Skinpress Rss

for play (3)


for play = para sa play (iskul-iskulan play)

request story lang. gagamitin daw sa play ni DJ.

Topic : high school life...

----------
Mga tauhan

Teacher Nantes - class adviser, play director
DJ - bobong estudyante at palaging lumilipad ang isip
Kate - presidente at pinakanangunguna sa klase
Rico - matalik na kaibigan ni DJ.
Joel - gwapong manliligaw ni Kate.
Gem - tagalista ng maingay at matalik na kaibigan ni Kate
Mervin - Kenkoy ng klase. May lihim na pagtingin kay Gem.


-------

-------


DJ : Practice na tayo Juliet sabi ko.

Kate : What man art thou that thus bescreen'd in night. So stumblest on my counsel?

DJ : I know not how to tell thee who I am:
My name, dear saint, is hateful to myself,
Because it is an enemy to thee;
Had I it written, I would tear the word.

Kate : Aba! Galing ah, wala ng hawak na manuscript.

DJ : Ganda kasi ng tutor ko e.

Kate : Anong connect?

DJ : Ikaw ang matalino kaya dapat alamin mo..

Kate : Sus. Practice na nga lang tayo masama ang epekto ng slurpee sayo.

Naging abala ang klase sa kani-kanilang role. Si Mervin abala din sa pangungulit sa kanyang nararamdaman para kay Gem habang si DJ naman ay namimilipit kung itinatago ba ang feelings para kay Kate o sasabihin ito at bahala na si spongebob sa kasunod. Sobrang dami niya kasing insecurities at alam niya sa sarili na wala siyang panama kay Joel.

Mervin : Hoy!!! (inalog si DJ) Ano yan?

DJ: W-wala wala. (itinatago ang kapirasong papel sa likod)

Mervin : Hmmm. Kabado ka ah. Rico? Naiisip mo ba ang naiisip ko?

Rico : Oo. At naamoy ko din. Sugod!!!! (Hinawakan ni Rico ang dalawang braso ni DJ habang si Mervin naman ang umaagaw ng hawak na papel ni DJ)

Mervin : Bwahaha!!! Love letter nga corik!! Dear Kate, Kumusta ka? (tawa) Alam mo sa bawat araw na magkasama tayo napapangiti mo ako.. Nagkaroon ng dahilan ang pagpasok ko sa bawat araw. (tawa)

DJ : (inagaw ang sulat) Akin na nga yan!!

Rico : Pambihira! Pambata ang sulat oh! (tawa ng tawa habang inihahampas ang dalawang kamay sa binti.) Corny mo boy!

DJ : Akala ko ba mga kaibigan ko kayo? Bakit kayo pa ang nauunang pagtawanan ako?

Mervin : Iyon na nga e. Kaibigan mo kami tapos hindi mo man lang kami kinukunsulta. Tsaka tol, kung magtatapat ka, daanin mo kung saan ka magaling. Sa simula pa lang kasi ng letter mo wala ka ng pag-asa e.

Rico : Oo nga. Magaling ka sa drawing. Doon mo ilabas ang feelings mo tapos lagyan mo na lang ng simpleng love quotes, matalino naman si Kate kaya maiintindihan niya na type mo siya.

Mervin : Tapos sa mismong play, magtapat ka ng harapan na type mo siya. Tiyak matatalbugan mo ang kagwapuhan ni Joel.

DJ: Salamat. Hindi ko naisip iyon ah.

Rico : Kaibigan mo kami. Hindi mo na kailangan magpasalamat.

Mervin : Convert mo na lang sa meryenda ang salamat na yan.

DJ : Tara!


Matapos mauto ng dalawang kaibigan si DJ, dumeretso na sila ng practice. Isang linggo na lang kasi ay magaganap na ang play. Pagkakatapos naman ng practice ay balik buhay estudyante sila.


Gem : Kate, tulungan mo naman ako dito. Hirap kasi ng assignment natin hindi ko maisip ang sagot.

Mervin : Ako kasi lagi nasa isip mo kaya nahihirapan ka. Huwag kang mag-alala iniisip din kita.

Gem : Assuming ka naman boy!

Kate : Cute nyo naman maglambingan.

Mervin : Naiinggit ka naman Kate.

Gem : Bakit naman maiinggit si Kate e may Joel siya? Naku kung itataboy niya si Joel, hihingin ko siya.

Kate : Ano ka ba?! Tulungan na lang kita diyan sa assignment huwag natin isingit si Joel.

Mervin : Tsaka Gem, kung ibigay man sayo, anong silbi ni Joel kung ako lagi ang hanap-hanap mo. Napakaswerte mo dahil dumating ako sa buhay mo.

Gem : Makapal ang mukha mo! Tumahimik ka na. Mag-aaral kami.

Mervin : Sige. Tatahimik ako pero di ko mapipigilan ang puso kong isigaw ang pangalan mo.

Kate : Sweet nyo ah. Out of place ako a.

Gem : Huwag kang magpapaniwala diyan Kate. Corny mo baka matuka ka ng manok Mervin.

Mervin : Okay lang basta ikaw ang manok.

Katahimikan....

Ilang minuto ng kulitan dumating si Joel.

Gem : Bestfriend, palapit ang totoong Romeo mo.

Kate : Sino?

Mervin : Si DJ?

Gem : Si Joel. Ano ka ba?

Joel : Excuse me. Kate, hindi ka ba busy mamaya? Birthday kasi ni Mommy, alam mo naman gusto niyang nandoon ka.

Kate : Oh, muntik ko na malimutan. Sige pupunta ako.

Mervin : May practice kayo mamaya ni DJ ah.

Kate : Text ko na lang siya. Then pupuntahan ko na lang siya sa bahay nila.

Joel : Sunduin na lang kita mamaya. Sige may klase pa ako.

Gem : Ingaaat. (kinikilig)


Sa classroom.

Teacher Nantes : Kamusta ang practice ng lines Kate? DJ?

Kate : Smooth po. Wala naman po problema.

DJ : Ok na Ma'am, magaling po si Kate magturo.

Mervin : Oo nga. Pati puso mo tinuruan.

Umugong ang tawanan at kantyawan.

Teacher Nantes : Kumusta naman ang fund raising Gem?

Gem : Ok naman po. Parang sponsor na nga po si Mervin e.

Teacher Nantes : At least may pakinabang siya.

Mervin : Magmahal lang naman kay Gem ang purpose ng buhay ko e..

Rico : Hanep talaga. Lakas mo.

Mervin : (pabulong kay DJ) Tol may date si Joel at Kate mamaya. Hindi ka pa ba didiskarte?

DJ : Eh anong gagawin ko? Pigilan sila?

Rico : Hindi tol. Kapag kayo ang magkasama ni Kate, magparamdam ka na. Alangan naman si Kate pa magtanong sayo?

DJ : Susubukan ko.

Matapos ang klase sinundo agad si Kate ni Joel. Parang hiniwa ng blade ang puso ni DJ. Samantalang si Mervin ay masayang masaya dahil siya ang maghahatid kay Gem. Sa pagkakataong ganito, ang plaza ang nagsisilbing kaibigan ni DJ.

Inilabas niya ang kanyang sketch pad at ang bagong bili niyang charcoal pencil. Hinintay niya ang paglubog ng araw para iguhit ang itsura nito tuwing dapit hapon. Sa pagkainip, sinimulan niyang igalaw ang kanyang kamay. Sa pagkakataong ito, walang siyang pattern o modelo. Lahat ng linya ay galing sa nararamdaman. Nabuo ang isang imahe base sa idinikta ng kanyang puso. Si Kate ang nasa sketch pad. Lumakas ang pintig ng kanyang puso.

DJ : (sa sarili) Inlab na talaga ako? Hindi pwede. Masasaktan lang ako. May Joel na siya. Hindi siguro tama na magtapat ako. Masisira ang magandang pagkakaibigan naman. Masaya na akong nakikipagbiruan sa kanya.

Ginusot ni DJ ang papel na may sketch ng mukha ni Kate. Itinapon niya ito sa sobrang asar sarili. Hindi niya namamalayan na lumipas na ang hinihintay niyang paglubog ng araw.

BLAGG!!!

DJ : Aray!!! Ano ba---?

Kate : Nandito ka lang pala. Galing ako sa bahay n'yo di ka pa raw umuuwi.

DJ : Bakit mo ba ako binatukan? Lagi naman akong nandito e.

Kate : Text ako ng text sayo, di ka naman sumasagot. Bayad sa naaksayang load ang bawat batok.

DJ : Sorry! Abala ako sa sketch ko.

Kate : Ito pa isa. Uhmm (binatukan ulit si DJ)

DJ : Sumobra ka na ah!! Para san naman iyon?

Kate : Dito. (ipinakita ng gusto na papel na may sketch ng mukha niya.) Bayad sa pagkakalat mo ng mukha ko sa plaza. Kamukha ko ah. Sayang naman itinapon mo lang. Bakit nga pala ako ang nakadrawing dito at ginusot mo pa?

itutuloy....