Skinpress Rss

check operator services


Sa wakas bakasyon na. Natapos na naman ang isang semester, hindi ko pa din naintindihan ang accounting. Malamang present na naman ako sa summer classes kapag nagkataon. Pero sa ngayon, magrerelax muna ako. Saka ko na iisipin ang muling pagtalsik ng laway ng professor ko sa accounting.

Naisipan kitang i-text. Alam kong bakasyon ka na din.

'Nasaan ka?'

'Dito sa bahay. Bakit?'

'Punta ako dyan.' Check operator services. Tumakbo ako sa tindahan para magpaload. After ko masend ang text ko hindi ka na nagreply. Tulog ka na naman siguro. Antukin ka kasi. Bumili muna ako ng snacks bago dumeretso sa inyo. Pati nga pala boy bawang bumuli din ako, paborito mo kasi kahit ayaw na ayaw ko ng amoy noon. Kalokohan mo pa nga ibubuga mo sa akin ang hininga mo tapos tatawa ka ng malakas. Kung hindi kita mahal malamang sinipa na kita sa mukha.

Malamang mapapagod na naman tayo sa paglalaro ng guitar hero. Noong huli ko ngang dalaw sa bahay n'yo sa lap ko na ikaw nakatulog. Kahit nangalay ako, tiniis ko na lang. Ikaw pa anlakas mo sa akin.

Sumakay ako ng tricycle. Halos maalog ang utak ko sa dami ng humps. Nagvibrate ang phone ko sa bulsa ko. Malamang ikaw na ang nagtext. Gusto ko sana dukutin pero may katabaan ang katabi ko, mas malaki pa nga siya sa kama ko kung tutuusin.

Napapangiti ako habang umaahon sa mga humps ang tricycle. Hindi ko kasi malimutan na sinabi mong mahal mo ako habang nasa tricycle tayo. Mga humps nga noon kaya noong napasigaw ako sa tuwa, nagulat si manong driver at halos rumampa tayo sa pinakadulong humps.

Bumaba ako sa tricycle. Binasa ko muna ang text mo.

'Huwag ka munang pumunta ng bahay. Paalis kasi ako.'

Hahakbang na sana ako pabalik pero napansin ko ang kapatid mo. Kami na lang ang naglaro ng guitar hero. Hinintay kita kasi gusto kong ibigay ng gift ko sa iyo para sa ating first monthsary.

After 3 hrs. Tumigil sa tapat ng bahay nyo ang tricycle. Abot ang ngiti ko. Pagkababa mo ng tricycle, nilipad pa ng hangin ang buhok mo. Napakaganda mong pagmasdan.

Subalit napalitan ng sakit ang excitement. Isang halik sa labi ang ibinigay mo sa lalaking kasama mo. Matapos ay isang yakap na mahigpit. Napakasakit. Umalis ako ng bahay nyo.

Umuwi ako ng bahay. Nagtext ka. Nagsorry.

Nagreply ako. 'Hindi ako character sa guitar hero para paglaruan. Pero salamat na din nag-enjoy ako.'



----
wala akong maisulat.

sardinas


Nami-miss ko na ang lasa ng sardinas. Mula noong mapadpad ako rito sa Maynila ay di ko na natitikman ang madalas naming ulamin sa probinsya noon. Magaling magluto si inay kaya kahit ang simpleng sardinas ay nagagawang niyang masarap na ulam.

“Anak, kumuha ka nga ng talbos ng kamote para may lahok ang sardinas,” utos ni inay.
“Opo inay, kapag may nakita akong upo sa likod-bahay pipitas na rin po ako,” masayang tugon ko.
“Anak, pasensya na kung madalas sardinas ang ulam natin,” malungkot na wika ni inay. “Mahina kasi ang kita ng itay mo ngayon,” dagdag pa niya.

Ngumiti ako nang bahagya. “Ayos lang po,” sabi ko. “Ang mahalaga naman nakakakain tayo nang sapat at hayaan n’yo po, kapag nakapagtapos ako ng pag-aaral, tutulong ako kay itay sa paghahanap-buhay,” pagpapalakas-loob at pangako ko sa kanya. Nagpaalam na ako, “Sige po, pupunta na po ako sa likod-bahay.” Humayo na nga ako.

Kahit na ganito kami ay bilib ako kay itay. Isang magaling na pintor si itay. Ipinagmamalaki ko nga siya sa mga kaklase at kaibigan ko e! Siya kasi ang gumagawa ng mga dambuhalang billboard ng mga artista para sa ipalalabas na pelikula. Madalas nga personal na dinadalaw si itay ng mga sikat na artista. Paborito ko sa mga gawa niya ang ipininta niyang mga pelikula ni Robin Padilla. Minsan nga iginawa niya ako ng kopya ng mukha ni idol sa maliit na canvass. Tuwang-tuwa ako roon.

Malaki ang kinikita ni itay sa pagpipinta. Nakapagpagawa kami ng maayos na tirahan at nakapag-aral ako sa pribadong paaralan, subalit, bumaligtad ang mundo namin noong tumapak ako ng sekondarya. Biglang dumagsa ang malalaking mall sa probinsya kaya namatay ang maliliit na industriya ng sinehan kasama na ang pinagkakakitaan ng aming pamilya. Mas minabuti kasi ng mga tao na sa mga mall na lang manood ng sine dahil makapamamasyal pa pagkatapos.

Isang gabing umuwi si itay, ibinigay niya kay inay ang naging bunga ng paghihirap niya, “Trining, ito lang ang kita ko ngayon.” Tinanggap naman ni inay ang pera. “Wala kasing masyadong nagpagawa kaya pagpasensyahan mo na. Binabarat na nga ako ng mga kliyente ko, pumayag na lang ako kaysa walang kitain,” nanlulumong wika ni itay.

Tumingin si inay kay itay ng may halong pangamba. “Siguro dapat na rin akong bumalik sa pananahi para makatulong naman ako sa’yo,” mungkahi niya.

“Siguro nga. Streamer na lang ang medyo maasahan natin,” pagsang-ayon ni itay. “Ano bang ulam natin?” itinanong niya.
“Nagpabili na lang ako ng sardinas kay Martin. May naluto na rin naman akong gulay,” sagot ni inay.

Sumingit ako sa usapan. “Inay, Itay, lilipat na lang din po ako ng paaralan para po makabawas sa mga gastusin. Mayroon naman pong malapit lang ditong public school na puwede kong lakarin,” mungkahi ko sa kanila, pero hindi iyon nangyari. Ayaw niya akong palipatin ng eskwelahan dahil mahalaga para sa kanya ang standings ko sa klase.

Akala namin makapag-a-adjust na kami. Akala namin kaya na namin. Hindi pala. Naging patok ang computerized printing system, lumabas ang tarpaulin businesses na tuluyang pumatay sa paggawa ni itay ng streamer. Mas mura at di hamak na mas kaaya-aya sa mga mata ang kulay ng tarpaulin.

Mula noon naging matamlay na si itay. Kung dati kasi mga dambuhalang billboard ang pinipintahan niya, ngayon mga basurahang proyekto na lang ng barangay. Nalungkot ako para kay itay dahil nabalewala ang talento niya sa pagpipinta at nawalan pa siya ng hanapbuhay.

Lumuwas si itay sa Maynila para pumasok bilang construction worker sa isang malaking real estate developer kasama ng kapatid ni inay. Naging madalas naman ang padala ni itay sa amin pero may kamahalan ang matrikula ko kaya minsan ay kinakapos din kami. May mga pagkakataong nakikita kong gusot ang mukha ni inay pero sinasabi niyang walang problema kapag tinatanong ko siya. Ramdam ko ang hirap niya kahit na pilit niya iyong itinatago. Wala naman akong ibang maitulong sa kanila kaya pinagbuti ko na lang ang pag-aaral ko.

Sumunod ako kay itay sa Maynila nang makatapos ako ng sekondarya. Nagtrabaho ako nang palihim sa fastfood habang nag-aaral sa kolehiyo dahil hindi naman ako pahihintulutan ni itay kung sasabihin ko iyon sa kanya. Magkasama kami sa bahay ni itay. Madalas naaabutan ko siyang gising sa madaling araw, hawak ang paint brush at nagpipinta ng mga nakikita niyang bagong pelikula sa telebisyon. May oras ding naririnig ko siyang humahagulhol matapos magpinta. Marahil hindi niya matanggap na kailangan niyang isuko ang kanyang kinahihiligan, ang kanyang kasiyahan.

Kapag umaalis na si itay para magtrabaho, sinisilip ko ang gawa niya. Bilang tagahanga, alam kong malaki ang ipinagbago ng kanyang ipinipinta. Hindi na iyon ganoon kapulido at hindi na tuwid ang mga letra. Pansin kong nanginginig ang mga kamay niya sa tuwing kakain kami. Dahil na rin siguro sa bigat ng trabaho kaya hindi na katulad ng dati ang mga gawa niya. Kapalit ng pera para buhayin kami ay ang tuluyang paglaho ng galing niya sa pagpipinta.

Nang makatapos ako ng kolehiyo ay muli kong nakita sa mga mata ni itay ang tunay na kasiyahan. Alam kong hindi iyon pilit na ngiti dahil kaya naman siya nagtiis dito sa Maynila ay para makatapos ako. Nakahanap agad ako ng trabaho kaya nakumbinsi ko si itay na bumalik sa probinsya, tutal natupad na niya ang pangarap niyang magkaroon ng anak na inhenyero. Masaya ako dahil magkakaroon na si itay ng oras para muling magpinta, hindi para kumita kundi para sundin ang gusto ng puso niya. Isinubsob ko ang sarili ko sa trabaho para maranasan muli nina itay at inay ang magandang buhay. Malaki ang perang ipinadadala ko para hindi na sila nagtitiis sa sardinas.

Nagpalipat-lipat ako ng kompanya para sa mataas na posisyon at suweldo. Ibinalita ko ang mga pagbabago sa aking buhay kay inay. Bagamat mahirap ay palagi kong sinasabing maayos ang lagay ko. Natural na siguro sa aming ilihim ang mga paghihirap na aming nararanasan. Mahirap mawalay sa mga magulang at madalas ay hinahanap-hanap ko ang mga luto ni inay.

“Hello, anak, kailan mo ba kami bibigyan ng apo?” tanong ni inay nang makausap ko siya minsan sa telepono.
“Ayaw ninyo na ba sa akin at apo na ang gusto ninyong makita?” pagbibiro ko.
“Hindi naman sa ganoon, anak. Aba! Hindi naman puwedeng kargahin kita para alagaan,” katwiran ni inay habang tumatawa.

Napangiti ako at may biglang naalala, “Ay inay, naasan na po pala si itay? Gusto ko sanang makausap.”

“Naku! Nasa plasa, pinipintahan ang bagong gawang pader,” sabi ni inay. “Simula noong bumalik siya rito e naging aktibo sa barangay at gusto nga yata lahat pintahan. Marami ngang natuwa sa ipininta niyang Holy Family sa may chapel,” pagmamalaki niya.
“Mabuti naman po at bumalik ang sigla nya,” sabi ko. Masaya ako para kay itay.

Limang taon pa ang lumipas bago ko napagdesisyunang umuwi sa probinsya. Mayroon din akong dalang balitang siguradong ikatutuwa ni inay pag nalaman niya. Nakilala ko na kasi ang babaeng magbibigay sa kanila ng apo, sayang nga lang at naging maselan ang pagbubuntis niya kaya hindi ko na naisama sa biyahe.

Nang makarating ako sa lugar namin, sinipat kong mabuti ang labas ng bahay namin. Ito pa rin ang simpleng bahay na tinirhan ko noon. Huminga muna ako nang malalim bago pumasok. “Inay! Itay! Nandito na po ako,” sigaw ko habang papasok sa aming bahay. Masiglang-masigla ako. Nasasabik na rin kasi akong makita at mayakap ang mga magulang ko matapos ang ilang taon.

Nagpakita si inay at niyakap ako nang mahigpit. “Anak ko!” maluha-luhang sambit niya habang yakap ako.

Hinagod ko ang likod niya, sunod ay bumitiw ako sa pagkakayakap. “Nasaan po si itay?” tanong ko.

“Nasa paligid lang iyon,” sagot ni inay. Hinatid niya ako papunta sa silid ko. “Gutom ka na siguro, anak. Magluluto muna ako,” paalam niya. Nagtungo si inay sa kusina matapos akong ihatid sa aking silid, pero sumunod rin ako sa kanya para tumulong.
“Sardinas?!” nagtatakang tanong ko nang makita ang iluluto niyang ulam.

Napatingin sa akin si inay. “Ayaw mo, anak? Paborito mo ito, di ba?” Tumango ako. Sabagay, matagal ko nang di natitikman ang sardinas, madalas kasi sa restaurant na ako kumakain. Hinahanap-hanap na rin iyon ng panlasa ko.

Ngumiti ako. “Inay, kukuha po muna ako ng talbos ng kamote sa likod-bahay,” paalam ko, dating gawi kapag sardinas ang iniluluto ni inay.

“Wala ka talagang ipinagbago, anak,” sabi ni inay sabay iling. Naisip siguro niyang gaya pa rin talaga ako ng dati.

Nakatutuwang balikan ang nakaraan. Nakangiti akong pumipili ng pinakasariwang talbos ng kamote sa likod-bahay. Naging maingat ako, sinigurado kong walang kagat ng insekto ang dahon. Na-miss ko ang ganitong buhay. Napakasimple! Iba talaga ang buhay sa probinsya kumpara sa ginagalawan ko sa Maynila. Dito kasi halos lahat ng pangagailangan nasa paligid lang ng bahay, samantalang sa Maynila lahat ng kilos may bayad. Kanina nga noong pumasok ako sa tarangkahan, sangkatutak ang umalalay sa akin para magbuhat ng gamit pero walang kahit na isa ang tumanggap ng bayad. Nasanay kasi akong bawat kilos may katumbas na halaga.

“Mando! Itigil mo yan! Mando!” pagmamakaawa niya kay itay. Tumakbo ako kaagad papasok ng bahay dala-dala ang talbos ng kamote.

“Inay, anong nangyayari?” natatarantang tanong ko. Nakita ko si itay na may hawak na paint brush at isang lata ng pintura. Pinipigilan siya ni inay dahil gusto niyang pintahan ang kurtina at nang maawat, tinulungan ko si inay na ipasok si itay sa kanilang silid, subalit itinuro ni inay na roon dalhin si itay sa silid na pinagpipintahan niya rati.

Nang pumasok ako sa silid, nakita kong hindi na maayos ang lugar. May mantsa ng pintura ang mga dingding, kisame at sahig. Nagkalat din ang mga lata ng pintura at mga canvass. Inakala kong lasing lang si itay pero hindi pala.

“Darating si FPJ!!! Magpapagawa siya ng billboard. Si Vilma! Si Nora! Pupunta kami ng Maynila ni Martin kasi nakausap ko si Robin kanina. Gusto niya raw makilala ang anak ko. Martin!!! Martin!! Tapos, tapos, darating si FPJ, magpapagawa siya ng billboard. Si Vilma, si Nora.... Darating si.. si... si...” paulit-ulit ang sinasabi ni ama.

Napatingin sa akin si inay. “Anak, patawarin mo ako kasi hindi ko ipinagtapat sa iyo. Paminsan-minsan lang naman siya ganyan.”

“Kailan pa, inay? Kailan pa siya ganito?” tanong ko. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.
“Isang buwan pagkauwi niya dito. Hindi ko masabi sa iyo kasi ayaw kong masira ang pangarap mo,” pagtatapat ni inay.

Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Bakit kailangang maglihim? Pamilya kami. Pero hindi ko masisisi si inay. Wala siyang ibang inisip kundi ang ikabubuti ko at ayaw nilang mag-alala ako palagi.

“BEEEEP! BEEEP!!!” ang tunog na narinig sa labas.

Naalarma si itay. “Nasaan si Martin? Martin ang sundo natin nasa labas na! Susunduin na tayo ni Robin!” sigaw ni itay matapos makarinig ng busina ng jeep.

“Itay ako si Martin!” sabi ko. Awang-awa ako sa kalagayan niya. Pinahinahon ko siya pero hindi niya pinapansin ang mga sinasabi ko.
“Martin! Anak nasaan ka??!! Ihanda mo na ang ibinigay ko sa iyong drawing ni Robin pipirmahan daw niya,” pagpapatuloy ni itay. Napaupo na lang ako sa sahig. Pumatak ang luha ko kahit gusto kong pigilan. Inakala kong magkakaroon na si itay ng oras para magpinta ulit pag umuwi siya rito sa probinsya. Akala ko magkakaroon na siya ng oras para pasayahin ang kanyang sarili.

“BEEEP!! BEEP!” tunog na naman sa labas.
“Si FPJ! Teka, hindi ko pa nagagawa ang billboard niya!” Tumakbo si itay palabas ng silid.
“Itay!” Agad akong tumayo at hinabol siya.
“Mando!” pagtawag naman ni inay. Nagawang harangin ni inay si itay at niyakap niya ito.

Hinawi ni itay si inay, “Alis!” Nagawang kumawala ni itay sa pagkakayakap ni inay. Itinulak niya ito palayo sa kanya.

BLAG!

Nagawa ngang maitulak ni itay si inay at dahil dito ay nawalan si inay ng balanse. Tumama ang ulo niya sa konkretong dingding. Bumagsak siya sahig at nawalan ng malay. Agad kong nilapitan si inay. Nagmantsa sa aking mga kamay ang kanyang dugo nang iangat ko ang kanyang ulo. Nagimbal ako. Hindi ko alam ang gagawin. Hindi ko alam kung sino ba talaga ang una kong sasaklolohan, kung si itay bang tumakbo palabas o si inay na ngayon ay walang malay. Binuhat ko si inay habang sumisigaw ng tulong. May mga dumating upang tumulong. Agad namin siyang isinugod sa ospital pero huli na ang lahat. Hindi na umabot nang buhay si inay sa ospital. Gusto kong sisihin ang lahat ng nasa paligid ko sa paglilihim sa akin ng kalagayan ng pamilya ko. Humihingi ako ng paliwanag sa kapamilya ni inay pero walang gustong sumagot.

Matapos mailibing si inay, iniluwas ko si itay sa Maynila para ipagamot. Hindi naging madali ang buhay ni itay. Umiiyak siya kapag wala siyang hawak na paint brush at madalas niyang iguhit si Robin para daw sa anak niyang si Martin. Bagamat hindi niya ako nakikilala, hindi ko siya iniiwan. Kahit nagkapamilya na ako, sapat ang oras na inuukol ko kay itay. Umaasa akong gagaling siya.

“Hijo, kilala mo ba si Trining? Pakibigay naman ng perang ito. Pakisabi okay naman ako dito sa Maynila.” Iniabot ni itay sa akin ang ilang piraso ng pilas na papel na inakala niyang pera. “Pagpasensyahan na muna nila kung kaunti lang,” dagdag pa niya.

“Makakarating po,” tugon ko.
“Alam mo mahal na mahal ko ang pamilya ko kaya nakipagsapalaran ako dito sa Maynila. Isunumpa ko kasi sa sarili ko na magiging inhenyero ang anak ko.”

Siguro kung hindi naging malihim ang pamilya namin, maayos pa kami. Siguro kung hindi kami nagkunwaring malakas, buo pa kami.

Nagpatuloy sa pagsasalita si itay. “Alam mo, hijo. Nami-miss ko na yung luto ni Trining. Lalo na yung paborito ni Martin—”

“—sardinas,” putol ko sa sasabihin ni itay.
“Oo, yun nga!” nagagalak na sabi niya, at ang dami niya pang ikinuwento.

Nami-miss ko na ang sardinas na may lahok na talbos. Nami-miss ko si inay.

for play (4)


for play = para sa play (iskul-iskulan play)

request story lang. gagamitin daw sa play ni DJ.

Topic : high school life...

----------
Mga tauhan

Teacher Nantes - class adviser, play director
DJ - bobong estudyante at palaging lumilipad ang isip
Kate - presidente at pinakanangunguna sa klase
Rico - matalik na kaibigan ni DJ.
Joel - gwapong manliligaw ni Kate.
Gem - tagalista ng maingay at matalik na kaibigan ni Kate
Mervin - Kenkoy ng klase. May lihim na pagtingin kay Gem.


-------
for play 2
-------

DJ : Wala!

Kate : Anong wala? Bakit mo ginusot kung wala lang?

DJ : Sina Mervin at Rico...

Kate : Sila ang nagdrawing???

DJ : Hindi. Idea nila na gumawa ako ng sketch para sa play. Ginusot ko kasi medyo malaki ang naokupa ng mukha mo. Wala ng space para ilagay ko pa ang ibang cast. Uulitin ko na lang siguro.

Kate : (hindi kumbinsido) Ah. So kasalanan pala ng mukha ko kaya hindi na kayo nagkasya?

DJ : Mali lang ang estimate ko.

Kate : Biro lang, baket ba parang kinakabahan ka dyan?

DJ : Hindi ah. Nagreready lang na baka batukan mo na naman ako.

Kate : Sus. If I know, may.....

DJ : May???

Kate : Wala. Akala ko sa academics ka lang mahina. Hindi pala.

DJ : Saan pa?

Kate : Secret..

DJ : Uy, pabitin naman to oh.

Kate : Assignment na lang. Pag-aralan mo ng mabuti ang sarili mo para alam mo kung alin ang dapat pagbutihin.

DJ : Daya naman oh. Uwi na nga lang tayo.

Habang lumalapit ang play, lalong nagiging madalas ang pagkikita nina Kate at DJ. Ilang tip na ang ibinigay ni Mervin kay DJ pero hindi pa din makayang ipagtapat ang kanyang nararamdaman.

Mervin : Oh anong balita? Nasabi mo na ba? Ano reaksyon niya?

Rico : Kwento ka naman dude.

DJ : Hindi ko pa nasasabi mga tol. Natameme ako e.

Mervin : Ano ba naman? Dalawa na nga lang kayo hindi ka pa nakapagtapat.

Rico : Kung hindi mo kaya, sundin mo nga sinabi ko na magdrawing ka na lang tapos lagyan mo ng love quotes.

DJ : Ginawa ko na yan kaso...

Mervin : Kaso????

DJ : Noong nagtanong na siya kung bakit siya ang nasa drawing sabi ko gagamitin sa play?

Rico : Palpak! Hina mo..

Mervin : Nagtanong na binalewala mo pa. Kung hindi sya interesado never magtatanong si Kate.

DJ : Malay ko ba?

Mervin : Hindi naman pwede na si Kate pa ang umamin sayo kung meron mang feelings para sa'yo.. Gumawa ka naman ng move.

DJ : Wait sinabi nya na hindi lang daw ako sa academics mahina. Pag-aralan ko daw ang sarili ko para malaman ko.

Rico : Napakasimple. Mahina ka naman talaga. Sa simpleng salita torpe ka.

Mervin : Oo nga. Huwag mong hahayaang makapuntos pa si Joel. Habang busy pa siya section niya dapat nagpaparamdam ka na kay Kate. Kahit konting thoughtfulness o lambing.

DJ : Susubukan ko.

Rico : Binigyan ka na namin ng tip.

DJ : Malaki nga ang pasalamat ko sa inyo e.

Mervin : Dating gawi, hindi mo na kailangang magpasalamat. Merienda na lang..

Rico : Oo nga!


Sa isang mall, magkasamang naghahanap ng mga bagay na angkop sa play si Kate at Gem.

Gem : Kamusta na kayo ni Joel?

Kate : Kami? Walang kami.

Gem : Ano ka ba naman girl. Ayaw mo pa ba sa kanya?

Kate : Hindi naman sa ayaw pero walang something e. Kahit magkasama kami o kapag darating siya wala man lang akong nararamdamang kilig o excitement.

Gem : So boring siya in short?

Kate : Hindi din. Halos nasa kanya na lahat e. Hindi ko lang talaga siya love. Love ang kulang.

Gem : Taray! Baka sa kahahanap mo ng something na yan maubos na ang lalaki.

Kate : Nahanap ko na kaya! (kinikilig)

Gem : Aba! Malandi ka. May Joel ka na may kinakikiligan ka pang iba.

Kate : Kaso hindi yata ako gusto.

Gem : Problema yan. Kahiya hiya naman kung ikaw pa ang liligaw.

Kate : Oo nga e. Paano mo ba inakit si Mervin?

Gem : Hindi ko inakit yon. Ganda lang talaga ang puhunan.

Kate : Bagay na bagay kayo. Naiinggit na nga ako sa inyo e. Kelan mo naman sya sasagutin?

Gem : Sus. Palipad hangin lang iyon. Tamang trip. Grade one pa lang kami ganoon na kami.

Kate : Talaga? Lupit naman niya.

Gem : Abnormal kasi iyon. Akalain mo, grade one pa lang kami sinasabi na niya sa buong klase na kami ang magkakatulyan. Kaya nga wala magtangkang manligaw sa akin kasi todo bakod.

Kate : Nakakatuwa naman. True love ka talaga niya.

Gem : Letse siya!

Kate : Hindi mo ba siya type?

Gem : Hindi ko din alam e. Aaminin ko walang dull moments kapag kasama siya. Full of surprises. Kapag weekends nga bigla na lang siyang susulpot sa bahay hindi ko naman mapauwi kasi kaclose na niya lahat.

Kate : At least, alam mong seryoso siya sa hangarin niya kahit lagi siyang nagbibiro sa klase. Si DJ palagay mo magbabago pa kaya iyon? Weird e.

Gem : Parang hindi mo naman kilala si DJ. May sariling mundo talaga iyon. Nahihiya siya magtanong kapag hindi makasunod sa mga lessons. Kaya naiiwan siyang tulala sa kaiisip kung paano at anong nangyari sa isang lecture.

Kate : Oo nga sa totoo kang mas madali pa turuan ang kapatid kong bunso e.Pero magaling siya magdrawing.

Gem : Talaga? Hindi ko alam yon a.

Kate : Oo, ganda nga e. May kopya nga ako ng gawa niya. Pakita ko sayo minsan. (nakangiti at may excitement)

Gem : Hmmmm. Masasabi ko lang na maganda ang gawa niya kung ako ang i-sketch niya.

Tawanan...

Kate : Puro ka talaga kalokohan.

Gem : Hindi kalokohan yon. Maganda talaga ako.

Sa classroom, naging rigid na ang praktis. Tinutukan ni Teacher Nantes ang bawat cast para mag-improve ang bawat isa.

Teacher Nantes : Everyone, pagbutihin ang pagbigkas. Huwag kainin ang salita.

Mervin : (kay Kate) Pansin ko si DJ ang pinakamaraming kinain na salita. Tumataba na nga e.

Kate : What do you mean? Ayos naman ah.

Mervin : Tanungin mo si Rico.

Kate : Ano bang sinasabi nitong si Mervin? Ok naman si DJ ah.

Rico : Balde balde na ang kinain ni DJ. Puro plano wala namang sinabi.

DJ : Hoy, makinig nga kayo kay Ma'am.

Mervin : (pabulong) Pare baka gusto mo na sabihin kay Kate.

DJ : Huwag ka nga maingay. Baka marinig noong tao.

Mervin : (sigaw) Kate may aaminin daw si DJ.
DJ : Tunay kang kaibigan pre. (dismayado)


Abot tenga ang ngiti ni DJ at Rico.

Kate : Ano yon DJ?

DJ : Ah e.(kakamot sa ulo)

Mervin : (kanta) Sabihin mo na.



Kate : Ano? Niloloko nyo yata ako e.

DJ : (nakapikit at mabilis na nagsalita) Punta ka mamaya sa bahay may ibibigay ako.

Mervin : Yes!!!

Gem : Hoy Mervin! Magbayad ka na sobrang ingay mo.

Mervin : Hindi pa ba sapat na kabayaran ang pagmamahal?

Gem : Kung maibibili yan ng props, tatanggapin ko.

Mervin : Alam mo Gem, kapag siguro tahimik na ako mamimiss mo ako.

Gem : Kapal mo. Malabo mangyari yon.

Mervin : Dare?

Gem : Sige. Anong pustahan natin?

Mervin : Kapag namiss mo ako need mo makipagdate sa akin.

Gem : Kapag hindi?

Mervin : Sagot ko ang gastos sa props at date ni DJ at Kate.

Kate : Bakit naman ako nakasama? Bakit naman kami magdedate?

Mervin : Gusto ko lang. Tsaka hindi naman ako matatalo.

Gem : Sige deal yan.

Mervin : Ihanda mo na ang pinakamaganda mong damit at magdedate tayo sa payatas.Baahahaa

Gem : Yabang mo talaga.

DJ : Sana matalo ka para ubos pera mo.

Rico : Sus.. Gusto mo lang maka-date si Kate.Kate gusto mo makadate si DJ???

itutuloy...



Bata batuta


Siguro lahat naman dumaan sa pagkabata. At nakakatuwang isipin kung ano ang itsura natin kapag may sumpong o nagtatampo. Hindi ko mapigilang mapatawa kapag naipipinta ko sa isip ko ang itsura ko kapag bagong gising ako. Naku kapag wala ako sa mood kahit ang paborito kong pagkain di ko pinapansin. May pagkakataon din na iniiyakan ko ang mga bagay na di ibigay sa akin kaya para tumahan ako, ipapaubaya na ng kuya ko pero itatapon ko din, tampo na e. Pakiramdam ko kasi kawawang-kawawa ako.

Funny isn't it? Nostalgic? I know. Pero hindi sa pagkabata ko iikot ang kwento kundi sa ginawa kong bata. Oo, masarap maging bata pero mas masarap pala gumawa ng bata. Kaya sa edad na 18, tatay na ko noon. Umiral kasi ang kalandian ko pero wala akong pinagsisihan, ewan ko lang ang nanay ng anak ko.

Girlfriend ko since grade six si Maggie. Nagsimula nga lang ang lahat sa pagiging escort at muse sa class officer at other org hanggang sa maging seryosohan. Isang beses naisipan ko siyang halikan, umiyak nga siya kasi akala n'ya nakakabuntis ang first kiss. Nagalit pa nga siya e, kasi naman sa mga napapanood ko sa tv kapag sinagot ng bidang babae ang bidang lalaki e magkikiss na sila. Hindi pala ganun.

Then noong high school, sabay kami pumapasok. Tagabitbit niya ako ng gamit at tagapunas ko naman siya ng pawis kapag may basketball game ako. Kapag weekends naman, biking ang bonding namin tska badminton, siyempre nagpapatalo. Cute kasi siya kapag nang-aasar. Lumalaki pa nga ang butas ng ilong niya.

College. Tanda ko nagrereview kami ni Maggie dito sa bahay para sa final exam noon, pauwi na nga siya nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Naghintay kami tumigil ang ulan, naisipan namin magkape muna para mainitin. Pero kakaibang init ang aming naramdaman. Nagsimula nga lang iyon sa isang kiliti sa tagaliran tapos titigan. Hayun nabuo si Irvin. Napakacute. Nagtampo pa nga si Maggie kasi mas naunang binigkas ni Irvin ang Papa kesa Mama.

Ngayon, may kalikutan na si Irvin. 3 years old na kasi. Natatawa ako kapag nagtatampo siya sa akin. Hindi makausap at ayaw kumain kapag di napagbibigyan ang gusto. May pinagmanahan kasi. Madalas ko kasi siyang pinipigilan tumakbo. Natatakot akong madapa siya at masugatan. Sa isip ko, bakit ko pa siya tinuruan lumakad kung ayaw ko siya patakbuhin? Kaya pinagbibigyan ko na siyang tumakbo, babalik naman siguro 'yon kapag nagutom. Madami na siyang tanong at napakahirap ipaliwanag ang sagot sa isang bata. Tulad kahapon, tinatanong niya kung bakit may pawis ang aso sa ilong pero wala naman sa balahibo. Sa totoo lang hindi ko din alam.

Hay buhay, asarap gumawa ng bata, mahirap naman mag-alaga. Masarap maging bata pero mas masarap maging tatay.

Teka, nasaan si Maggie ngayon. Nasaan siya? Nasa delivery room. Nagluluwal ng kasunod ni Irvin. :)

__
Fiction

for play (3)


for play = para sa play (iskul-iskulan play)

request story lang. gagamitin daw sa play ni DJ.

Topic : high school life...

----------
Mga tauhan

Teacher Nantes - class adviser, play director
DJ - bobong estudyante at palaging lumilipad ang isip
Kate - presidente at pinakanangunguna sa klase
Rico - matalik na kaibigan ni DJ.
Joel - gwapong manliligaw ni Kate.
Gem - tagalista ng maingay at matalik na kaibigan ni Kate
Mervin - Kenkoy ng klase. May lihim na pagtingin kay Gem.


-------

-------


DJ : Practice na tayo Juliet sabi ko.

Kate : What man art thou that thus bescreen'd in night. So stumblest on my counsel?

DJ : I know not how to tell thee who I am:
My name, dear saint, is hateful to myself,
Because it is an enemy to thee;
Had I it written, I would tear the word.

Kate : Aba! Galing ah, wala ng hawak na manuscript.

DJ : Ganda kasi ng tutor ko e.

Kate : Anong connect?

DJ : Ikaw ang matalino kaya dapat alamin mo..

Kate : Sus. Practice na nga lang tayo masama ang epekto ng slurpee sayo.

Naging abala ang klase sa kani-kanilang role. Si Mervin abala din sa pangungulit sa kanyang nararamdaman para kay Gem habang si DJ naman ay namimilipit kung itinatago ba ang feelings para kay Kate o sasabihin ito at bahala na si spongebob sa kasunod. Sobrang dami niya kasing insecurities at alam niya sa sarili na wala siyang panama kay Joel.

Mervin : Hoy!!! (inalog si DJ) Ano yan?

DJ: W-wala wala. (itinatago ang kapirasong papel sa likod)

Mervin : Hmmm. Kabado ka ah. Rico? Naiisip mo ba ang naiisip ko?

Rico : Oo. At naamoy ko din. Sugod!!!! (Hinawakan ni Rico ang dalawang braso ni DJ habang si Mervin naman ang umaagaw ng hawak na papel ni DJ)

Mervin : Bwahaha!!! Love letter nga corik!! Dear Kate, Kumusta ka? (tawa) Alam mo sa bawat araw na magkasama tayo napapangiti mo ako.. Nagkaroon ng dahilan ang pagpasok ko sa bawat araw. (tawa)

DJ : (inagaw ang sulat) Akin na nga yan!!

Rico : Pambihira! Pambata ang sulat oh! (tawa ng tawa habang inihahampas ang dalawang kamay sa binti.) Corny mo boy!

DJ : Akala ko ba mga kaibigan ko kayo? Bakit kayo pa ang nauunang pagtawanan ako?

Mervin : Iyon na nga e. Kaibigan mo kami tapos hindi mo man lang kami kinukunsulta. Tsaka tol, kung magtatapat ka, daanin mo kung saan ka magaling. Sa simula pa lang kasi ng letter mo wala ka ng pag-asa e.

Rico : Oo nga. Magaling ka sa drawing. Doon mo ilabas ang feelings mo tapos lagyan mo na lang ng simpleng love quotes, matalino naman si Kate kaya maiintindihan niya na type mo siya.

Mervin : Tapos sa mismong play, magtapat ka ng harapan na type mo siya. Tiyak matatalbugan mo ang kagwapuhan ni Joel.

DJ: Salamat. Hindi ko naisip iyon ah.

Rico : Kaibigan mo kami. Hindi mo na kailangan magpasalamat.

Mervin : Convert mo na lang sa meryenda ang salamat na yan.

DJ : Tara!


Matapos mauto ng dalawang kaibigan si DJ, dumeretso na sila ng practice. Isang linggo na lang kasi ay magaganap na ang play. Pagkakatapos naman ng practice ay balik buhay estudyante sila.


Gem : Kate, tulungan mo naman ako dito. Hirap kasi ng assignment natin hindi ko maisip ang sagot.

Mervin : Ako kasi lagi nasa isip mo kaya nahihirapan ka. Huwag kang mag-alala iniisip din kita.

Gem : Assuming ka naman boy!

Kate : Cute nyo naman maglambingan.

Mervin : Naiinggit ka naman Kate.

Gem : Bakit naman maiinggit si Kate e may Joel siya? Naku kung itataboy niya si Joel, hihingin ko siya.

Kate : Ano ka ba?! Tulungan na lang kita diyan sa assignment huwag natin isingit si Joel.

Mervin : Tsaka Gem, kung ibigay man sayo, anong silbi ni Joel kung ako lagi ang hanap-hanap mo. Napakaswerte mo dahil dumating ako sa buhay mo.

Gem : Makapal ang mukha mo! Tumahimik ka na. Mag-aaral kami.

Mervin : Sige. Tatahimik ako pero di ko mapipigilan ang puso kong isigaw ang pangalan mo.

Kate : Sweet nyo ah. Out of place ako a.

Gem : Huwag kang magpapaniwala diyan Kate. Corny mo baka matuka ka ng manok Mervin.

Mervin : Okay lang basta ikaw ang manok.

Katahimikan....

Ilang minuto ng kulitan dumating si Joel.

Gem : Bestfriend, palapit ang totoong Romeo mo.

Kate : Sino?

Mervin : Si DJ?

Gem : Si Joel. Ano ka ba?

Joel : Excuse me. Kate, hindi ka ba busy mamaya? Birthday kasi ni Mommy, alam mo naman gusto niyang nandoon ka.

Kate : Oh, muntik ko na malimutan. Sige pupunta ako.

Mervin : May practice kayo mamaya ni DJ ah.

Kate : Text ko na lang siya. Then pupuntahan ko na lang siya sa bahay nila.

Joel : Sunduin na lang kita mamaya. Sige may klase pa ako.

Gem : Ingaaat. (kinikilig)


Sa classroom.

Teacher Nantes : Kamusta ang practice ng lines Kate? DJ?

Kate : Smooth po. Wala naman po problema.

DJ : Ok na Ma'am, magaling po si Kate magturo.

Mervin : Oo nga. Pati puso mo tinuruan.

Umugong ang tawanan at kantyawan.

Teacher Nantes : Kumusta naman ang fund raising Gem?

Gem : Ok naman po. Parang sponsor na nga po si Mervin e.

Teacher Nantes : At least may pakinabang siya.

Mervin : Magmahal lang naman kay Gem ang purpose ng buhay ko e..

Rico : Hanep talaga. Lakas mo.

Mervin : (pabulong kay DJ) Tol may date si Joel at Kate mamaya. Hindi ka pa ba didiskarte?

DJ : Eh anong gagawin ko? Pigilan sila?

Rico : Hindi tol. Kapag kayo ang magkasama ni Kate, magparamdam ka na. Alangan naman si Kate pa magtanong sayo?

DJ : Susubukan ko.

Matapos ang klase sinundo agad si Kate ni Joel. Parang hiniwa ng blade ang puso ni DJ. Samantalang si Mervin ay masayang masaya dahil siya ang maghahatid kay Gem. Sa pagkakataong ganito, ang plaza ang nagsisilbing kaibigan ni DJ.

Inilabas niya ang kanyang sketch pad at ang bagong bili niyang charcoal pencil. Hinintay niya ang paglubog ng araw para iguhit ang itsura nito tuwing dapit hapon. Sa pagkainip, sinimulan niyang igalaw ang kanyang kamay. Sa pagkakataong ito, walang siyang pattern o modelo. Lahat ng linya ay galing sa nararamdaman. Nabuo ang isang imahe base sa idinikta ng kanyang puso. Si Kate ang nasa sketch pad. Lumakas ang pintig ng kanyang puso.

DJ : (sa sarili) Inlab na talaga ako? Hindi pwede. Masasaktan lang ako. May Joel na siya. Hindi siguro tama na magtapat ako. Masisira ang magandang pagkakaibigan naman. Masaya na akong nakikipagbiruan sa kanya.

Ginusot ni DJ ang papel na may sketch ng mukha ni Kate. Itinapon niya ito sa sobrang asar sarili. Hindi niya namamalayan na lumipas na ang hinihintay niyang paglubog ng araw.

BLAGG!!!

DJ : Aray!!! Ano ba---?

Kate : Nandito ka lang pala. Galing ako sa bahay n'yo di ka pa raw umuuwi.

DJ : Bakit mo ba ako binatukan? Lagi naman akong nandito e.

Kate : Text ako ng text sayo, di ka naman sumasagot. Bayad sa naaksayang load ang bawat batok.

DJ : Sorry! Abala ako sa sketch ko.

Kate : Ito pa isa. Uhmm (binatukan ulit si DJ)

DJ : Sumobra ka na ah!! Para san naman iyon?

Kate : Dito. (ipinakita ng gusto na papel na may sketch ng mukha niya.) Bayad sa pagkakalat mo ng mukha ko sa plaza. Kamukha ko ah. Sayang naman itinapon mo lang. Bakit nga pala ako ang nakadrawing dito at ginusot mo pa?

itutuloy....


for play (2)




DJ : Sandali lang. Tatapusin ko muna ang sketch ko.

Kate : Bilisin mo. Ipakikilala kita kay nanay para alam niya kung sino ang kasama ko kapag may praktis tayo. Mahirap mapagalitan.

DJ : Wow. Dedicated ah.. Good!!!

Kate : Aba dapat ikaw din. Mahirap magulpi ng buong klase.

Katahimikan.. Nagkibit balikat lang si DJ.

Itinuloy muli ni DJ ang pagguhit habang nakamasid sa kanya si Kate. Sa larawan makikita ang anino ng dalawang puno na animo'y dalawang taong magkausap. Isang babae at isang lalaki. Sa gilid nito ay ang lumang plaza na may namasyal na tao. Napapangiti si Kate habang nagiging malinaw ang drawing. Sobra sobra ang paghanga niya. Buhay na buhay kasi ang larawan kahit lapis lang ang ginamit ng kaklase.

DJ : (stretching) Tara na!

Kate : Galing mo naman! Tapos na agad. (namilog ang mga mata.)

DJ : Gusto mo sayo na lang?

Kate : Pwede? Sure ka? Promise? Hindi ka nagbibiro?

DJ : Oo. Yes. OPo. Hindi.

Iniaabot pa lang ni DJ ang drawing ay agad na itong hinila ni Kate sa pag-aakalang babawiin pa ito ni DJ.

Kate : Salamat!! (binatukan si DJ)

DJ : Aray!! Talaga bang may ganun?!

Kate : Oo. Kung may reklamo ka pwede kang gumanti pero magbest actor ka muna kung wala namang reklamo, kailangan mo ng masanay. (Nakapeace sign)

DJ : Parang hindi ako makakaganti ah.

Kate : Take it as a challenge dude. Dapat ikaw ang best actor this year.

DJ : Susubukan ko.

Kate : Gawin mo. At nasa tabi mo lang ako. Kaya yan! (binatukan ulit si DJ saka tumakbo palayo ng plaza.)
After a week, naging abala na ang lahat sa play. Bawat section kasi ay magkakalaban kaya binigyan ng kanya-kanyang role ang bawat estudyante. Siyempre ang masisipag ang in-charge sa props at ang mga shy-type naman ang extra o gaganap bilang puno para makatotohanan ang paggalaw ng mga dahon.

Sa tuwing mawawala si DJ, alam ni Kate na nasa plaza lang ito. Halip na sa guidance office, ang plaza ang naging venue ng praktis nila. Kapag weekends naman, tinutulungan ni Kate mag-aral si DJ. Naging supportive naman ang parents ni DJ sa acting career nito kaya todo ang pamamalita ng mga ito sa mga tsismosa at maton ng nayon.


Teacher Nantes : Dahil kulang tayo sa funds kailangan nating mgfund raising.

Mervin : Naisip ko na yan Ma'am, naunahan nyo lang ako sabihin.

Gem : Sus. Humangin na naman.

Mervin : Alam mo Gem, napakasweet mo talaga sa akin. Lagi mong naaappreciate ang presence ko.

Teacher Nantes : Hmmm... Ang naisip kong fund raising ay internal. At ikaw Gem ang iaassign kong magmonitor.

Gem : Po? Ano naman pong role ang gagawin ko?

Teacher Nantes : Tagapaglista ng maingay. Base sa discipline officer kayo ang pinakamaingay na klase. Para mawala ang record na iyon, iilista mo ang maingay at sisingilin ng limang piso.

Mervin : (Tumayo sa ibabaw ng silya) Where is democracy? Where is FREEEEDOM??

Teacher Nantes : May reklamo ka Mervin?

Mervin : Eh Ma'am, kahit yata absent ako, ililista ako ni Gem. Ako kasi lagi ang nasa isip nyan.

Class : Uyyyyyyy!!!!!!

Rico : Yan si Mervin. Turuan mo naman itong kaibigan ko ng mga diskarte.

DJ : Huwag ka ngang maingay diyan.

Teacher Nantes : Nasaan nga pala si Kate?

Rico : Kapag po si Kate ang nawawala si DJ po ang salarin.

Teacher Nantes : Hmmm. I smell something huh. Mukhang nagiging totohanan ang role a.

DJ : Hindi po. Hindi po.

Teacher Nantes : Biro lang. Oh nasan ba si Kate?

DJ : Nagrereproduce lang po ng script.

Mervin : I smell L-O-V-E. Alam na alam ah kung nasan ang kapartner. (singit ni Mervin)

Teacher Nantes : Ah ganun ba? Bakit di mo sinamahan ang Juliet mo Romeo?

DJ : May kasama na po siya... si Joel.

Mervin : I smell J-E-A-L-O-U-S-Y .

Gem : Start na po ba Ma'am ang paglilista? Malaki po kasi ang kikitain natin kay Mervin.

Mervin : Sige payag ako basta sa puso mo isusulat ang pangalan ko.

Gem : Patawa ka.

Rico : Pasok ang banat ni Loverboy!!!

Teacher Nantes : Enough... Guys.. Guysss. Back to practice.

Nagtungo si DJ sa may sulok. Sinimulang bigkasin ang kanyang linya. Hindi siya makapag-concentrate kaya kumuha siya ng walis na kunwaring si Juliet. Ilang linya pa lang, may biglang kumapit sa balikat niya.

Rico : Pre. Balita ko si Joel ang Romeo ng kabilang section. Bigatin ang kalaban mo a. Karibal mo na sa titulo, karibal mo pa kay Kate Winslet mo.

DJ : Hindi ko naman tol hinangad manalo. Hirap nga ako sa mga lines e. Kung hindi nga lang ipinamalita ni Nanay na ako ang Romeo, matagal na akong umurong dito. At hindi ko type si Kate.

Rico : Talaga? Eh bakit namumula ka kapag si Kate ang usapan.

DJ : Hindi aah. (may pagkairita)

Rico : Hayan na si Kate.

DJ : Kasama si Joel?

Rico : Joke lang. Obvious na..

DJ : Bahala ka nga. Praktis na ako. Sige!

Sa plaza, may ilang oras ding naghintay si DJ sa pag-aakalang dadating si Kate. Nasanay na kasi siyang basta na lang susulpot ang kaklase pero walang Kate na dumating sa plaza.

Sa bahay nina DJ.

Kate : Tao po! Tao po!

DJ : Oh ikaw pala Kate.

Kate : Oh. (Iniaabot ang isang baso ng slurpee)

DJ : Ano yan?

Kate : Peace offering.

DJ : Wala ka naman kasalanan ah.

Kate : Wala ba talaga? Bakit nakasimangot ka diyan?

DJ : Madaya ka!!!!

Kate : Bakit?

DJ : Alam mo kasi ang kiliti ko. Akin na yan. ( inigaw ang slurpee.)

Kate : Sorry kung naghintay ka kanina. Nakapagpromise kasi ako kay Joel na lalabas kami. Hindi--

DJ : Its ok (putol ni DJ sa sasabihin pa ni Kate).. Pasok ka bago pa kita suntukin sa mukha. (smiling)

Kate : Subukan mo nga. (binatukan si DJ)

DJ : (sa sarili) Kung hindi ka lang mahalaga sinuntok na talaga kita.

Kate : May sinasabi ka?

itutuloy....