Skinpress Rss

tres amor


'Mommy, mahal ko si Xyra at wala ka ng magagawa para pigilan ang pagmamahalan namin!' matapang na sumbat ko kay Mommy.

'Oo nga po, nagmamahalan po kami ni Joven. Handa po akong ipaglaban siya kung kinakailangan.' pagtatanggol ni Xyra.

'Punyetang pagmamahal yan! Six years old pa lang kayo. Hindi ka pa nga tuli Joven eh!' sigaw ni Mommy sa akin matapos kng itananan si Xyra noong mapagalitan siya sa bahay nila.

'Wala namang bastusan Mommy!' Napakamot pa ako sa ulo at halos mamula na parang hinog na kamatis.

'At ikaw Xyra umuwi ka na. Huwag kayong masyadong manonood ng fairy tale masama ang epekto noon sa bata.'

Imagine, nainlab na agad ako at the age of six. Siguro puppy love nga ang tawag dun. Kami lang kasi ang playmate nun. Tulad ng ibang bata akala din namin kapag hinalikan ng lalaki ang babae eh mabubuntis na. Funny?!
Nung prep kami magkasabay kami umuuwi sinusundo ko si Xyra sa classroom nila then inihahatid ko siya sa bahay nila. Kapag weekends naman, namamasyal kami together kasama ang alaga naming aso. Masaya.
Naluha nga ako nung lilipat ng bahay sina Xyra. Napagalitan siya nung ayaw niya sumama. Kaya yun naisipan namin magtanan pero dahil bata lang kami wala kaming nagawa kundi maghiwalay. Yes, I cried. I will miss her.


'Ate anong magandang gift sa girl?' tanong ko sa nakababatang kapatid ni Mommy.

'Bakit? May girlfriend ka na ba?' usisa ni Ate Macy. Mapang-asar ang ngiti niya at labas pa ang malalaking ngipin.

'Ah e, wala pa. Gusto ko lang ligawan. Turuan mo naman ako ng tips. Close na kami kaso nahihiya ako magtapat.'

'Hay naku! Joven pag-aaral mo ang asikasuhin mo.' Narinig pala ni Mommy ang aming usapan akala ko pa naman nasa palengke siya. 'Hindi kasama sa gastos ko ang pambili ng regalo para sa mga kalokohan na yan.'

'Wala akong kinalaman ate ha,' pagmamalinis ni Ate Macy.

Second time ko nainlab at muling napuranda. First year High School ako noon. Daig ko pa ang anak ng presidente ng Malacañang dahil todo bantay si Mommy sa kilos ko. Pinabantayan pa ako dun sa nerd kong pinsan kaya hirap akong dumiskarte. Buti na lang may mga extra curricular activities sa school kaya nagkakaroon ako ng time na dumiskarte. Madalas kami magkita sa may football field ng school. Doon kasi bibihira ang tao. Kahit bawal ang PDA sa school pasimple ko siyang niyayakap. We sat together then we kissed. Smack lang sa lips dahil takot kaming may makakita. Two days after, nakareceived ang parents ko ng letter from the discipline office. In short, may nakita sa amin noong nagkiss kami. Suspended kami. Umabot sa nagkihawalay na kami ng tuluyan dahil hindi nagustuhan ng parents niya ang kahihiyang inabot nila. Hindi ko alam kung sang parte ng Pilipinasa ipinadala. Ang alam ko lang sa kapatid ng Mama niya sa nakatira. Katwiran nila mali daw ang pag-ibig na nararamdaman namin. Oo nga, sila ang matanda pero hindi sa lahat ng pagkakataon sila ang tama. Paano magiging mali ang pag-ibig? Dahil ba sa kami ay bata? O dahil hindi talaga pag-ibig ang tawag dun. Well, hindi kailanman naging mali ang pag-ibig, ang tao lang na involved dito ang nagkakamali. Pero kahit mangatwiran ako talo pa din. Magulang sila e. At mahirap din naman ang may kasamaan ng loob sa bahay. Pordesekentaym arawd, I cried. This time, may kirot sa dibdib ko ang paghihiwalay namin.

'Ate Macy, meet my girlfriend,' taas noo kong magmamalaki kay Ate.

'Pasok, kanina pa kayo hinihintay ng mommy mo.'


Wala ng pagtutol galing kay Mommy matapos kong ipakilala ang girlfriend ko. Siguro dahil tapos na ako ng pag-aaral at may maganda na akong trabaho. Naging mahirap nga ang pagkikita namin noong college kasi patakas palagi. Madalas nga sa outreach programs kami nagkikita. Kapag may time at pera syempre pumupunta kami ng fine dining resto. Treat na rin namin sa sarili at bonding na din. Kahit nga mata lang namin ang nag-uusap alam namin ang tamang sagot sa bawat ngiti at lungkot. Iyon na siguro ang tinatawag na 'language of love'.

This time alam kong love na 'to. Hindi na ito puppy love, hindi ito laro at hindi na ito maling pag-ibig. Next month ikakasal na kami. I promise to give, and will always strive to have, a comfortable life for her and our children. It may not be extravagant, glamorous lifestyle or a lavish fortune; but we will always get by, and that I am sure of that.

Ay! Oo nga pala third time ko na pala itong mainlab. Mainlab sa pangatlong pagkakataon sa iisang tao. Kay Xyra.