Hanga ako sa bawat Pilipino. Sa kabila ng trahedya ay nagagawa pang tumawa. Kasi alam nilang kayang bumangon ng pinoy. Mabuhey!!!!
Bilang pasasalamat ng mga nasalanta, bibigyang daan ko ang sulat ng isang survivor.
Dear Manong LRT Driver,
Nais kong magpasalamat sa lahat ng tumulong nitong nakaraang bagyo. Naging mahirap ang buhay para sa amin ng aking pamilya at kabarangay. May pagsisi din kasi galing kaming probinsiya. Naniwala kasi kami sa pelikula na kapag lumuwas ng Maynila ay gaganda ang buhay. Naging squatter tuloy kami sa Paranaque buti na lang tinulungan kami ng lokal na pamahalaan para mabigyan ng magandang relocation site. Pero napilitan kaming paupahan para magkaroon ng extra income. Kaya hayun naging squatter kami sa QC. Tinulungan kaming muli ng local goverment. Inilipat lahat ng squatter sa Cavite. Maganda ang lugar. Kaya lang noong naanalyze ko na magboboom ang Wellness Industry ay pinaupahan ko yung bigay na bahay sa isang sikat na SPA. Kaya lumipat kami sa Marikina bilang squatter muli. Hindi pa man kami nakakaadjust ay binaha na kami. Kaya ito ang munti kong tula para magpasalamat sa lahat.
salamat sa de lata
kahit walang kasamang abre lata
salamat sa damit
lalo nasa brief
kahit halatang gamit
salamat daw sabi ni lolo sa bagong pustiso
makakanguya na daw siya ng tocino
salamat sa karne
kahit supporter ako ng PETA
salamat sa tulong ng gobyerno
hindi na ako magrereklamo
dahil hindi ako nagtatax
salamat sa pagkain nakalagay sa styro at plastic
dagdag na naman sa basura
salamat sa bayaning artista ng kapuso't kamilya
dahil diyan alam ko na ang kung sino ang may upcoming teleserye at pelikula
salamat sa video coverage
feeling ko tuloy isa akong artista
salamat sa pulitiko
lalo sa talent fee ko
salamat sa mga pulis
buti may pakinabang na kayo
salamat, salamat at salamat .
Nagpapasalamat,
Andoy
Dear Andoy,
Shemas ka!!