Skinpress Rss

for play (2)




DJ : Sandali lang. Tatapusin ko muna ang sketch ko.

Kate : Bilisin mo. Ipakikilala kita kay nanay para alam niya kung sino ang kasama ko kapag may praktis tayo. Mahirap mapagalitan.

DJ : Wow. Dedicated ah.. Good!!!

Kate : Aba dapat ikaw din. Mahirap magulpi ng buong klase.

Katahimikan.. Nagkibit balikat lang si DJ.

Itinuloy muli ni DJ ang pagguhit habang nakamasid sa kanya si Kate. Sa larawan makikita ang anino ng dalawang puno na animo'y dalawang taong magkausap. Isang babae at isang lalaki. Sa gilid nito ay ang lumang plaza na may namasyal na tao. Napapangiti si Kate habang nagiging malinaw ang drawing. Sobra sobra ang paghanga niya. Buhay na buhay kasi ang larawan kahit lapis lang ang ginamit ng kaklase.

DJ : (stretching) Tara na!

Kate : Galing mo naman! Tapos na agad. (namilog ang mga mata.)

DJ : Gusto mo sayo na lang?

Kate : Pwede? Sure ka? Promise? Hindi ka nagbibiro?

DJ : Oo. Yes. OPo. Hindi.

Iniaabot pa lang ni DJ ang drawing ay agad na itong hinila ni Kate sa pag-aakalang babawiin pa ito ni DJ.

Kate : Salamat!! (binatukan si DJ)

DJ : Aray!! Talaga bang may ganun?!

Kate : Oo. Kung may reklamo ka pwede kang gumanti pero magbest actor ka muna kung wala namang reklamo, kailangan mo ng masanay. (Nakapeace sign)

DJ : Parang hindi ako makakaganti ah.

Kate : Take it as a challenge dude. Dapat ikaw ang best actor this year.

DJ : Susubukan ko.

Kate : Gawin mo. At nasa tabi mo lang ako. Kaya yan! (binatukan ulit si DJ saka tumakbo palayo ng plaza.)
After a week, naging abala na ang lahat sa play. Bawat section kasi ay magkakalaban kaya binigyan ng kanya-kanyang role ang bawat estudyante. Siyempre ang masisipag ang in-charge sa props at ang mga shy-type naman ang extra o gaganap bilang puno para makatotohanan ang paggalaw ng mga dahon.

Sa tuwing mawawala si DJ, alam ni Kate na nasa plaza lang ito. Halip na sa guidance office, ang plaza ang naging venue ng praktis nila. Kapag weekends naman, tinutulungan ni Kate mag-aral si DJ. Naging supportive naman ang parents ni DJ sa acting career nito kaya todo ang pamamalita ng mga ito sa mga tsismosa at maton ng nayon.


Teacher Nantes : Dahil kulang tayo sa funds kailangan nating mgfund raising.

Mervin : Naisip ko na yan Ma'am, naunahan nyo lang ako sabihin.

Gem : Sus. Humangin na naman.

Mervin : Alam mo Gem, napakasweet mo talaga sa akin. Lagi mong naaappreciate ang presence ko.

Teacher Nantes : Hmmm... Ang naisip kong fund raising ay internal. At ikaw Gem ang iaassign kong magmonitor.

Gem : Po? Ano naman pong role ang gagawin ko?

Teacher Nantes : Tagapaglista ng maingay. Base sa discipline officer kayo ang pinakamaingay na klase. Para mawala ang record na iyon, iilista mo ang maingay at sisingilin ng limang piso.

Mervin : (Tumayo sa ibabaw ng silya) Where is democracy? Where is FREEEEDOM??

Teacher Nantes : May reklamo ka Mervin?

Mervin : Eh Ma'am, kahit yata absent ako, ililista ako ni Gem. Ako kasi lagi ang nasa isip nyan.

Class : Uyyyyyyy!!!!!!

Rico : Yan si Mervin. Turuan mo naman itong kaibigan ko ng mga diskarte.

DJ : Huwag ka ngang maingay diyan.

Teacher Nantes : Nasaan nga pala si Kate?

Rico : Kapag po si Kate ang nawawala si DJ po ang salarin.

Teacher Nantes : Hmmm. I smell something huh. Mukhang nagiging totohanan ang role a.

DJ : Hindi po. Hindi po.

Teacher Nantes : Biro lang. Oh nasan ba si Kate?

DJ : Nagrereproduce lang po ng script.

Mervin : I smell L-O-V-E. Alam na alam ah kung nasan ang kapartner. (singit ni Mervin)

Teacher Nantes : Ah ganun ba? Bakit di mo sinamahan ang Juliet mo Romeo?

DJ : May kasama na po siya... si Joel.

Mervin : I smell J-E-A-L-O-U-S-Y .

Gem : Start na po ba Ma'am ang paglilista? Malaki po kasi ang kikitain natin kay Mervin.

Mervin : Sige payag ako basta sa puso mo isusulat ang pangalan ko.

Gem : Patawa ka.

Rico : Pasok ang banat ni Loverboy!!!

Teacher Nantes : Enough... Guys.. Guysss. Back to practice.

Nagtungo si DJ sa may sulok. Sinimulang bigkasin ang kanyang linya. Hindi siya makapag-concentrate kaya kumuha siya ng walis na kunwaring si Juliet. Ilang linya pa lang, may biglang kumapit sa balikat niya.

Rico : Pre. Balita ko si Joel ang Romeo ng kabilang section. Bigatin ang kalaban mo a. Karibal mo na sa titulo, karibal mo pa kay Kate Winslet mo.

DJ : Hindi ko naman tol hinangad manalo. Hirap nga ako sa mga lines e. Kung hindi nga lang ipinamalita ni Nanay na ako ang Romeo, matagal na akong umurong dito. At hindi ko type si Kate.

Rico : Talaga? Eh bakit namumula ka kapag si Kate ang usapan.

DJ : Hindi aah. (may pagkairita)

Rico : Hayan na si Kate.

DJ : Kasama si Joel?

Rico : Joke lang. Obvious na..

DJ : Bahala ka nga. Praktis na ako. Sige!

Sa plaza, may ilang oras ding naghintay si DJ sa pag-aakalang dadating si Kate. Nasanay na kasi siyang basta na lang susulpot ang kaklase pero walang Kate na dumating sa plaza.

Sa bahay nina DJ.

Kate : Tao po! Tao po!

DJ : Oh ikaw pala Kate.

Kate : Oh. (Iniaabot ang isang baso ng slurpee)

DJ : Ano yan?

Kate : Peace offering.

DJ : Wala ka naman kasalanan ah.

Kate : Wala ba talaga? Bakit nakasimangot ka diyan?

DJ : Madaya ka!!!!

Kate : Bakit?

DJ : Alam mo kasi ang kiliti ko. Akin na yan. ( inigaw ang slurpee.)

Kate : Sorry kung naghintay ka kanina. Nakapagpromise kasi ako kay Joel na lalabas kami. Hindi--

DJ : Its ok (putol ni DJ sa sasabihin pa ni Kate).. Pasok ka bago pa kita suntukin sa mukha. (smiling)

Kate : Subukan mo nga. (binatukan si DJ)

DJ : (sa sarili) Kung hindi ka lang mahalaga sinuntok na talaga kita.

Kate : May sinasabi ka?

itutuloy....