Skinpress Rss

OPEN LETTER TO COMPUTER SHOP OWNERS


Madalas akong tumabay, chumika at lumandi doon sa computer shop na malapit sa bahay. May suggestion lang ako sa mga shop owners na pakikapit sa inyong establisment ang sumusunod:

Sampung Utos Sa Computer Shop

1. Huwag tumawa ng malakas lalo na kung nag-iisa. Magshare ka naman para hindi mukhang tanga.
2. Kung napapautot maaring lumabas muna. Huwag basta na lang iputok.
3. Huwag mangupit sa nanay. Sa tatay na lang.
4. Mag-aral ng mabuti para hindi kami masisi.
5. Maligo at magtoothbrush muna bago magrenta.
6. Uminom ng holy water matapos magtrash talking.
7. Huwag manood ng porn. Mawawala ang purpose ng aircon.
8. Huwag maingay may naglilista.
9. Huwag palitan ang desktop wallpaper. Lalo ng picture ng mga taong pinagnanasaan.
10.Huwag ligawan ang taga-bantay. May syota na yan.

Kung ang mga sumusunod ay kaay-aya sa inyo kung maari sana ay idikit sa pinto, dingding, bowl, noo, baga, atay at balunbalunan.

-panjo