si Jo-Anne. Mahigpit ang pagkakapit nito sa kanyang kamay para tiyakin ang kaligtasan.
'Dito ka muna.' Nagtago sa isang bakanteng kwarto si Jo-Anne dahil sa palapit na grupo ng kaaway.
Bago pa man makaporma ang kalaban ay agad nilundag ni Luis ang nasa unahan ng grupo. Sinaksak niya ito sa dibdib at nagawang tadyakan ang isa pang parating na kalaban. Ginamit niya ang katawan ng napatay bilang pananggalang sa atake. Animo'y dahon na inililipad ng hangin si Luis, mabilis niyang nababasa ang kilos ng kalaban ng hindi siya napapansin. Hinila niya ang sinulid sa kanyang kwintas at isa-isang ginilitan ng leeg ang kalaban.

Sa likod naman niya ay kumikilos din si Lady Armela, sa pagkakataong ito hindi na niya suot ang maskara at damit bilang assassin para hindi mahalata ni Marco na siya at ang assassin ay iisa. kung sakaling may magsusumbong. Lumabas si Jo-Anne sa kanyang pinagtataguan sa utos ni Luis. Tinungo nila ang daan palabas.
Bago pa man makalabas ay may ilang lalaki muli ang humarang sa dalawa. Nagtago sa likod ni Luis si Jo-Anne. Sumugod ang grupo at gayundin si Luis. Nagawa niyang hawakan ang kamay ng unang lalaking sumugod, inikot niya ang braso nito saka sinaksak mula sa likuran. Hinarap ni Lady Armela ang iba. Sinaksakan niya ito ng poisonous needles na agad ikinaparalisa ng mga kalaban.
Sumakay sila ng kotse para sundan si Marco. Alam nilang patungo ito sa Divine Academy. Inihatid muna ni Luis si Jo-Anne sa bahay para wala siyang alalahanin at isa pa masyadong brutal ang nangyayari. Maaring hindi matanggap ni Jo-Anne na maghaharap ang dalawang lalaking naging bahagi ng buhay niya kaya mas makabubuting wala siyang makita.
'Marco!!!!' sigaw ni Luis matapos makita sa aktong papasok ng Chapel si Luis.
'Aba buhay ka pa. Hindi talaga matatawaran ang galing mo.' sarkastikong sambit ni Marco.
Lumapit si Luis kay Marco. Agad nagsalubong ang galit ng dalawa. Bakas sa kanilang mga mata ang poot at paghihiganti. Ibinaba ni Luis ang lahat ng gamit, gusto niyang ang kanyang lakas ang tumapos sa dating kaibigan.
Sinuntok ni Marco si Luis sa mukha subalit parang hindi ito ininda ni Luis. Ilang suntok pa ang binitawan ni Marco subalit hindi natinig sa kanyang kinatatayuan si Luis. Akmang tatakbo na si Marco subalit nahawak siya ni Luis. Pinilit ni Luis ang braso ni Marco. Napaluhod ito sa sakit.
'Patawarin mo ako.' Naging bingi si Luis.
Tinapakan ni Luis ang ulo ni Marco hanggang dumikit sa sahig. Ilang saglit pa ay narinig ang pagkabali ng mga buto ni Marco. Saka lang tumigil si Luis nang mapansing wala ng buhay ang dating kaibigan. Isinubo ni Luis a sa bibig ni Marco ang isang soundless bomb saka tuluyang umalis.
Epilogue
Napasakamay ni Lady Armela ang Black Child. Hindi na ito hinagad ni Luis dahil malaking pera ang nakuha niya mula kay Arden at higit sa lahat, kasama niya ang babae niyang pinakamamahal. Si Jo-Anne.
'Luis anong plano ngayon?' tanong ni Jo-Anne.
'Pumunta sa ilog.' nakangiti si Luis. ' Pero bago ko gawin iyon may ieexplore muna ako.'
'Ano naman?'
'Ang puso mo. At ngayon ko na sisimulan!!! Humanda ka!!' Mapusok ang ngiti ni Luis kay Jo-Anne at agad niya itong siniil ng halik.

-WAKAS-